Chapter 29

1907 Words
Mas lumakas ang dagundong sa loob ng studio dahil sa tawa ng mga narito. Nakangiti ngunit seryoso na pinagmamasdan ni AJ ang boss na si Shawn at nasa tabi nito si Mikee. They must be really good friends to hang with each other. Kilala at alam ng lahat kung gaano ka strikto si Shawn pero sa pagkakataon na ito ay sinakyan nito ang biro ng isang komedyanteng host na si Jules na tinatawag ng mg tao ng Kuya Jules. "To make sure that the show will go on so smoothly. Remember, we are live," natatawang sagot naman ng huli kaya napangiwi ang baklang host. "Mahal ko ang trabaho ko kaya kailangan kong mag-ingat. Bakit naman kasi simula pa lang ng show nandito na, puwede naman kasing mamaya na lang pag medyo patapos na para happy," bulong na maktol nito sa mikropono na mas nagpatawa pa sa mga audience. "Ahehe, joke lang po sir Shawn. Huwag po ninyo akog padalhan ng memo pagkatapos nito ah. Okay, so, ikaw naman bebe love, AJ, kamusta naman ang buhay-buhay?" Agad na naging tahimik ang buong studio nang mapunta sa kaniya ang atensyon ni Kuya Jules. Matamis na ngiti ang kaniyang ibinigay sa harap ng camera. "Maayos naman, medyo nakapagpahinga ako this past few days kahit papaano," nakangiting sagot n'ya rito. "Ah kasi hindi ka sumasama sa mga promo ninyo hindi ba?" Tanong pa ulit nito sa isang sobrang curious na tunog. Tumawa s'ya ng mahina at saka tumango. Parang alam na rin yata n'ya ang susunod na tanong dahil itinanong na rin naman na ang mga iyon kanina sa cinema ng media. Ang kaibahan lang ito ay live. "Yes," nakangiting sagot n'ya. Bumaling si Kuya Jules kay Alli. "Pumayag ka?" Natawa si Alli dahil sa tono nito. "Oo naman, grabe at sobra-sobra ang ibinigay na puso ni AJ sa trabaho noon nagtaping pa lang kami, alam naman iyon ng production kaya bakit naman hindi," nakangiting sagot naman ni Alli. "Ang ganda mo talaga 'no," biro ni kuya Jules sa kaniya kaya natawa s'ya ng mahina. "Pero curious lang ako, alam din ba ng management na hindi ka sasama sa mga promotions na gagawin sa pelikula ninyo?" "Yes." Tumatangong sagot n'ya. "Nagpaalam ako sa kanila syempre dahil hindi ko rin naman alam kung puwede o possible ang bagay na iyon. Kasi alam mo iyon, sa tagal ko nang nagtatrabaho sa industriya, wala pa akong naging pahinga ta parang bigla na lang sumurender ang katawan ko. Bigla akong napagod kaya naglakas loob na talaga akong magpaalam," paliwanag n'ya sa isang natural na tono. "She deserve it naman," segunda pa ni Alli kaya napalingon siya sa binata at ngitian ito. "Sobrang deserve naman talaga, hindi ka talaga nababakante ano? Sunod-sunod ang trabaho mo. Kung ako siguro ikaw ay baka sumuko agad ako. By the way, ito ang unang beses na naging magkatrabaho kayo tama 'no?" "Tama," si Alli ang sumagot. "Si AJ, s'ya ang may hawak ng title na blockbuster queen for like 5 years straight, s'ya rin ang queen of movies or movie queen, international awardee at queen of teleserye, lahat na lang yata s'ya ang queen. Hindi ka ba kinabahan noong nalaman mo na s'ya ang makakasama mo sa pelikula na gagawin mo?" "Ang exaggerated ng title mo sa akin ah," natatawang sambit ni AJ. "Kinabahan, sobra! Kasi hindi ba, sa lahat ng movies ni AJ, ang lahat ng mga kapareha n'ya iyong mga biteranong mga artista rin. Iyong may mga pangalan na sa industriya na hindi na matitibag, mga mahuhusay na nakikipag lamunan sa aktingan kaya noong nalaman ko na ako, napatanong ako nang 'really? Ako talaga? Hindi ba sila nagkakamali? Si Aj? Itatambal nila ako kay AJ?" Sagot naman ni Alli. "Hoy grabe! Hindi naman ganoon. Hindi naman ako kagalingan," singit n'ya kaya binigyan siya ni Kuya Jules ng isang matulis an tingin. "Hindi kagalingan, eh lahat yata ng genre ng pelikula nagawa mo na. Hindi ka nag-uulit ng role 'no, napansin ko lang," saad nito sa kaniya. "Nagkakataon lang siguro na ang ino-offer nilang bagong trabaho sa akin eh malayo sa mga naging role ko na sa mga past projects ko," safe na sagot n'ya dito. "Sobrang humble talaga, kaya ka bibnibigyan ni Lord ng maraming blessing dahil napakabuti ng puso mo." Kumikindat na sambit nito na tinawanan n'ya lang ng mahina. "Pero totoo iyon, lahat ng mga nakasama mo sa pelikula mo ay iyong matatayog na ang pangalan sa industriya kaya mas lumalabas ang galing mo, lume-level ka sa kanila. Si Alli, isa sa mga pinagkakaguluhan din na leading man in this generation. Teka, ilang years nga ang gap ng edad ninyong dalawa?" "Four," agad na sagot n'ya. "Yes four," segunda naman ni Alli. "So, mas bata si Alli, may adjustment ka ba na ginawa noong nalaman mo na ang makakatrabaho mo ay mas bata sa iyo? Hindi naman malayo ang four pero si Alli kasi may ka-love team habang ikaw ay never nagkaroon." "Wala naman, ginawa ko lang kung ano ang hinihingi sa character and that is all," simpleng sagot niya sa tanong nito. "Napaka versatile mo rin kasi talaga eh. For sure itong movie na ito ay magiging blockbuster na naman. Napanood ko dahil naroon ako sa premiere screening ng movie ninyo at sobrang na-amaze ako. Hindi ko in-expect ang twist, grabe goosebump sa husay kayong dalawa. Si Alli, hindi ko in-expect ang naging pag pull mo sa genre at sa pag-arte mo. Ibang klase, sobrang layo sa mga previous roles mo. Kasi di ba, romance ang mga naging project mo and this is your first time with Suspense-Romance?" Mahabang saad ng host. "Yes, hindi ko actually alam kung talaga bang nagagawa ko ng tama ang bawat ginagawa ko kasi kapag si AJ ang ka-eksena ko, na-iintimidate ako kahit na in character s'ya. Natatakot ako na magkamali tuloy mali-mali ang nagagawa ko," natatawa at nahihiyang sagot ng binata. "Ano naman ang sabi ni Cynthia na for the first time ay nagkaroon ka ng ibang katambal sa pelikula? Hindi ba s'ya nagselos? I mean, sino ba ang girlfriend and hindi magseselos kung ang kahalikan mo, ka-eksena mo ay ang nag-iisang si AJ?" "Nagseselos s'ya," nanlaki nag mga mata ni Kuya Jules at maging si AJ ay hindi inasahan na marinig iyon. Nanlaki rin ang kaniyang mga mata at napatingala s'ya upang makita ang mukha ni Alli. "Pero hindi kay AJ ah, baka mamaya eh ano pa.... Nagseselos s'ya sa akin kasi raw nakakalapit ako kay AJ. Sobrang fan na fan ni AJ si Cynthia to the fact na pinadala n'ya sa akin ang sasakyan n'ya sa taping para magpa-autograph sa kaniya." "Sa car? Sa car ka nag-sign?" Gulat na tanong ni Jules sa kaniya. Nanlaki rin ang mga mata ni AJ at natatawang tumango at umiling. "Oo, teka, hindi... Ano ba!" Natatawang simula n'ya. "Nakapag-sign talaga ako sa hood ng isang brand new car at akala ko sa kaniya iyon. Hindi ko alam na kay Cynthia pala iyon." "Ibang klase si Cynthia mag fan girl," manghang sambit pa Kuya Jules at maging ang audience ay napanganga sa pagkamangha. "Love na love ni Cynthia si AJ eh, kaya sa akin s'ya nagseselos hindi kay AJ," nakangusong sambit ni Alli. "Grabe. Hindi ko kinaya iyong magpa-sign sa hood ng car. Pero teka lang, kasi bukas na ang start ng showing ng pelikula ninyo at dalawang linggo na lang ay pasko na. Saan kayo magbabakasyon? Si Alli pala alam ko na kasi sinabi mo na noon dito 'di ba noong nag promote ka ng pelikula ninyo?" "Yes, I will be out of the country with the family, sa Switzerland," sagot naman nito. "Ikaw AJ, magbabakasyon ka ba? Don't tell me may trabaho ka na naman sa pasko?" "I have few shoots left and I think matatapos naman na iyon within this week. Wala akong lakad, hindi ako aalis sa pasko, siguro gagalain ko na lang lahat ng nearby malls and cinema para panoorin ang pelikula namin." "Napaka private mo 'no? Wala na kahit isang na-link at nasabi na boyfriend mo, hindi rin namin alam kung saan ka galing bago ka naging si AJ, pero we rspect that naman. Curious lang talaga ako, may boyfriend ka ba ngayon? Ano ang status ng puso mo?" Seryosong tanong nito ni kuya Jules kaya mas nilapad n'ya ang ngiti niya. "I don't have a boyfriend, I am single at ang status ng puso ko? It's complicated." "OMG! Really? The last time you went here you were single and have your heart so single and now you're in a complicated feelings? My God! Sobrang kinikilig ako," kinikilig na sambit ni Jules. Malawak ang ngiti nitong nakatingin sa kaniya. Pilit na ngiti ang ibinibigay n'ya sa harap ng camera at sigurado s'ya na hindi iyon halata. Sanay na s'ya na ginagawa ang bagay na ito kaya hindi na mahirap para sa kaniya ang magpanggap ng ngiti. Pero isang bagay lang ang tumatakbo sa isip n'ya sa mga oras na ito at iyon ay kung gaano pa katagal ang interview na ito. Pakiramdam n'ya kasi ay wala namang magandang mapag-uusapan dito ngayon. Wala namang kwenta dahil lahat naman nang itinanong ni Jules ay itinanong na rin nito sa kaniya noong galing s'ya dito. Kaya nabo-bore s'ya at hindi n'ya na alam kung ano pa ang purpose nang pag-upo n'ya sa upuan na ito. "Well, ano lang kasi, siguro hinidi ko lang talaga naka-ugalian ang pagpasok sa isang relationship and maybe because I haven't fell in love yet? Iyon siguro, kasi 'di ba, parang hindi rin naman yata maganda na papasok ka sa isang relasyon na hindi naman sang-ayon ang puso mo, unfair din naman sa partner mo na s'ya lang ang may feelings sa inyo at iyon lang ang bumubuhay sa relasyon ninyong dalawa," mahabang saad n'ya na s'yang nagpahiyaw sa audience. Ramdam n'ya ang cringe sa sarili n'ya dahil sa sinabi n'ya. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na sinabi n'ya ang mga katagang iyon at sa tuwing sinasabi n'ya ang mga iyon ay talagang kinikilabutan s'ya. Nilingon n'ya ang audience at nginitian. *"damn! These people, they really doesn't have an idea how showbiz works. Akala ba nila lahat nang nakikita nila sa mga idol nila sa harap ng camera o kahit sa personal totoo? Ako pa lang mismo, alam ko na naglalaro lang ako,"* Nakangiti s'yang nakatingin sa mga ito at dinig na dinig n'ya rin ang impit na hiyaw ni Jules dahil sa naging sagot n'ya. Hindi rin naman nakatakas sa pandinig n'ya ang mahinang pagtawa ni Alli sa gilid n'ya. Iginala n'ya ang paningin n'ya sa mga audience hanggang sa huminto ang paningin n'ya sa seryosong sina Shawn at Miikee. Hindi pa rin pala umaalis ang dalawa. Magkaibang klase ng pagiging seryoso ang ibinibigay ng dalawa sa kaniya. "You really is a woman in dream," kinikilig na saad ni Jules kaya napabaling s'ya ng tingin dito na s'yang ipinagpasalamat n'ya dahil kanina pakiramdam n'ya ay hinihigop ni Mikee ang kaniyang atensyon. Hindi n'ya alam kung bakit ganoon pero alam n'ya na may kakaiba sa tingin ng dalawang iyon sa kaniya lalong-lalo na si Mikee. Or siguro kasi pa n'ya kilala ang tao kaya naging ganito ang kaniyang reaction sa mga ginagawa ng huli. Binaling n'ya ang kaniyang atensyon pabalik sa host na nakangiti habang nakatingin sa kaniya. "Hindi naman, I am a simple woman who also look at the brighter side to make sure that I will never fall in the wrong person."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD