The 1st Flower: Cedar —"Strength"
===
November 09
"Makakaganti rin ako sayo!" matapos sabihin ang mga katagang yon, kumaripas siya ng takbo. Dumura naman ako ng mabilis at pinunasan ang kaliwang bahagi ng labi kong may kaunting dugo pang tumatagas.
Tumingin ako sa kalangitan at doon ko lang na-realize na may mga bituin na. Antagal ko ring nakipag-away ngayon. Sino ba namang hindi maiinis pag hinamon kang makipag-bugbugan kung alam naman nilang wala silang panalo sakin?
Naglakad ako ng nakapamulsa nang hindi lumilingon sa paligid. Naka-focus ang mata ko sa iisang direksyon. Aware naman ako na maraming mga tao ang nakatingin sa akin ngayon ng masama dahil sa naka-uniform pa ako ng school namin. Mukhang takot silang lumapit o sabayan ako sa paglalakad. Tch! Syempre, sino ba naman ang hindi matatakot sakin?
Drake Lee o kilala sa tawag na 'Dragon.' Yun lang naman ang alam kong nickname ng lahat sa akin. Ewan ko ba kung sino gumawa ng nickname na yun, kung sino man siya, magpapasalamat ako dahil dahil sakanya, ganito na ang pakikitungo sakin ng bawat tao.
Pero hindi ko naman ikakaila na masama akong tao. Dahil totoo yon. Well.. ewan? siguro? simula elementary palang ako ganito na ko. Walang awa, puro kalokohan at kasamaan ang alam gawin, kung may villain man sa isang storya, sigurado akong ako na yun.
Naging ganito lang naman kasi ako dahil sa magulang ko. Pinipilit nila ako na makapasok sa isang high-class na eskwelahan katulad ng kuya ko. Syempre madali akong mainis dahil pakiramdam ko, pinagkukumpara nila ako doon sa sobrang talino kong kuya. Wala man lang silang paki-alam sa akin, basta gusto nila iuutos na agad nila sa akin. Kaya eto ang resulta ng inutos nila, nag rebelde ako at ngayon ikinakahiya na nila ako bilang part ng pamilya nila.
Sa dorm ako ng school umuuwi, dahil last week pinalayas na nila ako dahil sinuntok ko yung isang sikat at kilalang mayamang vice mayor dito. Inaamin kong sinuntok ko siya, pero hindi manlang nila pinakinggan ang dahilan ko! Mga tangang magulang! Bwisit! Ngayon, wala na silang pakialam sa akin o kung ano mang mangyari sa kin, kung meron man akong kinamumuhian, iyon ay ang magulang ko ganoon na rin ang pag-aaral!
Mga bwiset!
Hindi ko namalayang nasipa ko na pala yung basurahan sa harapan ko at nagsikalat ang mga basura sa sidewalk, nagsi-tinginan yung mga tao sa akin at mukhang mas lalo pa nila akong iiwasan ngayon.
Lumakad nalang ulit ako at pinabayaan yung basurang nakakalat sa daan. Mabuti nalang hindi ako naisipang ipa-demanda nung vice mayor na yun dahil once na ginawa niya yon, sasabihin ko sa mga police ang kababalaghang ginawa niya doon sa babaeng classmate ko. Hipuan ba naman sa pwet? Mabuti nalang at nakita ko yung ginawa niya!
Oo tama, masama akong tao pero ang kasamaang ginagawa ko ay para rin sa nakabubuti. Kaya nga ako naging malakas eh.
Pero ano pang silbi ng kalakasang ito kung wala naman akong makakamit sa buhay ko? Gusto ko na ngang mamatay at matapos na tong byaheng walang kwenta!
Sawang-sawa na ko sa buhay na to!
Napalingon nalang ako bigla sa may gawing kaliwa ko kung saan mayroong isang maliit na daanan na sobrang dilim dahil sa may naririnig akong mga maiingay na boses.
"ha? anong sabi mo? hindi mo sinasadya? alam mo ba kung sino kame? kabilang lang naman kami sa isang sikat na frat! kung ayaw mong ibigay ang pera mo, baka gusto mong mamatay na ngayon?..."
"HAHAHAHA! ano ka ba? sigurado akong walang hawak na pera yang batang yan! mag-isip ka naman! tignan mo siyang maigi! mukhang mapagkakakitaan natin siya kahit na payat siya, tignan mo pre! mukha siyang mahina at walang kalaban-laban!"
"mukhang tama ka nga. Kahit na payat siya, mukha namang makinis ang kutis niya.. bakit hindi muna tayo maglaro ng ilang saglit bata?"
"kung pumunta muna kaya kayo sa impyerno?" matapos ko iyon sabihin ay tinadyakan ko agad yung likod nung isang lalaki dahilan para malampaso ang sarili niya sa daan..
"Ikaw---!!" sabi nung isang lalaki na magla-land ng suntok sa akin ngunit agad ko naman iyong iniwasan kaya naman sinipa ko agad siya sa tiyan at napaupo ito.
"S-sino ka ba?! bakit ka nangi-ngialam?!" ang sigaw ng isa sa akin habang siya ay nakaupo sa daan, halatang nanginginig ang boses niya..
"Umalis na kayo sa harapan ko at baka wala nang matira sa inyo.." babala ko sakanila.
"HUH? bat naman kami aalis? hindi mo ba kami kilala? kasama kami sa—"
"Aalis kayo o Hindi?" ang mapanindig balahibo kong sabi sakanila habang nakatitig ng nakamamatay..
hindi na sila nakapagsalita at agad-agad nang tumakbo papaalis.
I don't normally save people but for now.. I guess I would just leave it alone. Hindi naman kasi ako superhero na hustisya ang dala. Sinabi ko na nga hindi ba? Kung meron mang villain sa storya, ako na yun.
Tumingin ako doon sa nabiktima.
Hm?
Hindi ko makita yung mukha niya dahil madilim. How come yung dalawang yun nakita siya? Ganito na ba ako kabulag pagdating sa dilim?
Nang dumaan ang isang kotse sa amin, nakita ko na yung buong pagmumukha nito dahil sa ilaw..
"oo nga.. bata nga.. p-pero,"
"lalaki?" bulong ko sa sarili ko.
Tinignan ko head to toe yung batang lalaking nasa harapan ko, bagsak yung ibang buhok niya at yung iba pa ay nakataas, bilugang mata na hindi ko alam ang kulay dahil sa hindi ko masyado nakita, maputi na parang kasing puti na ng boysen na pintura, mapayat at mukhang mahina ang pangangatwan. Maliit siya para sakin dahil hanggang dibdib ko lang yung ulo niya, o masyado lang talaga akong matangkad?
Nabigla ako nang biglaan nalang siyang tumungo at sinabing..
"Salamat." may kagandahan ang tinig na inilabas niya..
Ilang sandali akong nakatingin sakanya at nagsalita rin, "umuwi kana bata, hindi ka dapat gumagala sa kung saan-saan dahil gabi na."
Napansin kong umangat yung ulo niya at..
"Huh? eh ikaw.. diba estudyante ka? umuwi kana rin.." lumiit yung mata ko sa sinabi niya.. Sino ba tong batang to para utusan ako? tapos hindi manlang mag po.
"HA? w-wala ka nang paki dun, tsaka hindi naman ako ganyan kahina tulad mo, nakita mo naman kung pano ko paalisin yung mga gagong yon diba?"
"Paano mo naman nasabing mahina ako?" nanliit talaga yung tingin ko sakanya, syempre! obvious kaya, akto palang niya alam ko nang mahina siya tsaka.. Bakit ba ko nakikipag-usap dito sa batang to?
"Kung ako sayo bata.. umuwi kana. Baka mamaya kung sino-sino pang makaharap mo dito." paliwanag ko sakanya. Tinalikuran ko na siya sabay lakad paalis..
Habang naglalakad..
tumaas ang kanang kilay ko pagkatapos ay tumalikod ako, nakita ko yung batang sinusundan ako. This time, nakita ko na ng malinawan ang buong pagmumukha niya ganoon na rin ang pangangatwan. Oo nga.. wala pa rin magbabago sa pagiging payat niya. At yung kulay ng mata niya, kulay hazel.. parang naka-contact lens.
"Hoy bata. Bakit mo ko sinusundan? Diba sinabi ko na sayo na umuwi kana?"
"Hindi naman ako ganun kaliit." ang seryosong sabi niya. Hindi ba siya nagkakaroon ng expression?
"Bakit? sabihin mo.. ilang taon kana ba?" bakit ko ba to tinatanong?
"17."
"a-ano?"
"17."
"17?!!!!!!!!!" Tumango siya. Itong batang to?! 17?
"Hoy bata! Wag mo kong pinaglololoko! 17 years old ka ba talaga? eh ako nga na 17 years old din ganito katangkad tapos ikaw ganyan kaliit?!"
"kung makapagsabi ka naman ng maliit parang mas maliit pa ko sa kulangot." ilang saglit akong nakatitig sakanya..
Bumuntong hininga ako.
"Oh? ano bang kailangan mo?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot. Patuloy na nakatitig lang saakin yung mata niya.
Binaba ko yung tingin ko at napansin kong may yakap-yakap siya.
"ano yan?" tanong ko sabay turo ng hawak-hawak niya gamit ng mata.
pinakita niya sa akin sabay sabing, "libro.."
"anong klaseng libro?" wow. Hindi ko talaga akalaing magtatanong ako ng magtatanong dito sa batang to. Ay, hindi pala siya bata.
"libro ng mga bulaklak." pinakita niya sa akin yung titulo ng libro at binasa ko. Ang pangalan ay, Language of Flowers. Whatta weird name..
"Teka nga muna saglit! Bakit mo ba ko sinusundan?" tanong ko.
"Nawawala ako," Nanlaki yung mata ko, balik bayan ba itong batang to?
"Pero wag ka mag-alala, alam ko kung saan yung bahay namin." HA? Paano niya masasabing nawawala siya kung alam niya naman pala kung saan yung bahay nila? Ngayon lang ako naka-encounter ng ganito ka-weird na tao. Nakita ko siyang naglabas ng isang nakatiklop na papel sa bulsa niya.
Kinuha ko naman yung papel na yun bago niya pa ito buklatin, ako na ang bumuklat nito. Pagkatapos ay nanliit ulit yung mata ko. Puro drawing ng daanan ang nakikita ko, pagkatapos may isang red mark na pang-piratang drawing yung nasa dulo.
"Ano tong drawing na bungo?" tanong ko.
"Yan yung bahay namin." Lumaki yung mata ko sabay tingin sakanya,
"Ikaw.. ayaw mo ba sa bahay niyo?" tanong ko.
"Ayoko.." sabi niya nang hindi naglalabas ng emosyon. Naisip ko lang na pareho kami nitong batang to (kahit na ka-edad ko lang siya).. Tinapik ko yung ulo niya, pagkatapos ay ginulo-gulo yung buhok..
"kung ako sayo, umuwi kana sainyo.. dahil buti nga ikaw may mababalikan kapa. Sigurado akong nag-aalala na sayo yung mga magulang mo." aysh! Mukha tuloy akong matandang lalaki na nagbibigay ng panayam dito sa batang to..
"Pwede mo ba kong samahan?" ilang saglit akong tahimik nang sabihin niya yon.. Ngumiti ako at "osige!" ang sinagot ko.
"Wow. Mas lalo kang pumangit nung ngumiti ka." lumiit naman yung mata ko sa sinabi niya, hoy! hindi ako laging ngumingiti kaya dapat magpasalamat siya sakin dahil pinakita ko sakanya yung mapanindig balahibong ngiti ko!
Lumakad na kami papunta doon sa red mark na bahay base dito sa papel na may drawing nun. Kahit anong pag-iisip ko, para sakin ang weird talaga nitong batang to..
"Ay, nakalimutan kong tanungin. Anong pangalan mo?" mabuti nalang at naisip kong tanungin dahil baka pag naihatid ko na siya hindi ko na matatanong yung pangalan niya. Ilalagay ko kasi sa isip ko yung kauna-unahang weirdong taong nakilala ko. At siya yun.
"...Kale...Castro." sagot niya.
Tumawa ako at napatingin siya sakin habang may confuse-look na inilalalabas. "bakit ka tumatawa?" tanong niya..
"Ang weird kasi ng pangalan mo.." kasing weird mo.. Hindi pa rin ako tumigil sa kakatawa habang iniisip ko yung ka-weirdohan ng lalaking to.
"W-weird? hindi naman eh.. Yung pangalan ko na to, binigay siya sa akin ng yumao kong lola. Nag-aalaga kasi ng mga pananim ang lola ko.. at ang pangalan nun ay Kale. Isa siyang bulaklak.." paliwanag nito na kinatahimik ko..
"Ikaw? bakit may sugat diyan sa bibig mo?" Akala ko tatanungin niya pangalan ko.
"Eto? galing ako sa pakikipag-away kanina bago pa kita makita."
"...mahilig ka...makipag-away." sabi nito habang pinagmamasdan yung hakbang ng kanyang mga paa.
"Huh? hindi.. uhm.. ewan? naghahamon kasi sila eh." paliwanag ko.
"Asaan ka umuuwi?"
"Uhm.. wala akong inuuwian dahil pinalayas na ko sa amin. Kung may uuwian man ako, sa dorm yun ng school o kaya naman sa bahay ng mga kaibigan ko.." Oo tama, kung may uuwian man ako, sa bahay yun ng mga kakilala ko. Buti nalang nga may mga kaibigan pa ko eh. Pero yung mga kaibigan kong yun, kalahi ko rin na mahilig makipag basag-ulo.
Tahimik lang kaming naglalakad at ako naman, sinusuri ko mabuti yung papel na hawak ko ngayon..
Mga 15 minuto rin kaming naglakbay. Hindi ko alam kung paano ba napunta itong batang to doon sa lugar na kung saan ko siya natuklasan, ano kayang dahilan at umalis siya sa kanila?
"i-ito na.. sige dito na ako." ang sabi niya na ipinagtaka ko. Akala ko hindi pa ito yung red mark na may bungo dahil parang hindi naman bahay ito.. kundi isang..
"sigurado kabang dito yun?" tanong ko.
"huh? oo.. dito yung bahay ko. Sige mauna na ko, salamat sa paghatid.." sabi niya ng nakangiti, ngunit napansin kong sa likod ng mga ngiti niya may nagtatagong lungkot siyang nararamdaman.
"s-sige.." pagkatapos nun ay pumasok na siya sa loob..
..Sa loob ng Ospital.
Pinagmasdan ko naman yung papel na hawak ko. Nakalimutan ko itong ibalik, kaya naman ibinulsa ko nalang.
===
vote. comment. share