Episode 16

1816 Words
Dahil malelate na siya sa susunod na doctor’s appointment ay inaya ako ni Lenus na kumain na lang ng dinner sa labas. Pinapasama niya si Nanay para maipagpaalam daw kami ni Brie ngunit tinanggihan ko iyon. Ang sabi ko ay ako na lamang ang bahalang magpaalam. Narinig naman ni Nanay ang pag-uusap namin kaya naririto si Lenus sa aming bahay ngayon. Si Nanay naman daw ang magluluto para kay Lenus. Nasa kalagitnaan na kami ng hapunan nang may kumatok. “Max, anak! Tamang-tama ang dating mo at naghahapunan kami. Kumain ka na ba?” agad na alok ni Nanay kay Max, na siya palang bisita namin. “Buti naman po pala at naabutan ko kayo. May dala po akong caldereta at buko pandan,” magalang na wika ni Max. Lumapit pa ito kay Nanay at nagmano. Lumapit din ito kay Brie na hinalikan niya sa ulo samantalang ako ay patagilid na niyakap at ngumiti. Nagtanguan lamang sila ni Lenus. “Kung gayon ay sumali ka na sa amin na maghapunan,” masiglang aya ni Nanay. “Hindi ko po ‘yan palalampasin. Namimiss ko na nga rin po ang luto niyo. Masarap kaya ang sisig at dinuguan niyo,” pabibong turan ni Max pagkatapos silipin ang mga nakahain sa hapag namin. “Kuuh! Binobola mo na naman ako, iho.” “Alam niyong hindi ako marunong mambola, Nanay,” proud na wika ni Max. “Ay s’ya nga! Halika na’t hindi dapat pinaghihintay ang mga biyaya.” Inabot ni Nanay ang isang plato kay Max. “Akin na.” Inginuso ko kay Max ang supot ng pagkain na dala nito. “Hindi na. Kumain ka na at ako na ang magsasalin,” tanggi ni Max. Lumakad na ito sa may lababo at kumuha ng mga mangkok para isalin ang mga pagkain. “Mukhang at home ka rito, p’re, ah!” mariing komento ni Lenus kay Max. May konting pagpaparinig sa tono ng pananalita ni Lenus. Pinaglipat-lipat ko ang tingin ko sa dalawa na saglit na nagtitigan. “Ay oo, Doc! Ganiyan na si Max at Shirley dito sa bahay namin. Para ko ng mga anak ang mga ‘yan,” ika ni Nanay na parang wala namang napapansin sa dalawang lalaki. Sa akin tumabi si Max dahil doon lang din naman may space. Pinagsandok pa ako nito ng caldereta at buko pandan. “Pasensiya ka na, Max at hindi na kami nakasama ni Brie nung kasal mo. Hindi ko kakayanin ang sobrang init kaya’t minabuti ko na lang na magpahinga,” pagpapatuloy ni Nanay sa litanya nito. “Okay lang po, Nanay. Nasabi naman po sa akin ni Patring. Tama naman po kayo na inuna niyo ang inyong kalusugan.” “Napakabait mo talagang bata ka,” nakangiting turan ni Nanay. “Hayaan mo’t sa binyag ng magiging mga anak ninyo ni Lindsay, hindi ako mawawala, kahit hindi ako imbitado.” Nagtawanan kami sa biro ni Nanay, maliban kay Lenus na seryosong seryoso lamang sa marahan nitong pagsubo ng pagkain na animo’y wala itong ganang kumain. Nagpatuloy pa sila Nanay at Max sa kwentuhan nila. Ako naman ay sumandok ng caldereta at isinalin sa plato ni Lenus. Dahan-dahan itong nag-angat ng paningin at tumitig sa akin. “Okay ka lang?” I mouthed the question. Ngumiti ito at kumindat pa sa akin. Katulad nito ay tahimik na lamang din akong nakinig sa usapan nila Nanay at Max. Pagkatapos namin maghapunan ay naupo kami sa may sala. Agad naman kaming ipinagpaalam ni Lenus kay Nanay. “T-talaga, iho? Ikaw ba’y hindi nagbibiro at talagang tutulungan mo k-kami?” naluluha nang tanong ni Nanay kay Lenus. “Opo, Tita. Wala po kayong gagastusin at makakaasa po kayong iingatan ko ang mag-ina,” malugod na tugon ni Lenus. “Ay! Siya nga ba? S-salamat po, Doc. H-hindi ko na tatanggihan ‘yan! Ipinagkakatiwala ko na sa’yo si Brie at Patrice.” Inabot pa ni Nanay ang isang kamay ni Lenus at pinisil-pisil sa sobrang galak. “S-salamat talaga…” “Walang anuman po, Tita,” ika ni Lenus habang nagpupunas ng pawis sa noo nito. Napakunot si Nanay nang mapansin na butil-butil na ang pawis ni Lenus. “Pasensiya na Doc at mainit talaga rito sa loob ng bahay namin. Hindi ko nga maintindihan. Mahangin naman sa labas pero hindi pumapasok ang hangin dito sa loob.” Bumaling si Nanay sa akin. “Anak, pwede kayo tumambay muna diyan sa labas. Pahangin kayo,” utos ni Nanay sa akin na hiyang-hiya kay Lenus. “Pwede po bang punasan ko muna si Brie at inaantok na po kasi?” Bumaling ako kay Lenus na nanghihingi ng pang-unawa ang mga mata. Tumayo si Max at umakbay kay Lenus. “Ako na lang sasama kay Lenus sa labas, Tita, Patring.” “Talaga?” nakahingang bigkas ko. “Salamat, Max! Sige, susunod na lang ako sa inyo. Timpla na rin ako ng kape. Nag-init si Nanay ng kapeng barako. Okay ba sa inyong dalawa?” Sabay na nagthumbs up si Max at Lenus. LENUS POV “Do you mind?” tanong ni Lenus habang ipinapakita ang kaniyang hawak kay Max. “Kelan ka pa natutong magvape?” “Ito?” Humithit si Lenus sa kaniyang vape. “Matagal-tagal na rin.” “Hmm…” Matamlay siyang napangiti. Marami silang pagkakapareho ni Max. Dati rin ay ayaw niya ang amoy ng sigarilyo. Tanging alak lang ang vice nila. Kaya naiintindihan niya ang pagtataka nito. Matagal silang nakaupo sa upuang kahoy na nasa labas nila Patrice, tahimik na nagmamasid sa mga batang naglalaro ng taguan. Alam niyang sa inaasta nito ay may gusto itong sabihin. Hindi normal sa kanila ang mahabang katahimikan dahil sanay silang nagbibiruan. “P’re, may gusto ka ba kay Patrice?” walang pasakalyeng tanong ni Max. Napalingon siya rito na nakatutok pa rin sa panunuod sa mga bata, ngunit alam niyang nakikiramdam ito. “Why are you asking?” balik-tanong niya rito pagkatapos niya magbuga ng usok. “Alam kong may silent agreement tayo since college na hindi natin papakialamanan ang buhay pag-ibig ng bawat isa, kahit pa kapatid, kaibigan, pinsan, o gaano pa ‘yan kalapit sa atin. Pero, ngayon sana ay hihilingin kong ‘wag mo na ligawan pa si Patrice kung iyon ang balak mo.” Napasinghal siya na may kasamang pagtaas ng kanang labi. Tinitigan niya si Max kung totoo ba ang narinig niya. Lo and behold, seryoso nga ito. “Nagiging pakialamero ka na ata, p’re,” pabirong pasaring niya. “Hindi naman ako nangingialam sa buhay niyo. Kaya nga nakikiusap ako sa’yo, p’re. Ayaw ko lang masaktan si Patrice.” Muli ay napasinghal siya, mas malakas. “Ano na bang nangyayari sa’yo, Max? P’re, ako ‘to. Hindi ako nananakit ng babae. You know me better than that.” Hinintay ko na sumagot ito ngunit nanatiling tikom ang bibig nito. “Ikaw nga ang magtapat sa akin, Max. May pagtingin ka pa rin ba kay Patrice? At bakit andito ka? Kakakasal mo lang ay sa ibang bahay ka na mag-isang nagdidinner. Alam ba ni Lindsay na andito ka?” “Lenus, pinakasalan ko si Lindsay sa simbahan dahil tapat ang pag-ibig ko sa pinsan mo. Alam din ni Lindsay na dito ako magpupunta. Siya pa nga ang nagpadala ng ibang ulam para ibigay ko raw kay Patrice at Brie. Dapat nga ay sasamahan pa niya ako rito ngayon kaso ay nagkaroon ng emergency. Tinanggap niyang magduty ngayon dahil may sakit si Dr. Ybañez.” Nasusuya akong ngumisi. “Hindi mo pa rin sinasagot ang una kong tanong sa’yo, Max. Do you still like Patrice?” “Hindi ko lang gusto si Patrice. Mahal ko siya… bilang kaibigan. Patrice is a part of my past, my beautiful past. Bestfriend na kami since elementary. Hindi porke’t nag-asawa na ako ay pababayaan ko na lamang siya. I am just protecting her against a person who will use her vulnerability just to get to her pants!” Muli ay napahinto si Lenus sa direktahang akusasyon sa kaniya ng kaibigan. “Ganun na ba kasama ang tingin mo sa akin, Max? You of all people, my nonjudgmental friend, is now telling me I should not be trusted. ‘Yun ba ang gusto mo sabihin, Max?!” Napabuntong-hininga si Max, tila nahihirapan din sa matindi nilang argumento. “We’ve been friends for more than a decade now, Lenus. You knew how much I look up to you ever since, how I value our friendship. You are a kind, loving and honest person. Sobrang torpe mo pa nga sa mga babae. You never take advantage of their feelings.. Never! Not even once! Sa totoo nga, minsan ko pang hiniling na sana nga isa sa mga kaibigan kong babae ang mapangasawa mo dahil you are just too good to be true.” Humugot ulit nang malalim na hininga si Max. “Pero… nagbago ka… Hindi na ikaw ang Lenus na nakilala ko. Iba na kung ituring mo ang mga babae. Parang damit lang kung magpalit ka. Hindi ko alam kung anong hangin ang nasinghot mo sa ibang bansa at bumalik kang ganiyan. Wala ka narinig sa akin na kahit ano, nang magsimula ulit tayong maghang-out, pagbalik mo galing Amerika. Ika ko pa, buhay mo naman ‘yan. Malaki ka na at alam mo na ang tama sa mali. Pero iba si Patrice, p’re! Hindi lang siya isang ordinaryong kaibigan. Best friend ko siya! And if it means dealing with you just not to hurt her, I will do it!” “Tskkkk… Ang dami mong drama, Max. Let’s go inside now. Baka lumamig na ang kapeng…” “Lenus, p’re! Ano ba? Hindi na ako nakikipagbiruan ngayon. Seryoso ako! W-what really happened to you? Nasaan na ang dating kaibigan ko?” “Seriously too, Max! Do I really need to report to you every single thing that has happened to me? S-saka, ganoon na ba kasama tingin mo sa akin ngayon na kailangan mo pa akong takutin na mas pipiliin mo si Patrice kesa sa akin kung kailangan mo mamili!” pasinghal na wika ni Lenus. Itinaas pa niya ang dalawang kamay “Fine! Piliin mo siya! Pero hindi ko babaguhin kung ano ako ngayon just to satisfy you, my “so-called” friend!” “Lenus, please listen to me first. I…” “No, Max! You listen to me, man!” Dinuro ko siya. “You choose her! I don’t f*****g care! But I will do what I want too. Na kay Patrice na kung gusto niya ako iaccept na manliligaw. Malalaki na tayo para magdiktahan pa sa dapat o hindi dapat natin gawin! That is our no-bullshit new pact!” Tumayo na siya at walang lingong tinungo ang kaniyang sasakyan. Pabalabag niyang isinarado ang pinto ng kaniyang sasakyan. Tumingin siya sa side mirror. Nakatitig lang si Max sa sasakyan, walang balak na habulin siya at kausapin. Fuck! f**k! f**k!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD