Fifteen minutes na akong naghihintay kay Lenus nang tawagan ko ito ngunit unavailable ang phone number nito. Nagpaload pa talaga ako para macontact ko siya ngunit ni isang message ay hindi ito sumagot sa akin.
Nagdesisyon na akong mag-commute papunta sa simbahan. Hindi rin nakatulong na parang minamalas ako sa araw na ‘to dahil tumirik pa ang nasakyan kong tricycle nang malapit na sa simbahan.
Nakabusangot akong naglakad. Kahit nakasandals lang ako ay nahirapan pa rin ako dahil nga paakyat ang lugar.
Dumiretso ako sa CR dahil gusto ko sanang magbasa ng mukha. Sobrang init, amoy pawis na rin ako.
“Apakatagal naman po!” bulong ko sa sarili ko.
May ilang minuto na rin ang nakakalipas pero di pa rin lumalabas kung sinuman ang nasa loob ng banyo.
Tig isa lamang ang cr ng sa lalaki at sa babae kaya no choice na maghintay sa labas. Nagpalipas pa ako ng ilang minuto bago ako nakarinig nang kakaibang tunog.
“Ahhh… Faster!”
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa impit na boses na aking narinig. Nagmumula iyon sa loob ng cr.
Idinikit ko ang aking tenga sa pintuan ng cr upang masiguro kung doon nga nanggagaling.
Nakarinig ako ng mga halinghing at kaluskos kaya nandidiri akong lumayo sa pinto.
“Apakababastos! Hindi man lang ginalang ‘tong simbahan! Mga walang modo!” komento ko sa aking isip.
Gigil na gigil ako sa inis. Nagdalawang-isip ako kung kakatukin ko o maghihintay ako roon. Pero nanalo sa puso ko na umalis na lang. Babalik na lang ako maya. Umurong na rin naman ang ihi ko sa disgusto sa aking mga narinig.
Napapitlag ako nang makahakbang ako nang ilang beses ay narinig ko ang pagbukas ng pintuan.
Kumaripas na ako ng takbo.
Ayaw ko na sana makita kung sinuman ang mga iyon ngunit dala ng kuryosidad ay nagtago ako sa isang puno. Sinilip ko ‘yung naglalakad na galing sa cr. Napahawak pa ako sa aking bibig nang mapagsino ko ang itsura ng lalaki.
Walang iba kundi si Lenus!
Nakipaglampungan pa ito roon.
Napatiim bagang ako sa inis. Malalalim ang ginawa kong paghugot sa aking hininga upang kalmahin ang aking sarili.
Agad akong umayos at nagmamadaling pumasok na sa loob ng simbahan.
Sinalubong ako ni Lindsay.
“Di mo ba kasama si Kuya Lenus? A-akala ko sabay kayo? ‘Yun ang nabanggit ni Max sa akin kanina,” tanong ni Lindsay sa akin pagkatapos akong ibeso.
“H-hindi e. Nga pala, sorry ngayon lang nakarating.” Napangiwi pa ako dahil parang kami na lamang ni Lenus ang hinihintay. May isang oras na ata akong late kasi.
“Ay! No problem. Kararating rating lang din naman namin 15 minutes ago dahil may emergency pa sa hospital.”
“G-ganun ba…”
Laking relief sa akin na hindi naman ako ganoon katagal nalate.
“O, ayan na pala si Kuya Lenus e.” Umingos ito at bumulong pa sa akin. “May kasama na naman.”
“Hi, Patrice!” bati nito sa akin pagkatapos na kawayan si Lindsay.
Pilit na ngiti ang iginanti ko rito.
“Guys, let us start the rehearsal,” anunsiyo ng coordinator.
Nagsipaglapitan naman na kami lahat dito at nagsipila ayon sa pagkakasunod namin sa program.
“Patrice, bakit parang wala ka sa mood? Hindi ba maayos ang tulog mo?” agad nitong tanong, animo’y concern na concern sa akin.
Napaismid ako. “Maayos naman.”
“Sigurado ka?”
Inalok nito ang braso sa akin dahil kami na ang lalakad. Wala naman akong nagawa kundi umabriseyete rito.
“Oo nga! ‘Wag ka na maingay diyan. Makinig ka na lang sa coordinator.”
“Bakit parang mainit na naman ang ulo mo sa akin?”
Napatiim bagang ako nang maalala ko ang hirap na idinulot nang hindi nito pagsundo sa akin.
Na kung umasta ito ay akala mong walang nagawang mali.
Paasa!
“Wala ka bang natatandaan sa pinag-usapan natin kahapon?” mahina ngunit madiin kong tanong.
“Marami tayong pinag-usapan kahapon, Patrice. Ano doon?”
Tiningnan ko ito nang masama. Gusto ko sana siyang awayin pero mas pinili ko na lang na manahimik. “Maya na tayo mag-usap. Pagod lang siguro ako.”
Tumahimik na lamang din ito at hindi na rin nagsalita pa hanggang natapos ang rehearsal. Na lubos ko namang pinagpapasalamat dahil ayaw ko mag-ala dragon habang nagpapraktis.
Less than an hour lang ay natapos na ang praktis. Naglalakad na kami ngayon patungong parking.
“We will dine out, Patring. Sama ka ah,” aya ni Lindsay sa akin bago ito nagpabiling-biling. “Kuya Lenus, pakisabay muna si Pat sa’yo. May dadaanan lang kami ulit sa hospital. Text na lang kita kung saan tayo kakain.”
“Ha? H-hindi ba pwedeng sa inyo na ako sumabay? Hindi naman kayo magtatagal sa hospital ‘di ba?”
“Kay Kuya Lenus na lang, Patring. Tulungan mo na lang si Kuya na umorder. Kayo na bahala.”
“O-okay.”
“Andun ang sasakyan.”
Itinuro ni Lenus ang isang bahagi ng parking lot at pagkatapos ay umakbay na sa kasama nitong babae.
Para tuloy akong third wheel na umiistorbo sa date nila.
Pagdating namin sa bayan ay nagpaalam na ang babae sa amin. Bumulong at yumakap ito nang matagal kay Lenus bago bumaba.
Nang umandar ang sasakyan ay umarte na lang akong natutulog dahil ayaw kong makausap si Lenus. Ni hindi na ako nag-abalang lumipat sa harapan. Ayaw kong magpakaplastik dahil inis na inis pa rin ako.
Mga ilang minuto pa ay huminto na kami. Nakiramdam ako bago ko idinilat ang aking mga mata.
Nagulat na lang ako dahil sa isang parke huminto si Lenus. Hindi ito kumikibo. Sa halip ay nakatingin lamang ito sa rearview mirror, seryosong nakatitig sa akin.
Umayos na ako ng upo. Nakipagtitigan na rin sa kaniya.
“May problema na naman ba tayo, Patrice? Why are you avoiding me again?”
Humalukipkip na ako. “Wala ka ba talagang natatandaan?”
Nag-isip ito pero sa huli ay sumuko rin. “I-I really don’t know. Malinis ang konsensiya ko.”
Napasinghal ako sa sinabi niya. “Alam mo, okay lang naman sa akin na magtricycle e. Normal ko naman nang ginagawa ‘yun. Maliit na bagay lang. Pero, nangako ka kasi eh. Ikaw pa nag-insist na susunduin mo ako kagabi. Kagabi lang ‘yun, Lenus! Maiintindihan ko pa kung lasing ka e. Pero hindi! Naghintay ako sa’yo kaya ako nalate kanina! Hindi mo pa rin natatandaan?!”
Nanlaki ang mata ni Lenus nang maalala ang sinabi niya kagabi. “f**k! I-I’m sorry, Patrice. I-I totally forgot. Nagkaemergency kasi si…”
“Emergency?! Anong emergency ang sinasabi mo? Ang sabihin mo, inuna mo kasing gamitin ang ulo mo diyan sa baba kesa ulo mo na may laman ng utak mo kaya nakalimot ka!”
“W-what do you mean? Kung anu-ano na namang iniisip mo.”
“Iniisip? Seryoso ka diyan? Narinig ko lang naman na may ginagawa kayo ng babaeng kasama natin kanina sa cr. Imahinasyon ko lang ba ‘yun ulit, huh?! Tinatawag niya ang pangalan mo habang humahalinghing! Wala naman ibang Lenus dun sa simbahan kundi ikaw!”
Napatungo si Lenus. “Patrice, nakalimutan ko talaga. Totoo ‘yun! H-hindi ako gumagawa lang ng alibi. I forgot… I-I’m sorry.”
Humugot muna ako nang malalim na hininga bago nagpatuloy sa sasabihin ko. “Okay na ‘yun. Wala ka namang obligasyon na sunduin ako. Hindi mo naman ako girlfriend. Ni hindi ko nga alam kung matatawag na magkaibigan tayo e. Pumunta na tayo sa resto at baka tayo na naman ang hintayin nila. Nakakahiya naman na sila na nga ang magbabayad, malelate pa tayo. Tapos na ang usapang ‘to.”
Pumihit ako paharap sa bintana at pumikit na lang. Nang huminto ang sasakyan ay mabilis akong bumaba at tinungo agad ang pintuan ng resto.
“Patrice, wait!”
Hinablot ni Lenus ang kamay ko nang maabutan niya ako.
Pabalya kong binawi ang aking kamay.
“You are forgiven, Lenus. Wala ka nang dapat ipaliwanag. Sapat na sa akin ang mga narinig ko. Thank you for the ride. Kina Max na ako sasabay mamya.”