“Okay, say cheese!”
Pinilit kong ngumiti ayon sa instruction ng photographer kahit na gusto kong sikmuraan si Lenus na nakaakbay na naman sa akin. Tumatabi ako kay Max para sa picture taking ngunit ito naman si Lenus at pilit na sumisiksik sa gitna naming dalawa.
“Aray!”
“Ow! S-Sorry… Di ko sinasadya,” kunwarian kong paghingi ng tawad pagkatapos ko siyang tapakan sa kaniyang paa. Ginawa ko iyon nang nakababa na kami sa stage kung nasaan sila Max.
Binigyan ko siya ng hilaw na ngiti nang tumingin ito sa akin. Nagpatiuna na rin akong bumalik sa aming upuan. Nangisi ako nang makita ko itong iika-ika maglakad, halatang iniinda pa rin ang sakit nang pagkakaapak ko.
Natahimik naman ako nang matuon ang aking paningin sa mag-asawang sumasayaw na sa gitna ng hall. Lalo na nang tinugtog ang paborito naming song ni Max na napag-alaman kong favorite rin ni Lindsay.
“Now, the stage is open for anyone who would like to share a dance with the couple. Of course, you can also bring your little “pakimkim” for them,” suhestiyon ng emcee.
Hinayaan ko munang lumapit ang iba dahil nangangatog ang aking mga tuhod. Maliban sa kaalamang ito na ang huling beses na makakasayaw ko si Max ay masakit na rin ang aking paa dala ng paltos na likha ng suot kong high heels.
Nauna nang tumayo at lumapit si Shirley at Rowan sa dalawa. Ang ibang katable namin ay mga nagsitayo na rin at may kanya-kanyang mga ginawa. Naiwan kami ni Lenus sa table.
“Hindi ka pa ba tatayo para maisayaw mo si Max? Tutal mukang ito naman ang hinihintay mong part ng wedding na ‘to. To be near your beloved bestfriend,” maangas at makahulugan nitong wika sa akin.
“Anong problema mo, Lenus? Kasi ako, napipika na talaga ako sa’yo. Kanina ka pa nagpaparinig nang kung anu-ano. Don’t talk to me kung wala namang magandang lalabas diyan sa bibig mo,” nagtitimpi kong turan dito. Gusto ko mang bulyawan ito ay ayaw ko namang makasira sa magandang gabi nila Max at Lindsay.
“Patring!”
Nilingon ko si Max na nakangiting tumawag sa akin. Agad naman akong tumayo at lumapit dito.
Nang kinuha ni Max ang aking kamay at ilagay ang kaniyang kaliwang kamay sa aking bewang ay humilig na ako sa dibdib nito. Binigyang laya ko ang aking sarili na isayaw ito. Tutal, huling sayaw na rin naman namin ito. Isang nakakaindak na sayaw ang tinugtog kung kaya’t para kaming mga batang nagsayaw ni Max. Paulit-ulit ako nitong pinaikot-ikot. Tawa kami nang tawa hanggang hinigit ako ulit nito at payakap na sinayaw.
“I’m really happy for you, Max,” madamdamin kong winika.
Marahan ako nitong itinulak at tumitig sa aking mukha. Huminga ito nang malalim at ngumiti sa akin. “Nagiging iyakin na ata ang bestfriend ko,” turan nito sabay pahid sa aking mga luha.
Tinapik ko ang dalawang balikat nito. “Tears of joy ‘yan noh.”
Niyakap ako ulit ni Max. “I know, Patring. And I’ll continue to pray for your happiness. Sana matutunan mo ring buksan muli ang puso mo para magmahal at mahalin.”
“Salamat, Max.” Napahigpit tuloy ang yakap ko rito dahil alam kong taos sa puso ni Max ang sinabi nito.
“Max, care to dance with your wife again?”
Nilinga namin ni Max si Lenus, nakaabrisyete rito si Lindsay na kahit gabing-gabi na ay ang ganda-ganda pa rin. Si Lenus naman ay seryosong-seryoso ang mukha. Pwede na itong manalo sa no-smiling contest dahil kahit ata kilitiin mo o gumawa ka ng stunt ay hindi ito mapapatawa.
“Of course! Hindi na dapat tinatanong ‘yan,” masayang sagot ni Max sabay abot sa kamay ng kaniyang kabiyak. “Please dance with Patrice, Lenus.”
“H-ha?” Nabigla man ako sa sinabi ni Max ay inabot ko na rin ang nakalahad na kamay ni Lenus. Balak ko na kasing umupo pero nakakahiya naman kung magwo-walkout ako.
Eksperto akong isinayaw ni Lenus. He held me in a way that made my mind wander and consider how much longer I would want to dance with him. Hindi ko maintindihan na kanina lang ay ang sarap niyang sikmuraan pero ngayon ay gusto ko pa na mas mapalapit sa kaniya. Nagugulo ang aking emotional system. Kakaloka!
“This is the second time that we've danced, Patrice. Yet, it still amazes me how small your waist is.”
He created small circles using his thumb on my waist that sent shivers down my spine.
“L-Lenus, ano bang ginagawa mo?”
“Do you realize how desirable you appear right now, pretty kitty?”
“Anong sabi mo? Ambastos mo!” Itinulak ko ito ngunit hindi ito nagpatinag. Sa halip ay hinapit pa ako nito nang mas mahigpit.
“I am just stating a fact, Patrice. You don’t need to get angry.”
Sa pangalawang pagkakataon na itinulak ko ito ay kusa naman itong bumitiw. Nagpapasalamat na rin ako dahil natapos na ang kanta. Hindi ko na kasi alam kung anong dapat ko madama sa oras na iyon.
Hinanap ko si Shirley para sana ayain nang pumunta sa susunod na venue pero hindi ko siya makita. Pagkatapos kasi sa reception ay naghanda pa sila Max at Lindsay ng after party na gaganapin sa isang private beach resort sa kabilang bayan.
Dumiretso na lamang ako sa may back garden habang hinihintay na matapos ang wedding program. Ayaw ko na bumalik sa aming table at makaharap pa si Lenus.
Pinagwili ko na lamang ang sarili ko sa mga halamang naroroon. Magaganda ang tanim nila. Tamang-tama nga at namumulaklak ngayon ang mga halaman. Hindi ko iyon napansin kanina habang nagpipictorial. Nabusy na kasi akong alalayan si Lindsay.
Hindi ako naniniwala sa mga wish na natutupad sa isang wishing well. Pero dahil sa wala na akong magawa pagkatapos kong icheck ang mga halaman ay humugot ako ng isang piso sa aking bulsa. Pumikit ako at umusal ng hiling.
It was more of a prayer rather than a wish. Hindi ako mahilig manalangin noon. Mapait akong napangiti nang maalala na si Max din pala ang nagpakilala sa akin sa Ating Lumikha. Hinalikan ko pa ang barya bago ko iyon itinapon sa maliit at pabilog na well.
Ang hirap makalimot lalo na’t halos lahat ng magaganda kong alaala ay kasama ko si Max.
Ayaw kong masira ang aming samahan kaya may panahong lumayo ako sa kaniya. At dahil sa pag-iwas ko kay Max ay nakilala ko ang isang lalaking nagpabago sa buhay ko.
Kevyn…
Kumirot ang dibdib ko dahil sa mga alaalang biglang nagsibalik sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib at parang nauupos na napaupo.
“Hey… a-are you okay?” Inalalayan ako ni Lenus bago ako tuluyang mapasadlak sa semento.
“W-what are you doing here?”
“Katulad mo rin, nagpapahangin. Are you okay?” ulit nito sa tanong nito.
“O-okay lang ako. Napagod lang..” Bumitiw na ako rito at lumakad nang kaunti. Umupo ako sa isa sa mga bench na malapit sa fountain.
“Are you sure? Namumutla ka. You want me to bring you to the hospital?”
“N-no… I’I-m really okay.” Pumikit ako at ilang beses na nag deep breathing bago tumayo.
“Where are you going?”
Huminto ako nang hindi nililingon si Lenus. “Babalik na ako sa loob.”
“Wala na halos tao sa loob. Dumiretso na sila sa beach. Nawili ka kasing maglibot dito sa garden kaya hindi mo na napansing nag-alisan na sila.”
“So, kanina ka pa pala rin rito? Sinusundan mo ba ako?” Nilingon ko na si Lenus.
Makahulugan itong ngumisi. “Hindi lang kita inistorbo at mukhang seryoso ka sa pagmumuni-muni mo.”
Inismiran ko ito. “Si Shirley, nakita mo ba?”
“Ang alam ko kay Rowan siya sumabay.”
“Kay Rowan? Sigurado ka?”
“You can go inside to look. Pero sure akong wala na siya diyan. Andiyan pa sa loob sila Max at Lindsay pero sure rin akong busy sila sa postnup photoshoot nila.”
“Wala akong masasabayan papuntang resort,” malungkot at dismayado kong wika.
“You can go with me papunta sa beach.”
Hindi ako sumang-ayon o humindi rito. Sa halip ay naglakad na ako papunta sa parking area. Nagulat na lamang ako nang bigla akong umangat galing sa semento.
“Lenus! Ibaba mo nga ako! Ano ba?!”
“Sure bang gusto mo pang maglakad? Hirap na hirap ka na nga humakbang. Pupusta akong malalim na ang paltos mo sa paa.”
“Ano bang pakialam mo? Ibaba mo nga ako!”
“No, silly woman!”
“Lenussss!”
Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ito natinag.
Ibinaba lamang ako nito sa harap ng isang sasakyan. It is a two-door black convertible car.
“Wala ka nang ibang masasakyan unless gusto mong maglakad papuntang kabilang bayan. So, get in.”
May pinindot itong button at kusang umangat ang pintuan. Umikot na ito pasakay ng driver’s seat.
Mabilis kong sinuyod nang tingin ang parking lot. Iilang sasakyan na nga lang ang andoon at hindi ko kilala kung sinu-sino ang nagmamay-ari ng mga iyon.
Nanlumo ulit ako sa estado namin sa buhay. Ni bike ay wala ako para pangtransportasyon para sa sarili ko. Marahan akong sumakay. Nahihiya kasi ako pero wala naman akong magawa. Tama kasi si Lenus.
Nagpasalamat ako dahil pagkatapos paandarin ang makina ay binuksan rin ni Lenus ang car stereo. Hinayaan lang din nito na bukas ang bintana ng sasakyan, nalalanghap ko ang sariwang hangin.
He is giving me the space I need for the moment.
I weakly smiled.