The 2nd Flower: White Rose —"Purity"
===
November 10
Drake's POV
*BELL RINGS*
Inunat ko yung katawan ko at tumayo na sa pagkakahiga sa sahig ng rooftop.
"Mr. Lee! You're slacking off again!" nagulat nalang ako nang biglang may humampas sa likod ng ulo ko,
"aray! ano ba?!" sabay himas ng tinamaan. Bwisit eh! Kagigising lang manghahampas agad! Sino pa bang hahampas sa kin bukod sa..
Tumingin ako sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko na may salamin pa sa mata at may dala-dalang libro.
"sabi ko na nga ba.. Ikaw nanaman." bumuntong hininga ako.
"anong ako nanaman?! Hindi ka na nga um-attend sa klase mo tapos madadatnan pa kitang natutulog dito sa rooftop!" Itong babaeng to, siya lang naman ang nagpapahirap lalo sa buhay ko. Walang iba kundi yung teacher namin sa english na bebot daw. Sus!
"wala akong oras para makipag-away sayo.." sabi ko sabay balik sa pagkakahiga at harap sa ibang direksyon.
"ikaw.. sasabihin ko lang sayo to Mr. Lee, wala ka talagang galang eh no? Kaya ka pinatira ng magulang mo sa dorm dahil dyan sa ugali mo! Ayus-ayusin mo yang pakikitungo mo at baka mamaya nasa impyerno kana nasusunog!"
"wala akong paki. Mas mabuti na nga kung mamatay na ko eh. Wala rin naman akong pakialam kung saan ako mapupunta pag patay na ko."
"aba! Baka gusto mo ngayon na mamatay?" sige.. ayos lang sakin.
"hindi ka ba natatakot makulong?" tanong ko.
"you're not cute at all! Kung aayusin mo lang yang pangit mong pag-uugali sigurado akong hahabulin ka ng mga babae. Gwapo ka pa naman sana kung hindi lang pangit yang—"
"matagal ko na yang alam kaya wag mo nang ulit-ulitin." pagpuputol ko sa sinasabi niya.
"Hay! Ewan ko sayo! Nakakasawang sermonan ka! Bahala ka na nga sa buhay mo."
"Sino ba kasing nagsabing sermonan mo ko? May gusto ka ba sakin Ms. Trina?" ang naglolokong tanong ko.
"Baliw kana talaga eh. Pumunta ka nga sa ospital para mapagamot mo yang utak mo!" pagkatapos nun ay umalis na siya.. Salamat naman at wala nang maingay.
Inayos ko ang pagkakahiga habang nakahiga ang ulo ko sa dalawang braso ko. Pinagmasdan ko yung kalangitan.. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko tumingin sa itaas.. Gusto ko nang mamatay pero ayokong makulong. Okay lang sakin mapunta sa impyerno pero bakit gustong gusto kong pagmasdan ang itaas?
Bigla nalang akong may naalala.
Yung batang nakilala ko kagabi..
Ay hindi! Kasing edad ko lang pala siya. Bakit kaya doon siya sa ospital dumiretso? May sakit kaya siya? Hindi na ako masu-surpresa kung meron nga dahil sa pangangatwan niya palang eh..
Kung bisitahin ko kaya siya sa ospital?
Pero sigurado akong pagtitinginan lang ako doon dahil sa may band-aid pa ako sa gilid ng labi ko. Iisipin nila na basagulero ako dahil sa mata kong to na parang nag eye-liner at sa kilay kong laging letrang V. Isama mo na rin itong buhok kong taas taas na parang galit sa gel. Pero para sakin astigin tong buhok ko (lol) ganun na rin tong height kong parang poste na, at ang kamay kong laging nakapamulsa.
Pero bakit ko ba naisip na bisitahin yung lalaking yun? Eh ang weird niya nga eh. Sasabihing nawawala siya kahit na alam niya naman ang pabalik at yung..
Kinuha ko yung papel na gusot gusot sa bulsa ko na may laman na drawing..
Bakit kailangan niya pang i-drawing? Parang mapa.
Hindi kaya.. talagang balik bayan siya?
Ay ewan! Sigurado naman akong hindi na kami nun magkikita. Kung magkita man kami, ay! Hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko! Ang pino-problema ko lang ngayon ay ang pag-aaral ko, sawang-sawa na ko sa pag-aaral kaya nga nag cu-cut nalang ako at minsan hindi na ako pumapasok. Ano na kayang mangyayari sa akin ngayon? Sa dorm na ko ng school natutulog dahil ayaw na kong makasama ng magulang ko sa bahay, pero dahil responsibilidad nilang tignan-tignan ang anak nila, binabayaran pa rin nila ang tuition fee ko dito sa school pero ayaw na nila akong makita.
Hindi ko masisisi ang sarili ko dahil ganito ako ipanganak..
Naramdaman kong nag-vibrate yung cellphone ko at sa kabilang bulsa ko naman kinuha yun, sino kaya yung nag-text? Baka GM? Nang tignan ko kung sino..
From: Jerome
Message: Oi! Dalian mo, kelangan namin ng tulong dto sa may likod ng school! May naghahamon ng away!
Napatayo ulit ako sa pagkakahiga nang makita ko yung text message nitong si Jerome. Isa yan sa mga kaibigan ko dito, mahilig din yan makipag-away tulad ko. Yung mga yun.. hindi nila talaga makakaya pag hindi ako bumali..
***
"ANO HA?! PAHAMON-HAMON PA KAYO! WALA NAMAN KAYONG BINATBAT SAMIN!" sabay tadyak ni Jerome doon sa mga ugok na naghamon. Habang ako naman, panibagong sugat ang natamo ko, this time sa ibaba naman ng mata ko.
"pabayaan mo na siya Jerome. Kung ako sayo, problemahin mo muna yang napakalaking sugat mo sa ulo." Ikumpara mo naman ang sugat ko dito sa tanga kong kaibigan, may sugat na nga sa ulong kasing-laki ng itlog, meron pang black eye! Oh? ano pang hahanapin mo?
"Eh kasi naman! hindi manlang sumipot si Kylan kaya dalawa lang tayong nagpatumba sa limang to!" sabay turo doon sa naka-handusay na limang unggoy sa daanan, na mukhang hindi na makatayo. Maghahamon sila eh wala rin namang ibubuga yang bibig nila! Ayan napala!
"mauna na ko sayo Jerome." sabi ko sabay lakad na papaalis.
"sige! Sa totoo lang kaya ko naman talaga sila tapusin ng mag-isa ko eh! Pero salamat na rin!" Sus! Gagong to. Ikaw nga nagyaya sa akin eh. Ngumisi nalang ako sakanya habang papaalis. Hinugot ko naman sa bulsa ko yung cellphone ko na hindi ko napansing may 28 missed calls na pala at may 17 text message.
Habang pinagmamasdan ang nasa screen, may kutob na agad ako kung sinong gumawa nito. Nang tignan ko kung sino, tama nga ang hinala ko. Siya lang naman si Christine Bienvenido, ang girlfriend ko. 3 months ago, umamin siya sa nararamdaman niya sakin. Sabi niya, matagal niya na akong gusto at ngayon lang umamin dahil sa malapit na kaming gumraduate. At first, nagtaka ako dahil bakit parang hindi siya natatakot sa akin samantalang maraming babaeng halos hindi ako kayang lapitan o kausapin manlang. Dahil sa maganda siya, pumayag akong maging girlfriend siya, at sinabi kong pag na-boring ako sa relationship namin ibrea-break ko na siya.
Mukha namang totoo yung mga sinabi niyang gusto niya ako. Hindi ko alam kung ano bang nagustuhan niya sakin, oo alam kong gwapo ako, pero sa gandang mukhang to, e kasalungat naman yun ng pag-uugali ko. Kaya kahit ganito ang panlabas na anyo ko, malayong-malayo naman to sa panloob.
Naisip kong bulag si Christine dahil mabait at maganda siya pero ako pa ang pinili niya. Tinanong ko siya one time kung anong nagustuhan niya sakin pero sabi niya, hindi niya pwedeng sabihin dahil tatawa lang daw ako. Pero sa totoo lang, hindi ko akalaing tatagal kami ng ganito.. Hindi ko akalaing matatagalan niya itong pag-uugali ko at ang magulong buhay ko.
These past few days, palagi niya akong tinatawagan o si-ne-send-an ng message. Sabi niya, nag-aalala siya dahil baka kung ano raw ang masamang mangyari sakin simula nang patirahin ako ng magulang ko sa dorm ng school. Dahil minsan, hindi ako umuuwi doon sa dorm at kung saan-saan ako pumupunta tuwing gabi. Mahilig akong gumala pero syempre hindi ko makakalimutang magpalit ng damit. Kahit na marumi ang kalooban ko, ganoon naman kalinis ang panlabas ko!
Nagulat nalang ako habang naglalakad, biglaan nalang bumusina ng napakalakas ang isang truck at nakita ko nalang sa harapan ko ang tumawid na lalaking masasagasaan na..
"MAG-INGAT KA!—" sigaw ko. Mabuti nalang at kumilos agad ako't nahila ko pa ang likuran ng damit niya kaya napaupo kaming dalawa sa daanan. Buti nalang rin at umiwas yung driver sa pagmamaneho kundi, pareho kaming nasagasaan. Narinig ko naman yung malutong na mura nung driver ng truck.
Nang maalimpungatan ako, naramdaman kong parang may nakapatong sa akin. Kaya nang matignan ko itong mabuti, nanlaki bigla yung mata ko..
"B-BATA!" gulat na gulat kong sabi. Tumayo naman siya sa pag-ka-ka-subsob sa akin at sumunod rin akong tumayo.
Pinagpagan ko yung sarili ko..
"huh? i-ikaw yung..." narinig kong sabi niya..
"oo tama. First of all, hindi mo dapat ganyan pasalamatan yung taong nagligtas sayo! Kung hindi ko sana narinig yung busina ng truck na yon, malamang nakakalat na yung utak, bituka at kidney mo dyan sa daan!" sermon ko sakanya.
"sorry. Hindi ko kasi alam tumawid." Sabi nito habang nakatungo. Parang bata talaga kung umakto! Tsaka, naiinis talaga ako sa mga ganitong tao tulad nito, parang walang kaalam-alam sa mundo! Tapos mukhang mahina pa kung kumilos. Saang planeta ba galing tong batang to?
"At times when people help you, you should say 'Thank You' and not 'Sorry.'" I told him while sighing.
"Ang bait mo naman.." Napakunot yung noo ko nang sabihin niya yon. Hindi lang alam ng batang to kung gaano ako kasama sa loob.. Hindi ko nga alam kung anong magiging reaksyon ko, matutuwa ba o maiinis? Ito ang kauna-unahang pagkakataong may nagsabing mabait ako.
"Hindi mo rin dapat sinasabihan ang mga tao na mababait sila ng basta-basta." Sabi ko dito sabay talikod at naglakad na paalis..
bumuntong hininga ulit ako, "sinusundan mo nanaman ako.." sabi ko sabay lingon sakanya..
"hindi.. tignan mo oh. May dugo sa palad ko." Nanlaki yung mata ko nang sabihin niya yon at agad na kinuha ang palad niya't tinignan..
"N-NASAKTAN KA BA?! MASAKIT BA?!"
Nagulat nalang ako nang tumawa siya, "b-bakit ka tumatawa?" tanong ko, na-realize ko lang na ang gandang lalaki pala nitong batang to, dapat palagi nalang siyang nakangiti.
"eh kasi, hindi naman yan sakin eh! Sayo yan oh! Tignan mo yung ibaba ng mata mo!" tinignan ko naman siya ng masama,
"akala mo naman makikita ko? Pero.. Oo nga, nagiging dugo na yung paningin ko." sabi ko sabay punas ng ibaba ng mata ko kung saan may hiwa't nag-si-si-labasan ang dugo.. Sanay na akong masugatan at hindi na ito masakit para sakin. Ni minsan hindi pa ako umiyak dahil lang sa bagay na to,
Nabigla naman ako nang maglabas siya ng isang makapal na tela at pinunasan ang ibaba ng mata ko. Kailangan niya pa tuloy iangat yung talampakan niya para maabot yung sugat ko..
Sobrang puti ng telang pinampunas niya sa akin at sobrang lambot rin nito. Masarap sa pakiramdam nang mapunasan niya ang sugat ko, ngunit agad namang napawi ang kaginhawaang iyon nang mapagtanto ko na..
"Kung ako sayo, itigil mo na ang ginagawa mong yan dahil madudumihan lang ang pagiging malinis mo pag dumikit ka pa sa akin." Oo tama, itong batang to.. Alam kong malinis ang kalooban niya kung ikukumpara sa kung anong meron ako. Alam kong marurumihan lang ang kalinisang meron siya kung sakaling tangkahin niya pang sundan ako.
"Hindi naman ako ganun kalinis. Meron din akong nagagawang kasalanan." Paano niya nalaman ang ibig kong sabihin?
Matapos akong punasan ay, "ayan! Okay na! Basta kung gagamutin mo lang yan sigurado akong mawawala agad yang sugat mo." Sabi niya nang naka-ngiti.
Ako naman, hindi ko alam kung anong ililikha kong mukha nang sabihin niya iyon.
"K-KALE?" Napatingin ako sa likod ng lalaking nasa harapan ko at napalingon rin siya sa likuran niya.
"Naku! Diyos ko! Salamat naman at nakita rin kita! Ano bang ginagawa mo dito? Halika na nga! Bumalik na tayo! Baka mamaya kung ano pang mangyari sayo! Naku! Ikaw talaga!" nakita kong hinatak nung babae yung lalaki na si Kale. Ngumiti naman sa akin si Kale habang i-wina-wagayway ang kamay niya habang papaalis.. at sinabing, "Ba-bye! Hanggang sa uulitin!"
Pagkatapos nun ay nawala na siya sa paningin ko.
Once again, tinignan ko ang hawak ko. This time, yung tela naman na puting ipinampunas niya sa akin ang nakalimutan kong ibalik.
Nakalimutan ko,
Siya nga pala si Kale Casto. Ang pinaka weirdong lalaking nakilala ko.
===
vote. comment. share