15th Flower - Alstroemeria

2102 Words
FOUR: FRIENDSHIP Lester's POV May nakilala akong lalaki, isa siyang seryosong tao ngunit gwapo. Siya si Drake, 26 years old at Doctor sa school namin. Hindi ko akalaing iiyak ako sa harapan niya't sasabihin ko ang mga ikinikimkim ko eh hindi naman kami close. Pero dahil sinabi niya sa aking pag kailangan ko ng matatakbuhan pwede ako pumunta sa Infirmary kaya.. "sabi ko, kung kailangan mo ng matatakbuhan pumunta ka dito hindi dahil para mag cutting!"  sinisigawan niya ako ngayon. Hindi niya talaga alam kung paano ngumiti, sayang gwapo pa naman sana.  "EH~ pabayaan mo na. Tsaka, mataas naman ang grades ko eh." Sagot ko sakanya. "iniistorbo mo lang ang trabaho ko." "ang sama. Gusto ko lang namang may maka-kwentuhan eh.."  "ano bang iki-kwento mo?" tanong niya habang nagsusulat. Laging busy! Hindi manlang ako tignan.. Samantalang yung iba tinititigan ako pag ganitong sitwasyon. Siya lang talaga ang naiiba.. "wala lang.. Alam mo ba na ampon ako?" sabi ko sakanya.. "and you're proud of it?" Kalmadong sabi niya. Ba't hindi manlang siya nagulat doon? =.= "hindi ako proud. Gusto ko ngang kunin ako ng totoo kong magulang.. Kaso.." tumahimik ako at yumuko.. "...Nakita mo na ba sila?" tanong niya sa akin. Tumango ako, "kinausap mo ba sila?" Umiling ako at nagsalita.. "...Mukha kasing masaya na sila eh. Para ngang... Wala silang ibang anak.." Iniiwasan ko ang umiyak. Ayoko nang umiyak pa ng dalawang beses sa harap ng lalaking to. Iisipin niya na napaka crybaby ko.  "hm? Paano mo naman nasabi yun?" "..kasi.. Nung pumunta ako doon sa address ng bahay nila.." FLASHBACK (4 YEARS AGO) Dahil sa kagustuhan kong makita ang tunay kong magulang. Nagtanong-tanong ako sa mga taong nakapaligid sa akin. Alam ko ang pangalan ng tunay na mama ko, siya si Teresa Cenon. Siguro.. Kung hindi niya ako binigay.. Malamang, Cenon din ang apelyido ko ngayon at hindi Gatchallan. Hindi ko akalain na sobrang layo ng lugar kung saan sila nakatira. Mabuti nalang at mayroong may kakilala sa kanya sa lugar namin. Nung tinanong ko sila Dad, ayaw nilang sabihin sa akin. Pero dahil marami akong tagasunod sa bahay, pinahanap ko agad yung address ng totoong mama ko at ganoon na rin ang pangalan niya. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang kausapin.. Iba pa rin talaga ang tunay na ina.. Bumyahe ako ng mag-isa papunta sa countryside kung saan sila nakatira. Nag tren ako, nag bus, kung ano-anong sinakyan ko.. Naglakad ako kahit na pagod na pagod na yung paa ko para lang makita si Mama.. Habang naglalakad ako't dala-dala ang backpack, hindi ko maiwasan ang mapaluha dahil sa gusto ko na talagang yakapin ang mama ko. Sabi ko sa sarili ko, pag nakita ko siya.. Hahalikan ko agad siya at yayakapin..  Nagtanong ako sa isang magsasaka kung kilala niya ba ang Mama ko, si Teresa Cenon at um-oo siya.. Hindi ko sinabing ina ko siya dahil gusto ko munang makita ang mama ko, gusto kong malaman ng mama ko na nandito na ang anak niya..  Kailanman, hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa mama ko dahil iniluwal niya ako..  Tinanong ko doon sa magsasaka kung saan yung address na nakasulat sa papel ko't itinuro niya sa akin ang daan. Ilang minuto pa ang paglalakad bago ako makarating doon, kahit maghahapon na at hindi pa ako kumakain, basta makita ko lang ang mukha ng mama ko masaya na ako. Kahit na pudpod na ang sapatos ko, wala iyon sa akin dahil sa mayakap lang siya masaya na ako. Nang makarating na sa bahay nila ay handa na ako mag dorbell ngunit may narinig akong boses.. "sino ka?" lumingon ako't nakita ko ang isang matadang babae.. "ah, b-bisita po ako ni Teresa Cenon.. Nandito po ba siya?" tanong ko.. "Ah.. Si Teresa? Umalis siya kanina kasama yung anak niya para mag grocery.." Nang sabihin niya iyon ay napatahimik ako.. Ah.. May kapatid ako. G-Gusto ko ring makita yung kapatid ko.. Iniiwasan ko ang mapaiyak.  "Ah! Nandyan na pala sila..." Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin ang matanda't nakita ko ang isang magandang babae.. Si Mama..  Gusto kong tumakbo papunta sakanya't yakapin siya ngunit nakita ko ang ngiti sa labi niya. Hawak-hawak niya ang isang batang maliit sa kamay at mukhang masaya silang dalawa.. Nakita ko pa ang paghalik niya sa noo ng bata.  Hindi ko kaya.. "ayan na sila i---" lumingon yung matanda sa kinaroroonan ko ngunit wala na ako doon. Tumakbo ako ng umiiyak.. Hindi ko kayang harapin ang mama ko't itanong sakanya kung bakit niya ako pinamigay.. Bakit ngayon masaya siya sa piling ng anak niya? Pero ako.. Kailanman ay hindi ako naging masaya. Paano niya nagagawang ngumiti na parang wala siyang anak na ipinamigay? Paano niya nagagawang tumawa samantalang ako ay laging lumuluha? END OF FLASHBACK "N-Nung araw na iyon, umuwi ako ng sobrang dungis. Pinagalitan ako ng hindi totoong magulang ko. Pero kailanman ay hindi ako natakot sakanila dahil bakit ako matatakot? Hindi naman sila ang nagluwal sa akin." "eh bakit may luhang tumutulo sa mata mo?" Nagulat ako nang sabihin niya iyon, naramdaman ko nalang ang tubig na tumutulo sa palad ko..  "h-ha? A-Ang w-weird naman.. H-Hindi naman ako.. umiiyak eh... BIgla-bigla nalang..." Hindi ko na napigilan ang humagulgol sa pag-iyak.. Wala akong narinig na salita kay Drake.  Ngunit narinig ko ang yapak ng paa niyang papalapit sa akin.. Nabigla ako nang ipatong niya ang kamay niya sa balikat ko at sinabing.. "Pangalawang beses na to. Bakit ka ba laging umiiyak pag nandito ako? Eh wala naman akong ginagawa sayo eh."  Pinunasan ko yung luha ko.  "P-Pinipigilan ko naman ang umiyak.." Sabi ko rito, "P-Pero di ko kaya eh..." "Kung ayaw mo umiyak, wag ka mag-kwento." Sabi niya sakin. Tumaas naman ang isang kilay ko sa sinabi niya.. "Hmph! Sungit talaga." Sabi ko. Siya lang talaga yung nag-iisang taong masungit sakin.. Bumalik na siya sa upuan niya't nagtrabaho ulit. *** "Less!!" may narinig akong tumawag sa akin at lumingon ako.. Nakita ko si Rik na nagwawagayway ng kamay tsaka tumakbo papunta sa akin. Namula naman yung pisngi ko, syempre ikaw ba naman tawagin ng taong matagal mo nang mahal. Yun nga lang.. Nakita ko naman yung girlfriend niyang tinawag siya at tumigil siya sa pagtakbo.  Ayan. Umepal nanaman ang bruha! Kenes. Diba? Sino ba naman ang hindi maiinis dyan sa impaktitang yan? Papalapit na nga sa akin si Rik tapos bigla nalang susulpot... "Sorry bhe, kay Lester kasi ako sasabay ngayon.. Bukas nalang okay?" nakita ko siyang kinisan yung noo ni Katlyn. Sige na! Kayo na! Ako na inggit. Ako na selos. </3 Buti ka pa babae nagawa kang kissan ni Rik, samantalang ako hanggang yakap at akbay lang. Pero syempre masaya ako kasi imbis na sabay sila ngayon ng girlfriend niyang umuwi, pinili niyang sumabay sa akin. Eh ako ba namang isang buwan nang walang kasabay umuwi? Once a week nga lang kaming nagsasabay niyan ni Rik simula nung umentra yang girlfriend niya eh.  Kung ako ihahambing sa girlfriend nyang si Katlyn.. Siya, cute, maputi, parang doll yung mata, at higit sa lahat... BABAE. Hindi ko kayang labanan ang Babae no. Hindi kaya ng powers ko, kung yung ibang bakla puro babae ang kasama, pwes ako HINDI. Dahil ang mga babae ang mortal enemies ko. Hmph! Yung tunay na ina ko nga eh.. "HUY!" Nagulat ako nang biglang sundutin ni Rik yung likod ko.. "P-Papatayin mo ba ako sa gulat Rik?!" Pero syempre kinilig ako.. "HAHAHA! Sorry.. Tara na! Hindi na kasi kita nakakasabay ngayon eh. Na miss kaya kita!" Inakbayan niya ako at siguro ngayon para nang kamatis yung pisngi ko.  Naglalakad kami ng tahimik.. "Lester..." Tumingin ako sakanya.. Sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. O///O "B-Bakit?" "Tigilan mo na yung mga ginagawa mo tuwing gabi..." Napayuko ako sa sinabi niya. Oo tama, alam niya yung mga ginagawa ko.. Pero bakit sinasabi niya ito ngayon?  "A-Ano bang sinasabi mo?"  "I-I'm telling you to stop having s*x with different guys.."  Tinanggal ko yung kamay niyang nakaakbay sa akin.. "..A-At bakit naman ako titigil? W-Wala kang karapatan para sabihan ako! E-Eh ano naman kung gusto kong gawin yon? Isa pa.. Gumiginhawa ang pakiramdam ko sa tuwing---"  "OO ALAM KO... GUSTO KO LANG NAMANG ILAYO KA SA MASAMANG GAWAING YAN!"  "BAKIT?! SINO KA BA PARA SABIHAN AKO NYAN?" Napayuko ako.. Sino nga ba siya para sabihan ako niyan? "ALAM KONG NADIDIRI KA SAKIN, YOU DON'T HAVE TO FORCE YOURSELF!" A-Ano ba tong sinasabi ko.. Tumulo yung luha ko.  Siya nalang yung natitirang kaibigan ko.. Ayokong mawala siya sa akin..  Naramdaman ko yung mga braso niyang mahigpit na yumakap sa akin.. Habang ako naman ay iyak ng iyak.. "Sorry.. Ayoko lang kasing makita kang nagkakaganyan. Alam mo naman na bata palang, magkasama na tayo diba?" Gusto kong tanungin.. Kung sakali bang tumigil ako.. Gagawin mo rin ba yung mga ginagawa nung mga lalaki sakin? Diba hindi naman? *** "Sir~~ Pagamot ng sugat koo~~"  "Umupo ka dito." Narinig kong sabi ni Sir. Drake.. Umupo yung babae roon sa upuan at nakita kong lumuhod sa sahig si Drake at ginamot yung sugat na nasa tuhod nung babae.. "Waa~ Sir Drake~ Ouch!~" =.= I'm pissed. That girl really makes some weird sounds. Bakit hindi manlang mag react si Drake?! GRRR! Mukhang seryosong-seryoso sa trabaho niya.. "Ayan, okay na." Tumayo na siya sa pagkakaluhod..  "Sir, sino yung lalaking yun?" Tinuro niya akong nakahiga sa may higaan ng mga pasyente habang pinagmamasdan sila.. That's rude. "huh? Ah. Wag mo nalang siyang pansinin, naligaw kasi eh."  That's more rude. =.= "Sige sir~!! Salamat sa pang-gagamot! Babalik ulit ako~~" Pagkatapos ay umalis na yung babae.. "You really have some weird patients. At nakikita ko silang pabalik-balik dito araw-araw, sinusugatan ba nila sarili nila para lang makapunta dito? Hindi ka ba naiinis?" "Nakuha mo pang magsalita. Samantalang ikaw, lagi-lagi kang pumupunta rito at iniistorbo ang trabaho ko.."  "Wa~ Ang sama! Samantalang yung babae kanina.. Ouch~ Ah~ Hm!~ Ahn~ Hn~ Waa---" Napatigil ako sa mga sinasabi ko nang takpan niya ang bibig ko't lumapit pa lalo sa mukha ko.. O////O "Tigilan mo yang mga lumalabas sa bibig mo. Hindi mo bagay..." =.= Pagkatapos ay inalis niya na ang kamay niya sa pagkakatakip at bumalik na sa upuan niya't nagsimula na ulit magsulat. "Hmph! Sunget!" Gwapo nga sungit naman. Hindi na siya nagsalita at ako naman nakatingin lang sa kisame.. "Sir, may iki-kwento ako sayo.. Alam mo ba? Si Rik niyakap ako! Nakakakilig~ Tapos sinabayan niya pa ako sa pag-uwi imbis na sabayan yung girlfriend niya.. Kaso nga lang, sinabi niya sa akin na itigil ko na yung mga ginagawa kong pag se-s*x sa mga lalaki tuwing gabi.. Gusto ko nga sabihin sakanya na.. Kung sakaling titigil ako, puwede ba siya ang pumalit sa mga lalaking yon? Pero syempre hindi ko iyon sinabi kasi sigurado akong lalayuan niya ako." Tahimik lang siya na nagsusulat =.= "HOY! NAKIKINIG KA BA SAKIN?!" Sigaw ko. Kanina pa ko nagsasalita eh! =.= "Oo.. Pwede ba? Wag kang sumigaw?" sabi niya na ikinaliit ng mata ko, pano ko hindi sisigaw eh parang hindi niya ako pinakikinggan eh! =..= "Kung ako sayo.. Dapat sinabi mo nalang yung gusto mong sabihin.." sabi niya ng seryoso habang nagsusulat.. "hm? sa tingin mo kaya?" sabi ko habang nakatitig ulit sa kisame.. "hindi niya iyon sasabihin sayo kung wala siyang nararamdaman sayo.." Nang marinig ko iyon ay nanlaki yung mata ko.. "I-IBIG SABIHIN MAY GUSTO SIYA SA KIN?!"  Nakita ko naman siyang tumingin ng masama, "Pwede bang babaan mo yung boses mo? Tsaka, alam mo ba na kanina mo pa yan kinu-kuwento? Gusto mo bang ulit-ulitin ko ulit yung sagot ko?" Sabi niya't itinuloy na yung pagsusulat.. Kung talagang gusto nga ako ni Rik, malamang sasabihin niya sa akin iyon. Tsaka, hindi ako naniniwala sa doctor na to, ayoko kayang umasa. Tapos may girfriend pa si Rik na alam kong matagal niya nang mahal..  "bakit mo naman nasabing may gusto siya sakin?" tanong ko ulit.. "hindi ko na uulitin. Kanina pa ako salita dito ng salita. Nakakainis na ha! Kung pupunta ka lang dito para i-kwento yang love life mo o kaya naman umiyak, mas mabuti pang wag kana lang pumunta dito dahil hindi ako magaling sa bagay na ganyan.." Sabi niya na patuloy pa rin sa pagsusulat.. "sus! Sungit talaga. Gusto ko lang naman may maka-kwentuhan eh tsaka, ikaw kaya ang nagsabi sa aking pumunta ako dito!" "I regret it you know?" =.= "Basta! Hindi ako aalis dito!" Ilang minutong katahimikan.. "Eh ikaw? Mag kwento ka naman ng buhay mo.." Sabi ko sakanya. Narinig ko yung kiskis ng ballpen na tumigil, tumigil siya sa pagsusulat? Nang tignan ko ay nakita ko yung seryosong ekspresyon niya.. Mukhang napakalayo ng tinitignan niya.. Tumuloy ulit siya sa pagsusulat.. "Wala akong mai-kwe-kwento sayo dahil boring yung buhay ko."  Matapos iyon ay tumawa ako, "Halata naman eh!"  Tumayo ako sa pagkakahiga't tumingin sa bintana.. "hm? Ano to?" Nakita ko yung vase na may lamang bulaklak sa tabi ng bintana..  Hahawakan ko na sana kaso.. "WAG MONG HAWAKAN YAN!" Nagulat ako nang marinig ko yung mataas na boses ni Sir. Drake. O______O NAKAKATAKOT! "B-Bakit? A-Ang sungit naman nito! P-Parang hahawakan lang eh..."  "Don't you dare touch it." Sabi niya't nagpatuloy na ulit sa pagsusulat.  Phew! Nakakatakot! Muntikan na ako mawalan ng hininga doon ah.. Napahawak ako sa dibdib ko't nararamdaman ko pa yung mabilis na t***k ng puso ko.. Ano bang problema niya? =.= === vote. comment. share
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD