"Pumasok ka na" aniya na may diin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko alam kung saan nya ako gustong pumasok. "Naiihi ka di ba? Kaya papunta ka kanina sa cr? Bakit ka doon iihi sa for all gender? Maraming lalake dun" may tinuro sya sa likoran ko kaya lumingon ako at nakita ko ang nakasulat doon. VIP at separated nga ang restroom ng male and female. Binalik ko ang tingin sa kanya pero seryoso syang nakatingin sa akin. What happened to the smiley intern who volunteered to buy me a sandwich? At dahil ramdam ko na naman ang ihi kong ayaw na ata magpaawat ay pumasok na ako sa restroom. Walang ibang tao. Di na ako tumingin sa salamin at dire-diretsong lumabas. Sumalubong sa akin ang mga mata nyang parang galit sa mundo. Lifeless. If he's not an intern, what is he? Anong ginagawa nya sa ACC

