Language Of Flowers II
Nagbago ako simula nang makilala kita Kale. Ngunit nang maglaho ka sa paningin ko, naging miserable ako. Pero dahil ipinakita mo sa akin kung gaano kasayang mabuhay, nagpatuloy ako. Sa sandaling panahong nakasama kita, puro saya ang naramdaman ko. Wala nang iba pang papalit sayo. Kahit hindi natupad ang pangako natin sa isa't isa, alam kong nasa tabi lang kita.
Hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit sino man.
Mananatili ka sa puso ko.
"Drake, kanina ka pa nakatingin sa bintana. Sinong tinitignan mo?" Napalingon ako sa babaeng nasa likuran ko.
"Hm? Wala naman." Sabi ko't pumunta siya sa kinauupuan ko pagkatapos ay sinilip ang bintana.
"Siya ba? Nakuha niya ba ang atensyon mo?" Tanong niya sa akin habang tinuturo iyong isang estudyanteng lalaki na nakaupo sa damuhan, ilang saglit lang ay umalis na siya sa sa pagkakaupo at lumakad na kasama ang isang lalaki..
Tumango nalang ako, pero sa totoo lang hindi ko talaga siya tinitignan dahil may iniisip ako.
"Senior High Student siya. Anak siya ng isang mayamang pamilya at may kumpanya pa nga sila na nakikipag-cooperate din sa iba't ibang ahensya dito sa bansa natin. Pero balita ko may masamang gawain siya. Sumasama siya sa frat at sabi nila, binebenta niya ang katawan niya.. That's a rumor though. Ewan ko kung totoo.." Nagtaka ako nang sabihin niya iyon..
"Hindi ba't mayaman sila? So bakit niya ibebenta ang katawan niya? Rumors are not true." Sabi ko rito.
Nakita ko siyang ngumiti, "Drake, pwede ba tayo lumabas mamayang gabi?" she asked out of the blue.
Tinignan ko siya ng ilang segundo..
"Sure, Why not." I replied.
I don't really care. This girl is just one of my s*x friends actually, and she's inviting me often. Well it's good to have fun sometimes. Pero iba ang sayang nararanasan ko dati. Then again, I remembered Kale.
Hindi ako nanliligaw dahil si Kale lang ang gusto't mahal ko. Marami ang umaamin na may gusto sila sa akin but I would always turn them down. Iba na ako ngayon, kalmadong tao na ako kung ikukumpara sa dati, maraming nagbago sa akin. Isa lang ang hindi, iyon ay ang pagmamahal ko kay Kale.
"People change. Memories don't."