Episode 13

1717 Words
“Patrice? Andito na tayo.” Ginising ako ng baritonong boses ni Lenus. Pagmulat ko ng aking mga mata ay narinig ko na ang mahinahong pagtama ng alon sa dalampasigan. Sa tunog pa lamang nito ay pawang nawala na ang sama ng pakiramdam ko. Dahil naengganyo ako sa tubig ay halos hindi ko na napansing nakababa na pala ako sa sasakyan at marahan kong tinahak ang buhanginan palapit nang palapit sa tubig. Para akong batang itinaas ang aking suot na gown upang magtampisaw sa tubig. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal doon nang magsalita si Lenus. “Patrice?” Nilingon ko si Lenus na parang demigod na nakatayo sa buhanginan. Natatamaan ito ng ilaw na nagmumula sa buwan. Hinahangin ang may kahabaan nitong kulob na buhok. Kung hindi lamang sa suot nitong suit ay mapagkakamalan itong demigod na bumaba sa lupa. “Hmm?” Ngumiti ito sa akin. “I think we should go inside or at least try to look for our designated room?” “Ohh.. Oo nga pala.” Napatingala ako sa five-storey hotel na nasa gitna ng mga nakakalat na iba’t ibang laki ng cabin. Natandaan ko lamang sa sinabi ni Max ay doon kami sa may hotel manunuluyan. Tahimik naming nilakad ang papunta sa hotel. Pagdating sa reception area ay sinalubong kami ng magagandang ngiti ng mga receptionist. Magsasalita na sana ako nang halos lahat sila ay nakatingin na lamang kay Lenus na nasa likuran ko. He is indeed a head turner. “Sir, Ma’am, what can I do for both of you?” ika ng babaeng pinakamatangkad sa kanila. Mas kay Lenus ito nakatingin. “Room reservation for Mr. and Mrs. Maxwell Smirnov’s guest.” Pacute na ngumiti ang babae. “One moment, sir.” May mga pinindot ito sa computer monitor na nasa harapan nito. “Room 106, sir.” “Uhm, miss, isang room lang ba ang para sa mga guest?” sabad ko. “Hindi naman po, Ma’am. Pero okupado na po halos lahat maliban sa Room 106 po.” “Meron na po bang nagcheck-in na Shirley ang name. G-guest din po siya nila Mr. Maxwell.” Muli ay pumindot ang babae sa monitor nito. “Ma’am, wala pa po.” “G-ganun ba? Saglit lang ah. Baka nagkakamali kayo. Hindi pwedeng isa na lang ang room na available. Tawagan ko lang si Max.” Mabilis kong kinuha ang cellphone ko na nasa aking pouch. “Heyy!” Nagulat ako nang agawin ni Lenus sa akin ang aking cellphone. Pilit kong binabawi kay Lenus ang phone ko ngunit mas itinaas pa nito ang kanang kamay. “Bakit kailangan mo pang kontakin si Max? It is their wedding day. Hayaan mo sila ni Lindsay na magsaya sa araw ng kanilang kasal. Simpleng bagay pinalalaki mo.” “What?! Anong pinalalaki? Ang dami pa nating di nakakacheck-in tapos wala ng room. Metikuloso si Max kaya alam kong sisiguraduhin nun na may kwarto ang lahat.” “Miss, okay na sa amin ‘yan. We will take the room,” imporma ni Lenus sa receptionist. Napapikit na lang ako nang hindi na ako pinansin ni Lenus at nakipagnegotiation na sa receptionist. Hindi ko ito kinibo hanggang makarating sa loob ng hotel room. “Here’s your phone. You can sleep on the bed. Sa sofa na lang ako,” utos nito. “Sino ka ba para utusan at manduhan ako? Fine! You can sleep anywhere you want in this hotel room, wala akong pakialam! Hahanap ako ng ibang matutulugan!” “At saan ka naman pupunta?” “Wala ka nang pakialam dun!” Padaskol kong kinuha ang aking cellphone na ibinaba nito sa sofa table. Padabog kong isinarado ang pintuan ng hotel room nang lumabas ako. Naririnig ko pa ang pagtawag ni Lenus sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Inis na inis ako sa ginawa nitong pagdedesisyon para sa aming dalawa. Tiningnan ko ang pambisig kong relo. Alas onse ng gabi. Malamang ay nasa after party pa sila Max at ang iba pang bisita. Sinubukan kong tawagan si Shirley ngunit unattended ang phone nito. Wala akong hilig sa pagsasayaw at mga party party kaya mas minabuti ko na lamang na bumalik sa dalampasigan. Hindi kabilugan ng buwan kung kaya’t hindi rin masyadong malalim ang karagatan. Pinili ko na lamang ilatag ang shawl na suot ko sa may buhanginan at umupo roon. Tinanaw ko lamang ang tubig at doon ay nagmuni-muni. Nang mangawit ay humiga na ako at pumikit. “Are you going to sleep here?” Napabalikwas ako ng bangon dahil sa boses ni Lenus. “What are you doing here?” Umupo si Lenus malapit sa akin. Hindi na ito nag-abalang maglatag nang kung anu-ano. Sa halip ay komportable itong umupo sa may buhanginan. Tatayo sana ako ngunit hinagip ni Lenus ang isang kamay ko. “Pwede ba, Lenus? Wala na akong lakas para makipagsagutan pa sa’yo. Can you just leave me alone? Please!” “I’m sorry.” “For what?” “I’m sorry kung pinilit kitang kuhanin na lang ang kwarto kahit halata namang ayaw mo. I’m just tired.” Hindi ako kumibo. “I-I know. It’s not enough reason for me to decide for both of us pero gusto ko lang sana marelax dahil halos dalawang oras din naman ang naging biyahe at kanina pang eleven ng umaga tayo kumikilos para sa mga pictorial and other stuff. If you want, you can stay in that room, and I will just look around for a room to stay in for the night. Marami namang cabin and..” “It’s okay…” “Hmm.. Okay na?” gulat nitong bigkas. “Yes! In one condition.” “Shoot! Ano ‘yun?” “Sa sofa ako.” “But..” “Sa sofa ako o ako ang hahanap ng ibang tutuluyan?” Pinakatitigan ako ni Lenus. Kinakalkula siguro kung seryoso ako sa sinabi ko. “Okay.” Umupo na ako ulit at tumingin na lamang sa dagat. Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon nang mapansin kong hinihilot na ni Lenus ang kaniyang sentido. “Come here,” aya ko rito sabay tapik sa aking hita. “Masahehin ko ulo mo.” Sumunod naman ito. Mayamaya lamang ay nararamdaman ko nang narerelax siya dahil sa unti-unting pagkawala nang pagkakakunot ng noo niya at pagkaaliwalas muli ng kaniyang mukha. “You can pass as a masseuse in a spa, do you know that?” turan ni Lenus habang nakapikit pa rin. Napangiti ako. “Talaga? Buti naman. Inaral ko talaga magmasahe para makatulog nang mas maayos si Brie. Si Nanay din ay natutuwa kapag minamasahe ko siya.” Pinasadahan ko ang bawat parte ng mukha ni Lenus. Mayamaya lamang ay narinig ko na itong mahinang humihilik. Napabungisngis ako. Dahil wala naman akong magawa ay pinagpatuloy ko ang pagmamasahe sa kaniya. Bumaba ang aking mga kamay sa kaniyang leeg maging sa kaniyang collarbone at balikat. Makalipas ang labinlimang minuto ay huminto na ako sa pagmamasahe at hinayaan na lamang siyang matulog. Nahalina akong titigan ang kaniyang mukha. Dahan-dahan kong hinaplos ang kaniyang kanang pisngi gamit ang aking hintuturo. Makinis iyon. Mas makinis pa ata sa aking buong mukha. Ang pogi rin talaga ng mokong na ‘to. Hindi nakakasawang tignan ang kaniyang maamong mukha. Nangangalay na ang aking mga paa pero ayos lang kung ganitong mukha naman ang aking titingnan. “Patrice?” ika ni Lenus na biglang dumilat. “Ayy! Palaka!” He chuckled, still amused with my surprised look. “Napakamagugulatin mo naman.” Marahan kong hinampas ang braso nito. “Bakit kasi bigla bigla kang dumidilat at nagsasalita?” Umupo na ito habang tumatawa pa rin. “Okay na. Ako naman.” “Ha?” “Can I have your feet?” “Bakit?” “Sige na.” Hinuli nito ang dalawa kong mga paa at masuyo nitong hinaplos ang mga iyon. Mayamaya ay ito naman ang nagmamasahe sa aking mga paa. Magaan muna hanggang padiin nang padiin. Parang sanay na sanay ito sa pagmamasahe dahil bawat haplos nito ay nagbibigay sa akin ng kakaibang ginhawa. Makalipas ang sampung minuto ay may inilabas itong dalawang band-aid sa bulsa ng pantalon nito. Maingat nitong inilagay ang mga iyon sa paltos na nilikha ng isinuot kong bagong high heels. “Bakit ka may band-aid?” takang tanong ko. “Hiningi ko doon sa staff sa reception. Kanina ko pa gusto ilagay ‘to sa mga paa mo dahil nakita kong hirap na hirap ka nang lumakad. Kaso, kanina mo pa rin ako inaaway kaya..” paliwanag nito habang parang batang ngumisi sa akin. “T-Thank you.” He just smiled pagkatapos ay kinuha naman ang aking mga kamay at iyon naman ang minasahe. “You also have rough hands.” “Grabe naman. Okay na sana e.” Agad kong binawi ang aking mga kamay sa sinabi nito, dala ng hiya. Ngunit kinuha nito ulit iyon. “You don’t have to be ashamed of your hands, Patrice. My mom’s hands are the same as yours. Mga kamay ng mga taong masisipag, walang pinipiling trabaho. Magaan, mabigat, delikado. Your hands are the hands of those who are full of love and care.” “K-kung anu-anong sinasabi mo….” “Patrice?” “Hmm?” “Naalala ko ‘yung sinabi mo nung isang beses na hindi mo alam kung magkaano-ano ba tayo. Kahit ako naguluhan ako. But I’m sure I would like to know you more. Kaya, if you will let me in your life, can we be friends? For real?” “Gusto mo akong maging kaibigan? Sigurado ka? W-wala akong maikocontribute sa buhay mo..” Tumango ito. Ramdam na ramdam ko ang sinseridad nito habang nakatingin ako sa kaniyang mukha. “Sure.” Unti-unting sumilaw ang ngiti ni Lenus, na parang nabunutan ito ng tinik. “T-thank you.” Dinala ni Lenus ang mga kamay ko sa bibig nito at masuyong dinampian iyon ng mga halik. Napangiti ako nang humiga muli si Lenus sa aking kandungan. Ipinaghugpong pa nito nang mas mabuti ang aming mga kamay. Hindi ko rin sigurado kung dapat makipagkaibigan pa ako kay Lenus. Pero wala naman sigurong masama. Tutal, kaibigan lang naman. Bumalik ang tingin ko sa aming mga kamay. Ipinilig ko ang aking ulo. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD