The 8th Flower: Oleander —"Caution"
===
December 24: 1 AM
Drake's POV
Pagala-gala ako ngayong madaling araw, naghahanap pa rin ako ng sagot kung bakit hindi tinanggap ni Kale ang bulaklak na ito. Habang hawak-hawak ang isang tulip na dadalwa nalamang ang petal..
Simula nang sabihin niya sa akin ang mga salitang iyon, hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Paano niya masasabing makakalimutan ko rin siya? Bakit niya ako ni-reject kahit na alam ko naman ang nararamdaman niya. Kung dahil lamang iyon sa nakaraan niya, hindi problema iyon sa akin..
Gusto kong..
Makilala pa siyang mabuti.
Gusto kong,
Makasama siya.
Gusto kong,
Tanggapin niya ang nararamdaman ko.
Ngunit ang oo-ng inaasam ko, napalitan ng 'sorry.'
Galit ako. Galit ako sa mundo!
Bakit ba kung kailan may gusto akong isang bagay, hindi ko pwedeng makuha? Pinaparusahan na ata ako..
Kailanman ay hindi pa ako nagdasal.. Hindi ako humingi ng tulong sa Diyos..
Pero ngayong napatunayan kong hindi ako manhid, gusto ko isigaw na mahal ko ang isang tao.
Sinipa ko yung batong nasa harap ko at nang sundan ko ito ng tingin, nakita ko ang mga adik na lalaki sa harapan ko.
Nakatingin sila sa akin ng masama at binabaan ako ng tingin..
"Naghahanap ka ba ng away?" tanong nila sa akin ngunit hindi ko sila sinagot.
"Hoy, sumagot ka!" Pinaligiran nila ako, yung iba ay may hawak na pamukpok at yung iba naman ay wala..
"Teka.. Kilala ko yang batang yan! Diba siya si Dragon? Balita ko tinigilan na niya ang pakikipag-away.." Narinig kong sabi nung matabang lalaki. Bakit ba lagi nalang akong napapasok sa gulo? Siguro nga hindi talaga ako bagay maging isang normal na taong may normal na pamumuhay.
Tumingin ako sa bulaklak na hawak ko..
Pero, tinuruan ako ng isang tao kung paano mamuhay ng tama. Nung mga araw na iyon, masaya ako. Halos wala akong problema.. Tinuruan niya ako kung paano ngumiti.. Tinuruan niya ako kung paano tumawa.. Tinuruan niya ako kung paano magsaya.. At nalaman ko nalang bigla na mahal ko na pala siya.. Iyon pala ang tinatawag nilang 'love', akala ko.. Isa lang iyong bagay sa mundo na walang kwenta. Dahil kahit ako, hindi nakaranas ng pagmamahal.. At dahil doon, inilagay ko sa ibang bahagi ng buhay ko ang pagmamahal.. Ang sabi ko sa sarili ko, 'Bakit ako magmamahal, kung ako nga ay hindi nakaramdam ng pagmamahal?'
Pero iba pala ang bagay na iyon..
Habang buhay ka, makakapag-mahal ka. Habang buhay ka, may pag-asa. Habang buhay ka, pwede kang mag-bago. Iyon ang ibang bagay na natutunan ko kay Kale..
Nagulat ako nang biglaan nalang hablutin nung lalaking nasa harap ko ang hawak kong bulaklak..
"T-Teka—!"
"Alam mo, kung kinakausap ka, makinig ka! Tsaka, ano ba tong bulaklak na to ha?! Hahahaha! Ito ba yung dragong sinasabi nila? Eh parang walang binatbat to satin eh!" Nakita ko ang paghulog niya sa bulaklak na binili ko para kay Kale at tinapak-tapakan ito..
Gusto kong magalit..
Gusto kong sumigaw..
Yung bulaklak na binili ko para sakanya.. Yung bulaklak na pinaghirapan kong bilhin.. Yung nag-iisang bulaklak na magpapahayag ng pagmamahal ko kay Kale..
Nasaksihan ko ang walang tigil na pag-tapak niya rito. Hanggang sa ang pulang tulip na iyon ay biglang naging isang maruming bulaklak, wala nang natira sa mga bahagi nito... Hindi ko nagawang mag-salita, hindi ko nagawang kunin.. Ang tanging naririnig ko lamang ay ang mga tawa nila..
Doon na ako nag-simulang magalit, at muli ay nagbalik ang pagnanais kong makipag-bugbugan.. Hindi ko napigilan ang sarili ko't sinimulan kong salakayin ang mga nakapalibot sa akin..
Wala nang pwedeng makapag-pigil sa akin..
Mag-isa lamang ako't napakarami nila. Pinagtulungan nila ako.. Nagkaroon ulit ako ng sugat, pasa, sa iba't ibang bahagi ng katawan. Tumigil lang sila sa pambu-bugbog sa akin nang makita nila ang mga nagda-datingang pulis.
Naiwan ako doong bugbog sarado..
Nakahiga at parang mamamatay na..
Pero sa kabila ng lahat..
Sinubukan ko pa ring abutin ang tinapak-tapakan na bulaklak..
Kahit na halos hindi na makagalaw ang katawan ko ganoon rin ang kamay ko..
Na-manhid na ang lahat..
Hanggang sa unti-unti nang manlabo ang paningin ko.
***
8 AM
Nagising ako bigla at napabangon. s**t! Ang sakit ng katawan ko..
Nang tumingin-tingin ako sa kapaligiran, nakita kong nasa isang puting kwarto ako, in short Ospital. Nakakumot ako at may dextrose sa kamay. At sobrang sakit pa rin ng katawan. Naramdaman ko naman yung malambot na tela sa may pisngi ko, mukhang nilagyan ata nila para maghilom yung sugat..
Tumingin ulit ako sa kung saan-saan, walang nagbabantay sa akin. Syempre, sino pa nga ba ang magbabantay? Wala. I'm not feeling lonely though. Sanay na ako..
Tinanggal ko ng pa-puwersa ang dextrose na naka-tusok sa kamay ko. Bakit? Wala akong pambayad no..
Dahan-dahan kong iginalaw yung paa ko upang makababa sa higaan. Pero ang sakit pa rin makagalaw. Napansin ko rin na, nag-iba ang kasuotan ko. Nakakainis lang kasi alam niyo yung pinasusuot nila sa baliw sa mental? Yun yon eh!
Nang maabot ko na ang sahig, (mukhang tatlumpung minuto ko pa ata iyon bago magawa) Dahan-dahan naman akong tumayo. Kahit na naginginig pa ang mga binti ko. Ngayon lang ako nakaranas ng ganito katinding sakit!
Nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto..
Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya nakatigil lang ako doon habang nakatitig sa nagbukas.
"HOY! SINONG MAY SABING TUMAYO KA DYAN?" Halos mabingi na ako sa sigaw ni Ms. Trina. Ano bang ginagawa ng babaeng to dito?!
Lumapit siya sa akin at piningot ako..
"ARAY! ARAY! HINDI MO DAPAT GINAGANYAN ANG MGA TAONG MAY SAKIT!"
"Anong may sakit? Eh hindi ka naman magka-ka-ganyan kung hindi ka sakit sa ulo! Akala ko ba tinigilan mo na ang pakikipag-away? Humiga ka ulit at baka mahampas pa kita!" Sabi niya't binitawan na ang tenga kong pulang-pula na dahil sa pingot niya..
"Oo na!" Bakit kasi hindi ako makagalaw ng maayos?! Kainis! Naabutan pa tuloy ako ng babaeng to dito!
Humiga ulit ako sa kama, yung higa na nakaupo.
"Balita ko pinagtulungan ka ng 18 na lalaki kaninang madaling araw.." narinig kong sabi niya habang nakaupo sa upuang tabi ng higaan ko..
"Wow. Nabilang mo? Ako nga hindi ko sila mabilang sa sobrang dami nila.." Sabi ko sa panlolokong tono, ngunit natanggal din ito't naging malungkot ang ekspresyon ko..
"oh? Eh bakit ka kasi pagala-gala? Binalik mo nanaman ulit yang libangan mo? Akala ko ba nagbago kana?" Bumuntong hininga ako..
"Hindi ako nagbago.. Siguro, matatawag mo lang iyon na 'break time'" Ang pagsisinungaling ko..
"Speaking of break, balita ko wala na daw kayo ni Christine?" Nanlaki ang mata ko nang sabihin niya iyon. Bakit ambilis kumalat ng balita? Pinagsasabi ba yun ni Christine sa mga ka-klase niya?
Hindi ako nakapag-salita..
"..At ang ipinalit mo raw sakanya ay si Kale." Mas lalo akong nagulat nang sabihin niya iyon.. S-Sinabi ba ni Christine?! Pati iyon?! Sigurado akong.. Usap-usapan yun sa school kung totoo nga ang hinala ko. Hindi naman kasi normal yung lalaki-to-lalaki na relationship.
"P-Paano mo..?" Ang nasabi ko nalang..
"Don't worry. Sa akin lang iyon sinabi ni Christine," Guminhawa ang pakiramdam ko..
"habang nag-kwe-kwento siya, hindi niya maiwasang mapaiyak alam mo ba yon?" Mas lalo pa akong nalungkot nang malaman iyon. Nararamdaman ko ang nararamdaman ni Christine ngayon, sigurado akong hindi niya ito matanggap. Yung pakiramdam na 'masakit'
Masakit pa sa sugat ko sa katawan ngayon..
"P-Pumasok ba si Kale?" hindi ko naiwasan iyong tanungin..
"Hm? Oo. Pumasok siya. Pero nakita ko siyang laging nag-iisa at mukhang malungkot. So tama nga na may gusto ka sakanya?"
Tumango ako bilang sagot..
"Sinabi mo na ba?"
Tumango ulit ako..
"Anong sagot niya?"
Mga ilang segundo lang ay.. Umiling ako.
"R-REJECTED?"
Tumango ako.. Masakit mang aminin ay tinurn down niya ako. Pero, hindi maaalis sa nararamdaman ko na mahal ko pa rin si Kale.
"H-Hindi ako naniniwala sayo. Imposible." Napatingin ako kay Ms. Trina nang sabihin niya iyon..
"B-Bakit mo naman nasabi? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sakanya..
Matagal bago sumagot si Ms. Trina..
"Alam kong may gusto rin sayo si Kale. P-Pero.. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko o mali." Naguluhan ako sa sinabi niya..
"A-Ano? Pwede paki-ulit? Di ko naintindihan." Sabi ko..
"Nevermind! Wag mo nalang ako pansinin.." Sabi niya habang may confuse-look.
Ilang minuto kami natahimik dahil sa hindi siya nagsalita at parang malalim ang iniisip niya..
"By the way, a-attend ka ba bukas para sa Christmas Party?" tanong niya bigla sa akin. Ano yun? Change topic?
"Sa tingin mo ba a-attend ako sa ganitong sitwasyon?"
"Uh.. Whatever! Sige. Mauna na ako. Kung malakas kana, pwede kana ulit magpabugbog.." Sabi niya at tumayo na sa kinauupuan niya..
Nang mahawakan niya na yung door knob ng pinto at lalabas na sana, bigla siyang napatigil sa pag-galaw at nilingon ako..
"Drake.. Mahal mo ba si Kale?" Nagulat ako nang tanungin niya iyon..
"..O-Oo.. Mahal ko siya." Ang sagot ko ng habang nakatingin sa palad ko..
"Gaano mo siya kamahal?"
"M-Mahal ko siya, to the point na.. Wala na akong paki-alam sa lahat basta makasama ko lang siya..." Sagot ko ulit. Bakit niya ba tinatanong ang lahat ng to?
"Oh. Okay." Nakita kong ngumiti siya at lumabas na ng kwarto..
Totoo ang sinabi ko. Makasama ko lang si Kale, wala na akong paki-alam sa kahit ano mang mangyari basta nandyan siya sa tabi ko. Ganoon kalalim ang pagmamahal ko sakanya.
Hindi ko alam kung paano nagsimula ang pagtingin ko na to sakanya. Basta masaya ako sa tuwing kasama ko siya.. Hindi ako napapagod.
Yung one thing na gustong-gusto ko kay Kale ay yung ngiti niya..
Pero syempre kasama na rin doon ang pagiging weird niya.
Nalungkot ako bigla..
Paano kung, biglaan niya nalang akong tratuhin na hindi kilala? Minsan, hindi ko talaga alam kung ano ang nasa isipan ni Kale..
Hindi ko pa rin maaalis sa isipan ko..
Yung sinabi niyang sorry.
At hindi ko rin nagawang makuha yung bulaklak na dapat naibigay ko na sakanya.
Gusto ko lang namang makita siyang ngumiti. Ngunit imbis na makita ko ang ngiti niya, luha ang nakita ko.
At imbis na 'Thank You' o 'Oo' ang marinig ko. 'Sorry' ang ibinalik niya sa akin.
Iniisip ko palang iyon..
Parang gusto ko ulit magpabugbog ng magpabugbog..
Dahil mas masakit pa ang nararamdaman ko dahil sakanya, kaysa sa sakit na nararamdaman ko dahil sa sugat na natamo ko.
Totoo nga ang sinasabi nilang..
Masakit magmahal.
===
vote. comment. share