6th Flower - Dark Crimson

1601 Words
The 6th Flower: Dark Crimson —"Mourning" === December 19: 10 PM Kale's POV Ngayon ang pinaka-masayang pangyayari sa buhay ko. Dahil dinala ako ni Drake sa isang magandang lugar. Nung una, hindi ko alam kung bakit niya tinakpan yung mata ko.. Ang sabi niya may ipapakita siya sa aking magugustuhan ko. Kaya nang tanggalin niya na ang pagkakatakip sa akin, napaluha ako nang makita ko ang isang larawang nasa harap ko.  Iba't ibang kulay ang nakita ko at iba't ibang kahulugan ang pumasok sa isipan ko. Ang ganda ng pag-ka-ka-pinta sa larawang iyon. Halo-halong bulaklak ang nakita ko sa iisang larawan. Normally, hindi maiintindihan ng mga tao ang larawang iyon, ang tanging alam lang nila ay isa lang itong larawan ng mga bulaklak na ipininta. Pero.. Nakita ko yung saya at lungkot doon sa larawang iyon, at na-curious ako kung sinong lumikha noon ngunit walang nakalagay na pangalan sa ibaba.  Matapos iyon, kung saan-saan kami pumunta ni Drake gamit ng isang bisikleta. Masaya akong naging kaibigan ko si Drake dahil nung una ko pa lang siya nakita, akala ko masama siyang tao o KJ lang talaga siya, ngunit nang maisip ko na hindi siya ganoon kasama dahil sa iniliigtas niya ako , sinundan ko siya. At hindi ko akalaing mag-uusap kami ng matagalan. Doon ko rin nakita yung ngiti niya, naisip ko na mayroon siyang magandang ngiti ngunit hindi niya ito masyadong ginagamit. Ang ngiti niyang iyon... Ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Dahil sa gusto ko ulit makita ang ngiti niya, lumabas ako kahit bawal. Ilang beses akong napagalitan ngunit okay lang iyon sa akin dahil nakita ko ulit siya sa ikalawang pagkakataon. Hanggang sa.. Hindi ko na siya maalis sa isip ko. Kaya, ang sabi ko sa magulang ko.. Kung papayagan nila akong mag-aral, mabubuhay ako ng walang lungkot sa mundong ito. Gusto kong makita muli ang ngiti ng lalaking iyon, gusto kong ngumiti rin ng ganoon katulad sakanya na walang halong lungkot. Pinayagan ako ng mga magulang kong mag-aral sa malapit na eskwelahan. Abot langit ang ngiti ko nang makita ang pangalan ni Drake doon sa classroom kung saan ako papasok. Ngunit nalungkot ako nang hindi ko siya makita sa loob ng ilang linggo.. Hanggang sa, nakita ako ni Ms. Trina'ng nakasimangot habang naglalakad sa hallway. Tinanong niya kung bakit at sinabi ko ang saloobin ko. Kaya nang pumasok nalang ako isang araw sa school, nagulat ako nang makita ko si Drake na katabi ng upuan ko.. At naramdaman ko ulit yung saya na naramdaman ko nung araw na nagkita kami.. Ngunit hindi ganoon kadali yon. Sa kabila ng lahat, hindi ko pa rin magawang ngumiti dahil sa kalagayan ko.. Imposible para sakanyang magustuhan ako. Hindi niya man maibalik sa akin ang nararamdaman ko, gusto kong mag-stay siya sa tabi ko bilang isang kaibigan. Mas mabuti iyon kaysa sa iniisip ko. Sino nga ba ang mag-ka-ka-gusto sa isang tulad ko, na payat at sobrang hina ng katawan. Para akong nakatira sa North Pole dahil sa sobrang puti ko at mukhang parang hindi nasikatan ng araw... Ang kaligayahang nararamdaman ko ngayon, ay magwawakas rin. "Hatid na kita gusto mo?" Narinig kong sabi ni Drake habang nagmamaneho ng bike na sinasakyan namin, napangiti lang ako... "Hindi na. Kaya ko na sarili ko." Sabi ko sakanya, at nang bumaba na ako sa isang bangketa.. "Sigurado ka? Baka mamaya hindi ka maka-uwi ng ligtas." Sabi niya sa akin na kinagulat ko, 'hindi ka dapat nag-aalala sa akin sa pag-uwi Drake' ang nasa isipan ko. Ngunit masaya ako sa sinabi niya at naglabas na lamang ng ngiti sa labi ko.. "Okay lang! Hindi naman ako ganun ka-malas! Ikaw rin.. Umuwi kana." Sabi ko sakanya, at nakita ko ulit yung ngiti niya.. "Sige! Una na ko.. Ingat!" Sabi niya at pina-andar na ang bisikleta habang ako naman nag-wagayway ng kamay ko. Hanggang sa pumasok na siya sa dilim at hindi ko na siya nakita.. Dahan-dahan kong ibinaba yung kamay kong nagwa-wagayway. At nabalot ng kalungkutan ang lahat-lahat sa akin. At naisip kong.. Hindi na dapat ako dumikit kay Drake. Dahil baka kung ano pang mangyari na hindi inaasahan... Matagal ko nang alam na ang taong iyon ang sisira sa akin balang araw. Nabago ko nga ang paraan ng pamumuhay niya subalit nananatiling ganoon pa rin ang kalooban niya. Si Drake ang balang araw magiging dahilan ng pagka-lungkot ko. Hindi ko hahayaang mangyari iyon..  *** Bumungad sa akin ang mukha ng papa ko nang makarating na sa bahay.Tinago ko yung papel na hawak ko sa bulsa ko. Handa na muli akong mapagalitan.. "Saan ka nanggaling Kale?" Ang narinig kong seryosong tanong nito.. "S-Sa isang.. Art Exhibit po." Ang sagot ko sakanya ng nakatungo.. "You're supposed to be here, 5 in the afternoon!" Nagtaas siya ng boses at hindi ko na alam kung ano pang isasagot ko. Nanginginig ako sa takot, alam kong mangyayari ito.. "Pero anong oras na? 10 PM! Sinabihan ka na nga namin na may health test ka ngayon sa Ospital! Ano? Gusto mo bang lumala yang sakit mo hanggang sa hindi kana makagalaw?!"  "Alam mo na nga ang kalagayan mo, but still.. You're not even listening! Para na nga to sa nakabubuti! Sabi ko na nga ba.. Hindi kana dapat namin pinag-aral!" Naramdaman ko ang pagtulo ng mainit na tubig na nang-ga-galing sa mata ko. Pinunasan ko iyon ngunit, hindi talaga ito tumitigil sa pag-buhos.. "B...Bakit?" ang tanong ko.. Sinubukan kong sabihin iyon ngunit hindi ko kaya.. Nakita ko ang emosyon ng papa kong hinihintay pa ako mag-salita. "B-bakit?! Sigurado na ba kayong gagaling ako? Sigurado ba kayong hindi lulubha itong kondisyon ko? Hindi diba! H-hindi niyo kasi.. alam... y-yung pakiramdam na n-napag-iiwanan ka ng panahon!" Napa-hagulgol na lang ako nang sabihin ko ang mga salitang nasa isip ko.. Kasabay nuon ang pagbuhos ng tuloy-tuloy na luha ko.. Hanggang sa hindi na muli pang kinaya ng paa kong tumayo sa kinaroroonan ko at napaupo ako sa sahig.. Walang tigil akong umiyak dahil masakit. Masakit ang nararamdaman ko.. Yung, yung pakiramdam na.. Kanina mo pa tinitiis ang sakit na hindi napapansin. Gusto ko lang naman... Maging masaya. Sana intindihin nila ako.. "ANAK!! NAKU! IKAW TALAGANG LALAKI KA! PINAGALITAN MO NANAMAN!" Ang sabi ni mama at inalalayan akong tumayo.  "ALAM MO NA NGANG MAS LALONG LUMULUBHA ANG KALAGAYAN NIYA DIBA! INTINDIHIN MO RIN NAMAN ANG ANAK MO! DAHIL ANAK KO RIN YAN!" Mukhang.... Mukhang ako pa ata ang magiging dahilan ng pag-aaway ng mama at papa ko. Dahil sa makasarili ako.. Hindi ko naisip na.. May mga tao na palang nasasaktan dahil sa mga kilos ko. Nang maalalayan na ako ni mama, dahan-dahan niya na akong ipinunta sa kwarto ko.. Pagkatapos ay kinausap ako... Habang ako naman hindi na umiiyak ngunit sinisinok pa rin.. "Anak.. Saan ka ba nanggaling? Alam mo namang may test ka ngayon sa Ospital diba? Baka lumala yang sakit mo.. Kanina pa nag-aalala sayo ang tatay mo eh..." sabi nito ng mahinhin habang sinusuklay ang buhok ko ng kanyang mga palad.. "K-Kasi.. P...Pumunta lang naman ako...sa isang A-Art E-Exhibit.."  "Art Exhibit?" tumango ako.. "A-Alam mo ba Ma? M-May... Nakita ako doong painting na sobrang ganda... Halo-Halo yung b-bulaklak sa painting... A-At para bang... K-Kahulugan ng buhay ang ipinapakita ng pintor... N-Nakita ko kasi yung.. lungot at s-saya doon sa.. sa painting.." ang nahihirapang kwento ko sakanya. Nakita ko nalang ang lungkot sa mukha ng mama ko.. "T-Talaga Anak?" mukhang pinipigilan niyang umiyak.. Kapag nakikita ko siyang nalulungkot dahil sa akin.. Parang... Mapapaiyak na rin ako... "Gusto mo bang kwentuhan kita? Tungkol sa... kabataan mo?" nakita ko ang isang pilit na ngiti sa pag-mu-mukha ni mama. Tumango nalang ako dahil gusto ko rin itong malaman.. "Alam kong.. malapit kana gumaling, kaya siguro hindi mo na makakalimutan ang mga kwento ko ngayon.." pilit niyang pagsasalita, tumango naman ulit ako. "Nung bata ka pa... Alam mo ba? Mahilig ka mag drawing... Dahil sa hindi ka palaging lumalabas ng bahay, iyon lang ang napag-li-libangan mo. Ang galing mo nga eh.. Kasi.. Nagawa mong ipinta ang mukha ng lola mo..." nalito ako sa sinabi ni mama.. "N-Nasan na po yung... iyon?" tanong ko. Nakita ko ang pananamlay sa mukha ni mama.. "Iyon ay, kasama na ng lola mo.. Habang nakahiga siya, yakap-yakap niya ang ginawa mong litrato.. At..." biglaan nalang tumulo ang luha ng mama ko sa mata niya na ikinagulat ko.. "M-Mama?" "Alam mo ba? A-Anak.. Sa mga sandaling oras niya.. Iniwan niya tayong... Nakangiti." Pagkatapos ay tuluyan nang bumuhos ang luha niya't hindi na ito napigilan pa.. Nagkaroon ako ng bigat sa dibdib na parang nahihirapan ako huminga.  Unti-unti kong nakita... Ang pangitain ng nakaraan... "Binigyan ako ng Panginoon ng 86 na taon para mabuhay. At sa mga taong iyon.. Marami akong natutunan.. tungkol sa buhay.. ano mang hamon ang... dumating... may karapatan pa rin tayo... maging masaya. At sa mga oras na ito..." naghihingalong sabi niya... Muli, hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.. "Wala akong pinagsisisihan." Paano ko nagawang kalimutan ang mga katagang iyon?  Ang katagang.. Iniwan sa akin ng lola ko. Bago siya mamatay.  Namatay siya dahil sa sakit. Hindi ko nagawang lumuha nang panahong iyon, dahil may pinag-awayan kami. Dahil lang sa isang maliit na bagay..  Iyon ay nung, mabasag niya nung paboritong laruan kong bigay ni Papa. Nagalit ako sakanya at hiniling na sana hindi ko na siya muli pang makita. Dahil sa iniisip ko lang ang sarili ko.. Hindi ko akalaing, hindi ko na talaga siya makikita simula nung araw na iyon.. Hindi ko napagtanto na kanina pa bumubuhos ang luha ko. At ang tanging pumapasok lang sa isip ko ay 'sorry' 'sorry' 'sorry' 'sorry' 'sorry'... Sa haba ng panahong pinagsamahan namin ni Lola. Siya ang pinaka-close ko sa pamilya, sa tuwing papagalitan ako ni papa, siya ang laging nagpapasaya sa akin. Sa tuwing may umaaway sa akin sa eskwela, siya ang lagi kong matatakbuhan. Sa tuwing may hindi ako maintindihan, siya ang laging nagtuturo sa akin. Marami akong natutuhan sakanya..  Naaalala ko na.. Naaalala ko na ang lahat. === vote. comment. share
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD