5th Flower - Honeysuckle

2232 Words
The 5th Flower: Honeysuckle —"Happiness" === December 19 Drake's POV *BELL RINGS* "Dhie!!! Tara sabay tayo umuwi." Sabi ni Christine habang nakakapit sa braso ko, kaya naman pinagtitinginan kami ng bawat estudyante. "Tumigil ka nga! Tayo na nga palaging magkasabay umuwi eh. Kay Kale na ako sasabay ngayon." Sabi ko rito at biglaan namang nag-pout yung lips niya.. "s-sige okay lang sakin. Sabayan mo na siya Drake, baka magtampo.." sa likuran ko naman, nakita ko si Kale na nangiti habang sinasabi iyon. Kahit kailan talaga, hindi maaalis ni Kale ang pagiging weirdo niya.  "Oo nga! Magtatampo ako sayo niyan~" sabi naman ni Christine habang nakakapit pa rin sa braso ko. Aysh! Naiinis na talaga ako dito sa babaeng to! Araw-araw nalang siya ang kasabay ko these past few days, at puro shopping lang ginagawa! Eh mas gusto ko pang sabayan si Kale kaysa sakanya eh! Kahit na panay kwento siya at laging ngumingiti ng walang dahilan.  But still, hindi ko pa rin akalain na magiging kaibigan ko si Kale. Dahil nga sa pagpilit niya sa aking wag nang makipag-away napasunod niya ako. Eh eto ngang si Christine kahit anong bunganga hindi ako napasunod. Pero si Kale na isang salita lang, tinigilan ko na agad itong pakikipag-away at ang resulta, halos walang kasugat-sugat ang mukha ko ngayon. Yung mukha ko kasi, kahit anong sugat, hindi nag pe-peklat. Tsaka, dati rin hindi ako uma-attend ng klase pero ngayon, hindi na ako nabo-boring sa tuwing nagtuturo yung teacher sa harap, dahil si Kale ang katabi ko at lagi niya akong kadaldalan. Naalimpungatan ako nang makitang wala na si Kale sa likuran namin eh kanina naman sumusunod lang siya.. "Si Kale?" tanong ko kay Christine. "Huh? Hindi mo ba narinig yung sinabi niya? Sabi niya mauuna na daw siyang umuwi." Agad-agad ko namang tinanggal yung kamay na nakakapit sa braso... "Chris.. Hindi muna ako sasabay sayo ngayon okay?" Hindi ko rin alam kung anong ginawa ko.. Tumakbo ako at hindi ko na narinig magsalita si Christine, basta hinanap ko lang si Kale. At nang nasa school ground na ako, nakita ko yung likod niya at alam kong binabasa niya ulit yung maliit na notebook niya.. Nilapitan ko agad siya at tinapik yung likuran niya kaya napatingin siya sa gawi ko.. "o-oh? D-Drake.. Anong ginagawa mo dito? Akala ko sasabayan mo si Christine?" tanong niya habang may nalilitong ekspresyon sa mukha niya. "Hoy! Wala akong sinasabing sasabayan ko siya. Tsaka, araw-araw nalang kami laging may pinupuntahan at nakakapagod pag siya ang kasabay ko... Kaya sayo muna ako sasabay ngayon!" Paliwanag ko sakanya. Ilang segundo niya akong tinitigan na parang hindi alam ang sinasabi ko. Pero nagulat ako nang makita ko siyang ngumingiti na parang pinipigilan iyon.. "Oh? Bakit ka nangiti diyan?" tanong ko. "H-Ha? H-Hindi kaya.. Sino nagsabing ngumingiti ako?" Sabi niya at nakita kong namula yung magkabilang pisngi niya.. "Oh? Tapos ngayon mamumula ka?" matapos iyon sabihin ay mas lalo pa siyang namula na parang kasing kulay niya na ang kamatis. "Hindi nga kasi ako namumula!" Pagpipilit niya, ako naman natawa lang sakanya. Hindi ko rin alam kung bakit ako ngayon nangiti dahil sa lalaking weirdo na to. Minsan nga, naiisip ko na may gusto to sa akin dahil lagi nalang siyang namumula pag may nakakahiyang bagay ako na sinasabi sakanya, at mukhang ako lang ang madalas kasama niya. Pero hindi ko rin masasabi hangga't hindi ko mismo maririnig sa bibig niya.  Kung sakali mang totoo ang hinala ko, hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko sakanya. Siya lang talaga yung taong nakapag-pa-ngiti sa akin ng ganito. Siya rin ang dahilan kung bakit ako ngayon ginaganahan pumasok. Pero hindi ko nalang pinansin ito dahil normal lang iyon, siguro ganoon nalang ang pagka-ka-relate ko sa mga kinu-kuwento niya sa akin kaya niya ako napapasaya at napasusunod... "Kale.. Gusto mo bang gumala muna?" This time, gusto kong ako naman ang magpasaya sakanya. Gusto ko makita yung totoong ngiti niya.. Pero nakakatawa lang, dahil everytime na ngi-ngiti ako sakanya, sasabihin niyang am-panget ko ngumiti. Eh hindi ko naman mapigilan yung ngiti ko!  "G-Gumala? P-Pero.." narinig kong sagot niya.. "Ikaw, kung gusto mo lang. Pero kung ayaw mo, hindi kita pipilitin. Magsasama nalang ako ng iba." Matapos ko sabihin iyon, I heard a quick response coming from him... "S-SASAMA AKO!" na para bang maraming mawawala sakanya pag hindi siya sumama.. Ngumiti lang ako sakanya dahil yung mukha niya, parang batang naagawan ng candy.. I patted his head. *** "Oh... Humawak kang mabuti." Babala ko sakanya ngunit hindi ko naramdaman ang paghawak niya, kaya naman agad na pinaandar ko yung bisikletang sinasakyan namin ng mabilis. Muntikan na kaming sumemplang mabuti nalang at kumapit na siya sa may tiyan ko... "WAH! N-NAKAKAGULAT NAMAN! BAGALAN MO NGA YUNG PAGPAPATAKBO!" Sabi niya, naramdaman ko naman yung sobrang bilis na t***k ng puso niya nang dumikit siya sa likuran ko.  Kasalukuyan kami ngayong nakasakay sa bisikleta na hiniram namin sa mga tiga-Bike Club. Ako ang nagpapatakbo habang si Kale naman ay nakaangkas sa likod ko.  "Sorry! Sorry! Ikaw kasi, sinabi ko naman sayo na humawak ka mabuti." Maniniwala ba kayong nag-sorry ako? Syempre hindi. Pero nag-sorry talaga ako. "WAAAAH~ ANG HANGIN!!" Ang narinig kong sabi niya na parang preskong-presko. Habang ako naman nilalanghap ko yung lakas ng hangin na madadaanan namin, halos pumasok na nga ito sa bibig ko dahil sa bilis kong magpatakbo. Kung saan-saan kami lumiko at dumaan. Sa may masikip, sa may maluwag, tumawid pa nga kami sa may riles ng tren. At ngayon nandito kami sa downtown.. "Wait! Tigil! Tigil!" narinig kong sabi niya kaya naman agad kong prineno yung bisikleta. At muntikan pa akong mapasubsob sa ginawa ko. "Ano ba yun?" tanong ko.. Nagulat naman ako nang bumaba si Kale, kaya naman bumaba rin ako at ini-lock ang stand ng bike na naka-park ngayon sa gilid. Nakita ko nalang si Kale na nakatayo sa harap ng isang flower shop na ang pangalan ay 'Del Flores Shop' at tinititigan yung mga naka-display na bulaklak sa ilabas.. "oh? Anong tinitignan mo diyan?" Tanong ko, pero mukhang busy siya sa kakatitig kaya hindi niya ako nasagot =.=  "P-Pwede ba tayo pumasok sa loob?" tanong niya. "Sige. Ikaw bahala.. Bibili ka ba?"  "H-Huh... Uhm... Err..." Kung ano-ano pang hindi ko maintindihang tunog ang narinig ko mula sa bibig niya kaya bumuntong hininga ako.. "Sige. Pwede naman sigurong tumingin-tingin." Pagkatapos kong sabihin iyon ay ngumiti siya sa akin at sabay kaming pumasok sa loob ng flower shop. Pagbukas na pagbukas palang namin ng pinto, ramdam ko na agad yung lamig na dala ng air conditioner. Puro bulaklak kung saan-saan at nakita ko ang pagka-mangha sa ekspresyon si Kale. Lingon dito, lingon doon, tingin diyan, tingin dito. Ganyan ang pinag-ga-ga-gawa ni Kale sa loob ng flower shop. Iba-ibang klase ng bulaklak ang nakita namin sa loob, at kung saan-saan na nakarating si Kale.. Nang sundan ko naman siya, nakita kong iisang uri lang ng bulaklak ang pinagmamasdan niya.. Pumunta naman ako doon sakanya, habang tumitingin-tingin rin sa ibang mga bulaklak na naka-paligid sa amin. Maganda yung pagkakatayo sa lugar na ito, at well-ordered pa ang pagka-ka-ayos sa mga bulaklak. Transparent ang dingding kaya mula roon ay makikita mo na ang mga bulaklak na nasa loob. Yun nga lang, napansin kong kaming dalawa lang ni Kale ang nandito ngayon sa loob ng store at mukhang wala yung nagbe-benta. Paano nalang kaya kung manakawan itong tinda niya? Nang tuluyan nang makalapit kay Kale, nakita ko yung tinitignan niyang bulaklak.. "Ano yan?" tanong ko habang nakatingin rin sa kulay pulang bulaklak na napansin kong hindi pa bumubukas, meron nga siyang petal yun nga lang parang tinipon basta! Yung.. alam mo yun? Lahat kasi ng mga nakikita kong bulaklak eh bukas yung petal. "Ito yung gustong-gusto kong bulaklak. Tulip ang tawag dito.." Ah.. Tulip pala tawag dun.. "Excuse me po? Bibili po ba kayo?" May isang matandang sumulpot at nagsalita nalang bigla. Mukhang siya ata yung may-ari o nagbabantay dito sa store.. Napansin nito ang pinagmamasdan na bulaklak ni Kale, "218 pesos at 23 centavos po ang halaga ng isang tulip." Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya.. A-Ano daw? Itong isang kapiranggot na bulaklak na to eh 218 pesos at may butal pang 23 centavos?! Aba! Eh mas mahal pa to sa uniform ko eh! "h-hindi po kami bibili..." narinig kong sabi ni Kale sa malungkot na tono.. Nakita kong mukhang gustong-gusto niya talaga yung bulaklak na to. Pero.. Ano pa nga bang magagawa namin? Eh wala kaming perang dala-dala eh. Matapos sabihin ni Kale ang mga katagang iyon ay naglakad na siya palabas ng shop at ako naman, naglabas lang ng ngiti doon sa matanda pagkatapos ay sinundan ko rin si Kale palabas. Biglang uminit ang pakiramdam ko nang lumabas kami sa Flower Shop. Alam niyo naman siguro yung pakiramdam na aalis kana sa parteng may aircon.  "Tara! Alis na tayo!" yaya niya habang nakangiti. Haay, heto nanaman yung ngiti niya. Ewan ko ba kung bakit pag nakikita ko yung ngiti niya eh parang plastik ang tingin ko. Eh halata naman kasing gusto niya yung bulaklak na yun eh. Pero hindi ko nalang iyon pinansin at tinanggal ko na yung pagkaka-lock sa stand ng bike at sumakay na ako rito.. "sakay na! Hawak ka ah!" Sabi ko sakanya, at naramdaman ko na muli yung pagbigat namin. Kumapit naman ulit siya sa akin ngunit hindi ganoon kahigpit kanina. Ngumiti nalang ako ng patago at pinaandar na yung bisikleta. May naisip kasi akong pupuntahan namin at alam kong magugustuhan yun ni Kale.. Pero sa totoo lang, kahit wala akong hilig sa mga interes niya, sinasakyan ko pa rin para lang sakanya. Hindi ko nga alam kung bakit ganto eh. Siguro dahil sa pakiramdam ko mahirap yung kalagayan o sitwasyon niya. O kaya naman ini-i-spoiled ko lang siya ng kaunti. *** Pumasok kami sa isang malaking pinto. Kung saan, maraming tao. Dahil sa crowded, hinawakan ko yung kamay niya para hindi kami magkahiwalay dalawa. Dahil pag nangyari yun, nako! Mauubos lang ang oras naming dalawa sa paghahanap sa isa't isa. "pasmado ka?" tanong ko sakanya dahil ramdam kong basa yung kamay niya. "s-sorry.." Sabi niya sabay tungo. Ngumiti lang ako, okay lang naman yun sakin eh. Ni girlfriend ko nga hindi ko pa nahahawakan yung kamay.. Wala lang, nakakatuwa lang isipin na siya pa ang unang makaka-holding hands ko. Ang weirdong lalaking to.. "nasaan ba tayo?" tanong niya... Ngumiti naman ako sakanya, "nasa isang art exhibit tayo." Nakita ko yung pagkagulat sa ekspresyon niya.. Paano ko nalaman ang lugar na to? Simple lang naman. Dahil sa habang kasabay ko si Christine nung isang araw, nadaanan namin itong lugar na ito at nakakita kami ng isang cartolinang may nakasulat na date and time ng 1st day ng exhibit. Sa totoo lang, nuon ko pa ito pinag-planuhan, ang dalhin si Kale dito.. Aircon sa loob at maraming mga tao. Habang hawak ang kamay ni Kale, binabasa ko naman sa isang nakapaskil na papel ang floor at ang theme ng mga paintings.. At nang mahanap ko na ang target.. "Tara! Doon tayo sa 2nd floor." Yaya ko kay Kale at tumango lang siya. Umakyat kami sa 2nd floor ng building, mabuti nalang at kaunti lang ang tao rito sa 2nd floor.. Mga ilang liko-liko nang mahanap ko na rin ang gusto kong ipakita kay Kale.. Pero bago iyon ay tinakpan ko muna ang mata niya na ipinagtaka niya.. "a-ano ba kasi yung ipapakita mo?" sabi niya sa akin. Pero hindi ako nagsalita at tuloy lang sa paglakad habang tinatakpan ang dalawang mata niya.. At nang makatigil na kami sa harap ng isang napakalaking painting na mas malaki pa sa akin ay... Tinanggal ko na ang dalawang kamay ko sa pagkakatakip sa dalawa niyang mata... "TA-DAA!" Sabi ko. Ngunit hindi ko malaman kung anong ekspresyon ang inililikha niya ngayon.. Masaya kaya siya? Nagustuhan niya kaya? Kaya naman lumakad ako papunta sa gilid niya upang makita ko yung reaksyon niya.. Ganoon nalang ang pagkagulat ko nang makita ko ang isang patak ng luha na bumuhos mula sa mata niya.. "K-KALE?!! B-BAKIT KA UMIIYAK? N-NASAGI KO BA YUNG MATA MO HABANG TINATAKPAN KO?" Ang alanganing tanong ko. Umiling siya at pinunasan yung luha niya gamit ang palad niya, "h-hindi... k-kasi... ang... ang ganda nung p-painting..." kahit anong gawing pagpunas niya sa luha niya ay bumubuhos rin ito ng bumubuhos.  Kinuha ko naman yung telang nasa bulsa ko pagkatapos ay iniharap niya sa akin at pinunasan ko yung luha niya. "Naaalala mo ba to?" tanong ko sakanya sabay pakita nung telang puti. Iyon yung telang pinampunas niya sa sugat ko noong pangalawang beses naming pagkikita. Wala na itong dugo dahil nilabahan ko ito. Hindi ko nagawang ibigay ito sakanya dahil hindi ko alam kung paano.  Tumango siya... "Ayan yung.. Yung.." mukhang hindi niya na magawang mag-salita dahil sinisinok na siya.  Napangiti lang ako at pinagmasdan yung malaking painting sa nakapaskil malapit sa amin.. "Ang ganda diba?" sabi ko sakanya. Itong painting na ito ay kakaiba, makikita mo talaga ang pagkakahalo-halo ng mga kulay at ang texture nito ay sobrang linis at kinis ng pagkakagawa. Bawat guhit ay may iba-ibang uri ng bulaklak. It's a mixed painting where you can find the different kinds of flowers. Hindi ko rin alam kung paano ito ginawa, basta ang alam ko lang.. Nakakamangha. Nang tignan ko si Kale biglaan nalang akong hindi makapag-salita.. Dahil ngayong oras na ito.. Nakita ko na yung totoong ngiti niya. Yung ngiting gusto kong makita.  "ayan! Dapat ganyan ka dapat ngumiti!" sabi ko sakanya at biglaan naman siyang napatingin nang sabihin ko iyon.. Ganoon nalang ulit ang pagka-gulat ko nang ngumiti pa ulit siya and this time.. Labas na yung ngipin niya.  It made me smile when I saw his smiling face. It's just.. You can't imagine anything at all when you're looking at him. All I knew was.. There's a flower blooming in front of me. === vote. comment. share.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD