"Hello, mimi?"
Sinulyapan ni AJ si Vince na napahinto sa pagkain nang sagutin n'ya ang tawag.
*"AJ, nasaan ka? Wala ka rito sa condo mo."*
Kinagat ni AJ ang ilalim ng kaniyang pisngi. Mahigit isang linggo na s'yang narito sa condo ng binata at kahit na umaalis-alis ito ay hinihintay n'ya pa rin na makabalik ang huli.
"May problema ba?" Pagtatanong n'ya sa kabilang linya.
*"Umalis ka na ba? Bakit hindi ka nagsabi sa 'kin, akala ko naman nandito ka pa. Papipirmahan ko sana sa 'yo ang papers ng property mo. Kakarating lang kanina."*
"Pagbalik ko na lang, mimi."
Narinig n'ya ng buntong-hininga ng manager sa kabilang linya bago ito nagpaalam na ibaba na ang tawag.
"Something came up?"
Umiling s'ya sa tanong ni Vince. Hindi naman important 'yon, ni hindi nga n'ya naalala ang bagay na 'yon eh. Ngayon na rin ang hulinh araw n'ya rito sa condo ng binata. Ito ang napagkasunduan nila na isang linggo lang ang itatagal n'ya.
Hindi naman naging boring ang pagtira n'ya rito dahil kung wala si Vince ay pinupuntahan s'ya ni Willa. Hindi n'ya akalain na magiging gano'n kainit ang pagtanggap ng mga kaibigan nito sa kaniya na tila ba talagang girlfriend s'ya nito na magtatagal sa buhay ng kaibigan nila.
"Is your passport ready?"
Kumunot ang noo ni AJ. "Passport? Yes, why? I haven't think of which country I wil----"
"We'll go to Switzerland."
Umawang ang bibig ng dalaga dahil sa gulat. Parang kahapon lang sinasabi nito kung gaano ka-busy sa hospital tapos ngayon sasabihan s'yang pupunta sila ng Switzerland.
"Vince, I have the free time pero paano ka? Paano ang trabaho mo?"
"Settled."
Nakangisi ito sa kaniya na para bang may nagawa itong malaking bagay.
"Bakit naman kasi biglaan?"
"Hindi nga 'to biglaan eh. Kung hindi ka kasama 'di rin ako pupunta," sagot ng huli.
Laglag ang panga ni AJ sa narinig. Parang kasalanan pa n'ya?
"So ako ang dahilan kaya ka pupunta ng Switzerland? Hindi naman ako nag-offer na pupunta tayo ah, ikaw pa ang nag-decide tapos parang ako may kasalanan?" Matulis ang mga mata n'yang nakatingin sa binata na mabilis din na umiling.
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin..... damn it! I mean, I wouldn't go there if you won't come. I would go there because I'm...... why are you smiling?"
Nakakunot ang noo ni Vince na nakatingin sa nakangiting si AJ. Hindi maitatago ng babae ang talagang angkin nitong ganda. AJ is someone that would send other girls self-esteem so low.
Umiling ito nang hindi inaalis ang ngiti sa mukha kaya mas nalukot pang lalo ang noo ni Vince.
"Wala talaga..." anito, mukhang hindi kabisado si Vince dahil nakatitig pa rin ito sa kaniya nang may pagtataka. "Stop looking at me like that, Dr. Guevara, wala lang talaga."
He sighed. Walang nagawa ang binata. "Bukas ng hapon ang flight natin."
Nanlaki ang mga mata ni AJ at halos mabitawan ang pinggan na hawak na dapat ay ilalagay n'ya sa lababo. Hindi makapaniwalang tiningnan n'ya ang kaharap.
"Bukas? As in tomorrow agad? Why didn't you tell me sooner kung ang sabi mo ay hindi naman 'to biglaan?"
"I didn't expect we will be there to be honest," nakangiwing sagot nito kaya tumulis ang tingin ni AJ dito.
"I need to go back to my place," saad ng dalaga.
Ilang segundong nakatitig lamang si Vince sa kaniya nang hindi malaman kung ano ang tumatakbo sa isip nito habang ganito ka-intense ang tingin sa kaniya. Nanunuot sa kaniyang buong kalamnan ang klase ng tingin nito na tila ba gusto n'ya na tanggalin ang kung anong nakabalot sa kaniya gamit ang bibig nito.
Mabilis na iniling ni AJ ang sariling ulo dahil sa kung anong naiisip.
"Ihahatid na kita." Presenta ni Vince.
"Hindi pwede."
Napatigil ang binata dahil sa mabilis n'yang sagot. Nakita n'ya kung paano nagtaas-baba ang adams apple nito habang tiim-bagang nakatingin sa kaniya. Alam naman n'ya na alam ng binata kung bakit hindi s'ya papayag na ihatid s'ya nito. Nagpahatid s'ya sa kaniyang assistant sa isang convenient store na malapit dito saka s'ya sumakay ng taxi.
Mabuti na lang din at normal ang pagsusuot ng mask ngayon kaya madali lang sa kaniya ang pag-disguise.
"AJ, ihahatid kita." May pinal na pagkakasabi nito.
"Vince, hindi na kailangan. Magpapasundo ako sa P.A ko. Delikado kapag may nakakita sa 'kin na lumabas ng sasakyan mo lalo pa at malawak ang harap ng building, maraming mga nakatira roon na mga nasa showbiz kaya maraming mga paparazzi doon."
She balled her palm hoping that Vince would understand her reason.
"Dito ka n'ya susunduin?"
"Sa pinakamalapit na convenient store dito."
Naningkit ang mga mata ni Vince, "ihahatid kita papunta roon."
"Vince, you----"
"If you're worried, sa bahay ni Edmar mo papuntahin ang assistant mo, mas malapit 'yon sa condo mo. Doon natin s'ya hintayin."
Kabababa lang ni AJ ng phone at tiningnan ang seryosong si Vince. Katulad ng sabi nito kanina ay tinawagan n'ya si Rina at ibinigay ang address ni Edmar. Sana lang ay hindi magalit si Edmar sa ginagawa ng lalake.
"I really could've just----"
"This is safer than your plan, AJ."
Mukhang wala naman s'yang pag-asang manalo kaya hinayaan n'ya na lang ito. Sana pala ay pinaghintay n'ya na lang si mimi kanina sa condo n'ya uuwi rin naman pala kasi s'ya. Inilabas n'ya ang cellphone at nagtipa ng mensahe para sa kaniyang manager.
"Sino ang tine-text mo?" Biglang tanong ng binata at agad na umangat ang kaniyang ulo upang balingan ito ng tingin.
Nakataas ang kilay nito sa kaniya habang palipat-lipat ang tingin nito — sa kaniya at sa daan. Ibinalik n'ya ang tingin sa phone at tinapos ang mensahe.
"Ang manager ko, sinabi ko sa kaniya na uuwi ako para pumunta s'ya."
"Aalis ka rin naman ng condo mo mamaya."
"Pwede ba na sa airport na lang tayo magkita bukas?"
Kumunot ang noo ng binata. Mukhang hindi nito gusto ang lumabas sa bibig n'ya. Para lang naman hindi sila ma-hassle parehas.
It is more convenient for them to just meet at the airport plus that would also not give the people an idea that they are leaving together. She had think about it earlier and since that she's getting back to her place.
Nagtataka itong tumitingin-tingin sa kaniya. "Bakit?"
Napansin n'ya na pumapasok na sila sa village kung saan nakatira si Edmar. Kaya pala bumabagal ang takbo ng sasakyan, puros kasi paliko-liko ang daan.
"That is more convenient for both of us, Vince. Hindi ko alam kung gaano tayo katagal doon o kung baka gustuhin kong magtagal doon since I have a lot of time to stay on a vacation. So, gusto kong pag-isipan overnight while packing."
Tiim-bagang pinarada ng binata ang sasakyan sa tapat ng gate ng bahay ni Edmar. Hanggang ngayon — kahit hindi ito ang unang beses na nakapunta rito ay nagtataka pa rin s'ya kung bakit hindi sobrang laki ng bahay nito. Sakto lang — halatang mayaman ang nakatira pero katulad ng ibang mayayaman na masyadong show off.
Akmang bababa na s'ya nang pigilan s'ya ng binata at bumusina. Hindi rin naman nagtagal ay bumukas ang gate at iniluwa roon ang boy ng kaibigan nito. Ipinasok ni Vince ang sasakyan.
Tumunog ang kaniyang cellphone at nakita ang pangalan ng kaniyang assistant.
"Yes, Rina?"
*"Ms. AJ, nasa gate na po ako ng village pero hindi po ako pinapapasok ng guard kasi wala pong sticker ang sasakyan eh. Dala ko po ang sasakyan ni mimi."*
Nanlaki ang kaniyang mga mata na napatingin sa binata.
"What's wrong?" Tanong nito.
"Nasa gate na si Rina pero hindi s'ya pinapapasok ng guard dahil walang sticker ang sasakyan n'ya."
Tumango ito at hinawakan ang kaniyang kamay.
"Hold on a moment, Rina."
*"Opo."*
Inilagay n'ya sa mute ang tawag upang huwag marinig sa kabilang linya ang kaluskos dito. Hindi alam ni Rina kung sino ang kasama n'ya kaya kailangan n'yang gawin 'to. Alam n'ya naman na buto si mimi sa pakikipagkita n'ya kay Vince pero kailangan n'ya pa rin mag-ingat.
"Asshole!"
Napangiwi si AJ nang tawagin ni Vince ang pababa ng hagdan na si Edmar. Mabilis namang lumitaw sa ere ang gitnang daliri nito.
"F uck you!"
"Nasa gate ang assistant ni AJ, ayaw papasukin ng guard," parang wala lang na sabi ni Vince dito.
Ganito kapag matibay at matagal na ang pagkakaibigan, kahit bastusan na para sa ibang sensitive — sa kanila ay normal lang. Tumingin sa kaniya si Edmar kaya isang tipid ang naibigay n'ya rito. Nahihiya s'ya dahil alam n'ya na naistorbo nila ito.
"Tawagan ko ang guard...."
"Dito na lang." Inabot n'ya ang cellphone n'ya rito, "nasa kabilang linya ang assistant ko."
In-unmute n'ya ang tawag. "Rina?"
*"Yes, po, Ms. AJ?"*
"Paki-bigay sa guard ng phone please."
Nang marinig n'ya ang lalakeng boses ay agad na inabot n'ya ang cellphone n'ya kay Edmar. Tumatango-tango ang lalake habang saglit lang na nakipag-usap sa kabilang linya. Nang ibalik nito sa kaniya ang phone ay nagbigay ito sa kaniya ng okay sign. Pinatay n'ya na agad ang tawag at hinintay na mag-text na lang si Rina.
"Let me know kapag nakauwi ka na."
Nakangiting binalingan n'ya si Vince. Malalim ang tingin nito sa kaniyang mga mata.
She nodded, "I'll see you tomorrow? I will see you tomorrow."
Nagpakawala ng mabigat na paghinga ang binata at hinawakan ang mukha n'ya saka s'ya pinatakan ng halik sa labi dahilan upang makarinig sila ng malulutong at sunod-sunod na mura mula kay Edmar na nasa gilid lang pala nila.
"F uck! Sh!t Damn!"