7th Flower - Striped Carnation

3983 Words
The 7th Flower: Striped Carnation —"Refusal" === December 20 Drake's POV "Okay class. Let's start the discussion." Nagtaas ako ng kamay at nakita kong tumingin lahat ng ka-klase ko sa akin.. "What is it Mr. Lee?" He asked. "Uh-Uhm.. W-Wala pa po kasi si.." tumingin ako sa upuan ni Kale. Normally, hindi siya nala-late ng ganitong oras. Late kaya siya o absent? O siguro na overslept lang dahil gabi na kami nakauwi? "Oh! I forgot to say, Mr. Castro would be absent today because of personal reasons." Personal reasons? So absent nga siya ngayon pero hindi dahil sa na-overslept siya? Bakit kaya? Tsaka.. WAIT! Sinabi ko bang 'po' kanina lang? Nahuli ko namang nakatingin sa akin yung mga ka-klase ko, yung mukhang 'anlaki ng pinagbago niya'. Anlaki ba talaga ng pinagbago ko? Siguro.. Sa tingin ko rin eh. Simula nang dumating si Kale.. Tumigil ako sa pakikipag-away, um-attend na ako ng klase, umuuwi na ako sa dorm, minsan na lang ako gumala at nag po-'po' na rin ako. Kailan ko pa nakuha yung pagiging ganito ko? Pero.. Nung malaman kong absent siya ngayon parang bumalik ulit sa dati yung mundo ko. Ewan ko? I was wondering, who would be the one to follow me around? Or the one who am I going to have lunch with? Wala na akong maisip since si Kale lang ang laging kasama at nakaka-kwentuhan ko. At napansin ko rin na masaya ako sa tuwing kasama ko siya, napapangiti niya ako at parang nagiging iba ako.  Kahapon din, bakit ba gustong-gusto ko makita yung ngiti niya? Bakit ba sobrang excited ako nung pumasyal kami? At parang hindi ko na ata mabilang yung ilang beses na ngumiti ako kahapon... Pero ngayon, knowing na wala nang mag a-accompany sa akin dito sa buong school.. Ewan ko kung bakit. Bakit parang nalulungkot ako? Naalala ko yung mukha ni Kale nung pinagmamasdan niya yung bulaklak na gusto niya doon sa flower shop. Para siyang batang walang pambili ng candy. Napangiti na lang ako bigla sa mga oras na to. Ang lungkot talaga pag wala si Kale.. May naisip nalang ako bigla.  Paano kung bilhan ko nalang kaya siya? Kaso ang mahal ng isang pirasong bulaklak na yun. Tsaka, saan ako makakakuha ng pera? Wala naman akong mauutangan, wala naman akong trabaho.. Trabaho? Oo nga pala. Trabaho.. TRABAHO NGA! As in.. T-R-A-B-A-H-O. *** "Ms. Trina, may alam ka bang pwedeng pag-trabahuan?" nandito ako ngayon sa Library at kasalukuyang tinatanong itong si Ms. Trina.. Ewan ko? Parang naging magalang na rin ako sakanya these past days.. "Hm? Trabaho? Napaka-unusual naman ata. Isa pa, hindi pwedeng mag-trabaho ang isang estudyanteng gaya mo. Pero.. Siguro pwede sa lakas mo. Meron kasi akong alam, pero matanong ko lang. Para saan naman?"  "Uh-Uhm... Kasi, may bibilhin lang sana ako para kay Kale."  "Kay Kale? Hm.. Napansin ko rin, lagi kayong mag-kasamang dalawa, at ever since na nag transfer siya dito, nag-bago ka. I wonder why.." Kumunot naman yung noo ko sa sinabi niya.. "Sabihin mo nalang kung may alam ka!" Ayan, bumalik tuloy ulit yung dati kong ugali.. "Okay. Okay. Ayoko nang inisin ka, actually.. Meron akong alam. And I think it will suit you." "Ano ba yun? Wag mong sabihing taga-tinda ng manok? That's out of my league.."  Natawa naman siya, "No way! Hindi yun noh.. Sa construction. Pero ano bang ibibili mo kay Kale?"  "Basta! Secret ko na yun!" "Ikaw ah! May pa-secret-secret ka pa! But anyway.. Siguro bukas pwede ako, mag-me-meet tayo in front of the station.." "HA?!! BUKAS PA?" "Bakit? May reklamo ka?"  "Wala. Wala. Sabi ko nga." Paalis na sana ako nang marinig ko muli siyang mag-salita.. "But be careful, baka may motives kana para kay Kale." Napangisi ako, pagkatapos ay itinuloy ko na ang paglalakad.. Ako? At si Kale? That's impossible. Pero, siguro nga.. Kasi, ngayon lang.. Hindi ko na siya maalis sa isip ko. I may be in love, but.. "DHIEEE~ KANINA PA KITA HINAHANAP!" But I have a girlfriend and that's her.. Kumapit siya sa braso ko at nakisabay mag-lakad. "Oh? Bat parang bad mood ka? Where's Kale? I often saw you with him.."  "Absent siya ngayon." Matapos ko iyon sabihin ay natahimik kaming dalawa at bumitaw sa pagkakakapit sa akin si Christine. "D-Drake.. Gusto mo? Sabay na tayong mag-lunch?" Tumingin ako ng ilang sandali sakanya pagkatapos ay tumango nalang ako. Since wala si Kale ngayon, pwede naman siguro akong sumabay kay Christine.. *** "Drake! Say AH~"  "Tumigil ka nga Christine!" Sabi ko sabay subo ng kinakain ko. "Sus! Ang arte naman nito. Sa inaakto mong yan, parang hindi tayo nag d-date.."  Natahimik nalang ako. Wala naman talaga akong gusto kay Christine, but surprisingly, tumagal kami ng ganito. Ewan ko? Natatakot ba akong sabihin sakanyang break na kami? O natatakot akong masaktan siya at umiyak sa harap ko? Siya yung babaeng, nagawa akong lapitan ng walang takot. Habang yung iba, takot na takot lumapit sa akin o makasabay manlang ako maglakad. Siya yung babaeng, inipon ang lakas ng loob niya para sabihin sa akin ang nararamdaman niya. I wonder why.. I dated her? Awa lang ba ang nararamdaman ko? O nanghihinayang ako? Siguro.. Hinahanap ko yung taong pwedeng ma-ka-pag-bago sa akin. Subalit hindi siya iyon. Kundi si Kale. Pinagmasdan ko si Christine habang kumakain at mukhang sarap na sarap siya.. "Alam mo Drake? Wala nang sasarap pa sa pagkain kapag kasama kita. Kaso nga lang, naging busy ako dahil ako yung class president, kaya hindi na kita nasasamahan kumain. But I know.. Kasama mo si Kale." Biglang nalungkot yung mukha niya nang sabihin ang huling katagang iyon.. "Pero okay lang yun! Hindi na ako busy ngayon.. Naghahanda kasi kami para sa Christmas. Alam mo ba? Gabi yung Christmas Party naten! At may sayawan pa! Excited na talaga ako! Gusto kasi kitang makasayaw!" Sabi niya na mukhang excited na excited nga.. Bakit nga ba... Hindi ko magawang mahulog sa babaeng to? Mabait siya, matalino, maganda. Almost perfect, marami nga ang nagkakandarapa sakanya pero nang malaman nilang girlfriend ko siya, tinigilan na nila ang panliligaw. Bakit niya kaya ako nagustuhan? "Bakit mo ba ako nagustuhan?" Bigla nalang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko.. Napatitig siya sa akin ng ilang segundo, at napangiti siya.. "S-E-C-R-E-T."  Bumuntong hininga nalang ako. Syempre, secret nga eh! Bakit ba hindi ko yun maintindihan at palagi ko nalang to sakanya tinatanong? Pero.. Bakit parang hindi ako makangiti? Samantalang, pag kasama ko si Kale palagi nalang nakangiti ang muscles ko sa bibig.  "Mabuti nalang talaga at tinigilan mo na ang pakiki-pag-away mo. Mas gwapo kana ngayon! Alam mo? May ka-klase nga akong may crush sayo eh! Pero palagi kong sinasabing boyfriend na kita kaya walang sino man ang pwedeng umagaw!" sabi niya ng ngiting-ngiti. Natahimik nalang ako at sumubo na ng pagkain.. *** December 21 Nagtaka ako kung bakit hanggang ngayon eh hindi pa rin pumapasok si Kale. Ano kayang nangyari sakanya? Gusto ko mang malaman ay hindi ko na iyon tinanong dahil baka mamaya may masabi pa sila sa akin. Nandito ako ngayon sa tapat ng train station, at gaya nga ng sabi ni Ms. Trina, dito kami magkikita pero kanina pa ako lamig na lamig dito kahihintay sa kanya. Yung babaeng yun! Baka mamaya kinalimutan niya na yung sinabi niya sakin. Natanaw ko nalang siya bigla tumatakbo papunta sakin. "Antagal mo! Ano bang ginawa mo?" Naiinis kong sabi.. "Ikaw.. Dapat nga magpasalamat ka sakin dahil sumipot ako eh! Muntikan ko na makalimutan!"  "Oo na! Para mapadali, saan ba yung sinasabi mong construction site?"  "Okay. Sundan mo nalang ako." Sinundan ko siya ngunit hindi ko akalaing dadaan pa kami sa butas ng karayom para makapunta roon.. *** "Okay! Sawakas! We're here!" Ang narinig kong sabi ni Ms. Trina. "Nandito na tayo? Akala ko sasakay pa tayo ng bus, tricycle, jeep o kahit ano pang sasakyan para lang makarating dito!" ang hingal na hingal na sabi ko. "Aba! Reklamo ka pa diyan? Pasalamat ka nilibre kita!" inirapan ko nalang siya at tumingin sa iba. Nakakita ako ng mga lalaking trabahador na nagbubuhat ng malalaking kahoy at kung ano-ano pa... "Oh? Binibini! Gabi na ah.. Ano pong maipaglilingkod namin sainyo?" May lumapit sa aming lalaki na may malaking katawan, pero kung magsalita ay makatang makata! Akala mo eh nasa sinaunang siglo pa! "Ah.. Balita ko ho kasi ay naghahanap po kayo ng mga trabahador para sa ginagawa ninyong estruktura. Mayroon ho kasi akong bata dito na kailangan ng trabaho.." Napatingin sa akin yung lalaki.. "Hm.. Malakas ba yang bata mo?" Narinig kong tanong nito. Nakakainis lang! Syempre! Bakit ako papayag mag-trabaho dito kung wala akong lakas? Engot lang!? "Aba oo naman! Yan ho ang black belter sa pinapasukan ko!" Black belter?! Tss. Baka Black Belter sa panggugulpi? "Eh kung ganoon, sige! Kailangan kasi namin talaga ngayong ng trabahador. Pero pansamantala lang.. Hanggang kailan ba?" Tanong nito sa akin.. "Uhm.. Kaunti lang naman po kasi ang kailangan ko. Gusto ko po sana, ngayong 10 po ako makauwi sa amin." Sagot ko dito, ngunit alas nuwebe na.  "Hmm.. Kung iyon ang gusto mo, pwede rin naman.. Pero minimum lang ang ibibigay sa iyo, siguro mga Php318.46 lamang ang kikitain mo. Depende iyon kung babalik ka pa bukas.."  Nag-isip ako. Kung 318 pesos lang, kakasya na iyon pambili ng isang bulaklak. Pwede na rin.. Ayoko kasing mag-pagod, at baka malaman ni Kale na para lang sakanya, nagtrabaho ako, siguradong magagalit siya sa kin. "Sige po. Ayos na rin po iyon." Sumang-ayon akong mag-trabaho ng isang oras. Tutal alam ko naman na ang daan papauwi kahit na malayo. Iniwan na ako mag-isa doon ni Ms. Trina.  Nagpalit ako ng damit, at hindi ko namalayan ang oras.. Tagaktak ang pawis ko at halos sumakit na ang braso ko dahil sa mga pinapabuhat nila sa akin. Pero kinaya ko iyon lahat dahil ang nasa isip ko lang ay ang mukha ni Kale.. *** December 22 "Bibili po ba kayo?" Napalingon ako doon sa nagbebenta ng bulaklak. Nandito ako ngayon sa Del Flores Shop at tumitingin-tingin ng bulaklak habang may hawak na 300 pesos. "Uhm.. Magkano po ito?" Sabay turo ko doon sa bulaklak na nasa harap ko kahit alam ko naman kung magkano. "218 pesos at 23 centavos ang halaga ng isang iyan." "Ang mahal naman po." komento ko. Kahit na balak ko naman talaga bumili.. "Diba ikaw yung kasama ng apo ni Marga?" Napatingin ako mas lalo doon sa matanda nang sabihin niya iyon.. Apo ni Marga? Sino yun? "p-po?" Naguguluhang tanong ko. "Nakita ko kayong dalawa nung isang araw bumisita dito." Sabi nung matandang lalaki habang pinagmamasdan yung bulaklak. "S-Si Kale po?"  "Oo siya nga. Apo siya ni Marga. Una ko siyang nakita ay maliit pa siya.." "N-Nakita niyo na po siya dati?" Tanong ko rito. Na cu-curious ako, gusto ko pa magkaroon ng maraming kaalaman tungkol kay Kale. "Oo.. Ngunit hindi niya na ako kilala. Matapos mamatay ang kanyang lola, nangyari naman ang isang malagim na trahedya. Tandang-tanda ko pa nang makita ko ang batang iyon.. Na masagasaan." Nagulat ako sa sinabi niya.. "M-Masagasaan?" Gusto ko pang malaman ang lahat lahat. Alam ko na ang nangyari sakanya ngunit para sa akin, hindi sapat iyon.. Gusto ko pa siyang kilalaning mabuti.. "Oo tama.. Nakita ko siya nang masagasaan siya ng sasakyan ngunit wala manlang akong nagawa para mailigtas siya. Ang lola niya, si Marga, ang tumulong sa akin maitayo itong tindahang ito. Kung hindi dahil sakanya, malamang wala ako ngayon dito.. Malaki ang pasasalamat ko sa pamilya nila. Ngunit... Nasira ang lahat ng iyon nung araw na iyon.. ...Nakita ko kung paano tumawid ang batang iyon, nakita ko kung paano niya hinabol yung paruparong kastanyo, at nakita ko rin kung paano nanlaki yung mata niya nang makita ang rumaragasang sasakyan... Hindi nito nagawang tumigil, hanggang sa hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko nang makita ko ang nagtalsikang dugo ng batang iyon..." Natakot ako sa sinabi niya at natahimik, senyales na gusto kong ituloy ang kanyang ikinu-kuwento. "Hanggang ngayon, hindi ko magawang kalimutan ang nangyari. Hanggang sa panaginip palagi ko iyon nakikita at ang pagsumbat nila sa akin. Bakit nga ba.. Hindi ko nagawang iligtas ang batang yon nung panahong iyon? Ngunit nang makita ko siyang buhay at binata na.. Natakot ako subalit guminhawa ang pakiramdam ko..  "...Alam kong hindi niya na ako maalala dahil sa nangyari. Ngunit masaya ako dahil buhay siya, ngunit hindi ko pa rin magagawang kalimutan ang nangyari sa nakaraan. Kung nagawa ko lang sana siyang iligtas noong panahong iyon.."  Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa lahat ng sinabi niya. Hindi ko akalaing, ang hirap pala ng pinag-daanan ni Kale at ng matandang ito.. Ngumiti nalang ako bilang tugon, "Bibili po ako nito." Sabay turo doon sa bulaklak na gusto ni Kale.. "Ganoon ba? Alam mo ba ang kahulugan ng bulaklak na ito?" "A-Ano po?" "Ang ibig sabihin ng kulay na ito ay pagpapahayag ng iyong pagmamahal." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng matanda at napangiti.. "Ibibigay ko po ito kay Kale." Sabi ko rito at nakita ko naman ang pagkagulat sa ekspresyon ng matanda. Ngunit ngumiti siya.. "Ganoon ba? Ang tawag dito ay Tulip. Huwag kang malilito.. Alam kong balang araw, magugustuhan mo rin ang mga bulaklak."  Gusto ko sanang sabihin na matagal ko nang gusto ang mga bulaklak.. Simula nang makilala ko siya.. *** Napagtanto ko na, mahal ko nga talaga si Kale. Dahil sa naging presensiya niya sa akin.. Natutunan ko na siyang pahalagahan. Hindi na siya yung taong weirdo na lagi kong tinatawag. Dahil siya yung taong nakapag-pabago sa akin. Ngunit bakit hanggang ngayon, hindi pa rin siya pumapasok? Pinagmasdan ko yung bulaklak na hawak ko. Ang sabi ng matanda, tulip daw ang tawag dito. Kulay pula at ang ganda sa paningin. Sana nga lang hindi pa ito malanta.. Hindi ko pa kasi nailalagay sa flower vase sa sobrang excited kong ibigay ito ngayon kay Kale. Pero wala pa rin siya hanggang ngayon. Paano kung... Hindi na siya muli pang pumasok? Paano kung nag-transfer na siya sa ibang school at hindi manlang nag-paalam sa akin? Ayoko naman mag-isip ng negatibo pero hindi ko iyon maiiwasan. "Anong hawak mo?" Nagulat ako at agad na tinago na yung bulaklak na hawak ko si likuran ko, nakita ko si Christine sa harap ko. Paano niya nalaman ang lugar na ito? Paano niya nalaman na nandito ako? Kasalukuyan kasing nagpapahinga ako ngayon sa silong ng isang puno kung saan walang ka-tao-tao. Nag cut nanaman ako ng klase, at ang pinagtataka ko, bakit nandito ngayon si Christine eh may klase pa siya? "B-Bat ka nandito? Diba may klase ka pa?" tanong ko. "The same goes for you. Anong ginagawa mo dito? Binalik mo na ba yung dati mong habit?" Tanong niya sa akin sabay upo sa tabi ko at sandal sa katawan ng puno. Natahimik ako.. At ilang segundo ay.. "Christine.. Let's break up."  Naramdaman ko ang hanging rumagasa sa aming dalawa. Hindi ko magawang makatingin sa kanya habang sinasabi ang katagang iyon.. "H-Ha? Hindi ko narinig.." Pumikit ako at bumuntong hininga nang sabihin niya iyon.. Muli ay inulit ko, "Mag break na tayo.." Hinintay ko ang isasagot niya.  "H-Hindi pa rin kita marinig.."  "Christine. Break na tayo.." Tinakpan niya yung tenga niya, "Hindi kita m-marinig..." "CHRISTINE! STOP PRETENDING!!" Napatayo ako sa pagkakaupo and I saw her shutting her eyes tightly and covering her ears.. "AYAW KITANG MARINIG!! PLEASE.. DRAKE.." I stared at her.. "Christine.. I know this might be surprising, pero.." "AYAW KITANG MARINING! WAG KANA MAGSALIT—" "LISTEN CHRISTI—" "AYAW! AYAW! AYAW—" "CHRIST—" "SHUT UP!!! I DON'T WANNA HEAR!!" Sabi niya habang mabilis na umiiling.. "Christine.. Tigilan na natin to." "Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Ayoko!!" Tumayo siya at nakita ko ang luhang tumulo sa mata niya na ikinasakit ng damdamin ko.. I know, ayoko siyang makitang umiyak sa harap ko.. "B-Bakit ba? A-Ano bang mali sa akin? Ano bang problema?! S-Sabihin mo! L-Lahat naman gagawin ko p-para m-masolusyunan to e!" Ang nauutal na sabi niya habang pinupunasan ang luha niya.. "Christine.. Alam kong mahirap para sayo pero kasi..." "A-Ano? May mahal kang iba? Ganun ba yon? May gusto kang iba kaya hindi mo mabalik sa akin ang nararamdaman mo? O sadyang manhid ka lang?" Napatigil ako.. "Matagal ko nang alam! Dati pa.." Tumulo muli yung luha niya.. "Alam kong may gusto ko kay Kale!" Napayuko ako nang sabihin niya iyon.. At naramdaman ko ang pagsingot niya, "H-Hindi mo ba ide-deny?" Hindi ko iniangat ang ulo ko, I didn't response.. Nagulat nalang ako nang umupo siya at ipatong niya ang ulo niya sa braso niyang nakayakap sa binti niya. Naririnig ko ang sobrang pag-iyak niya.. Hanggang sa ilang minuto kami nandoon, walang ginagawa.. Patuloy akong nakatingin sakanya habang siya naman ay itinatago ang umiiyak niyang mukha sa pagitan ng braso at binti niya... Tumayo nalamang siya biglaan at nakita ko ang pulang-pulang mga mata niya at ang maputla niyang mukha, bakas sa mukha niyang umiyak nga talaga siya. I'm still worried.. I didn't know, I was this selfish. "Break na tayo." Napaangat ang ulo ko at nakita ko siyang nakatingin ng diretsahan sa akin.. May nalilito akong ekspresyon sa mukha nang sabihin niya iyon, "Break na tayo. P-Pero.. May importante lang akong sasabihin sayo.. Y-Yung sagot sa.. laging tanong mo.. ...Bakit nga ba talaga kita nagustuhan?" Oo tama.. Matagal ko na iyong gustong malaman. Bakit nga ba nagkagusto si Christine sa isang tulad ko? Alam niya namang wala siyang magiging kinabukasan sa kin. Hindi ako umimik at hinayaan siyang magsalita. "Maraming nagsasabi na, hindi dapat ako lumapit sayo nung mag-trasfer ako dito 2 years ago.." Nakita ko muli ang pagkakaipon ng tubig sa mga mata niya.. Alam kong, pinipigilan niyang umiyak.. Ayoko na muling makita iyon.. Ayoko na muling makita ang pag-iyak niya, lalo na kung ako ang dahilan. Pero ang tanga ko.. Hindi ko napigilang sabihin sa kanya iyon kanina.. "Sabi nila, masama ka raw. P-Pero.. napatunayan ko sa sarili ko na mabuti kang tao.. Nang tulungan mo ako nung may kahon akong hawak.." Kahon na hawak niya? Christine's POV FLASHBACK [2 YEARS AGO] Pinapunta ako sa teacher's lounge para dalhin doon ang tatlong kahong may mga lamang notebook. Dahil ayaw ng lahat maging presidente ng classroom, in-elect nila ako. Pumayag ako ngunit hindi ko alam na ganito pala kahirap ang maging isang class president. Wala pang handang tumulong sa akin kanina nang maki-usap ako sakanilang samahan ako bitbitin ang mga ito.. Hanggang sa, bigat na bigat na ako kabi-bit-bit ng tatlong kahon na patong patong sa braso ko. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko.. Nang biglang gumaan ang pakiramdam ko.. Parang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.. Nagtaka ako nang makitang isa nalang ang kahon na hawak ko.. Pagkalingon ko sa gilid ko, nakita ko yung isang lalaki na hawak-hawak ang dalawang kahong iyon, ang akala ko ay tutulungan niya akong bitbitin ito ngunit binitawan niya ito at nagkalat ang mga laman nitong libro at notebook. Nanlaki ang mata ko nang makita ko iyon, at nang marinig ko siyang tumawa. Kumunot ang noo ko at halos sumabog na ang sarili ko sa galit. Hanggang sa nakita ko nalang ang isang kamaong humampas doon sa mukha ng lalaki dahilan upang mapa-tumba ito sa sahig. Nang lumingon ako kung sino, nakita ko ang isang mukhang may dalawang band aid. Ang pang-basagulerong mukha, siya yung sinasabi sa akin ng mga ka-klase kong hindi ko dapat kausapin o lapitan.. Tumingin siya doon sa lalaking sinapak niya na parang tinatapak-tapakan niya ito. At natakot ako nang tumingin siya sa aking ganoon din ang ekspresyon,  ngunit laking gulat ko nang.. Makita ko ang ngiting inilabas niya.. Namula ako nang ipinakita niya sa akin iyong ngiti niya. Hindi ko akalaing sasabihan siya ng mga tao ng hindi magaganda..  Pagkatapos ng pangyayaring iyon, na-guidance siya.. Hindi ko man gustong aminin, na in love ako sa ngiti niya. Tinulungan niya akong makaganti sa lalaking nam-bastos sa akin at tinulungan niya pa akong ilagay yung mga librong nahulog sa kahon.. Nalaman kong mabuti siyang tao.. Dahil lang sa kadahilanang iyon,  Dalawang taon kong tinago ang pagka-gusto ko sakanya.. End of Flashback Drake's POV Habang kinu-kuwento ang iyon, hindi niya naiwasang umiyak. Patuloy na pinupunasan niya ang mga iyon.. Hindi ako nakapag-salita.. "G-Gusto ko sanang baguhin ka.. G-Gusto ko sanang makita ka nila bilang isang mabait.. Akala ko, ako yung taong makakagawa nun.." Patuloy na bumuhos ang luha niya, maputlang-maputla na ang mata niya.. "..Pero hindi pala. Nakikita mo lang pala ako bilang isang laruan.." "Hindi! Hindi totoo yan!" Nang sabihin niya iyon ay agad akong nag-salita.. "tama ako. Totoo naman diba? Ang sabi mo sa akin nung sabihin ko sayo ang nararamdaman ko.. Okay. P-Pero kung nagasawa kana.. Ibre-break mo na ako.." tuluyan na siyang umiyak ng umiyak hanggang sa hindi niya na muli pang kayang dugtungan ang sinasabi niya.. Sinubukan kong mag-salita, "H-Hindi naman sa pinaasa kita.. H-Hindi ko lang talaga kayang.. Ibalik ang nararamdaman mo.. Pero masaya talaga ako! D-Dahil.. Ikaw ang unang.. naglakas loob lumapit at kumausap sa isang tulad ko.. H-Habang yung iba.. Natatakot akong lapitan o sumabay manlang sa akin sa paglalakad.."  Mas lalo siyang napahagulgol nang marinig sinabi ko.. "S-SALAMAT." Ang dugtong ko. Inalis niya ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya at hinarap ako, nung una ay hindi niya magawang magsalita.. Hanggang sa naglabas siya ng isang pilit na ngiti.. "M-Masaya ako. Dahil nagtagal tayo.. A-Ang akala ko, isang linggo lang tayo o baka nga tatlong araw wala na.. Pero sabi nga nila, walang nagtatagal sa mundo. Pakiramdam ko.. Ang bilis ng pangyayari.. Sa sobrang bilis.. Hindi ko alam na magtatapos na pala.. D-Drake.." Nabigla ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko.. "M-Mahal kita." Ngumiti siya ng pilit ngunit nawala rin ito dahil hindi niya na napigilan ang umiyak. "H-Hinihintay kong, batiin mo ko  ngayong monthsary natin pero.." Nagulat ako nang sabihin niya iyon, at nang tignan ko yung date sa relo ko, 22. Gusto kong saktan ang sarili ko.. Paano ko nagawang sabihin sakanya ito ngayong monthsary namin? Hindi ko nagawang magtanim ng sama ng loob sa sarili ko.. Masyado na akong naging makasarili. "Okay lang yun. S-Sigurado akong.. Gusto ka rin ni Kale. N-Nakikita ko kasi siya na laging pinagmamasdan ka at ganoon ka rin. Hindi mo pinakita sa akin kailanman ang tingin na ibinibigay mo sakanya. G-Gusto ko ngang.. Hawakan mo ang kamay ko habang naglalakad tayo pauwi.. O kaya naman gawin yung mga bagay na ginagawa ng mag gf/bf.. Pero ako lang pala yun.." Muli ay naglabas siya ng pilit na ngiti habang siya'y lumuluha.. "Pasensya na.. Hindi mo ako pinaasa. Sadyang.. Ako lang talaga ang umasa." Pinunasan niya ang luha niya.. "P-Pero bago tayo mag-paalam sa isa't isa. G-Gusto kong... Makita yung ngiting ipinakita mo sa akin nung araw na iyon.." Nabigla ako nang sabihin niya iyon.. Tumango naman ako.. Naglabas ako ngiti sa labi ko at niyakap ko siya.. At muli ay.. Sinabi kong.. "Salamat." Narinig ko siyang humagulgol sa iyak at niyakap rin ako.. *** December 23 Nakita kong pumasok na ngayon si Kale ngunit magdamag siyang nasa clinic. Gusto ko siyang kausapin at marami akong gustong itanong sa kanya. Gusto ko ring malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Bakit um-absent siya ng ganoon katagal? Kaya naman hinintay ko siya sa isang place kung saan siya dumadaan nung uwian.. Dala-dala ko yung tulip na binili ko para sakanya, dalawa nang petals ang nahulog ngunit maganda pa rin siyang tignan. Gusto kong magustuhan niya ito.. Nang makita ko na siya paparating ay naglakad ako ng dahan-dahan papunta sakanya.. "Kale!!" Iwinagay-way ko yung kamay ko habang nakangiti. Nakita ko siyang ngumiti ngunit naging seryoso rin bigla ang itsura niya.. Nang makalapit na ako ay.. "Kale! May gusto akong sabihin..." "Sorry kung late man ako..." ang dugtong ko.. "Kale, mahal kita!" Binigay ko yung flower na hawak-hawak ko sakanya.. Nakita ko yung pagkagulat sa ekspresyon ni Kale, ang ngiting ipinakita niya ay biglaang naging lungkot.. Tinitigan niya lamang ang hawak ko at hindi ito kinuha. Siguro ay napabilis ako..  "Kale.. M-Mahal kita. Gusto kong tanggapin mo itong bulaklak.." Ang sabi, ang bulaklak na ito ay simbolo ng pagpapahayag ng iyong pagmamahal. Gusto kong tanggapin niya ang nararamdaman ko...  "P-Paano si.. Ch-Christine?" Narinig kong salitang lumabas sa bibig niya.. "S-Sorry kung masyado akong mabilis.. N-Nag break na kami ni Christine.." Ang seryosong sabi ko ngunit ngumiti rin ako..  "D-Dahil mahal kita Kale.." Sinabi ko iyon ng harap-harapan sakanya. Naramdaman ko ang pag-hangin.. Ilang segundo ay nagulat ako nang makita siyang umiyak.. "K-Kale? B-Bakit? M-May m-masakit ba say—" Natigilan ako nang putulin niya ang mga sinasabi ko.. "...A-Akala ko okay na ang lahat.. B-Bakit ka nakipag-break sakanya? M-Mahihirapan lang ako.." Naguluhan ako sa sinabi niyang iyon.. "S-Sorry Drake.." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya't pinunasan niya ang luha niya.. "H-Hindi ko.. ...Matatanggap ang bulaklak na iyan." Matapos niya iyon sabihin ay nagmadali siyang lagpasan ako, gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang tanungin.. Ano ba ang problema? Halos mapaiyak na ako sa kinatatayuan ko.. Pinagmasdan ko yung bulaklak na hawak ko't natanggal ang isang petal nito.. "A-ANO BANG PROBLEMA?!! P-PLEASE.. SAGUTIN MO KO!" sigaw ko upang marinig niya.. Ngunit hindi ako nakarinig ng sagot.. tanging.. "S-Sorry.. A-Alam kong.. Makakalimutan mo rin ako." lamang ang narinig ko.  === vote. comment. share
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD