Episode 11

1571 Words
“Ang ganda ganda ko ngayon e, pinaiinit ng payatot na ‘yun ang ulo ko! Bwisit!” himutok ni Shirley habang naghihintay kami na makalakad na ang entourage. Tinutukoy nito ang kapareha sa entourage. Nagkasakit ang kapartner ni Rowan kaya pinakisuyuan namin ni Max si Shirley na magrelyebo. “Kaya nga tigilan mo na ‘yang pagbusangot mo at hindi bagay sa’yo. Lalo tuloy naemphasize ang pagkaGoldilocks ng buhok mo, bes. Super pretty!” “Isa pa ‘yan! Aba’t tinawag pa akong salot! Inutusan pa akong ipastraight ko raw muna ang buhok ko dahil galit daw siya sa mga kulot!” “Bakit naman daw?” naweweirduhan kong tanong. “Ewan ko dun! Di ko na tinanong. Baliw lang talaga siguro.” Humalukipkip at umismid pa si Shirley, na inis na inis pa rin. Bumaling ito sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay. Ngumiti pa ito para ibahin na ang aming usapan. "Anong oras ka nga pala sinundo ni Sir Lenus?” Napakunot ang aking noo. “Sinundo?” “Oo! Ang aga kaya niya nagpaalam sa akin. Nabuset pa nga ako dahil kay Rowangot ako nasabay. Nagmamadali pa nga si Sir dahil susunduin ka pa niya.” “Ha?” Mapaglaro akong siniko ni Shirley. “Paulit-ulit? Oo sinundo nga!” “Dumiretso na ako rito galing sa palengke. Nagtinda muna ako hanggang ten-thirty at sayang ang kita ngayon tas nagtricycle na ako papunta rito.” “Di ka tinext ni Sir?” “Di ko alam. Wala naman kaming usapan na susunduin niya ako. Saka naubusan kasi ako ng battery. Dito na lang ako nagcharge pagdating ko.” Si Shirley naman ang natilihan nang mapatingin sa aming tagiliran. “Ahh. Andiyan na pala si Sir at ‘yung isang asungot!” “Hi!” bati ni Lenus na sa akin mismo nakatingin. “Hi!” ganting-bati ko rito. May sasabihin pa sana ito sa akin ngunit tinawag na kami ng wedding coordinator. Pinapapila na kami dahil parating na raw si Pastor. Tahimik lamang kaming humilera. Nauna kami kina Shirley at Rowan dahil kami ang maid of honor at best man. Nang iabot nito ang kaniyang braso sa akin ay tahimik lang din akong umabriseyete. “Dumaan ako sa inyo.” “Nasabi nga sa akin ni Shirley.” “I called you a lot of times pero hindi ka sumasagot. Gumaganti ka ba sa akin dahil galit ka pa rin sa akin?” Bumuntong-hininga muna ako bago sumagot. “Bakit ba kasi? Inutusan ka na naman ba ni Max? Wala akong natatandaan na may usapan tayong susunduin mo ako. Wala rin namang sinabi sa akin si Lindsay o si Max man,” mahina ngunit mariin kong wika. “No one asked me to fetch you. I just did. I remembered that the road is quite challenging and I don't want to make it difficult for you." Hindi ako agad nakareact sa sinabi niya. Natouch ako dahil naalala niya ako. “O-okay naman ako. Hindi mo naman na ako kailangang alalahanin.” Nakarating na kami sa harapan kung kaya’t walang choice si Lenus kundi pakawalan na ako. Nararamdaman ko na mayroon pa siyang gusto sabihin. Titig na titig ako sa harapan lalo na nang nagbigay na sila Max at Lindsay ng kanilang wedding speeches. Hindi ko maiwasang hindi maiyak lalo na’t naalala ko na lahat nang sinasabi ni Max ay hinangad ko rin noon para sa akin, para sa amin. The way he held Lindsay, brush away her tears, looked at Lindsay like she is the only person in the world. Tanggap ko naman nang hindi talaga kami itinadhana para sa isa’t isa. Akala ko ay hindi na ako masasaktan pero may kurot pa rin. Tinutusok-tusok pa rin ang aking puso. Tumagilid ako para maiwasan na maluha ako. Dahil sa aking ginawa ay nakita ko si Lenus na titig na titig sa akin. He smiled at me. Nginitian ko na lang din siya kahit pilit at bumaling kay Shirley na inaabutan ako ng tissue pailalim. Mabilis kong pinunasan ang aking mga mata nang nakayuko. Kinalma ang aking sarili at muling itinuon ang aking paningin sa kinakasal. Nang nasa reception na kami ay magkatabi pa rin kami ni Lenus. Ewan ko ba kung bakit dapat magkakatable ang mga secondary sponsors. May mga nametag ang bawat plato na nasa mga table. Nasa kalagitnaan na kami ng aming hapunan nang nag-excuse me si Lenus. Mayamaya ay bumalik ito sa aming table dala ang dalawang plato na may iba’t ibang mga sweets na nasa dessert area. “For both of you, ladies.” Napatingala kami nang ibinaba nito sa aming harapan ang mga dessert. “Ayy! Papi Lenus! Salamat! Napakamaalalahanin niyo naman po. Di tulad ng iba diyan!” Umingos pa si Shirley kay Rowan na bagama’t narinig ang sinabi ni Shirley ay prente pa ring kumain na parang walang pakialam. “You’re welcome, Shirley.” Tumingin si Lenus sa akin. “Enjoy the food, Patrice.” Pagkasabi nun ay magalang na itong umalis upang makihalubilo sa iba pa nitong mga pinsan. “Uy! May problema ba kayo ni Papi Lenus?” Ininguso pa ni Shirley si Lenus na busy na sa pakikipagkwentuhan. “Tigilan mo na nga kakatawag kay Lenus ng Papi. Boss mo na ‘yun. Nagtatrabaho ka na sa bahay nila kaya bigyang galang mo naman.” “Bakit nagagalit ka? Gusto mo siguro ikaw lang tatawag sa kaniya ng Papi noh?” “Magtigil ka nga diyan, Shirley! Baka may makarinig sa’yo, pag-isipan pa tayong pinagnanasaan natin ‘yung tao.” “Pagnanasa agad-agad? Di ba pwedeng hinahangaan lang?” “Basta!” “O siya sige. Seryoso na. May problema ba kayo ni Sir Lenus?” “W-wala naman. Bakit mo naman naitanong?” “Echos ka, beshy. Halata namang sinusuyo ka ni Papi eh. Ikaw naman deadma.” Tumawa ako bago sumagot. “Bakit naman ako susuyuin nung tao? Alam mo, gutom ka pa siguro at kung anu-anong iniisip mo. Kumain ka na lang diyan at mukhang masarap itong mga dala n’yang dessert.” Pinanlakihan ako ng mata ni Shirley at mapanuri akong sinipat mula ulo hanggang paa. “Hmm… o s’ya, sige na nga, kumain na nga lang tayo.” “And now, let’s hear the toast and the message of the best man and maid of honor for our lovely couple!” Kinakabahan akong tumayo pagkatapos na marinig ang pagtawag sa amin ng emcee. May isinulat akong speech pero di ko rin naman sure kung masasabi ko nang maayos kaya iniwan ko na lamang din sa bahay namin. Ngunit hindi ko inaasahan na aatakehin ako nang sobrang kaba nang magsasalita na ako. Naramdaman ko ang marahang paghapit ni Lenus sa aking bewang maging ang masuyo nitong paghaplos sa aking likuran. Magkatabi kaming nakatayo sa isang platform. “Dito lang ako. You don’t have to be afraid,” bulong nito sa akin. Natagpuan ko ang aking sarili na nginingitian si Lenus bago ko kinuha ang mikropono upang sabihin ang aking mensahe. “Max and Lindsay, masaya ako na pinagtagpo na kayo, na nahanap niyo na ang magiging katuwang ninyo sa buhay. Lindsay, Max is definitely a man of honor, a man who will do anything for the woman he loves. Mapalad ka dahil nasa iyo na ang puso niya. Masaya ako na makita na ang nag-iisang lalaking tumanggap sa akin sa kabila ng estado ko sa buhay, na ang nag-iisang lalaking maituturing kong pinakamatalik na kaibigan, ay may tao na ring mag-aalaga sa kaniya. He deserves all the love you can give her. Magpakarami kayo, at sayang naman ang genes,” Nahinto ako dahil sa mga tawanan sa paligid. “Max, hindi na ako mag-aalala ngayon dahil alam kong may tao ka nang masasandalan sa lahat ng panahon. Nakikita ko rin sa mga mata ni Lindsay kung gaano ka niya kamahal. Hindi man ako lubos nang naniniwala sa true love, pero dahil sa inyong dalawa, hmm, pinag-isip niyo na naman ako. You both deserve each other dahil mabubuti at busilak ang mga puso niyo. H-handang magmahal nang walang k-kapalit.” Nagpahid na ako ng luha nang makita kong umiiyak si Max. “M-mahal ko kayo..” Lumapit na ako sa dalawa at mahigpit silang niyakap. Matagal bago ako pinakawalan ni Max. Dahil na rin siguro sa nakagawian ay pinahiran ni Max ang luha sa aking mga mata. Nakatitig kami sa isa’t isa nang tumikhim si Lenus. “Max and Lindsay, matagal na tayong magkakakilalang tatlo. I only have one wish for both of you. May you have a long lasting marriage, and nothing or no one would ever destroy your great love for one another!” Lumapit na rin ito sa mag-asawa at ibinigay sa akin ang isang kopita na naiwan ko sa podium. Umakbay ito sa akin habang nakatingin sa mag-asawa bago sumigaw. “Cheers to Max and Lindsay!” Napuno nang hiyaw ang buong lugar samantalang ako ay hindi man lang makasigaw. Namumuo na naman ata ang luha sa aking mga mata. “Smile, Patrice. Nasa kasal ka at hindi burol,” bulong ni Lenus sa akin. Ni-click pa nito ang hawak na kopita sa akin bago ito lumagok doon. Ako naman ay napakunot. Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti nang mapagtanto ang sinabi nito. Nakakahiya naman kung lalabas sa picture na mukha nga akong nagdurusa. Masyado na ata akong nagiging transparent. It would not be a good memory to remember.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD