Episode 8

1222 Words
“Salamat, Lenus. Bye!” Mahigit dalawang oras din kami sa resto bago kami nakatanggap ng tawag mula kay Shirley. Halos hindi ito makapagsalita kaya’t sinabi ko na lang na hintayin kami kung nasaan siya ngayon. Ito nga at halos patalon na akong bumaba ng sasakyan ni Lenus upang amuhin si Shirley na nakasalampak na lamang sa isang tabi. Nagkalat pa nga ang mga gamit nito sa daan. “S-Shirley? A-ano bang nangyari?” “Si R-Ruben kasi…” Ngumuyngoy na naman ito at halos di ko maintindihan ang sinasabi dahil mas marami pang sigok kesa sa salitang nabubuo. “S-sinong Ruben?” Napangunot ang noo ko sa kaiisip. “Ruben ni Aling Iska sa babuyan?” Tumango ito. “O, eh, anong problema kay Ruben?” “B-boy…fri…end… k-ko.” “B-boyfriend?! Paanong boyfriend? Di ba si Yvette ang girlfriend nun? ‘Yung isa sa tindera ni Aling Iska?” Napatingin ito sa akin pagkatapos ay isinubsob na naman ang ulo sa ibabaw nang nakatiklop na tuhod. Muli na namang umiyak. “Eh ano namang kinalaman ni Ruben dito sa mga gamit mong nakakalat?” “Pinapalayas na ako ni Aling Marie, k-kasi…” “Kasi?” Hindi ito nagsalita ngunit ibinigay sa akin ang nakabukas nitong chat sa cellphone. Napapikit ako at napailing sa litrato ng isang lalaki at babaeng nasa kama at naghahalikan. Ang babae sa picture ay papasa ng tiyahin ng lalaking kaharutan. “Si Aling M-Marie ba ‘to?” “O-oo. M-may nagsend sa akin niyan nang pauwi na ako k-kanina. S-sabi p-pa niya na dalian ko raw p-para maabutan ko pa. A-at y-yun nga ang nabungaran ko p-pagbukas ko ng pinto ng apartment ko. T-tapos si Aling Marie, s-sa halip na magsorry, p-pinalayas pa ako ng malanding matandang ‘yun!” “Si Ruben? Asan na siya?” “Sumama kay Aling Marie.” Napabuntong-hininga ako at napatampal sa aking noo sa kaguluhang nangyayari. Kahit ako ay walang matinong maipayo sa aking matalik na kaibigan. Dahil ang unang pumasok sa isip ko ay sugurin at pagtatadyakan si Ruben sa p*********i nito. Bakit si Aling Marie lang ang sinugod niya? Bakit hindi si Ruben na lantaran naman ang pagiging babaero? Pero di ko kayang pagalitan si Shirley, dahil alam kong nabiktima lang siya ng babaero. “Halika nga rito.” Hinatak ko si Shirley at mahigpit na niyakap. “Girls? Wanna help me?” Napalingon ako kay Lenus na hawak-hawak ang isang storage box na inilagay nito sa likuran ng sasakyan nito. Iilan na lang din naman ang kukuning gamit dahil halos nailagay na rin naman ni Lenus sa sasakyan. I didn’t expect na naroroon pa siya. Ang alam ko, nagpaalam na ako sa kaniya kanina. Malinaw naman sa ikinilos ko na pwede naman na siya umalis. “What?” Pinanlakihan pa ako nito ng mata. “Bakit andito ka pa?” He smiled. “Tara na at mukang uulan na ‘o. Ayaw niyo naman sigurong maging basang sisiw diyan. Come on and help me here.” Ibinaling nito ang leeg pakanan habang nakatingin sa iba pang gamit. Tumayo na si Shirley at pinunasan ang mga luha nito. Sumunod naman ako at tinulungan na lang sila na maghakot ng gamit. Tumabi ako kay Lenus habang may buhat-buhat kaming gamit. Ako ay may dalang mga kagamitan sa kusina habang si Lenus ay may dalang mga palanggana na gamit ni Shirley sa paglalaba. “S-salamat, Lenus. Pasensiya na sa dami ng abala.” Sa halip na sumagot ay inangat nito ang isang kamay at hinagod ang buhok ko. Inipit pa nito ang ilang hibla niyon na tumabing na sa aking mga mata. “Okay lang ako. Hindi naman ako naaabala.” Napapitlag ako sa di ko inaasahang ginawa nito. That splitting second made my heart skip for a beat. Hindi na ako nagtataka bakit maraming nahuhulog na babae sa kaniya. He is a natural! Napangiti ako habang nakatingin sa likuran nito dahil nauna na itong maglakad. Binuksan na ni Lenus ang makina ng sasakyan pagkatapos namin makasakay lahat. Tumabi na ako kay Lenus sa harapan at si Shirley na ang sumakay sa likuran. Nang pinaandar ni Lenus ang kotse ay tahimik lamang kami ni Shirley. Para pa rin itong tuliro na nakatingin lamang sa labas ng sasakyan. Sa ikinilos nito ay ilang araw pa siguro itong parang de susi na kung anong sasabihin at ipapagawa ay susundin lamang nito nang walang angal. Naaawa ako rito kaya nagpasya na lang ako na isama na lang muna ito sa bahay, kesyo magalit pa si Tatay na nagdala pa ako nang iba sa maliit naming kubo. “What the fvck?!” “Wooooh!” Sabay kaming napalitanya ni Lenus nang bigla na lamang lumitaw sa harapan namin si Tatay, ilang hakbang sa bahay namin. Napasubsob kaming lahat sa biglaang pagpreno ni Lenus sa kotse. “Tay? O-okay lang po kayo? N-nasagi po ba kayo? Diyos ko…” sunod sunod kong tanong sabay nang pagsusuri ko sa katawan ni tatay pagkababa ko sa sasakyan. “Tsssk…. HAno bha?! Haharang-harang ka diyan!” Iwinasiwas nito ang kamay nito na inalalayan ko para makatayo siya nang maayos. Pinilit ko pa rin na hawakan siya at alalayan para matulungan makauwi sa bahay. “Shinabi kong ‘wag mo akong hawakan!” “T-tay… Aaaah!” Nagulat ako sa paghampas ni Tatay sa hood ng sasakyan. “Sir?” “Sino ka naman,huh, binata?” mayabang na tanong ni Tatay habang kinikilatis nito si Lenus. “Kaibigan po ni Patrice.” Humalakhak si Tatay. “K-kaibigan? H-Ikaw? Shinong pinagloloko mho? Tigilan mo na ‘tong shi Patring bago pa shumakit ulo mo. Alis!” “S-sorry, Lenus. S-sorry…” Nilingon ko si Shirley na nakababa na rin pala sa ginawang komosyon ni Tatay. “S-Shirley…s-sorry… P-pahintay lang..” Hinawakan ko na ang braso ni Tatay at pilit na itong niyakag papasok sa bahay. Buti na lamang at dahil sa kalasingan ay nagpagiya na ito. Sinalubong naman kami ni Nanay na agad akong tinulungan. “Sige na, iha, ako na bahala rito sa tatay mo. Huwag mo na paghintayin nang matagal si Doc at si Shirley.” Hinayon ko nang tingin ang dalawa na nakapasok na sa loob ng sasakyan. “Nay… p-pasensiya na po’t may kailangan lang po ako gawin. B-babawi po ako sa inyo ni Brie pagbalik ko.” Hinaplos ni Nanay ang aking pisngi. “Wala kang dapat ihingi ng pasensiya. Masaya akong maalagaan ang apo ko. Sige na’t nakakahiya na paghintayin ang dalawa.” Niyakap ko’t hinalikan si Nanay at Brie bago umalis. Sinulyapan ko rin si Tatay na pinagpapasalamat kong hindi naman nasaktan kanina. Buti at malapit na kami kaya’t mabagal na lang ang pagpapatakbo ni Lenus sa sasakyan. “T-teka lang, s-saan tayo pupunta?” ika ko makalipas ang halos limang minuto sa biyahe. “Sa bahay ko.” Napamulagat ako habang hindi ko maproseso kung bakit sa bahay nito uuwi si Shirley. He sighed. “Sa tingin mo ano bang makakatulong kay Shirley? She needs some time, space and place for her to truly process her feelings and be able to function again. My house can do that for her.” “P-pero…” “You can decide later after seeing my home first.” Nilingon ko si Shirley upang kunin ang kaniyang opinyon ngunit nakatulog na naman ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD