14th Flower - Purple Hyacinth

1461 Words
THREE: MISERY Drake's POV Nabigla ako nang makita ko yung estudyanteng lagi kong nakikita. I'm having a lot of thoughts about him.. Sabi niya pinapakuha raw ni Sir Gomez kay Doc Jensen yung post documents para sa health? Eh wala naman akong maalalang may binilin si Doc sa aking ganoon.  Lester Gatchallan..? Weird. Crazy. Almost like he's seducing me, well it's not working on me because the only one I love is Kale. Bakit hindi niya nalang gawin iyon sa mahal niya? Alam kong may gusto siya sa iba't base sa pagkakarinig ko, isang lalaki. Syempre, karamihang pangalan ng lalaki ang Rik. He's funny, kaya niyang gawin iyon sa mga bagong kakilala niya pero hindi niya iyon magawa sa taong mahal niya? Halata namang lalaki ang type niya. Like the other time, I saw him offered his body to a guy.  I almost give in earlier, he looks like Kale. But one thing I know, Kale isn't like that.  I contacted Doc Jensen to ask him about the Post Documents.. Then alam niyo ba ang sinabi niya? Sabi niya, nadala niya daw doon sa hometown niya. Eh 1 month pa bago ang balik niya dito. WHHHAAAATT A PAIIINN IN THE ASSS!! *** 3 DAYS AFTER.. "Sir Lee, papirma naman ako nito.. Nautusan eh." Sabi sa akin ni Ma'am Wendy. Kinuha ko naman yung papel na hawak niya't pinirmahan agad iyon..  "Salamat Mr. Lee.." Nakangiting sabi niya sabay alis. Kasalukuyan akong nasa hallway ng school.. Uwian na ngayon, nakalimutan kong tanggalin yung white coat ko kaya ngayon mukha akong Doctor na nag-gagala.  Di bale na.. Pwede ko naman itong tanggalin pag nakauwi na ako. Tinatamad akong tanggalin eh.. Habang pababa ng hagdan, nakita kong nakatalikod si Lester. Mukhang may hinihintay.. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula nung magkita kami at nagkaroon ng walang kwentang conversation. Napatigil ako sa pagbaba sa hagdan nang makita ko siyang nakangiti..  Napayuko ako. Bakit siya ngumingiti? Iba yung ngiting laging nakikita ko sakanya ngayon. Para talaga siyang si Kale.  Nakita kong may papalapit na lalaki sa kanya.. Yung kaibigan niya. "Rik---" naputol yung sasabihin niya, napataas na lang ang isa kong kilay nang mawala yung ngiti niya. Rik?  Doon ko napagtanto, na yung lalaking mahal niya eh yung madalas niyang kasama. Pero sa nakikita ko ngayon.. Mukhang taken na yung lalaki dahil may kasama siyang babae.. Bumuntong hininga ako. Bakit ba sobrang ino-observe ko yung kwento nila? Tch!  Nagpatuloy ako sa pagbaba ng hagdan. "Oh? Lester, kanina ka pa ba naghihintay? Sorry ah.. Diba sinabi ko naman sayo na mauna kana?"  "S-Sorry.. W-Wala kasi akong kasabay." Narinig kong pag-uusap nila. Nang makalapit na ako sa kinaroroonan nila ay.. "Sir! Uuwi na kayo?" Tanong sa akin nung Rik, habang siya naman ay nabigla nang makita ako.. "Oo. Umuwi na rin kayo. Bawal ang pagala-gala." Sabi ko sakanila at nagpatuloy na sa paglalakad.. "Ah.. R-Rik, k-kay s-sir nalang ako s-sasabay.. K-Kaya sige.. Mauna na ko.." napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko yung sinabi ni Lester. HUH? Ano bang sinasabi niya?  Balak ko sana lumingon pero tinulak ako ni Lester sa likod at mukhang nagmamadali umalis. "O-OY!---" Hindi niya ako pinakinggan basta patuloy lang siya sa pagtulak sa akin.  Hanggang sa makalayo kami doon sa kinaroroonan ni Rik at nung girlfriend niya. "Ano bang problema mo bata?" Sigaw ko sakanya at pagtingin ko ay nakita ko siyang umiiyak.. HALA. NAGPAIYAK AKO NG BATA O.O  "H-Hoy! T-Tumigil ka nga sa pag-iyak!" Sabi ko sakanya at hindi ko alam ang gagawin ko, patuloy lang siyang lumuluha ng nakayuko at hindi ako pinakikinggan. Nang iangat niya ang mukha niya ay.. "S-Sorry.." ang narinig kong salita sa kanya.  Naalala ko si Kale. Bakit... Ano bang meron sa batang to. Bakit lagi ko nalang naaalala si Kale sakanya? "bakit ka nag so-sorry?" "k-kasi..." hindi niya nagawang magsalita dahil sa pag-iyak.. Pinabayaan ko nalang siya umiyak sa harapan ko kahit na naiinis ako. Bakit ba kelangan ko pang i-babysit ang lalaking to? Hindi ko naman kasalanan kung bakit siya umiyak.. Basta-basta nalang siya iiyak parang ewan.. Mga ilang minuto ay tumahimik na rin siya.. Nagdidilim na ang paligid.. "bakit hindi mo sabihin sakanyang mahal mo siya?" tanong ko.. Halata namang nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.. "p-paano mo..?"  "matagal na kitang nakikita. At nahuli pa kita dati sa banyo na nagsasalita sinasabi ang mga katagang 'Mahal kita Rik' sabihin mo nang tsismoso ako pero hindi ko gustong marinig ang mga sinabi mong iyon.." sabi ko sakanya na mas lalong ikinalaki ng mata niya.. Narinig ko siyang magsalita, "k-kung sa tingin mong torpe ako, SIGE. Alam ko naman yun eh.. Sadyang hindi ko lang talaga masabi sakanya yung nararamdaman ko dahil baka layuan niya ako." Naisip ko lang na.. Ano bang ginagawa ko dito kasama ang lalaking to? "talagang lalayuan ka niya. Hindi ba't binibenta mo ang katawan mo?"  Nakita ko ang pagkagulat ng ekspresyon niya, "A-ANONG BINIBENTA?!"  "wag mo na ikaila. Nakita kita dati ginagawa iyon sa playground." "WHAAT?! STALKER KA BA?!"  Nanliit yung mata ko sa sinabi niya. Who's stalker? Ako? I just happened to saw him that time and heard him on the other time.  Bumuntong hininga siya, "okay, please.. sasabihin ko ang totoo kaya wag mong sasabihin sa kahit sino ang ginagawa ko.. Kung hindi, papaalisin ako sa school."  "and you're begging?"  "hindi ako nagma-makaawa! Tsaka, may isa lang akong lilinawin. Hindi ko binebenta ang katawan ko!" -_-? "eh anong tawag mo dun?"  "I just wanted to feel good. Bakit ko ibebenta ang katawan ko kung may pera naman kami? Palibhasa, hindi mo kasi alam yung nararamdaman ko! H-Hindi mo alam yung pakiramdam na.. Nag-iisa lang! Hindi mo alam yung pakiramdam na walang may kailangan sayo! H-Hindi mo alam..." nakita ko ulit siyang lumuha.  Napayuko ako sa sinabi niya,  gusto kong sabihin na ALAM KO. Pero para saan pa? Nagbago ako dahil kay Kale.. At alam kong may lalaking makakapag-pabago din sakanya.. Alam kong.. Mahahanap rin siya..  "Bakit ka nga ba nabuhay sa mundong to?" Tanong ko na ikinagulat niya.. Nakita kong mas lalo pa siyang napaiyak nang sabihin ko iyon.. "no way.. H-Hindi ko alam kung bakit ba ako umiiyak sa harapan ng isang hindi ko kilala." Narinig kong sabi niya.. "that's harsh. Wala ka ba talagang galang sa nakatatanda sayo?" Tanong ko at hindi siya sumagot.. Ilang minutong katahimikan.. "nag rebelde ako. Gusto ko kasing makita yung totoong mundo.." Ang sabi niya, nakita ko ang isang paru-parong dumapo sa palad niya. Nakita ko rin yung malungkot na ekspresyon sa mukha niya.. Bakit ba.. Naaalala ko sakanya ang sarili ko dati? Ganoon din si Kale..  "bakit hindi ka ngumiti? Kanina nung ngumiti ka, alam mo ba na parang nag-iba ka?" tanong ko sakanya.. naglabas siya ng isang pilit na tawa, "bakit ako ngingiti kung hindi naman ako masaya?"  "so si Rik lang ang naka-ka-pag-pasaya sayo?" wala siyang sinagot kundi, "mahal ko siya. Hindi niya ako iniwan nung mga panahong malungkot ako.. Siya lang yung nag-iisang taong nakakaintindi sa akin, pero ngayon.. Unti-unti na siyang napapalayo, minsan nga.. Iniisip ko na agawin nalang siya doon sa babaeng mahal niya. O kaya naman ay, bigyan ng threat yung babaeng nagnakaw sakanya sakin.. Ang sama ko diba?" Nakita ko siyang ngumiti ng pilit.. Ilang segundo ay nagsalita ako.. "Hindi ka masama. Normal lang iyon dahil mahal mo siya. Kung mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat para hindi siya mawala sayo.." Gaya ko, wala akong nagawa nung panahong iyon.. Ang tanging ginawa ko lang ay ang magdasal na sana magkasama pa kami ni Kale ng napakatagal.. "oh? eh bakit parang mas malungkot ka pa ata sakin?" kumunot yung noo ko sa sinabi niya. "alam mo.. Kung kausapin mo ko parang mas matanda ka sakin no?" ang sabi ko sakanya with a sarcastic tone.. Tumawa nalang siya at bumuntong hininga, "maayos na ang pakiramdam ko ngayon dahil nasabi ko na lahat ng kinikimkim ko. Pero grabe! Nagulat talaga ako dahil hindi ko akalaing sasabihin ko ito sayo.. Ikaw na siguro yung sunod na taong kinainisan ko bukod sa magulang ko! Pero hindi na ngayon.. Mabait ka pala yun nga lang seryoso ka. Bakit hindi ka ngumiti?" "okay so, sinasabi mo yan sakin ngayon? Eh dapat ako nagsasabi niyan eh." Tumawa siya.. "Drake right?" "Kung tatawagin mo ang pangalan ko, dagdagan mo ng 'sir' I get pissed sa mga taong hindi magalang."  "Okay! Sir Drake.. Mukha ka kasing bata pa. Ilang taon kana ba?" "36." I answered. "36?!! NO WAY.. ANG TANDA MO NA! HAHAHAHA!" Nakita ko siyang tumawa.. "mabuti nalang pala't sinabi kong 36, hindi kita makikitang tumawa kung hindi ako nag joke.." nakita ko siyang namula, "anong kinamumula-mula ng pisngi mo? Feeling mo naman gusto kita.." dagdag ko pa. "E-EWAN KO SAYO!! BLEEEH!" Sabi niya sabay belat. Mga bata talaga.. "Osige. Basta kung kailangan mo ng matatakbuhan, pumunta ka lang sa infirmary," Bakit ko ba to sinasabi sakanya? "pero kung ayaw mo ko makita, mas mabuting sa isang sulok kana lang." Sabi ko.. "ang sama! Eh ilang taon kana nga ba talaga?"  "Pwede bang mag 'po' ka?"  "Oo na! Ilang taon po na po ba kayo po?" =.=  "36 minus 10." Sagot ko. Pagkatapos ay tumalikod na ako't iniwan ko nalang siya doon nakatayo.. "SIGGEEE~ BYE BYE SIR DRAKE PO!" Sabi niya.  Weird guy. === vote. comment. share
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD