Chapter 30
Nang matapos ang interview ay agad s'yang umuwi sa bahay ng kaniyang manager na si mimi kasama ang kaniyang buong team kaya ngayon ay narito s'ya nakaharap sa isang bowl ng grapes habang hinihintay ang driver n'ya na kumuha ng kaniyang sasakyan na naiwanan n'ya.
Nagpaalam na rin s'ya sa kanilng director at maging kay Alli na hindi na s'ya makakasama sa dinner party nila dahil agod na pagod na s'ya at malalim na ang gabi.
"Pagod ka?"
Umurong s'ya ng bahagya nang umupo sa tabi n'ya ang kaibigan na s'yang manager n'ya rin sa tabi n'ya. Nilingon n'ya ang huli at tinanguan ito ng pino.
"Yeah," simpleng sagot n'ya nang may kasamang pagtango.
"The past weeks I was focused with your projects and everything that I forget to ask you how are you, how are you?" Biglaang tanong ni mimi kaya bahagyang bumagal ang pagnguya n'ya ng grapes. Kunot noo n'ya itong tiningnan at nakantingin ito sa kaniyan ng seryoso. "Ilan na lang ang shoots na mayroon ka bago ang pasko, you only have 3 left at maliliit lang naman ang mga iyon. Gusto mo bang magpahina muna for like couple of months?"
"What do you mean?"
Naguguluhan s'ya sa sinasabi nito pero kung ang tinutukoy nito na pahinga ay iyong hindi muna s'ya tatanggap ng kahit na anong trabaho pagkatapos ng taon na ito ay pag-iisipan n'ya muna. Dahil natatakot s'ya na baka sa pagbalik n'ya ay wala na s'yang babalikan. Maraming mga riisng stars na talaga naman may maibubuga sa industriya at ang ilan sa kanila ay aminado s'yang mas magaling pa kaysa sa kaniya.
Kahit na sa ngayon ay masasabi n'yang possible naman talaga s'yang makabalik na parang hindi nawala sa spotlight pero hindi n'ya masisiguro ang lahat ng iyan dahil kapag may makita ang management na mas magaling at mas amganda sa kaniya ay malaki rin ang chance na bibitawan s'ya ng mga ito.
Sa kabilang banda ay gusto n'ya na rin magpahinga dahil pakiramdam n'ya ay sobrang drained n'ya sa bawat araw. Na minsan ay hindi n'ya na alam ang purpose kung bakit narito pa s'ya sa industriya at kung para kanino pa ang bawat pagpapagod at pagpupuyat n'ya sa trabaho eh may marami naman na s'yang pera. Masinop s'ya kaya alam n'ya na sa pera na mayroon s'ya ay hindi na s'ya maghihirap sa susunod na 40 years.
"Magpahina ka muna, hindi ka muna tatanggap ng kahit na anong trabaho for like 6 months or 1 year. If you want, puwede kang magbakasyon kahit saan mo gusto, doon sa lugar na puwede kang kumilos nang malaya at hindi katulad dito na limitado ang bawat kilos mo."
Medyo naninibago s'ya sa sinasabi ni mimi dahil kahit kailan ay hindi s'ya nito sinabihan na magbakasyon dahil sa sobrang matunog ang pangaln n'ya at dahil baka talikuran s'ya ng kaniyang mga supporters kapag nawala s'ya.
"Alam mo na sobrang kailangan ko ang bagay na iyan. Pagod na pagod na akong magpanggap sa harap ng camera, pagod na pagod na akong magkunwari na okay lang ako, na hindi ako napapagod. Pero natatakot ako na baka sa pagbalik ko, wala na akong babalikan," seryosong sagot n'ya, ngumiti ang kaniyang manager at saka hinawakan ang kaniyang kamay.
"Ako na ang bahala na magpaliwanag kung bakit, nakikita ko na kailangan mong magpahinga at habang magpapahinga ay makapagpahinga rin ako," natatawang sagot nito.
Agad na naglaro sa kaniyang isipan kung saan s'ya pwedeng magpunta, marami s'yang listahan sa kaniyang notes kung saan n'ya gustong magpahinga at huminga. Matagal na n'yang gustong layasan ang lugar na ito dahil kagaya ng sabi ni mimi, dito limitado ang kaniyang galaw. Kailangan n'yang magtiptoe at iwasan ang mga bagay na makakapgbigay ng issue sa kaniyang pangalan dahil for sure, iyon ay magiging simula nang pagbagsak ng kaniyang career.
"Sigurado ka? Papayag ka talaga na magpahina ako?"
"Sorry kung naging mahigpit akong manager sa iyo, pero AJ, hindi mo lang ako manager, kaibigan mo rin ako kaya masakit sa akin sa tuwing nakikita kitang nahihirapan dahil sa trabaho. Kilala kita kaya alam ko na pagod ka na, hindi lang kita kinakausap tungkol sa bagay na iyan dahil marami ka pang naka line-up na mga trabaho at ngayon na mga minor shoots na lang naman ang natitira ay nagpasya na akong kausapin ka tungkol sa bagay na ito."
"Thank you," simpleng sambit n'ya nang may kasamang ngiti at agad s'yang hinila ng kaniyang manager sa isang mahigpit na yakap. Napapapikit si AJ dahil ramdam na ramdam n'ya ang yakap na ito at dahil kailangna na kailangan n'ya ang yakap na ito.
"Pero tatapusin muna natin ang natitirang project mo ah," natatawang sambit ni mimi kaya napatawa rin s'ya.
"Of course." Tumatango n'yang sagot.
"Kamusta ang date mo with Dr. Guevara?"
Napatigil s'ya kaya kumalas s'ya mula sa pagkakayakap ng kaniyang manager at tininingnan ito nang may pagtataka at pagdudududa.
"Ikaw ba ang nagbigay ng number ko sa kaniya?" Akusang tanong n'ya dahil sa team n'ya, walang maglalakas nbg loob na mamigay ng kaniyang number and besides wala naman silang number n'ya maliban sa kaniyang personal assistant na si Rina.
"Hiningi n'ya at sa tingin ko naman ay isang mabuting lalake si Doc Guevara at sobrang bagay kayo. Kasi kung pumapatol lang sa bakla ang guwapong doctor na iyon ay akala mo ba number mo ang ibibigay ko? Sobrang guwapo niya, kung dati ay nasasabi ko na wala kahit ni isa sa mga naging leading man mo ang babagay sa iyo dahil kahit guwapo naman din sila, masyado ka rin namang maganda para sa kanila at si Direk Shawn lang ang bagay sa iyo. Pero noong inilabas ng lupa ang kaguwapohan ni Doc Guevara ay wala pa lang sinabi ang hitsura ni Direk Shawn kahit pa magkapatid silang dalawa," parang baliw na sabi nitp nang may kasamang pagnginig dahil sa kilig.
Sasagot na sana s'ya sa sinabi ng kaniyang manager nang marinig ang boses ng driver nila.
"Miss AJ, nasa baba na po ang sasakyan ninyo."
Lumingon s'ya sa pinanggalingan ng boses at nakita ang ito na papalapit sa kanila. Inabot nito sa kaniya ang susi ng kaniyang sasakyan.
"Salamat, Mang Tony," pasasalamat n'ya bago s'ya bumaling sa kaniyang kaibigan. "Bakit mo naman ginawa iyon?"
"Sus! Huwag nga ako, alam ko naman na nag-date kayo." Inikotan s'ya nito ng mga mata kaya naningkit ang kaniyang mga mata dahil sa reaksyon nito na tila ba sigurado ito sa sinasabi nito.
"Ano?!"