16th Flower - Tulips

1522 Words
FIVE: CHARITY  Drake's POV Nagsusulat ako ng mga Medical Documentaries List, ramdam na ramdam ko yung lamig ng aircon at rinig na rinig ko naman yung ingay ni Lester.. "..at alam mo ba yun sabi ko sakanya? Sabi ko, 'alam ko naman na kasama mo yung girlfriend mo' tapos nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko tapos pumunta kami sa Hotel! Nagulat nga ako nun eh! Kinilig kaya ako.. Tapos biglang BOOM! Panaginip lang pala! Sayang HAHAHAHA! HOY! Nakikinig ka ba sakin Drake?" =.= oh ayan! Sino bang pwedeng magpatahimik sa batang to? Ilang linggo na siyang nandito kwento ng kwento tungkol dyan sa kaibigan niya. Sino pa? Edi si Rik! Araw-araw nalang siya nandito at halos hindi pumasok sa classroom nila. Naiinis nga ako kasi wala manlang ibang mai-kwento kundi yung kaibigan niya. Naririndi na ako seriously. "hindi ka talaga marunong gumalang eh no?" Sabi ko sakanya, tinigil niya na yung pagtawag sa akin ng 'sir' at wala na rin siyang 'po'.. "EEHHH.. Hindi ako sanay eh! Pabayaan mo na!" Sabi niya, pero yung ibang teacher tinatawag niya ng 'sir' o kaya naman 'ma'am' tapos nag o-opo at po pa siya. Pagdating sa akin hindi.. "mabuti pa't bumalik kana sa classroom niyo, palagi ka nalang nandito." "ayoko nga! Nakakatamad mag-klase, pero pag nandito ako hindi ako nabo-boring." Tumingin ako sa kinaroroonan niya at nakita ko siyang nakahiga sa kama =.= kama ng mga pasyente.  "Hoy, wag mong guluhin yang kama." sabi ko sakanya ngunit hindi siya nakikinig. Nabigla ako nang may kumatok sa pintuan. Hm? Nakakabigla naman, usually yung mga estudyante basta-basta nalang papasok, sino kaya? "Bukas yan!" Sigaw ko.. Nang bumukas na ang pinto.. Nanlaki ang mata ko sa nakita kong nakatayo ngayon sa harap ko.. "H-Hi Drake..L-Long time...No see..." Umikli na ang buhok niya, may bitbit siyang bag at may hawak na papel..  "Ch-Christine.." Napatayo ako sa kinauupuan ko. Si Lester naman ay napaupo sa pagkakahiga sa kama at tinignan si Christine.. Tumingin si Christine kay Lester at ngumiti, "pwede ko ba siyang hiramin saglit?" tanong niya rito.. "Ah, sige po.." sagot naman niya, para tuloy akong gamit =.= Lumabas kaming dalawa roon sa loob ng Infirmary at sa labas nag-usap.. Nakakagulat, it's been a long time. Bakit siya nandito? Paano niya nalaman ang pinagtra-trabahuan ko? Simula nung mangyari yung dati.. Wala na kaming komunikasyon. Ngayon, yung buhok niyang mahaba, hanggang balikat nalang niya, naging mature siyang tignan ngunit hindi pa rin nagbabago ang itsura niya.. Siya pa rin yung Christine na nakilala ko.  "D-Drake.. Sigurado akong.. Nagulat ka dahil bigla nalang akong pupunta rito.." panimula niya.. "hindi, okay lang. M-Matagal-tagal din tayong hindi nagkita.." "Oo nga eh.. Ngayon, Doctor kana.."  Ilang segundong katahimikan..  What's with this awkward conversation?  "Ah.. Hehe.." Napakamot nalang ako sa batok ko. Hindi na ako magaling sa pagsasalita ngayon eh.. Andami na talagang nagbago sakin.. "Ahm.. Gusto kong mag-sorry sayo..." Nagulat ako nang sabihin niya iyon.. "p-para saan?"  "s-sa mga maling nagawa ko.." Nakita ko siyang napayuko.. Napangiti ako, "okay lang iyon. Masaya ako dahil nagkita ulit tayo, akala ko nga hindi na eh.." Nakita ko yung tumulong tubig sa mata niya.. Pinunsasan niya ito at pinilit magsalita, "a-ako rin.." nakita ko yung ngiti sa mata niya habang siya ay patuloy na lumuluha.. "g-gusto ko sanang.." nakita ko yung kamay niyang iniabot sa akin ang isang papel.. Kinuha ko yung papel ng dahan-dahan at binasa ito.. Nabigla ako.. "g-gusto ko sanang.. Imbitahan ka sa kasal ko." Nakita ko yung luhang pumatak sa mata niya.. "G-Ganun ba.." ang nasabi ko. Nakita ko siyang tumango at pinunasan ang luha niya pagkatapos ay ngumiti.. "gusto ko sanang makapunta ka." Tumango ako, "p-pupunta ako.." ngumiti siya nang sabihin ko iyon..  Nakita kong hinawakan niya yung tiyan niya, "buntis ako ng 2 months ngayon.." nakita ko yung matamis na ngiti niya. Mukhang masaya siya.. Gusto kong.. Mag-sorry dahil hindi ko nagawang pasayahin siya nung mga araw na iyon..  "ah.. S-Sigurado akong ang swerte ng mapapangasawa mo.." Ang sabi ko sakanya at nakita ko yung ngiti niya.. Tumango siya, "isa siyang businessman. Mabuti nga at hindi pa halata ang tiyan ko ngayon eh.." narinig ko siyang tumawa. Napangiti ako dahil mukhang nahanap niya na ang para sakanya.. "mabuti naman at masaya ka ngayon.." Sabi ko sakanya habang nakangiti. Nakita ko naman siyang sumimangot.. "nabalitaan ko pala yung nangyari kay Kale nung graduation.." Nabigla ako nang sabihin niya iyon, tapos naglabas nalang ng pilit na ngiti.. "o-oo nga eh.." narinig ko muli siyang nagsalita, "h-hindi nga ako nakapunta sa libing.. Iniisip ko nga na sigurado akong malungkot ka.."  Tama ka Christine, malungkot ako nung mga panahong iyon.. hanggang ngayon. Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari.. Gustong-gusto kong makasama muli si Kale.. "s-sorry.. Alam kong malulungkot ka lang kung babanggitin ko ang pangalan niya.."  Ngumiti ako ng pilit, "okay lang. Matagal ko na rin iyon natanggap.. Pero hindi ko siya maaalis sa puso at isip ko, Mahal na mahal ko si Kale." Nakita ko ang ngiti ni Christine, "ganoon ba? Masaya ako para sayo dahil Doctor kana, anlaki ng pinagbago mo, may salamin kana ngayon pero gwapo ka pa rin! Hahahaha!" Napatawa nalang ako nang sabihin niya iyon.. Nagsalita siyang muli, "Basta dumalo ka ha! Sa sabado, pag hindi kita nakita roon yari ka sakin!" Tumawa nalang ako't tinignan ko yung time and place sa invitation.. "sige, makakarating ako wag ka mag-alala," Sabi ko sakanya, "gusto mo bang mag miryenda muna?" tanong ko.. "Ah! Hindi na, pumunta lang ako dito para imbitahin ka.. Isama mo rin yung kaibigan mo ha.." "kaibigan?" "yung kasama mo sa loob. Sige, mauna na ako!" Pagkatapos nun ay umalis na siya.. Ah.. Si Lester? No way, hindi ko siya kaibigan. Bumalik na ako doon sa loob ng Infirmary.. Nakita ko naman si Lester na nakahiga pa rin.. "hindi ka manlang gumalaw dyan?" tanong ko.. Narinig ko siyang tumawa.. "gusto mo bang sumama? A-Attend ako ng wedding sa sabado." Tanong ko sakanya. Hindi ko rin inaasahan na sasabihin ko iyon, pero dahil sinabi ni Christine na isama ko siya, tatanungin ko muna kung payag siya.. "kaninong wedding?" tumayo siya sa pagkakahiga.. "sa wedding nung babae ritong pumunta kanina. Iniimbitahan ka rin niya.." Sabi ko.. "Ah.. Okay sige. Wala naman akong gagawin sa Sabado eh..." Nakita ko siyang ngumiti. Marunong rin palang mag soft talk itong lalaking to.. *** SABADO.. "Congratulations!" Narinig kong bati kay Christine ng mga kamag-anak niya. Nakita ko naman yung masayang ngiti sa labi niya habang hawak hawak yung bouquet. Simple lang yung damit niya, naka-ipit ang buhok niya't nababalutan ito ng iba-ibang tali.. Mas lalo siyang naging maganda ngayong kasal niya.  Kakatapos lang kissan ng groom ang bride. Ako naman, nakatayo lang sa may pintuan ng simbahan at naka crossed arms, nakatitig lang sakanila.  Magdidilim na.. Hapon kasi eh.. Mukhang marami ata silang nakasabay ngayon.  Tumingin naman ako sa katabi kong kumakain ng ice cream na nasa popsicle sticks. "kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba pumunta? Alam mo namang na O-OP ako dito." sabi ko sakanya.. Ngumiti naman siya at tumuloy sa pagkain.. "Bumili lang naman ako. Hindi naman ako ganun kasama para iwan ka mag-isa.." Binalik ko ulit yung tingin ko roon sa groom at bride na masayang-masaya.. "gusto mo?" narinig ko si Lester na nagsalita at paglingon ko ay nakita kong halos dumikit na sa mukha ko yung ice cream na hawak niya.. "ayoko, kaya pwede ba ilayo mo yan?" I told him coldly. "hmph! Sungit, buti nga inaalok ka eh." Pagkatapos ay dinilaan niya na yung malapit nang matunaw na Ice cream. "magdidilim na. Alis na tayo.." sabi ko sakanya.. "hm? Bakit naman? Napapagod kana ba tumayo?" =.= Speaking of, ilang oras na kami nakatayo dito, medyo na-late lang kasi kami ng unting-unti at wala na kaming maupuan, kaya tumayo nalang kami. Hindi ko akalaing andami palang kamag-anak, kaibigan, pamilya etc.. nitong si Christine, o baka yung asawa niya? Nagsimula na akong tumalikod at lumakad paalis.. Nang marinig ko ang sigaw ni Christine.. "DRAKE!!!" Lumingon ako't nakita ko siya tumatakbo palapit sa akin hawak-hawak yung mga bulaklak.. Napatigil ako't humarap sakanya, "O-Oh?" Hinihingal siyang tumigil, "uuwi na ba kayo? Hindi na kayo pupunta sa reception?"  Umiling ako, "hindi na.. May gagawin pa kasi kami eh." Pagsisinungaling ko, ang totoo niyan.. Ayoko lang talagang magtagal dahil hindi na ako sanay maka-attract ng atensyon ngayon. Anti-social na ako, yung wala nang pakialam sa anu mang nangyayari.. "ayy.. ganun ba? sayang naman.. Salamat sa pagpunta ha.. Akala ko nga tututol ka eh." Sabay tawa niya. Naningkit naman yung mata ko sa sinabi niya.. "you still have that kind of personality. Grow up okay? Mamaya hiwalayan ka niyang asawa mo.."  "grabe naman to! Kaka-kasal lang hiwalayan agad ang sinasabi!" Tumawa siya at napatingin kay Lester, "oh?~ Nandito ka rin!! Salamat sa pagdalo ha!"  Nakita kong ngumiti si Lester ng napakatamis, "wala pong anuman, salamat rin po sa pag imbita. Pasensya na po kung wala akong regalo.." This guy is such a fake =.= "ay! Okay lang yun! Mas okay pa nga sa akin ang dumalo kaysa sa regalo HAHAHAHA!" Ito namang babaeng to mukhang ang saya-saya.. "oo na. Sige, mauna na kami Christine.." sabi ko.. "Sige!! Ingat kayo ha~" Ngumiti ako. Pagkatapos ay umalis na kami ni Lester.. Nakapamulsa ako habang naglalakad at si Lester naman ay hindi pa rin nauubos ang Ice cream. Tahimik lang kami.. "..Drake.." narinig kong sabi niya.. "baket?" tanong ko ng hindi lumilingon. "..Ex mo yun no?" Napatingin ako nang sabihin niya iyon.. "pano mo nalaman?" Binalik ko ang tingin ko sa daan.. "halata eh. Bakit kayo nag break?" Napaka tsismoso naman ng lalaking to.. "there's no way I'm gonna tell you.." I told him. Pagkatapos ay hindi na siya umimik. === vote. comment. share
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD