9th Flower - Ambrosia

2081 Words
The 9th Flower: Ambrosia —"Love is reciprocated." === December 25 Christine's POV Nakasuot ako ngayon ng isang dress, yung damit ni Santa Claus yun nga lang pambabae. Ako kasi yung emcee ngayong Christmas Party. "Magandang gabi sa inyong lahat.." Nagsalita na ang kasama kong lalaking nakapang santa claus rin. Siya ang kasama ko ngayong magsasalita. Nasa stage kami at marami nang estudyanteng dumalo sa party.. "Magsisimula po ang ating Christmas Party after 5 minutes. Maaari po muna kayong mag-sayawan." Pagkatapos kong sabihin iyon ay nagpatugtog muli ang DJ ng mga party songs. Habang ako naman, bumaba ng stage at pasulyap-sulyap kung saan-saan dahil baka makita ko si Drake.. "Hindi siya darating.." Halos tumigil na ang puso ko sa pagtibok nang marinig iyon. Paglingon ko ay nakita ko si Ms. Trina.. "M-Ms. Trina.. Good evening.." Naglabas ako ng pilit na ngiti. "Halika, sumunod ka sa akin.." Narinig kong sabi nito, lumakad siya at hindi ko alam kung saan kami pupunta pero sinundan ko pa rin siya.. Umalis kami doon sa school ground kung saan ginaganap ang party. Pumunta kami sa tapat ng laboratory kung saan walang katao-tao. Ngunit may ilaw.. "A-Ano pong ginagawa natin dito?" Tanong ko.  "Kung si Drake ang hinahanap mo, hindi siya makakapunta. Nasa dorm siya ngayon.." Napayuko ako nang sabihin niya iyon.. "Yesterday, nasa Ospital siya't bugbog sarado." Napaangat ang ulo ko nang sabihin niya iyon. Anong ibig niyang sabihing bugbog sarado si Drake?! A-Anong nangyari sakanya?! "Madaling araw, pinagtulungan siya ng 18 na lalaki. Pagala-gala siya sa labas, ang sabi niya hindi tinanggap ni Kale ang nararamdaman niya." Hindi ako makapaniwala nang sabihin niya iyon, ngunit natahimik nalamang ako. "Tinanong ko siya kung gaano niya kamahal si Kale, ang sabi niya.. "Mahal niya si Kale to the point na wala na siyang paki-alam sa mga nangyayari." Doon ko na nailabas ang luha ko. Bakit si Kale pa? Ano bang meron kay Kale na wala ako? Ang nasa isip ko.. "Huwag kang umiyak. Kung gusto mong mapanatag ang loob mo. Puntahan mo si Kale. Nasa playground siya at nakaupo sa bench ng mag-isa." Nang sabihin niya iyon, tumakbo agad ako.. Gusto kong malaman ang tunay na nararamdaman ni Kale kay Drake..  Gusto ko i-clear ang lahat.. Gusto kong guminhawa ang pakiramdam ko.. Nang makatapak na ko sa playground, hinabol ko ang hininga ko't napahawak sa tuhod. Tumingin-tingin ako sa lahat ng bench at nakita ko si Kale na naka-suit, nakatingin sa kalangitan.. Nang makita ko siya, gusto ko kaagad siyang sumbatan, awayin, dahil bakit ba ang swerte niya't nagustuhan siya ni Drake samantalang ako  na dati pang pinagmamasdan si Drake.. Wala manlang magandang nangyari. Lumuha ang dalawang mata ko ng sobrang init at dahan-dahan akong lumapit kay Kale.. Narinig niya ang pagsingot ko't napatingin sa akin. "Christine.." nakita ko yung naguguluhang ekspresyon niya.. "Kale.. May gusto lang akong linawin.." pagkatapos ay bumuhos ang luha ko ng tuloy-tuloy.. Bakit ba ako.. Bakit ba ako umiiyak sa harapan ng karibal ko? "M-May... Gusto ka ba kay Drake?" Ang sabi ko habang pinupunasan ang luha ko.. Natatakot ako isasagot niya.  "...Wala." Ang narinig kong sagot nito.. Napaiyak ulit ako nang sabihin niya iyon.. "SINUNGALING KA! BAKIT BA NAPAKA-SINUNGALING MO?! INAGAW MO NA SIYA SA AKIN DAPAT MASAYA KA NA NGAYON!" Hindi ko na napigilang humagulgol. Wala akong narinig na anumang salita sa kanyang bibig. Kaya nang tignan ko siya.. Nagulat ako nang makita ko ang luha sa dalawa niyang mata.. Napaiyak ulit ako lalo, "BAKIT KA BA UMIIYAK?! ANG PLASTIK MO! I-IKAW NA NGA ANG UMAGAW. BAKIT HINDI MO TINANGGAP YUNG NARARAMDAMAN NIYA?! AKO NA GUSTONG-GUSTO MARINIG ANG SALITANG 'MAHAL KITA' SAKANYA, HALOS MAPAGOD NA AKO SA KAHIHINTAY! P-PERO BAKIT IKAW? ANO BANG MERON SAYO NA WALA AKO? SABIHIN MO!" Umiyak ako ng umiyak sa harap niya habang sinusumbat ang mga nararamdaman ko.. "H-Hindi ganoon kadali yon.." Narinig kong sabi niya na ikinatahimik ko.  "B-Bakit? Dahil ba sa lalaki ka?" suminghot ako.  "H-Hindi.. Wala yung kinalaman sa kasarian ko." Nakita ko ang pag-tulo ng luha niya.. "HINDI KITA MAINTINDIHAN! SINUNGALING KA! SIGURADO AKONG MASAYANG-MASAYA KANA NGAYON! BAKIT BA HINDI MO NALANG SABIHIN ANG TOTOO?" Umiiyak na sabi ko.. "Oo. Aaminin ko, masaya ako.." Natahimik ako sa sinabi niya, at nagulat ako nang magtuloy tuloy ang kanyang pag iyak. Paano niya nagawang umiyak sa harapan ko? Pero wala na akong pakialam. Siya ang umagaw sa kasiyahan at minamahal ko. "Hindi kita maintindihan. Kung masaya ka ay bakit hindi mo tinanggap ang pagmamahal nya?" tanong ko habang umaagos ang luha mula sa aking mata. "Sinabi ko nang hindi ganoon kadali yon." Inulit niya muli. Umiyak ako ng umiyak, "BAKIT BA HINDI MO MASABI SA AKIN NG DIRETSAHAN?! PAANONG HINDI NAGING GANOON KADALI?! ALAM KONG MAHAL MO RIN SI DRAKE! KAYA TIGILAN MO NA ANG PAGPA-PANGGAP! O BAKA NAMAN NAAAWA KA LANG SA AKIN? HINDI KO KAILANGAN NG AWA!" ang sigaw ko habang humahagulgol. "Oo! Mahal ko si Drake! Masaya kana? Mahal ko sya! Gusto mo bang malaman kung bakit hindi ko tinanggap ang nararamdaman niya? Gusto mo ba?! Hindi sa lahat ng oras kailangang masaya ka! Alam mo ba yon?" Narinig kong balik niya sa akin habang patuloy na umiiyak. "G-GUSTO KO MALAMAN!" pasigaw na sagot ko. Narinig ko ang paghagulgol niya.. at ang mga katagang.. "Paano ako magiging masaya kung ang taong mahal nya ay malapit nang mamatay?!" Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Natahimik ako, at siya patuloy lang sa pag-iyak. Anong.. sinabi niya? Malapit na mamatay? "M-Malapit nang mamatay?" tanong ko. Iniangat niya ang ulo niya't tumingin sa akin, "oo tama. Hindi man ako sigurado.. Pero nakakaramdam na ako. Sa tingin mo ba, magiging masaya si Drake sa akin kung ganito ang sitwasyon ko?"  "Hindi ka pa naman sigurado. Bakit pinangunahan mo ang sarili mo sa nararamdaman mo para sakanya?!" Sumbat ko rito. "Kasi ayoko siyang malungkot!" Umiiyak niyang tugon.. Hinawakan niya ang noo niya't itinaas ang humaharang na buhok, at nanlaki ang mata ko nang makakita ako ng malaking peklat rito. "N-Nakikita mo ba to? Itong nasa gilid ng noo ko?" Halos manginig na ako sa kinatatayuan ko.. "Regalo to sakin nung bata pa ko. Dahil dito, kaya ako nahihirapan ngayon.." Nang sabihin niya iyon ay nalinawagan ako..  "TANGA KA BA? DAHIL LANG SA MALIIT NA PROBLEMANG IYAN, HINDI MO NA SUSUNURIN ANG UTOS NG NARARAMDAMAN MO?! SASABIHIN KO LANG TO SAYO, OO TAMA KA NA HINDI SA LAHAT NG ORAS KAILANGANG MASAYA KA, MINSAN AY.. KAILANGAN MO RIN MAGING MASAYA!"  Nakita ko ang pagkabigla sa mata niya. Hindi niya napigilang mas lalo umiyak nang sabihin ko iyon. Bakit ko ba siya binibigyan ng payo? Hindi ba dapat masaya ako dahil nagparaya na siya? O kaya dahil imposible ang relasyon nilang dalawa? Pero bakit.. bakit ba sobrang na gu-guilty ako? "Sigurado akong, kung ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon.. ganito rin ang gagawin mo." Narinig kong sabi niya sa akin. Ilang segundo ay nagsalita ako.. "Bakit ba napaka-negatibo mo? Kung mahal mo ang isang tao, sabihin mo sakanya! Lahat tayo, may karapatang sumaya! Eh ano naman kung nararamdaman mong malapit ka na mamatay? Hindi iyon hadlang sa pagmamahalan niyo.. Gusto kong, mapanatag na ang loob ko! Kaya please.. Sundin mo ang nararamdaman ng puso mo." Hindi ko akalaing sasabihin ko ito sakanya ng umiiyak.. Kung may mabait na tao man sa mundo, ako na siguro yon.. Ako na ang nasaktan, ako na rin ang nagparaya. Umiiyak pa rin siya. Itinuloy ko ang sinasabi ko, "your life is not worthless. Dapat ay magpasalamat ka dahil binigyan ka ng pagkakataon ni God na mabuhay at maranasan ang pagiging buhay sa mundo.."  "Dapat ba talaga ako maging masaya? Pakiramdam ko hindi dapat. Sumira na nga ako ng relasyon, tapos ako pa ang may karapatang sumaya? B-Bakit mo ba ito sinasabi sa akin ngayon?! Gusto ko nang mamatay nang walang pinagsisisihan!" "Mali ka! Kung mamamatay ka man ngayon, sigurado akong pagsisisihan mo ang mga nangyari!" balik kong sabi sakanya. "Bakit? Paano mo nagagawang sabihin iyan sa akin? Diba mahal mo si Drake? B-Bakit mo siya pinaraya ng ganun-ganun lang sa isang tulad kong mahina ang loob? T-Tignan mo nga oh, umiiyak pa ako ngayon sa harap mo.."  Mga ilang segundo pa ako bago sumagot.. "Diba sinabi ko naman na? Lahat ng tao, may karapatang lumigaya at kasama na roon si Drake! Kung masaya siya sayo, sige! Papalayain ko na sya! Pero nung malaman kong hindi mo tinanggap ang nararamdaman niya. Nagalit ako sayo! Hindi ko alam na nasasaktan ka rin pala. Tayong tatlo, nasasaktan dahil sa pagiging makasarili natin! Ayokong pagsiksikan ang sarili ko sa inyong dalawa kaya ako na ang nagparaya! Kaya please.. Kale, puntahan mo na siya at sabihin mo na ang nararamdaman mo.." Yumuko ako matapos ko iyon sabihin. Ilang minuto nagkaroon nang katahimikan. Narinig ko ang pagsinghot niya.. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagtayo niya sa upuan. Napaluha ulit ako. For the last time.. Sana mapanatag na ang loob ko pagkatapos nito.. "N-Nasa.. Dorm siya ngayon.."  Natatakot akong iangat ang ulo ko. "Christine.." Narinig ko ang seryosong tono nang sabihin niya ang pangalan ko.. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko, at nabigla ako nang makita ko siyang nakangiti habang sinasambit ang katagang.. "Salamat." Doon ko na-realize.. Kung ano ang nagustuhan ni Drake sa kanya.. Tumango ako at nagbalik din ng ngiti.. Pagkatapos nun ay tumakbo na siya paalis.. Iyon ay ang ngiti niya. "First time kong makakita ng tunay ng drama.." Napalingon ako at nakita ko si Ms. Trina. Pinunasan ko naman yung mata ko.. "M-Ms. Trina.. Kanina pa ba kayo ryan nanonood?" Tanong ko. Nakakahiya naman, nakita niya pa ako matapos kong sabihin lahat ng iyon. "Oo. Halika na, bumalik na tayo doon Ms. Santa Claus, dapat masaya ka ngayong Christmas. Kanina ka pa hinahanap ni Mr. Santa Claus.." Tumawa naman ako. "At sino sa tingin mo ang may kasalanan non?"  *** Drake's POV Nakatunganga akong nakahiga sa kama dito sa dorm. Tumakas kasi ako sa Ospital kagabi, ayoko nang mag-stay doon kahit na masakit pa rin ang katawan ko.. Habang nakatingin sa kisame, hindi ko maiwasang isipin si Kale.. Dalawang araw na rin ang lumipas matapos niya hindi tanggapin ang nararamdaman ko. Ngunit hanggang ngayon, mahal ko pa rin siya. Okay lang sa akin kung hanggang kaibigan lang, as long as na kasama ko siya.. Masaya kasi ako.  Sabi ni Kale, pangit daw ako ngumiti. Pero bakit na-in love sa ngiti ko si Christine? Ayoko nang mag-isip pa. Ngayon yung Christmas Party, hindi ako dumalo. Syempre, nandito nga ako sa dorm at hindi makagalaw. Tanging ako lang at yung guard na nagbabantay dito sa Dorm ang nandito.. Bumuntong hininga ako. Ang hirap makagalaw. Paano ko na-manage umalis sa Ospital na yun? Hindi ko na maalala.. Ah, oo tama. May babaeng tumulong sa akin makapunta dito sa Dorm na maganda na nasa 30+ at mukhang may asawa na rin. Salamat sa babaeng yun.. Ayoko na kasi talagang manatili pa doon sa Ospital.  Halos lumabas na ang puso ko dahil may biglaan nalang kumatok.  "S-SINO YAN?" sigaw ko. Sino naman ang taong kakatok sa pintuan ko ng ganitong oras? Baka si Ms. Trina? Pero hindi na yun kumakatok, basta pasok nalang yun ganoon din si Jerome. Mga ilang segundo pa siya bago sumagot.. "S-Si.. Kale.." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Kale. Tumayo agad ako sa kinahihigaan ko pero ang hirap pa rin talaga! Lalo na nung i-force ko tong katawan ko! Parang mababali lahat ng buto ko eh!  Pero, wala na akong paki ngayon dito. A-Ano kayang kailangan ni Kale? P-Pero di bale na, gusto ko siya makita ngayon.. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan at dinadalian ko pa. Baka kasi mainip siya at umalis nalang bigla.. Ayokong mangyari yun dahil gusto ko munang linawin ang lahat sakanya. Binuksan ko na rin ng dahan-dahan ang pinto. Nabigla ako nang makita ko siyang naka-suit at hinihingal, mukhang tumatakbo ata siya kanina pa.. Iniangat niya yung ulo niya at mas lalo akong nabigla nang makita ko ang pamumula ng mata niya.. "K-Kale? A-Anong.." Nauutal-utal na tanong ko. Wala na akong maisip na ibang bagay dahil lumalakas na ang t***k ng puso ko. "D-Drake.. M-Mahal mo pa rin ba ako?" Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon.. "B-Bakit mo?" Hindi ko nasasabi lahat-lahat ng gusto kong sabihin, pero bakit niya iyon tinanong? Ano ba ang dapat isagot ko? "D-Drake.. Please, sagutin mo nalang.." Wala akong sinabing iba kundi tumango nalang ako.. Nagulat ako nang umiyak siya. "B-Bakit? K-Kale.." Mas lalo naman akong nagulat nang niyakap niya ako. "Kale.."  "Drake.." Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.. At sobrang lakas naman ng t***k ng puso ko.. "Drake, malinaw na sa akin ang lahat..." Nagulat ako nang sabihin niya iyon.. "K-Kale.. Ibig sabihin ba..? Binabalik mo na sakin ang nararamdaman ko para sayo?"  Tumango siya at nakayakap pa rin sa akin hanggang ngayon. Sa sobrang saya ko, nawala ang sakit ng katawan ko. Niyakap ko nalang din siya, gusto ko man siyang tanungin kung paano? Bakit? Hindi ko na ito nagawang itanong dahil busy ang labi ko sa paghalik sakanya. Hindi ko alam na ganito pala ang magmahal.. Masakit pero.. Masaya kung ibinalik niya ang nararamdaman mo. === vote. comment. share
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD