The 3rd Flower: Hyacinth —"Sincerity"
===
November 21
Drake's POV
"Dhie.. Kakawala lang nung sugat mo sa mukha, tapos ngayon sa braso naman? Ano nanaman bang ginawa mo? Paki-explain. Labyu." Naka-kunot noo lang akong naka-nga-nga dito kay Christine na ginagamot yung sugat ko sa braso. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa rooftop.
"Christine, diba sinabi ko namang tigil-tigilan mo na yang pagtawag sakin ng Dhie? Wag mong asahang tatawagin kitang Mhie! Ang corny mo, san mo ba natutunan yan?" ma-pag-birong tanong ko.
"Oo na! Alam ko naman yun eh. Gusto ko lang i-enjoy tong buhay ko hangga't kasama pa kita. Alam ko namang hindi mo mababalik sakin tong nararamdaman ko. Manhid ka kase! Manhid!! MANHID!!!"
"ARAY! Wag mo namang diinan yang bulak diyan sa sugat ko! Isa pa, hindi ako manhid! Wala lang talaga akong interes sa mga bagay na yan!" Kahit kailan talaga tong si Christine. Minsan nakakatuwang kasama, minsan nakakainis!
"Oo na! Sinabi ko naman na sayong wag kanang ma-ki-pag-away, yan ang napala mo!" sermon sa kin.
"Sira ka talaga! Tigil-tigilan mo na nga yang kakasigaw mo sakin! Mabibingi na ko oh!" tumawa naman siya. Hindi ko talaga akalaing magiging ganito kami nitong babaeng to, eh habang tumatagal inaako niya na talaga yung role niya na pagiging girlfriend eh. Samantalang nung una kaming nagka-usap mahiyain pa siya pagdating sakin.
"Makinig kana kasi sakin.. pwede? kahit.. Isang bese lang?" biglang nalungkot yung ekspresyon niya ganoon din yung boses niya. Ilang segundo lang akong nakatitig sakanya habang siya naman, ginagamot yung sugat ko sa braso..
Piningot ko naman yung ilong niya.. "Wag ka ngang mag emo-emohan diyan! Hindi mo bagay!"
"Seryoso ako ano ka ba? Parang.. ako lang naman yung may gusto ng relasyon natin eh.." sabi niya habang nakasimangot. Heto nanaman.. Pag pinairal niya pa itong pag-uugali niyang to, hindi ko na magugustuhan ang resulta.
Tapos niya nang talian ng tela yung braso ko.
Biglaan namang bumukas yung pintuan dito sa may rooftop at nakita ko si Jerome..
"Hey! Hey Yo! Lovebirds!" sabi niya, tumingin naman ako sakanya ng masama. At si Christine naman, ngumiti at binati si Jerome..
"Mukhang may problema ata..? Nandito na si Fairy God Father para i-solve ang problema niyong mag-asawa!~" sabi niya sa tonong mapag-biro..
"ito kasing kaibigan mo eh! Sabihin mo nga, tigilan na ang pakikipag-away?" inis na sabi ni Christine na may halong pagtatampo.
"Uh-oh! Mukhang hindi ko ma-so-solve ang problema niyo ngayon. Dahil ang aking mahal na kaibigan lang ang makakapag-desisyon noon.." sabi ni Jerome at umupo sa tabi ko..
"Hmph! Bakit ba gustong-gusto niyo makipag-away? Sakit lang naman sa katawan yan eh!" sabi ni Christine. Itong si Christine, hindi niya magawang magalit sa akin dahil alam niyang pag ginalit niya ko, siguradong makikipag-break ako sakanya. Pero talagang masama ako na halos tubuan na ako ng sungay kaya ngayon, tine-test ko ang pagiging sincere niya sa akin. Ewan ko, ako siguro yung tinatawag niyong sadista pagdating sa bagay na ganito..
Siniko naman ako ni Jerome at binulungan, "kawawa naman yang girlfriend mo bok!" sabay tawa niya ng mahina. Hindi ko kailanman kinaawaan ang isang tao o kailanman binigyan ng halaga. Kasama na doon itong girlfriend ko. Kaya wala akong paki-alam kung masaktan man siya, dahil simula palang nung una ay hindi ko naman talaga siya gusto. Pinagbigyan ko lang ang gusto niyang maging kami dahil gra-graduate lang naman din kami. At malay mo? Mabalik ko sakanya yung nararamdaman niya?
~*~*~*~*~*
November 25
Naisipan kong pumasok sa klase ngunit alam kong pagtitinginan lang nila ako doon. Ewan ko ba kung bakit ko naisip yun.
Pinagbubulungan ako ng mga ka-kalse ko doon na parang mga bubuyog. Syempre, ano nga bang ginagawa ng basag-ulong lalaking tulad ko sa classroom na to? Mag-aaral? Mag-babasa? =.= Dahil lang naman iyon doon kay Ms. Trina na hindi tumitigil sa kakabunganga sa akin magdamag kanina sa dorm at sinasabing um-attend ako ng klase ngayon.
Bahala na. Sa likuran naman ako nakaupo at matutulog nalang ako buong magdamag sa klase. Ngayon lang ulit ako nakapasok sa classroom na to, hindi ko akalaing may flower vase na sa tabi ng pintuan ng room at may picture frame na pala ng adviser namin yung dingding malapit sa blackboard! =.=
Sa katabing kanang upuan ko naman, makikita yung president ng room na walang inatupag kundi mag-basa ng libro, oo tama nga hinala niyo, naka-salamin ang isang to. Habang yung katabi naman nitong si President ay yung babaeng dahilan kung bakit ako ngayon naninirahan sa dorm ng school. Oo tama, siya yung hinipuan ng vice mayor.
"Okay class. Good morning!" pumasok na ang adviser namin sa loob at sabay-saby tumayo ang mga ka-klase ko habang ako naman naka-upo pa rin. Sabay-sabay binati ng mga ka-klase ko yung adviser namin habang ako naman nakatikom lang ang bibig. Sabay-sabay umupo yung mga ka-klase ko habang ako naman ay naka-upo na agad.
"Okay, ang lesson natin ngayon ay.." Blah. Blah. Blah. Nakatungo lang ako sa desk habang nakapikit ang mata, sinusubukang matulog pero dahil hindi ako mapakali, hindi rin ako makatulog. Hayy.. Sa rooftop lang talaga ako nakakatulog ng maayos.
Nakarinig ako ng malakas na pagkabukas ng pinto, "SORRY PO! LATE AKO!" Napalingon lahat ng ka-klase ko maging ako..
Nanlaki naman yung mata ko,
"It's okay Mr. Castro.. You can take your seat." Habang naglalakad papunta sa upuan niya, sinusundan ko naman siya ng tingin nang naka-nga-nga. I-Ito yung.. Batang dalawang beses ko nang nakita. Oo tama! Kale, Kale Castro yung buong pangalan niya! B-Bakit? Bakit siya nandito sa classroom? Ka-klase ko ba siya? Pero parang wala naman akong ka-klaseng may weird na pangalan!
"I-Ikaw.." bulong ko habang nakaturo sakanya. Nakita ko naman siyang tumingin sa akin..
"IKAW!!! S-SI DRAKEE!!!" mas lalo kaming naka-agaw ng atensyon nang isigaw niya ang pangalan ko. Hala.. Habang binabanggit ang katagang iyon, labis ang ngiti na nasa labi niya. But still... Hindi pa rin ako makapaniwala kung ano ang nagagawa ng tinatawag nilang 'coincidence'
***
"Sinabi ko na sayong tigilan mo na ang kakasunod sa akin." Ang naiinis na sabi ko sa lalaking kanina pa ako sinusundan. Ngunit kahit anong sabihin ko, hindi siya nakikinig sa akin at tuloy pa rin ang pag-buntot sa likuran ko.
Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao eh.
Habang busy siya sa kakangiti, tinakbuhan ko na agad siya at pumunta na ng rooftop, pero hinabol niya ako, mabuti nalang at mabagal siya tumakbo kaya nasaraduhan ko na agad siya ng pinto sa rooftop.
Haay. May kasabihan nga, 'Ang demonyo ay demonyo pa rin.'
Mga ilang minuto pa bago siya makaabot sa pinto ng rooftop. Ako naman, sinisilip kung nasaan na siya, naramdaman ko naman yung mga yabag ng paa niya at mukhang mahina ata ang stamina ng isang to..
"D-Drake...h-ha...b-buksan mo..." habang kumakatok at hinahabol ang hininga..
Bumelat naman ako sa isipan ko, ayoko ngang mapag-buntutan ng isang weirdo.
Mga ilang segundo, hindi na siya nagsalita pa..
Nagtaka ako kung ano nang nangyari kaya binuksan ko yung pinto agad-agad at nakita ko siyang nakaupo sa sahig at mukhang hindi na kayang tumayo..
"H-Huy! Ano? Okay ka lang?" tanong ko sakanya, pero patuloy niya pa ring hinahabol ang hininga niya.
Tsk! Tsk! Tsk!
Iniangat ko agad yung braso niya at pinatong ko ito sa balikat ko't inalalayan ko siya tumayo. At yun! In the end.. hinayaan ko nalang siyang sumama sakin. Gaano ba kahina ang isang to? Parang hindi lalaki eh. Hindi ko rin akalain na, tutulungan ko siya. AKO? Dalawang beses ko na tinulungan tong lalaking to!
Iniupo ko agad siya sa may lilim, mabuti nalang at mahangin ngayon.
"Oh ano? Okay kana?" tanong ko. Tumango siya at lumanghap ng sariwang hanging galing dito..
"bakit mo ba kasi ako sinusundan?" Tanong ko. Lunch time na ngayon at kanina pa ako naiirita dito sa weirdong to dahil simula klase pa niya ako kinakausap at kung ano-ano ang pinagsasasabi na hindi ko naman maintindihan.
Pero, oo nga pala. Meron siyang naiwang gamit sa akin. Napatigil ako sa pag-iisip...
SHIT! Nasa kwarto ko pa pala yun sa dorm!
"s-sorry.. Wala kasi akong makausap simula nang mag-transfer ako eh." Napatingin ako sakanya nang magsalita siya.
"Ha? K-Kailan ka ba nag transfer?" tanong ko.
"Last week." sagot niya.
"L-LAST WEEK?!" Nanlalaking matang sabi ko. Bakit ba palagi nalang ako ginugulat ng weirdong to sa mga sinasabi niya? Hayy.. Eh hindi pa nga kasi ako pumapasok eh! Ewan ko kung ilang linggo na o buwan, basta! Tinatamad ako mag-aral! Tsaka, pwede ba yun? Kalagitnaan na ng quarter diba?
"Oo.. Nagulat nga ako nung nakita kita eh. Akala ko, hindi kita ka-klase."
"Ha?" nga-ngang tanong ko.
"Ha?" balik niya rin.
"Paki-explain yung sinabi mo."
"Ah! Wala wala! Wag mo nalang yun pansinin." Sabi niya sabay ngiti. Ang weirdo talaga nito, nung una kaming nagkita halos seryoso pa sa litrato ng lola ko itong mukha niya eh tapos ngayon pangiti-ngiti na?
"Ang weirdo mo talaga." Bulong ko sa sarili ko at mabuti nalang hindi niya narinig.
Napalingon nalang ako bigla sa may gawing pintuan nang bumukas ito at nakita ko si Christine..
"oh? Christine.." tumingin rin si Kale kay Christine at lumakad siya papalapit sa kinaroroonan namin.
"Ay! May kasama ka pala Dhie.. Sino siya?"
"Sinabi ko naman sayong tigilan mo na ang katatawag sakin niyan diba? Eto si Kale, uhm.. c-classmate ko. Kale, eto si Christine—"
"Girlfriend niya." hindi pa ako nakakapag-salita inunahan niya na agad ako.
Nakangiti naman si Christine kay Kale pero si Kale, seryoso ang tingin kay Christine. Ang weirdo talaga.
"Tara! Sabay na tayo mag-lunch!" yaya ni Christine sabay upo sa sahig katabi ko. Habang hawak-hawak ang dalawang lunch box.
"diba sinabi kong ayoko kumain?" inis kong sabi rito..
"HA? Eh sayang naman! Tsaka, alam ko naman na nasasarapan ka sa luto ko eh!" Naiinis talaga ako sa babaeng to. Oo aaminin kong masarap yung luto niya, pero ngayon—wala akong gana!
"Uhm.. Aalis muna ako." Napatingin ako kay Kale nang sabihin iyon at tumayo ito sa kinauupuan niya, habang may hawak na isang maliit na notebook.
"Huh? Saan ka pupunta?" tanong ko. (Unusual para sa akin ang mag-tanong. Parang nahahawa na ata ako sa ka-weirdohan niya.)
Ngumiti lang siya sa akin pagkatapos ay naglakad na paalis.
Nang makaalis na ay..
"Ngayon ko lang nakita yung lalaking yun.." napatingin naman ako kay Christine ng sabihin niya iyon..
"Oo.. Transferrie siya." Sabi ko.
Pagkatapos ay nagkaroon ng katahimikan.
===
vote. comment. share.