Episode 9

1555 Words
Ipinasok ni Lenus ang sasakyan sa isang exclusive subdivision. Ang bahay na tinitirhan niya ay napapalibutan ng napakataas na bakod, bahay na ayaw atang ipasilip sa mga dumaraan. Namalikmata ako dahil pagpasok namin sa gate ay bumulaga sa akin ang isang mansiyon na napakaelegante ang dating. Kahoy kahoy ang concept nito na nasa gitna ng mga nagtataasang palmera. Nagmukhang nasa kagubatan kami na may kakaibang bahay sa kalagitnaan. “Tara na. Pasok na kayo,” sabi ni Lenus. Iniangkla ko ang braso ni Shirley sa akin. “Tignan muna natin, Shey.” Marahan namang hinila ni Shirley ang braso niya upang pigilan kami sa pagpasok. “N-nakakahiya naman. S-Saka ‘di naman natin lubos na kilala si Lenus.” Hinawakan ko ang kamay ni Shirley sa aking braso at nilingon ko siya. Tiningnan siya sa kaniyang mga mata na namamaga pa rin. “Bes, tignan muna natin. Tinext ko na rin si Max at sinabi ang kalagayan mo. Nahihiya nga siya at gustuhin man daw niyang ioffer ang bahay nila ay may mga magiging bisita na sila sa susunod na mga araw. Alam mo na, malapit na kasal nila ni Lindsay.” “P-patulong na lang kaya tayo maghanap ng apartment ngayon kay Lenus?” “Okay, sige bes. May ideya ka ba kung saan tayo pwede makahanap ngayon?” Lumikot ang mga mata ni Shirley na halatang nag-iisip. Nang tumingin ito sa akin na may malungkot na mata ay alam ko nang wala rin siyang maisip na lugar. Hinimas ko ang kaniyang braso. “Bes, masyado ng gabi para makahanap tayo ng pwede mo malipatan ngayong araw. Parang mas nakakahiya atang pagdrive-in natin si Doc Lenus sa kung saan-saan.” “E-excuse me po.” Nadako ang mga mata namin sa babaeng nasa kwarenta na ang edad na nakatayo sa may pintuan. “Mga mam, pasok na raw po kayo sa loob. Wag daw po kayong mahiya na maglibot-libot. Magpapalit lamang daw po ng pambahay si Doc.” Tinanguan namin ang kasambahay at pumasok na sa loob ng bahay. “A-ang ganda, bes! Kakainin ko na lang ang hiya ko kesa masayang ang pagtira sa bahay na ganito, bes! Gurabeh! Gondo!” bulalas ni Shirley pagkapasok na pagkapasok namin. “O-oo nga. S-sobrang ganda,” sang-ayon ko rito. Napakalawak at napakataas ng ceiling ng bahay. Ang magkabilaang gilid ay floor to ceiling na glass window. “Ang saya-saya, girl! May swimming pool sa sala! Saan ka pa?” pagpapatuloy ni Shirley. Napangiti ako sa nasisilayan kong saya sa mukha ni Shirley na walang ginawa kundi purihin ang mga nakikita niya sa bahay ni Lenus. “Tara dito, bes! Ito ‘yung mga isda na kumakain ng mga dead skin, ‘di ba?” Lumapit nga ako kay Shirley na tinanggal na ang suot na tsinelas at umupo na sa semento. Inilublob nito ang mga paa sa maliit at pabilog na pool, na nakahiwalay sa pahabang pool. “Why are you still standing there, Patrice? Bakit hindi mo samahan si Shirley? It might relax you.” Napapitlag ako sa baritonong boses ni Lenus. Paglingon ko ay may ilang segundo ata akong napapigil nang hininga. Napahanga kasi ako sa magandang pangangatawan nito na hakab na hakab sa suot na ternong t-shirt at shorts. “Papogi tayo nang papogi ah, Dokie!” Sa komentong iyon ni Shirley ako nagising. Nakaramdam ako nang kaunting hiya dahil sa nakita kong pagngisi ni Lenus nang magtama ang aming mga mata. Napansin siguro nito ang pagkatulala ko. Nagpatay-malisya ako at tinanggal ko na lamang ang suot kong tsinelas at umupo sa harap ni Shirley. Mabilis na nagsipaglanguyan papunta sa aking mga paa ang mga isdang malapit. Napangiti na rin ako dahil sa kiliting dulot ng ginagawa ng mga isda. Napapitlag na naman ako nang tumabi sa akin si Lenus. Isang dangkal lang marahil ang layo nito sa akin. “Pwede bang…” “Hmm?” “W-wala. Never mind.” Nahinto ako sa pagpapalayo rito dahil nakakahiya naman kung bibigyan ko pa nang malisya ang paglapit niya sa akin. Sino ba naman ako para paalisin siya sa tabi ko samantalang bahay niya nga ang tinutuluyan namin. Binuksan nito ang tv at tahimik na lang kaming nanuod. Nagpakuha pa ito kay Manang nang makakain namin habang nagrerelax. Dalawang mangkok lang ang binigay ni Manang sa amin kaya ‘yung isa ay ibinigay ni Lenus kay Shirley. Agad naman iyong nilantakan ng kaibigan ko. “Shet! Di ka pa nga pala kumakain noh?” bulalas ko nang maalala kong ‘di nga pala kami sinipot ni Shirley kanina. “Silly me! I also forgot. Gusto mo bang magpaluto ako kay Manang?” alok ni Lenus kay Shirley. “H-hindi na. Nakakahiya naman. O-okay na ‘to.” “No no no. I insist. Mana–” “W-wait!” pigil ni Shirley sa pagtawag sana ni Lenus sa kasambahay. “Kung mapilit ka, p-pwede bang ako na lang ang magluto?” Shirley asked. “Masarap magluto ‘yang si Shirley, Lenus.” “E’di hindi na ako tututol. Patikim na lang kung anuman ang lulutuin mo.” Kumindat pa ito kay Shirley na ikinakilig naman ng kaibigan ko. “Yown! Salamat naman.” Mabilis na tumayo si Shirley. “Samahan na kita, bes,” alok ko rito. Tamang tama na rin para naman makahinga na ako nang maayos. Sobrang lapit kasi ni Lenus. “Oops! Diyan ka lang. Hindi naman mahirap ang lulutuin ko. Saglit lang ako. Manuod ka na lang diyan at minsan ka lang naman magpahinga.” “Sure ka?” “Sure na sure. Babush muna!” Sinundan ko ng tingin si Shirley hanggang lumiko na ito sa dulo sa kaliwa. “You want some?” alok ni Lenus sa akin ng mangkok ng prutas na hawak nito. “H-hindi na. Busog pa ako.” Umiling pa ako bilang pagtanggi. Nagkibit balikat ito. “Okay. Sabi mo, e.” Umusod ako nang kaunti para makalayo kay Lenus, dahil naiilang ako sa presensiya niya. Pero kahit ganun ay ramdam ko pa rin ang kaba sa aking dibdib. “Mabaho ba ako?” Napapantastikuhan akong tumingin dito. Naabutan ko pa itong inaamoy ang kilikili maging ang suot na damit. “Hindi naman. Why?” “Bakit mo ako nilalayuan kung hindi naman pala ako mabaho? Nakakainsulto ka,” seryoso nitong wika. “H-hindi naman sa ganun. Kasi, uhm, kwan, ahh…” He gave me his signature one-sided smile that turned into a laugh. Ako naman ang sumeryoso at sumimangot. “Peste ka!” Hinampas ko ang braso nito sa inis. “Kung hindi ako mabaho, lumapit ka na ulit dito.” Umismid ako pero umusod na rin palapit sa kaniya. “Kainis ka kasi. Puro ka biro.” “O, ‘wag ka na bumusangot diyan at papangit ka.” Iniabot nito sa akin ang isang piraso ng ubas. Nang kukunin ko na ‘to gamit ang kamay ko ay inilayo nito iyon. “Tignan mo ugali mo!” “Open your mouth.” “What?!” “Sige na,” pamimilit pa nito. “Masarap ‘to. Matamis. Galing ito sa farm namin.” “May farm kayo?” “Kasasabi ko lang, pretty kitty.” “Yan ka na naman sa pretty kitty eh! Wag mo nga akong tawaging ganiyan.” “Wag mo nga akong tawaging ganyan.” “Asar ka talaga!” He laughed again and offered me the grapes. “Grapes?” Ibinuka ko na ang bibig ko. “Masarap nga. Penge pa nga.” Ako na ang umabot ulit sa mangkok para kumuha. “By the way, bukas susunduin kita. As usual, ibinilin ka na naman sa akin ni Max dahil manggagaling pa siya sa hospital. Since dayoff ko pa rin bukas, ako na lang daw ang sumundo sa’yo.” “Naku! Hindi na. Nakakahiya naman ‘yun. Kaya ko naman pumunta dun.” “I insist. Sabi ni Max, mahirap ang public transpo papunta roon dahil pabundok na siya, right?” Hindi ako nakasagot kasi totoo naman ‘yun. Hindi lang madalang, mga nananaga pa ang mga pumapasada roon. Isandaan ang pinakamababang singil. “So, susunduin na kita bukas?” paniniguro nito. Bumuntong-hininga ako. “Okay. S-salamat.” Dumaan ang mahabang katahimikan bago muling nagtanong si Lenus. “Ayaw mo talagang matulog dito? Dalawa naman ang kama sa kwarto ni Shirley. I won’t mind if you choose to stay here for the night.” Ilang segundo muna ang lumipas bago ako nakasagot. “Gustuhin ko man, pero mas kailangan ako ni Brie. Di ko rin kasi kaya na malayo sa akin ang anak ko. Ilang araw na nga akong ginagabi. Ilang araw na ring puyat ang bata sa kahihintay sa akin. Hirap kasi ‘yun matulog sa gabi kapag ‘di ako katabi. Sa kondisyon ni Brie, higit na importante na maibigay ko sa kaniya ang emotional support na kailangan niya.” Hindi umimik si Lenus pero alam kong nakatitig siya sa akin. I feel that good chill. Nilingon ko siya. “B-bakit ganiyan ka makatingin?” “Swerte si Brie sa’yo ‘cause you are a great mom.” “T-thank you.” Tumagos sa puso ko ang sinabi na iyon ni Lenus. Wala pang nagsasabi nun sa akin. Hindi ko inaasahang ang unang pupuri sa akin ay isang taong kakikilala ko pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD