Chapter 28

1458 Words
"Are you okay?" Napatingin s'ya sa katabi na si Alli at saka napangiti ng tipid nang may kasamang pagyango. Agad na sumeryoso ang mukha ni AJ nang ituon n'ya muli ang kaniyang atensyon sa hawka n'yang cellphone. Humigpit ang kaniyang pagkakahawak dito at kung sino man ang nakatingin sa kaniyang kamay ay mapapasabi na galit nga s'ya. Pa-simple n'yang in-off ang kaniyang cellphone upang maiwasan ang mga text message na nagmumula sa ganoong tao sa gitna ng trabaho. "We don't have enough time to undergo a briefing," saad ng kanilang director kaya napatingin s'ya rito. "Alli, you have been in an interview like this so many times, this will be live with no briefs and all. AJ, I am confident that you know what to say for you are the interview's favorite so I know you can just play this with your fingers," dagdag pa nito nang hindi inaalis ang paningin sa kaniya. Ngumiti s'ya at tumango rito. Hindi na rin s'ya nagsalita pa ng kahit na ano at maging ang kaniyang mga kasama sa loob ng van na ito ay parehong nanahimik. Hindi naman sana nakakapagod ang ginawa nila sa loob ng cinema room dahil nanood lang naman sila at ang interview kanina ay naka-upo lang naman sila pero pakiramdam n'ya ay sobrang exhausted n'ya. Wala s'ya sa mood magtrabaho ngayon pero wala s'yang magagawa, trabaho n'ya ito na kahit ayaw n'yang gawin ay kailangan pa rin. Kailangan n'yang manatili sa track n'ya dahil hindi s'ya magiging s'ya kung ano man s'ya ngayon kung ang katamarang ito na bigla na lang nagparamdam sa kaniya ay noon pa n'ya naramdaman. She is not going to lost her motto, she's already at the top and she will stay in there. Nang huminto ang sinasakyan n'yang van ay agad s'yang lumingon sa likuran upang tingnan kung nakasunod ba sa kanila ang sasakyan ng kaniyang manager at ng kaniyang buong team, ang kaniyang van. Agad na naging panatag ang kaniyang isip nang makita ang kaniyang team na may kaniya-kaniyang hawak na mga gamit n'ya. "Let's go?" Tiningnan n'ya ang kasama na si Alli at nakangiti itong nakatingin sa kaniya sabay lahad ng kamay nito. Binigyan n'ya ng isang matamis na ngiti ang binata at lalo na nang sumalubong sa kanila ang bawat kislap ng mga camera. Sanay na sanay na ang kaniyang mga mata sa camera kaya hindi na s'ya nagulat at hindi na s'ya nito napa-igtad. Nakangiti n'yang tinanggap ang nakalahad na kamay ni Alli at sabay silang humarap sa dagat ng camera at mga tao na nakatayo sa bawat gilid ng harang na sa tingin n'ya ay inihanda ng staff. They're arrival and interview at this hour has been announced days prior to this day. No wonder why their fans are there as well. Binuksan ng management ang pinto at hinayaan na pumasok ang mga fans kaya ganito na lang ka-crowded ang paligid. "Alli, AJ, please take a loot at here!" 'I love you, AJ! You are so stunning!" "AJ! Pakasalan mo na ako!" "AJ! Bagay na bagay kayo ni Doctor Vince Guevara! Kailan ang sunod ninyong project?" Iilan lamang iyon sa mga sigaw na talagang narinig ng kaniyang tenga pero ang huling sigaw ang s'yang mas naka-agaw sa kaniyang pansin. Hindi n'ya inasahan iyon kahit na matunog ang pangalan nilang dalawa ni Vince sa twitter. Pinag-uusapan sila ng lahat ayon sa kaniyang assistant na si Rina na tutok na tutok sa bawat balita patungkol sa kaniya. Bahagya s'yang napaigil dahil sa narinig na iyon at mabuti na lang ay napigilan n'ya ang sarili na lingunin ang pinangagalingan ng boses na iyon dahil kung hindi ay malamang sa malamang magiging malaking issue iyon na didikit sa pangalan n'ya. Marami ma s'yang narinig sa tabi-tabi na mga artista na nasira ang career dahil lang sa ganitong issue. Haters will never leave them alone until they see the artists at the bottom, hopeless and not getting nay projects anymore. Iyon ang ikakasaya ng mga tao na akala mo naman may ambag sa tagumpay nila. Pinagtrabahuan nila ang pagmamahal ng mga tao at iyon ang hindi hahayaan ni AJ na mawala lang sa isang iglap. Dugo, pawis at lahat lahat nang sa kaniya ang kaniyang pinuhunan para lang makamit ang tagumpay na ito. Hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi habang naglalakad sa red carpet habang nakahawak pa rin sa kamay ni Alli. Nakasunod sa kanila panigurado ang direktor ng kanilang pelikula at maging ang kaniyang team. Nang makarating sila sa backstage ay agad nilang narinig ang boses ng host sa likod ng malaking kurtina na nakaharang sa kanila ngayon. The staff gave them the cue that they were about to be called. Hindi na sila nakikita ng mga fans mula sa labas ng studio kaya binitawan n'ya na ang kamay ni Alli. Parehong silang tumayo sa gitna ng backstage na s'yang magbubukas at dadaanan nila papasok ng stage at dadaan sila sa gitna. "Alli, Miss AJ, tatawagin na po ni kuya Jules, ready na po ba kayo?" Tanong ng staff sa kanila. "Yes," sabay nilang sagot na dalawa kaya agad na tumango ang babaeng staff at ini-excuse ang sarili at saka sumenyas sa kung sino man ang nasa loob ng studio. Naramdaman n'ya ang paglingon ni Alli sa kaniya kaya napatingin din s'ya rito. "Thank you is an understatement with this opportunity that you have given to me, AJ," ani Alli na nginitian n'ya lang naman. Ibinaling n'ya ang kaniyang atensyon sa pinto na magbubukas para sa kanila mamaya nang marinig n'ya ang introduction ng host para sa kanilang dalawa ni Alli. "For the very first time, we will be having here the one of the most talk and in-demand leading man of the country, Alli: with the Blockbuster Queen, the international awardee, and the queen of movies, the one that holds the country's top three highest grossing film of all time, ang mahal ng lahat ng madla — AJ!" And there agad na bumukas ang stage at ganoon din naman kabilis at kanatural na lumabas ang isang malawak na ngiti sa kaniyang mga labi. It was like an auto smiling with the cue. Kusa iyong kumurba sa kaniyang mukha at nakahawak ang kaniyang kamay sa braso ng binata nang pumasok sila sa loob ng studio. Dumagundong ang buong lugar nang umakyat na sila sa stage at naupo sa nakahandang sofa para sa kanila. Live ang interview na ito kaya mapapanood sila sa buong bansa pero bukod pa roon, may mga audience rin sa loob ng studio. "Oh my gosh! Hindi ito ang unang beses na mag-iinterview ako sa inyong dalawa pero ito ang unang beses na magkasama kayo. How are you? Ikaw muna Alli, kamusta naman ang buhay-buhay?" Natawa si Alli ng mahina at maging ang mga audience dahil sa sobrang natural na pagtatanong ni kuya Jules — isa mga pinakasikat na host sa bansa. "Maayos naman ang naging takbo ng buhay-buhay ko, Kuya Jules, kayo ba kamusta naman kayo?" Natatawang sagot naman ni Alli. Kinilig ang baklang host dahil sa pagbalik ni Alli ng tanong dito. "Okay naman ako, Alli. Hindi ako busy noong mga nakaraang araw at maging sa susunod pa na mga araw. Baka naman gusto mo akong i-invite sa kakabukas lang na restuarant mo," birong sagot ng bakla nang may kasamang giggles kaya natawa ang lahat at maging si AJ. Isa ang host na si Kuya Jules ang nakaka-komportable sa kaniya sa isang interview kaya naging kaibigan n'ya rin ang bakla. Hindi man n'ya ito itinuring na talagang kaibigan na sinasabihan ng mga problema ay sapat nang maayos ang pakikitungo nila sa isa't-isa na minsan pa ay lumalabas sila kasama ang ilan pa nilang kakilala na mga showbiz personality. Ikinakatuwa iyon ng mga fans kaya hindi n'ya pinapalampas ang mga ganoong pagkakataon. "Why not! Ikaw talaga ang gusto kong tumikim at mag-judge ng foods namin doon dahil alam ko na walang hindi masarap sa iyo, joke lang." Natatawang saad ni Alli na nagpa-isang linya sa labi ni Kuya Jules. "Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinasabi ng isang ito eh. Hindi ko pa naman mapa-cut iyon dahil naka-live tayo. Sino ba kasing naka-isip na maglive tayo?" Birong galit na response ni Kuya Jules na ikinatawa ng audience ng malakas. "Ha? Sino?" Nanlaki ang mga matang tanong nito nang may isa sa mga audience na nagsalita. "Ang management daw," natatawang saad naman ni AJ na mas ikinalakas ng tawa ng buong audience at ng host. "Nasa audience raw si sir Shawn, puwede ka raw magreklamo," dagdag pa ni Alli kaya nanlaki ang mga mata ni Jules at napatayo sa gulat. "Nandito si sir Shawn? Nasa-- hala sir, ano ang ginagawa ninyo rito bakit kayo narito sir?" Takot na saad ni Jules nang makita si Shawn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD