Chapter 31

1464 Words
"May picture na kumakalat sa internet ngayon at sinasabi na ikaw ang nasa litrato." Kumunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito. Hindi masyadong nasasali ang kaniyang pangalan sa mga ganito na issue dahil sa hindi n'ya pala-labas. Pero totoo na lumabas s'ya kasama si Vince. Hindi rin naman impossible na may nakakilala sa kaniya kahit na naka-disguise naman s'ya noon pero sa lugar na pinuntahan nila, hindi n'ya lubos maisip na may mga paparazzi roon. "What picture and who I was with?" Tanong n'ya sa inosenteng boses. Sinundan n'ya ang kilos ng kaniyang manager nang ilabas nito ang cellphone nito. May ginawa ito roon hanggang sa itapat nito ang screen sa mukha niya at bumungad sa kaniya ang picture ng isang nakatalikod na babae kasama ang nakatalikod din na lalake. At kahit na likod lamang ang nakikita ay alam n'yang s'ya ang nasa litrato, bulto rin naman ni Vince ang lalake. Pero dahil nakatalikod ito ay pwede n'ya itong itanggi, hindi naman masyadong mahalata ito ng mga ito, sigurado s'ya roon. Hindi puwede na magkakaroon s'ya ng issue ngayon pa na nagbabalak s'yang magbakasyon. Hindi puwede na masira ang pangalan n'ya bago s'ya mawala pansamantala. "Hindi ba ikaw iyan? At ang lalake, si Doc Vince Guevara iyan. Hindi naman masama ang mga sinasabi ng mga fans sa internet. Marami ang kinikilig sa inyo dahil sa naging project ninyo together kahit naman nila kompirmado na kayong dalawa ang nasa litrato, kinikilig sila sa kanilang mga haka-haka. Mabuti na rin ito at least kahit papaano, pag-uusapan ka muna nang mas malala bago ka magpahinga," mahabang litanya ni mimi habang nakangiti itong nakatingin sa kaniya. "What the hell man! Kailan ka pa naging model?" Malakas na tawang saad ni Edmar nang makapasok s'ya sa lugar kung saan sila madalas nagsasaya. Kakatapos lang ng isang major surgery na ginawa n'ya at dumiretso na s'ya sa lugar nang makatanggap ng text mula sa kaibigan na si Harlin. Sumilay ang kaniyang ngisi sa kaniyang mga labi dahil sa naging salubong ni Edmar sa kaniya. Isang linggo na ang lumipas simula nang itaas ang billboard nila ni AJ at ito ang unang beses pagkatapos noon na nagkikita sila ng kaniyang mga kaibigan. "At ang gago, hindi pinansin ang mga message natin sa group chat!" ani Yael na sinang-ayonan naman ng mga kaibigan. "Hindi ako nakapag-online asshole! Busy akong tao," nakangisi n'yang saad. "Parang feel na feel mo nga maging model at ang swerte ng sira-ulong 'to, si AJ ang kasama sa billboard!" Umiiling naman na sambit ni Marco. Kumunot ang noo n'ya sa sinabi ni Marco at napatingin s'ya rito. "Kilala mo si AJ?" Tanong n'ya sa kaibigan. Humalakhak ang kaniyang mga kaibigan kaya napatingin s'ya isa-isa sa mga ito. "Gago! Ikaw lang naman ang hindi updated sa mga nangyayari sa entertainment. Mag-install ka ng Facegram para maging tao ka naman," asar ni Yael. "Gago, seryoso kasi!" "Everyone knows AJ, she's always the talk of the town, brother! Bakit ka kasi nakatira sa hospital, ayan tuloy, hindi ka updated. Pero ang swerte mong hayop ka, panigurado maraming naiinggit sa pagka-inggit ng mga kabataan sa katambal noon na si Alli," mahabang sambit naman ni Harlin. "Willa's a big fan of AJ, she found that woman beautiful and hot and she always make me know what is happening with showbiz that has something to do with AJ." Umiiling na saad ni Marco. He knows that, he knows that women really do like AJ for he happened to scroll over the internet and see how people talk about her. Namangha rin s'ya noong una kung paano hinahangaan ng marami ang dalaga. "But I think people are just waiting for her to confirm a relationship with your brother?" Kunot-noong sambit naman ni Edmar nang may pagtatanong. "What do you mean?" Nagtatakang tanong n'ya sa kaniyang mga kaibigan sabay lagok ng inumin mula sa baso na sinalinan n'ya. Alam n'yang may something si Shawn sa dalaga pero alam n'yang hindi interesado si AJ sa Shawn na iyon at hindi n'ya hahayaan na magkaroon ng kahit kaunting atensyon si AJ sa lalake na iyon. Magkamatayan na. "I just heard that thing from Marco." Kibit-balikat na sagot ni Edmar sa kaniya kaya bumaling ang tingin n'ya kaya Marco. "Not my fault! It was Willa who told me about that." Depensa naman ng huli. "But Shawn has a fiance, hasn't he?" Nagtatakang sambit naman ni Harlin. Of course he knows, he handles the legal things about those what he did that requires a back-up attorney against his father. It was never a secret to his friends, they were his back bone. "That was a secret and I wonder why," ani Yael. Iyon din ang isa sa mga ipinagtataka n'ya, kung bakit sinekreto ng matandang Guevara ang engagement ni Shawn sa girlfriend n'ya noong high school pa lamang ang mga ito. Fortunately for him, he has the advantage of everything about that being a secret. "Let's not meddle their problem. I am not interested with those things," labas sa ilong na saad n'ya. Hindi nakatakas sa paningin n'ya ang pagtaas ng kilay ni Edmar na s'yang naka-upo sa sofa na katapat n'ya. "Hello hotties, do you mind to have us here with you four?" Hindi sinulyapan no Vince ang babaeng nagsalita pero mula sa kaniyang peripheral view ay kitang-kita n'ya ang apat na babae na umupo sa bawat gilid nilang apat. "I do," he flatly said. Alam n'yang napatingin sa kaniya ang mga babaeng ito kaya nagtaas s'ya ng tingin at saka sinalubong ang tingin ng babaeng naka-upo sa tabi n'ya. "What?" Nakangiting saad nito. "I do mind and I don't want you here beside me, so if you don't mind, get lost." Nakita n'ya kung paano namula ang mukha ng babae dahil sa sinabi n'ya. Wala s'yang pakialam. "You too, do you mind?" Napa-smirk s'ya nang marinig ang boses na iyon ni Marco. Kumantyaw naman ang tatlo pa nilang kaibigan pagkatapos magsalita ni Marco at isa-isang itinulak palayo ang mga babae. "Akalain mo iyon? Itinulak nila ang mag bebot na iyon? Hindi totoo na walang himala!" Hiyaw ni Edmar na nakipag-apir pa kay Harlin. "Si Marco, I understand, he is now a changed man for he's a cringey engaged but you, I wonder why." Nakangising sambit ni Yael nang may tunog nang pang-aasar sa kaniya. "Who do you think will die first? Is it the Shawn Guevara or the Vince Guevara?" Asar ni Harlin kaya itinaas n'ya ang kaniyang gitnang daliri na ikinatawa ng mga baliw n'yang mga kaibigan. Mga sira-ulo! "You all know that even before the game starts, I have already win this," confident n'yang sambit kaya lumapad ang mga ngisi ng mga ito at saka itinaas ang mga baso nito for a toast. Hindi s'ya papayag na magkakaroon ng pagkakataon si Shawn na asarin s'ya. He is not giving him the chance and the right to step in his business. Hindi s'ya ang makukuhaan ni Shawn dahil ang mangyayari at ang itinaga n'ya sa bato ay ang makuha ang lahat nang mayroon si Shawn at ang matandang Guevara. "You have us on your back," ani Edmar. He smirked for he know that since day 1. Madaya maglaro si Shawn pero alam n'yang matagal na n'yang natalo ang isang iyon. "This is you and AJ, right?" Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa ipinakitang litrato ni Marco na nasa cellphone nito. Alam n'ya s'ya iyon at ang katabi n'ya ay si AJ. In spite of the fact that they are both facing their backs to whoever took this photo, he know it was him. "Patingin nga.." Hinablot ni Yael ang cellphone ni Marco at saka nanlaki rin ang mga mata ng makita nito ang nasa litrato. Sumilip naman si Edmar dito. "That is not me and I do not know who are that people," sambit n'ya nang tumingin sa kaniya ang mga ito na tila ba naghihintay sa kung ano ang sasabihin n'ya. He didn't sound defensive so that will be okay. "Hindi ka pa naman lasing ano? At alam mo na ikaw ang nasa picture at kahit na hindi ko pa nakikita ang AJ na iyon, alam ko na siya ang kasama mo dahil sabi ng mga tao rito sa facegram." Tumaas ang kilay n'ya habang patuloy sa pag-inom at nakatingin sa mga chismoso n'yang mga kaibigan. "Tang-ina! Nag-trending ka pala! Feel na feel mo pa ang pagyakap sa bewang ni AJ." Tumatawang saad ni Harlin na alam n'yang malapit nang kainin ng alak ang utak. "Palagi naman akong trending," aniya saka nag-smirk. Naintindihan ng mga ito ang sinasabi n'ya kaya agad na tumulis ang mga tingin nito sa kaniya. Bumalik ang mga ito sa pagkaka-upo nang maayos at saka sumeryoso ang mga mukha. "I know what you are doing," seryosong saad ni Marco. "Yeah."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD