Chapter 41

2168 Words
"What?!" He smirked. Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan n'ya sa gulat habang s'ya ay may malaking ngiti sa mukha. Bakas din sa mga mata n'ya ang saya. "Gago, bakit?" Kumunot ang noo ni Vince sa naging tanong ni Marco. May pagtatanong ang tingin n'yang ipinukol n'ya rito. "What do you mean, bakit?" "Nasa Pilipinas si Feona, asshole! Naghahanap ka ba ng gulo?" Si Harlin ang sumagot. Narito sila sa bahay ni Edmar dahil birthday nito. Wala namang ibang tao maliban sa kanila at kay Willa na fiance ni Marco. Nagtataka ang mga ito kung bakit kasama n'ya si AJ. Laking gulat ng mga itlog nang makita sila. Si Willa ay ninakaw agad si AJ, fan na fan ng dalaga ang girlfriend ng kaibigan. "I know," mababang saad n'ya. Sa totoo lang ay hindi n'ya masyadong naisip 'yon — no, kasi talagang hindi n'ya naisip 'yon. Noong hinihiling n'ya kay AJ na manatili sa condo n'ya ay hindi sumagi sa isip n'ya si Feona. Tama si Harlin, naghahanap s'ya ng gulo sa ginagawa n'ya. Huminga s'ya ng malalim bago nagbuntong-hininga. Nakakalimutan n'ya ang possibleng mangyayari kapag nasa tabi n'ya ang dalaga. Masyado s'yang masaya kapag kasama 'to. "Walang laban si AJ kay Feona." Umigting ang panga ni Vince sa sinabi ni Edmar. Naningkit ang mga mata n'yang napatingin sa ibaba. Sigurado 'yon. AJ's too precious to met someone like Feona. Feona is feisty and fearless, the woman will do everything she wants. "Isama mo sa Switzerland." Napatingin s'ya kay Marco. "May exhibit si Yael sa linggo, don't tell me hindi ka pa nakapag-file ng leave para roon?" He shook his head, "I wasn't actually planning of going there." "Ang hirap talagang maging Doctor," nakangising sambit ni Harlin. Sinamaan n'ya ito ng tingin. Nagkibit-balikat ito bago sumeryoso ang mukhang nakatingin pa rin sa kaniya. "Don't put her in the midst of the chaos, bro. Alam mo ang kahihitnan kapag nalaman ni Feona ang tungkol sa kaniya. Baka masagasaan ang career n'ya. Si Feona walang pakialam 'yon." Hindi n'ya inalis ang tingin sa baso n'ya habang nakikinig sa mahabang litanya ni Marco. Walang hindi tama sa mga sinabi nito. Pero paano n'ya 'yon gagawin? Gumising lang sa umaga nang hindi katabi si AJ ay para na s'yang nababaliw ang isipin pa kayang hindi n'ya na ito makikita? Damn! He can't do that! "Kasama si Willa sa Switzerland?" Tumango si Marco bilang sagot sa tanong ni Edmar. "Oo, kaya nga nakapag-file na agad ako ng leave a month ago. Kilala n'yo naman kung gaano kaadik sa art ang isang 'yon. Baka nga kung mas nauna pang nakilala no'n si Yael ay hindi ako ang fiance ng babaeng 'yon eh." Naiiling na sagot ni Marco kaya hindi nila naiwasang matawa ng mahina. Tinapik ni Edmar ang balikat ni Vince kaya napatingin s'ya rito. "Think about it, bud." Tumatango-tango s'ya rito. Itinaas n'ya ang baso at nakipag-toss sa mga kaibigan. At dahil nasa lanay sila ay dinig na dinig nila ang sunod-sunod na tunog ng door bell. Kumunot ang noo ni Vince nang makita ang pagtataka ni Edmar. "May ibang bisita ka pa?" Seryosong tanong ni Vince rito. Mabilis na umiling si Edmar. "No." Kaya s'ya pumayag na pumunta rito dahil sa pagtutulak ni AJ na pumunta s'ya rito. Ayaw nga sana ng dalaga na sumama dahil baka may maraming tao kaya kinumpirma n'ya muna kung sino ang mga narito. Nang sabihin ng kaibigan na wala namang handaan ay pumayag s'ya sa gusto ni AJ na pumunta kung sasama ito. She was considering him spending time with his friends specially that it's his free day as well. "Mukhang importante ang kailangan ng kung sinong nasa labas ah." Natatawang sabi ni Harlin dahil walang tigil na pagtunog ng door bell. "Ano ba 'yan, bakit hindi n'yo pa pinagbuksan 'yang nasa labas, ang ingay!" Pasigaw na reklamo ni Willa na sumulpot na lang bigla kasama si AJ. May dala ang mga itong cake. Naningkit ang mga mata ni Vince dahil sa malawak na ngisi ni AJ. "Nag-bake kayo?" Agad na tanong ng binata sa dalaha. Tumango ito nang nakangiti, "oo, wala raw kasing cake eh birthday naman kaya ayan. Ang galing ni Willa mag-bake." "Edmar, sino ba 'yang nasa labas? Sisirain yata ang door bell..... teka nga...." Mabilis na pinigilan ni Marco ang fiancee nito nang akmang puntahan ang kung sinong nasa gate. "Willa, samahan mo si AJ sa loob, kuha kayo ng drinks." Binigyan ni Vince nang makahulugang tingin si Willa na tila nakuha nito ang ibig n'yang sabihin. Mabilis na tumango ang kaibigan at pumapalakpak pang dinala si AJ sa loob. Sakto nang mawala ang dalawa sa paningin nila ay tumayo si Edmar upang tingnan kung sino ang pasaway na walang tigil sa pagpindot. Sinundan nilang tatlo ng tingin ang kaibigan. "You don't just order my woman like that." Umismid lang si Vince dahil sa matigas na boses ni Marco. Sabay silang tatlo na mas lalong nagtuon ng atensyon sa may gate nang makarinig sila ng isang matinis na boses. "Happy Birthday!" "The f uck!" Napa-awang ang bibig nilang tatlo habang nakatingin sa isang babae na biglang yumakap kay Edmar kaya napamura ito. Mukhang nagulat din yata ang kaibigan dahil sinusubukan nitong tanggalin ang isang braso ng babae na nakapulupot sa leeg nito habang ang isang kamay ay may hawak na kahon ng cake. "Sino 'yan?" Tanong n'ya nang hindi inaalis ang tingin sa dalawa sa gate. "I don't know. Ngayon ko pa lang 'yan nakita," sagot ni Harlin. Naningkit ang mga mata ni Vince dahil nang igala ng babae ang paningin nito sa likod ni Edmar ay tumama sa kanila ang mga mata nito at napasinghap pa nga. "Mukhang matagal na silang magkakilala ah," may bakas na tawang sabi naman ni Marco. "What are you doing here?" Dinig nilang tanong ni Edmar sa babae. Ngumuso itong tumingin sa lalake. "Birthday mo ngayon eh. Hindi ka naman nag-message sa 'kin kaya sinurprise na lang kita. May mga bisita ka pala, mga kaibigan mo ba sila....... Hi!" Seryosong tiningnan lamang ni Vince ang may malawak na ngiting babae nang kumaway ito sa kanila. Umigting ang kaniyang panga dahil baka hindi ikakatuwa ni AJ na may ibang tao na narito. Baka ikakagalit ng dalaga. Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita n'ya ang pagtango ng dalawang kaibigan habang si Edmar ay sinubukang pigilan ang pagpasok ng babae. "Paano mo nalaman ang address ko?" Kunot-noong tanong ni Edmar dahil hindi n'ya napigilan ang pagpupumilit ng babae. Dire-diretso ito sa lanay kung nasaan sila at agad na inilapag ang dalang cake. Hindi pa rin naaalis ang ngisi nito sa mukha. Tahimik lang na pinagmamasdan ni Vince ang kaibigan na mukhang hindi natutuwa sa pagdating ng babae. Lihim s'yang nagdarasal na sana huwag munang bumalik sina Willa at AJ. mukhang chaotic ang isang 'to eh at hindi naman nila kilala. Tumama sa kaniya ang paningin ni Edmar at agad na nagkibit-balikat ang kaibigan n'ya. Bumaling ang babae rito at nakangisi pa rin. "Tumawag ako sa office mo, mabuti na lang at natandaan ako ng secretary mo kaya binigay n'ya sa 'kin ang add----" "Wala na kaming narinig na tunog ng door bell, sino ba 'yon?" "F uck!" "Sh!t!" Sabay silang napamura ni Edmar sa biglang paglabas ni Willa. May hawak itong dalawang bote ng Jack Daniels habang kasunod nito ang napatigil na si AJ. Napahinto rin si Willa nang mapagtanto nitong may ibang tao. "Oh my...." Mabilis na tumalikod si Willa upang subukang takpan si AJ ngunit huli na dahil bigla na lang napatili ang strangherang babae. "Oh my gosh, AJ?!" "F uck, shut up!" Saway ni Edmar dito at sinubukan pa itong hilahin sa likod nito. Tumayo si Vince at dinaluhan si AJ. Umigting ang panga ni Vince nang makita kung gaano ka-seryoso ang mga mata ng dalaga. "Sorry, hindi ko alam." Pabulong na saad ni Willa na tinanguan ng binata. Dumiretso na ito sa tabi ng fiancee. "Hindi namin alam. Hindi rin namin kilala pa, kilala lang ni Edmar," agad na sambit n'ya kay AJ nang makalapit s'ya rito. Tumango ang dalaga, "hindi naman siguro s'ya paparazzi 'no?" Tumawa ito ng mahina ngunit nahihimigan ni Vince ang pagiging peke ng tawa nito at ang kaba. "O to the M to the G! Kayo ba talaga? Totoo 'yong chismis sa facegram?" Sabay silang napalingon na dalawa sa babae nang malakas na boses na naman nito ang nangibabaw. Hinarap ni AJ ang babae at binigyan ito ng isang ngiti. Nagtama ang paningin nina Vince at Edmar at sabay na tumango ang dalawa. "Hi, nice meeting you," nakangiting sabi ni AJ dito at inilahad ang kamay. Halos mangisay sa kilig ang babae at napatakip pa ito ng bibig. Binalingan nito si Edmar at sinapak sa may dibdib. "Bakit naman hindi mo sinabi sa 'kin na kaibigan mo si Doc Vince at AJ? E 'di sana noon ko pa sila nakilala! Nakapakahayop mo talaga!...... Hi, AJ, oh my gosh, hindi ko naimagine na makikita kita ng ganito kalapit, kayong dalawa ni Doc! Sobrang bagay n'yo talaga....." "She's Rhian," pakilala ni Edmar sa babae. Natawa si Rhian, "ah hehe, sorry, hindi ako nakapagpakilala. Nadala ako sa excitement." "Fan ka ni AJ?" Singit ni Willa. Tumingin si Rhian dito at tumango-tango. "Oo! Katunayan nga n'yan ay pumila pa ako kahapon sa mahabang pila sa sinehan eh, nanood ako ng movie n'ya. Ang husay, grabe!" Inalalayan ni Vince na maka-upo na si AJ dahil nakatayo lang ito habang seryosong nakatingin sa babae. Bakas sa mukha nito ang kaba dahil sa kaingayan nito. Nahihiyang napangiti si AJ. "Salamat." "Huwag mong ipagsabi na nakita mo si AJ dito at lalong huwag mong ipagsabi na nakita mo silang magkasama ni Doctor Vince Guevara." Nawala ang ngiti sa mukha ni Rhian na napatingin sa seryosong mukha ni Edmar. "I am a lawyer, kapag naglabas ka ng balita tungkol sa mga kaibigan namin, sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan," dagdag ni Harlin kaya napatingin din dito si Rhian. Kitang-kita ni AJ kung paano lumatay ang ugat ni Edmar sa noo. His jawline tightened as he stares at Rhian. He doesn't seem please with her presence and she's wondering why. "I also have connections. Hindi mo magugustuhan ang magagawa ko kapag magiging ugat ka ng gulo," gatong pa ni Marco. Ngunit imbis na matakot at humalakhak pa ito. Nagsalubong ang kilay ni Vince habang si AJ ay naningkit ang mga mata — sinusubukan n'yang basahin ang babae at gano'n din si Willa rito. "Ang seryoso n'yo naman." Tumatawang sabi nito. Tumingin ito kay AJ nang punong-puno ng tuwa ang mga mata, "pangako, wala akong pagsasabihan na nakita kita rito at na magkasama kayo ni Doc Vince. Safe sa 'kin ang secret ninyo, wala kayong dapat ikabahala." "Thank you." "Grabe ang ganda mo talaga. Mas maganda ka sa personal at sa malapitan. Eeeh, isa ako sa mga AV shippers eh." "Hoy, ako rin!" Sabat ni Willa kaya tumaas ang kilay ni Rhian. Sabay na napa-face palm ang mga lalake habang ang mga babae ay napangisi maliban kay AJ na naging awkward. Katabi n'ya si Vince at alam n'ya kung ano ang mayroon sa kanilang dalawa kaya hindj n'ya maiwasan ang ma-awkward. "Enough with that, ginugulo mo si AJ. Hindi ka pa ba aalis?" Tanong ni Edmar dito. Ngumuso si Rhian, "pwede bang dito muna ako?" Napatingin si Edmar kay Vince at si Vince naman ay napatingin kay AJ. Nagpalipat-lipat ang tingin ni AJ sa dalawang magkaibigan. "Ayos lang sa 'kin," aniya sa mababang boses. Lumiwanag ang mukha ni Rhian at napatalon pa sa tuwa. Nanlaki ang mga mata ni AJ nang dambahan s'ya nito bigla ng yakap. Bago pa man nakapag-react si AJ ay nahila na ito ni Willa. "Oh God, Lord." Marco mumbled. "Oh, girls." Naiiling na sabi naman ni Harlin. "Tang-inang 'yan," mura ni Edmar. "The f uck!" Hindi makapaniwalang react naman ni Vince. "Ang selosa mo naman, Willa!" Saway ni Rhian sa isang babae. "Masyado ka kasing feeling close, kakakita mo pa lang sa kaniya 'no." Inirapan ni Willa ang huli. Naging kumportable naman silang lahat kalaunan. Masigla talaga si Rhian, ibang-iba sa katauhan ni Edmar. Napapangiti si AJ habang nakikita n'ya kung paano sumasama ang timpla ng mukha ni Edmar habang nagliligalig si Rhian. Nag-kwento na rin ang babae kung bakit sila magkakilala ni Edmar at napuno ng alaska ang binata mula sa mga kaibigan. Kahit na ramdam ni AJ ang kamay ni Vince sa bewang n'ya ay hindi n'ya maiwasang mainggit. Si Willa at Rhian, parehong fan na fan n'ya, hindi alam ng dalawa na fan din s'ya ng mga ito na sana kagaya s'ya ng mga 'to. Alam ng dalawa ang lugar sa buhay ng mga taong nasa tabi nila. May mga lakas para sa mga ito. Pero s'ya, alam n'ya kung saan s'ya dapat nakatayo at hanggang doon lang s'ya. "Are you okay?" Napapikit si AJ dahil sa init ng hininga ni Vince na tumama sa kaniyang tainga. "Oo, natutuwa lang ako." "Tell me if you wanna go home...." *"Home"*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD