"Akala ko umalis ka."
Tumaas ang kilay ni AJ nang makita ang histura ni Vince. Kagigising lamang nito at magulo ang buhok, tanging boxers lang nito ang suot at tila hinahanap s'ya.
"Gusto mo na ba akong uma---"
"No, of course not!"
Binitawan ni AJ ang hawak na kutsara saka nilapitan ang binata. Inayos n'ya ang magulo nitong buhok at hindi nakatakas sa paningin n'ya ang pagtaas baba ng adams apple nito — lihim s'yang napangiti dahil doon. Masaya s'ya sa tuwing nakikita at napapansin n'ya na may epekto ang ginagawa n'ya rito.
*"At least, hindi lang ako ang apektado."* lihim s'yang natatawa.
"Masyadong magulo ang buhok mo," saad n'ya habang inaayos ito. "Hindi mo man lang ba naisip na baka ma-turn off ako kapag nakita ko na ganito ang hitsura mo?"
Ngunit imbis na sumagot ay hinapit s'ya nito sa bewang at ikinulong sa isang mahigpit na yakap. Nawala ang ngisi sa mukha ni AJ at napapikit nang kumislot ang kaniyang dibdib at makaramdam ng higpit doon. Hindi n'ya alam kung ano ang ibig sabihin ng pakiramdam na 'yon ngunit masakit.
Nagbabadya ang kaniyang luha na tumulo at nang maramdaman ang pagkalas ni Vince mula sa yakap ay mabilis s'yang gumanti ng mas mahigpit na yakap. Hinayaan n'yang pumatak ang mga luha na hindi n'ya alam kung para saan.
"Good morning," malambing na sabi ni Vince habang nakapatong ang baba nito sa kaniyang balikat.
"Good morning," ganting bati n'ya. "You have to get yourself ready. Kailangan mo ng pumasok 'di ba? I prepared breakfast."
Nang masiguro na wala nang susunod na luhang papatak ay hinayaan n'ya na ang lalake. Nakangiti s'yang humarap dito.
Seryoso itong tumingin sa kaniya. "Are you leaving?"
She shrugged. "Hindi pa ako sigurado. Wala pa akong maisip na puntahan eh. Hindi naman ako pwedeng magpagala-gala sa mall baka imbis na mag-enjoy ako mas lalo lang akong ma-stress," aniya.
Nai-imagine n'ya ang mangyayari kung lalabas s'ya. Pahinga ang ibinigay ni mimi sa kaniya, iyon ang gusto n'ya.
"Parang ayaw ko na rin pumunta ng hospital." Bumuntong-hininga ito. Natatawang sinapak ni AJ ang bandang dibdib nito.
"Sira-ulo! Sige na, bilisan mo na kumilos baka mamaya n'yan, late ka na pala sa schedule mo. Anong oras ba ang duty mo?"
"9:30."
Tumango si AJ nang makitang wala pa namang 7:30. Malapit lang din naman ang hospital na pinagtatrabahoan nito. Vince is not just a mere Doctor. He is professional and respectable. Every damn hospital wants to have him but he chose to work in that hospital. That is not the biggest hospital in the country but he stays.
He must really love his job and not the pay he's getting from it.
"Nandito ka pa ba pagbalik ko?"
Umiling s'ya at kasabay no'n ay pagkita n'ya kung paano umigting ang panga nito. "Hindi rin ako sure. Well, wala pa naman akong naisip na puntahan kaya nga ako narito eh. Baka," hindi siguradong sagot n'ya.
"Can I can ask you to stay still?" Kumurap si AJ.
Sa totoo lang ay wala pa naman talaga s'yang plano na umalis, seryoso na nakatingin ang mga mata ni Vince sa kaniya na parang nangungusap.
"Sige...... Hihintayin kita."
Ngumiti ito at kapagkuwan ay pinatakan s'ya ng isang mabilis na halik sa noo saka ito tumalikod. Wala sa sariling napahawak si AJ sa dibdib n'ya. Huminga s'ya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Alam n'ya kung ano ang mayroon sa pagitan nila ng lalake. Kapag may lumabas din na balita tungkol sa namamagitan sa kanilang dalawa ay t'yak, malilintikan s'ya.
Inakala ng mga tao na naging makabuti sa kaniya ang pagiging usap-usapan nila noong mga nakaraan gaya ng sabi ni mimi. Hindi, hindi naging maganda ang naging kalabasan no'n. Hindi dapat magkaroon ng kahit na anong issue tungkol sa kanilang dalawa kaya ang bagay na ito ay alam n'yang walang pupuntahan.
*"Parehas n'yong kailangan ang katawan ng isa't isa kaya kayo narito sa bahaging 'to. Iyon lang 'yon."* Mahigpit n'yang paalala sa sarili.
Nakangiting umupo si AJ sa sofa nang kumaway ang binata upang tumungo sa banyo. Nakatanggap s'ya ng text mula sa manager na si mimi kaya inabala muna ang sarili sa pakikipag-usap dito sa text.
Magkaibigan sila ngunit madalas talaga sa mga ganitong pagkakataon ay trabaho ang pinag-uusapan nila. Pero dahil nasa bakasyon s'ya ay ramdam n'ya ang paglilimita ng bakla sa mga sinasabi nito.
Ibinalita sa kaniya ang kita ng pelikula. Nanubig ang kaniyang mga mata dahil hindi s'ya binigo ng kakayahan n'ya. Worth it ang lahat. Deserve n'ya ang mahabang pahingang 'to pagkatapos ng walang tigil na trabaho. Isang taon lang naman. Pagkatapos nito ay babalik na s'ya sa magulong mundo ng showbiz.
Nakatanggap din s'ya ng ilang message at papuri mula sa team at katrabaho na si Alli. Mahabang pasasalamat at ibinigay nitong mensahe sa kanya. Kahit na sinasabi ng mga tao madalas na pelikula n'ya 'yon ay hindi naman n'ya inalisan ng pangalan ang mga katrabaho.
Hindi naman kasi 'yon magiging successful kung s'ya lang mag-isa. Iyon ang panget eh, nawawalan ng credit ang mga supporting characters na s'yang mas lalong nagbibigay ng buhay sa pelikula. Kung wala sila, walang kwenta ang character ng bida.
Parang kagaya lang 'yan ng totoong buhay, kung wala iyong mga taong pilit kang hinihila pababa ay hindi mo maiisip kung ano ba talaga ang gusto at halaga mo.
Naputol ang pag-iisip n'ya nang makita ang walang suot pang-itaas na si Vince. Tapos na itong maligo, basang-basa ang buhok nito at tumutulo ang ilang hibla. Mas lalong lumitaw ang kagwapuhan nito dahil sa ganitong hitsura.
Hindi ito ang unang beses na nakita n'yang ganito ang histura ng binata, nakasama n'ya na ito sa dagat at talaga namang ibang kiliti ang palaging binibigay nito sa kaniya.
"You can touch it." Nakangising sambit nito na nagpakurap sa dalaga. Mahinang tumawa ang binatang lumapit sa kaniya.
Walang pasabi nitong hinawakan s'ya sa batok at siniil sa isang malalim na halik.
"I'd like to stay longer...."
"Heh! Tumigil ka, Doctor Guevara!"
Naiiling itong lumayo sa kaniya pagkatapos hampasin ang dibdib nito.
Pinanood ni AJ ang pag-aayos nito ng mga gamit. Seryoso ang mukha ng binata habang isa-isang nilalagay sa bag nito ang ilang importanteng gamit ng mga Doctor. Hindi n'ya alam kung ano ang tawag sa mga 'yon.
Bumaling ito sa kaniya pagkatapos nitong magsuot ng sapatos. Napakural ang dalaga nang ikulong ang mukha n'ya sa dalawang palad nito.
"Please, wait for me here."
Nakangiting tumango si AJ, "I surely will. Goodluck, Doc."
Huminga ng malalim si AJ nang makaalis na ang binata. Iginala n'ya ulit ang paningin kagaya ng agad n'yang ginawa noong dumating s'ya rito kahapon. Hindi n'ya alam kung bakit binigay ng lalake sa kaniya ang address nito — hindi lang 'yon dahil maging ang code nito.
Wala itong kahit na anong family picture — katulad n'ya.
"Ano nga kaya ang kwento ng buhay mo, Doctor Vince Guevara."