The 4th Flower: Forsythia —"Anticipation"
===
November 29
Drake's POV
Hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit ko kasama itong weirdong to sa pag-kain.
"Hoy Kale. Alam mo, sa inaakto mong yan, parang nagiging stalker na kita." sabi ko, sabay subo ng tinapay na hawak ko. Habang siya, tuloy lang sa pag-kain ng lunch niyang naka-lagay sa isang box. 4 days ago, nagulat nalang ako nang makita tong weirdong to sa classroom pumasok. Hindi ko alam na nag-transfer pala siya dito. Samantalang dalawang beses na kami nito nagkita at nagkausap dati. Iba talaga ang nagagawa ng coincidence sa mundo.. At bakit pa kelangang sa weirdong tulad pa nito?
Minsan, hindi ko siya naiintindihan dahil palagi nalang siyang nakasunod sa akin na parang linta. Minsan naman, bigla-bigla nalang siyang susulpot kung saan-saan. Minsan din, seryoso yung mukha niya, at minsan din, ngumingiti siya kahit na wala namang nakakatuwa.
"hhrndi nnhrman ahkro shtralhker ehrg..." nanliit naman yung mata ko sa mga sinasabi niya, hindi manlang lunukin yung kinakain bago magsalita.
"ewan ko sayo." sabi ko tapos sumubo ulit ng tinapay. Nasa rooftop kami ngayon at nakatingin lang ako sa kalangitan habang kumakain,
"bakit ikaw? hindi ka kumakain ng kanin? puro tinapay lang." Narinig kong tanong niya kaya tumingin ako sakanya, mukhang ubos niya na yung kanin na kinakain niya.
"hindi naman sa ayaw ko kumain ng kanin." Sabi ko sabay tingin ulit sa itaas..
"gusto mo? bibigyan kita." Narinig kong alok niyang kinainis ko. Tumingin ako sakanya..
"ibibigay mo sakin kung kailan ubos na?" nanunuyang tanong ko.. Narinig ko naman siyang tumawa. Habang nakikita ko yung mukha niyang nakatawa, may napansin ako bigla..
"Kale. May kanin ka dito." sabay turo ko sa kanang pisngi ko, pero imbis na ang kanang pisngi niya ang hawakan niya, yung hinawakan niya eh yung kaliwang pisngi niya. Kahit kailan talaga tong lalaking to.
"sa kabila." Ang dugtong ko pa, pero mukhang wala siyang ideya sa sinasabi ko.
Kinuha ko yung kaning naka-stuck sa kanang pisngi niya at pinakita sakanya. Tapos natawa siya bigla, pagkatapos ay sinubo ko naman yung kaning iyon.. At bigla nalang siyang tumigil sa pagtawa.. Nang tignan ko siya.. Nakita kong namumula siya.
"anong ikinamumula ng pisngi mo hoy? Para kang babae." sabi ko rito, tapos tinakpan niya yung mukha niya..
"h-hindi. Mataas lang ang sikat ng araw." Sabi nito at natawa naman ako sakanya,
"a-ang pangit mo talaga pag tumatawa." Narinig ko pang sabi niya kaya naman tinitigan ko siya ng seryoso, ganun na ba talaga kapangit yung mukha ko kapag tumatawa ako?
Napansin kong may hawak siyang libro at maliit na notebook. Yung maliit na notebook na madalas kong makitang bitbit-bitbit niya. At yung librong pamilyar yung cover..
"Yung hawak mo.." sabi ko at napatingin siya sa hawak niya. Pagkatapos ay ngumiti,
"Ito yung librong pinakita ko sayo nung una tayong nagkita. Naaalala mo pa ba?" tanong niya, at doon ko na na-realize na napakita niya na pala iyon sa akin.
"Ah. Oo, naaalala ko pa. Ano na nga ulit yung title?" tanong ko na ipinagtaka ko, bakit ko nga ba kinakausap itong weirdong to? Ewan? Siguro dahil these past days, palagi siyang nakasunod at kung ano-anong ka-ek-ekan ang sinasabi't hindi ko maintindihan.
"Language of Flowers." sagot niya, at binuklat yung libro.
"Ah. Ang wei-weird naman ng librong binabasa mo." komento ko. Sang-ayon ako sa sinabi ko, ang weird nitong taong kinakausap ko ngayon, pati pangalan niya weird, pati kilos niya weird, pati ba naman yung librong binabasa niya.. weird?
"Hindi to weird. Mahilig lang talaga ako sa bulaklak kahit na lalaki ako. Nung bata kasi ako, nakita ko yung mga batang inaapak-apakan yung bulaklak na itinanim nung lola ko. Yung mga napakagandang bulaklak, naisip ko na kung may mga boses lang sana ang mga bulaklak, malamang nagalit na sila doon sa mga batang yon. Kaya nang makita ko itong librong to doon sa kwarto ni Lola, hiniram ko ito sakanya. Hindi ko na nga ito naibalik dahil sa sumakabilang-buhay na siya." Ang lalalim naman ng mga kataga nitong batang to. Pakiramdam ko pa rin, bata palang siya dahil sa pangangatwan niya ganoon din sa mukha niya.
"Ah. Ano namang meron diyan sa loob?" Tanong ko habang kinakamot yung likod ng buhok. Wala lang, naisipan ko lang tanungin.
Ngumiti naman siya sa akin, "gusto mo bang malaman?"
Binigyan ko siya ng boring look, "Ikaw bahala ka kung ayaw mong sabihin." Pagkatapos ay humiga ako sa sahig.
"Hindi! Joke lang. Nakalagay dito ang bawat uri ng bulaklak at ang kahulugan nila. Meron ding maiikling kwento sa loob ng libro na to." Sabi niya habang nakangiti at pinagmamasdan ang libro, ako naman humarap lang sa kalangitan. Kahulugan huh? Buti pa ang mga bulaklak may kahulugan..
"eh ikaw? Anong meaning ng pangalan mo? Diba sabi mo bulaklak rin yon na itinanim ng lola mo?" tanong ko, habang nakatingin pa rin sa kalangitan.
"uhm. Wait lang," Narinig ko ang pagbukas niya ng libro at ang pagbuklat ng mga pahina. "yung pangalan ko, yung meaning niya.. Disambiguation." Ang lalim naman ng english na yun..
"Nosebleed ako dun ah." sabi ko habang siya naman tumatawa dahil sa sinabi ko.
Hindi ko pa rin talaga alam kung bakit ako nakikipag-usap dito sa weirdong Kale na to. Hindi naman ako mahilig maki-pag-kaibigan sa mga kagaya niya. Madalas, ang mga nakakaibigan ko ay ang mga katulad kong basag-ulo o kaya naman ay loko-loko.
"D-Drake.. Anong gusto mong trabaho? Pag, nakatapos kana.. Anong kukunin mo?" Narinig kong tanong niya at ako naman, hindi alam ang isasagot.
"Ewan. Hindi ko naman iniisip yun eh. Ayoko ngang mag-aral, trabaho pa kaya? Gusto ko na nga agad mamatay para hindi ko na problemahin ang mga ganitong bagay." Sabi ko sakanya. Na ikinatahimik niya. Hindi ko alam kung anong inililikha nyang ekspresyon ngayon dahil nakatingin lang ako sa mga ulap..
Kaya naman nang mabalot kami ng katahimikin, na-awkward-an ako. At hindi ko alam kung bakit ko siya tinanong ng.. "Ikaw? Anong gusto mong trabaho? Hula ko, gardener." Sabay tawa ko.. Pero mga ilang segundo pa bago siya sumagot..
Narinig ko yung mahinang tawa niya, "Hindi no! Gusto ko maging teacher." Sabi niya.
"Huh? Teacher? Bakit yun pa? Tatanda ka ng maaga dahil sa mga estudyante mo!" Sabi ko. Basagulero ako pero marami rin naman akong alam no!
"Hahaha! Oo nga.. Ewan ko rin kung bakit? Basta gusto ko lang makatulong sa mga batang wala pang alam. Pero.. Imposible yun.." Sabi niya at biglaan nalang bumaba ang tono ng boses niya sa mga huling katagang sinabi niya..
Imposible? Bakit imposible? Gusto ko yon tanungin sakanya pero hindi ko tinanong. Pinagmasdan ko lang yung kulay asul na kalangitan at ang mga ulap.
***
Naglalakad ako ngayon ng naka-pamulsa sa labas ng school, pupunta na ako sa dorm o kaya naman ay gagala. Napaisip nalang ako bigla sa tinanong sa akin ni Kale kanina. Ano nga bang magiging ako pag gumraduate na ako? Pero siguro hindi ako makaka-graduate dahil sa marami na akong na-missed na klase.
Pero pagkatapos nun? Ano na kayang mangyayari sa akin? Ayokong makulong pero gusto ko nang mamatay. Para saan ba talaga itong pamumuhay na to? What am I living for?
Bumuntong hininga ako.
"DRAKE!!!"
"DRAKE!!!"
Nabigla ako nang may dalawang boses akong marinig. Sa kaliwa ko, nakita ko si Jerome, at sa kanan ko naman, naroon si Kale. Papalapit silang dalawa sa akin, yun nga lang, ang mas nauna ay si Jerome.
"Oh Jerome? Anong problema?" Ano kayang kailangan nitong lokong to sakin?
"Ah! Kasi.. Kulang kami mamaya, naghamon kasi yung mga tiga-West ng away!" balita nito sa akin, at mukhang sasabak nanaman ako sa away nito..
"sige sasama a—" naputol ang salita ko nang biglang may kumapit sa braso ko. At pagkakita ko.. Si Kale.
"Hindi siya pwedeng sumama. Bawal na siya makipag-away ngayon." Ang narinig kong sabi nito na ikinagulat ko.
"HAAA??!!" Ang nanlalaking mata at bibig ko.
Nakita ko namang nakatingin si Jerome sa maliit na lalaking nakakapit sa braso ko.
"Oh? Drake! Hindi mo sinabing may anak ka pala!" sabay tawa nito na kinainis ko.
"Gago ko Jerome! Hindi ko yan anak! Tignan mo nga yung suot niya!" sabi ko rito.
Nang tignan ito ni Jerome.. Nanlaki yung mata niya, "T-TEKA! K-K-K-K-KA-KLASE MO BA YAN?!" ang nauutal na tanong niya.
"Oo tama. Naniniwala ka bang ang maliit na to ay 17 years old na?" tanong ko.
"H-HINDI NGA?! TIGNAN MO OH! AKALA KO NGA NUNG UNA MULTO EH! SOBRANG PUTI AT PAYAT PA. Pero.. Ang ganda ng mukha. Ito na siguro ang tinatawag na fallen angel?" Binatukan ko naman siya sa ulo. Fallen Angel? Ano bang kalokohan ang sinasabi ng baliw na to?
"Sira ka ba?" Sabi ko. Tumingin naman ako dito sa nakakapit sa braso ko, linta na nga unggoy pa.
"Hoy ikaw. Nangangalay na ko." Sabi ko sakanya. Bumitaw naman siya sa pagkakakapit ngunit nakahawak naman siya sa kamay ko.
"Yari tayo nito bok! Ano? Sasama ka ba?" narinig kong sabi ni Jerome..
"Oo sasam—"
"Hindi na siya pwedeng makipag-away." Ang pagpuputol muli nitong Kale na to.
Nakatingin lang kaming dalawa ni Jerome sa seryosong mukha ni Kale na nakatitig lang sa isang direksyon.
"Naku! Sige! Wag na nga!" Sabi ni Jerome at tumakbo na ito papaalis.
Habang ako naman, dahan-dahan akong lumingon kay Kale na naglakad na paalis.. Ano yun? Matapos niya nakawin ang mga lines ko aalis nalang siya basta-basta?
Sinundan ko naman siya..
"HOY IKAW!" tawag ko sakanya, pero hindi niya ako nilingon. Nakakainis na ah!
Lumapit pa ako sakanya hanggang sa nagkasabay na kami sa paglalakad. Magsasalita sana ako kaso nakita ko siyang seryosong nakatingin sa maliit na notebook na laging hawak niya.
"I-Ikaw.. Kale! Hindi ka dapat nangi-ngi-alam sa usapan ng iba!" sabi ko ngunit nakatingin pa rin siya sa maliit na notebook habang naglalakad.
Nakakainis! Lalabas na tagala ang ugat ko sa noo at ang puting buhok ko dahil sa lalaking to! "Hoy! Kung may nagsasalita pakinggan mo!" dagdag ko pa.
Tumingin naman siya sa akin, "Ay sorry." Sabi niya. Ano to? LR? Binalik niya ulit yung tingin doon sa maliit na notebook.
Dahil sa sobrang inis ko, kinuha ko yung maliit na notebook na yun sakanya na ikinagulat niya.
Tinaas ko naman yung notebook para hindi niya maabot.
"AMIN NA NGA YAN!" Sabi niya, for the first time.. Nakita ko yung inis sa mukha niya. Pero mas naiinis pa rin ako! Bigla-bigla nalang siya ang magde-desisyon sa gagawin ko tapos hindi pa ako papansinin!
"Kanina ka pa busy kaka-tingin dito! Ano bang laman nito?" Tanong ko, at nang tignan ko kung ano...
Nakita ko nanaman ulit yung pamilyar na drawing..
Oo tama. Ganun ulit katulad sa drawing na nasa akin. Ang daan papuntang bahay nila. Pero this time, mukhang sa iba siya pupunta..
Kinuha niya na yung notebook niya habang naiinis at sinuri muli ito..
Naglakad muli kami, at ngayon.. Gusto ko nang itanong sakanya ito..
"Kale, bakit ka ba merong drawing na ganyan? Balik bayan ka ba?" Tanong ko sakanya, ang weird kasi eh. Simula palang nung una kaming nagkita, ang weird na talaga..
Napatigil siya sa paglalakad at tumuloy rin ito ng ilang segundo..
"Gusto mo ba talaga malaman?" seryosong sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.
Tumango ako't nag-bigay senyales na gusto ko nga malaman.
Tumuloy siya sa pagsasalita ngunit tumigil siya sa paglalakad at ganoon rin ako. "Nung elementary ako, nabunggo ako ng kotse. Grabe ang pagkasira ng mukha ko at ang inner side ng temporal lobe ko. Mula nung araw na yon, nagkaroon din ng maliit na damage yung memorya ko. In other words... Mahirap para sa akin ang makaalala o matuto ng mga bagay-bagay, that's why I take notes. Minsan, nakakalimutan ko rin ang daan pabalik sa bahay..."
Nabigla ako sa sinabi niyang iyon.
"Pero, hindi naman mahirap sa akin ang tandaan ang mga mukha ng tao, ganoon din ang pangalan nila.. Yun nga lang, kinuwento lang ng mama ko yung nangyari nung bata pa ako, pero ang totoo.. Wala talaga akong maalala. Kahit ang lola ko, pati yung paghiram ko sakanya nung librong yon.. Wala akong maalala." Nakatungo ito habang nag-ku-kuwento sa akin. Hindi kaya... Masakit para sakanya yon? Syempre. Ikaw ba naman ang gumising na wala ka nang maalala sa nakaraan mo.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ngunit mabagal lang. Hindi ko man gustong aminin, pero gusto ko talagang makinig sa kwento niya.. Dahil kung mangayari kaya sakin yun?
"Nung pag-gising ko, hindi ko na rin alam ang pangalan ko. Hindi ko na rin makilala ang magulang ko, basta nang imulat ko yung mata ko.. Biglaan nalang nila akong tinawag na Kale.. Ang sabi nila 8 months na akong natutulog. Hanggang ngayon, bumibisita pa rin ako sa Ospital para sa mga health test." Paliwanag niya pa..
Humarap siya sa akin at ngumiti, "Pero okay lang yun. Diba mag-kaibigan naman tayo? Ayoko kasing mag-isa lang eh." Kahit gaano man kaganda ang ngiting pinapakita niya, hindi pa rin maaalis na weirdo nga talaga ang isang to.
Pero, siguro.. Matatag ang loob niya o may natitira pang pag-asa sa kaloob-looban niya. Kaya niya siguro sinabing imposible para sakanya ang maging teacher dahil sa kalagayan niya..
Yung mukha niya, kung titignan mo ay parang napag-iwanan ng panahon. Para bang oras-oras, minu-minuto, o bawat segundo ay may problema siya. Pero ngumingiti pa rin siya pag kaharap niya na ako.
Kahit ako nagulat rin, dahil...
Hindi ko akalaing magiging kaibigan ko itong weirdong to.
===
vote. comment. share