“Pwede bang dumaan muna ako saglit sa bahay?” pakikisuyo ko kay Lenus.
“Sure. Magpapaalam ka?”
“Parang ganun na nga. Kagabi…mali,.mali, kaninang umaga pala… nang dumating ako ay tulog na si Brie. Nung umalis naman ako ay tulog din siya. Mga ganitong oras kasi ay gising ‘yun, hinihintay talaga ako.”
Sinipat ako saglit ni Lenus. “Ilang taon na nga ulit siya?”
“Si Brie? Five na siya. Malapit na rin birthday niya.”
“Siguradong bibo na ‘yun at sobrang likot, right?”
Napagdikit ko ang aking mga labi at tumango tango. “Hmm…” alanganin kong sagot.
Mabilisan itong lumingon sa akin at ngumiti.
“Diyan na lang sa tabi.” Itinuro ko ang aming bahay. “Pakihintay na lang ako.” Hindi ko na nilingon si Lenus at mabilis na pumasok sa aming bahay.
“Patring…”
“Nay…” Lumapit ako kay Nanay at nagmano. Umupo ako sa kama at nginitian ang taong agad nakakatanggal ng aking pagod ‘pag nakikita ko. Nakasandal ito kay Nanay. “Musta na ang baby ko?”
Hindi ito lumingon sa akin kahit na lumapit na ako at hinalikan ito. Ngumiti ito nang hindi tumitingin sa akin.
“Patring, maligo lang ako at naiinitan na kasi ako.”
“S-sige po, ‘Nay”
Binuhat ko na si Brie at kinausap.
Tumayo na si Nanay. Kumuha ito ng kaniyang pampalit at pumunta na sa aming banyo na nasa likurang bahagi ng bahay. Nakaseparate iyon. Kailangan din mag-igib ng tubig. Sakto lang dahil may sarili na kaming bombahan ngayon.
“Good afternoon po.”
“L-Lenus? Oops, sorry.. Naligo lang si Nanay. Mabilis lang ‘yun.”
“Hmm…..”
“B-bakit nga pala pumasok ka pa? Mainit dito sa amin eh. Saglit lang naman ako.”
“Fifteen minutes is not just a moment, Patrice.”
“S-sorry…”
“Di naman kita sinisisi. I’m just stating a fact. What’s your baby’s name again?”
“Brie. Short for Brianna.”
Lumapit si Lenus at pumantay sa mukha ni Brie. May inilabas ito sa likod ng bulsa nito. Isang parang plastic na laruang lumilikha ng tunog. Iniikot ito ni Lenus sa kamay nito at nagmukhang bracelet.
“Wow! Napapalakpak mo si Brie ah! Iba ka rin, Doc!” ika ko, puno nang pagkamangha. Bihira lang kasi mapukaw ang atensiyon ni Brie.
Kinindatan lang ako nito sabay bunot pa sa bulsa nito nang kapareho ring laruan. Ang pagkakaiba lang ay pink na ang kulay nang hawak nito.
Hinawakan ni Lenus ang blue na laruan sa kanan nitong kamay habang ang pink ay nasa kaliwa nito.
“Brie, anong gusto mo sa dalawa?”
Pinaglipat-lipat ni Brie ang tingin sa dalawang laruan. Bandang dulo ay nakangiti nitong itinuro ang laruang nasa kaliwa.
Ibinigay naman iyon agad ni Lenus at ibinulsa na ang isa.
Hindi na tinantanan ni Brie ang pagkulikot sa laruan na walang hinto sa pag-click.
Kami naman ni Lenus ay masayang pinanuod si Brie.
“Isa ka lang bang anak?”
“Ako ba ang tinutukoy mo o si Brie?”
“You..” Inikot ni Lenus ang tingin niya sa buong bahay. “I’m just curious ‘cause andaming picture ni Brie pero wala kayo ni isang family picture ng parents mo.”
“Ahh.. ‘yun ba? Naku! Nabasa kasi mga pictures namin nung minsang tinangay ang yero namin ng bagyo. May ate ako. Dalawa lang kami.”
“Asan ate mo?”
“Patring? M-may bisita ka?”
Sabay kaming napatingala kay Nanay na nagpapatuyo pa ng buhok. Inikot nito ang tuwalya sa buhok.
“Nay, s-si Doc Lenus po, kaibigan ni Max.”
“Magandang hapon po, Tita.”
“Magandang hapon din,” ganting bati ni Nanay. “Buti po at napadalaw kayo rito sa amin, Doc?”
“Uhmmm… Tita…”
“Nay, aalis po muna kami.”
“Ngayon na? Hindi mo man lang ba aalukin ng minandal si Doc?”
“Tita, ako….”
“Hindi na po. May gagawin pa po kasi kami ni Doc, b-bilin ni Max.” Tinitigan ko si Lenus na mabilis naman nakaintindi.
“Y-yes po, Tita.”
Nangunot ang noo ni Nanay pero di na nagtanong.
*
“Dito talaga tayo kakain?” alanganin kong tanong.
Napapangiwi ako habang nakatitig sa entrada ng mamahaling resto sa kabilang bayan. Mga kilalang tao ang kanilang mga parokyano.
“Yes. Dito nga. Tara?”
Binuksan na ng guard ang pintuan kaya sinenyasan na ako ni Lenus na pumasok. Pero sa halip na gawin iyon ay bahagya kong hinatak si Lenus palayo sa entrance.
“Ang mahal diyan, Lenus! P-pwede bang sa ibang lugar na lang? Sa kahit saang fastfood okay lang naman o k-kaya sa turo-turo na lang. S-saka tignan mo naman ayos ko, h-hindi ako bagay diyan.”
Magaang inalis ni Lenus ang kamay ko na nakahawak pa rin pala sa braso niya at tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.
“Ano namang mali sa ayos mo?”
“Baka kailangan, ano, uhm, nakaformal?”
Lenus chuckled. “Walang mali sa suot mong denim jeans at white t-shirt. Saka kahit naman nakaswimsuit ka pa o nakahubad na pumasok diyan, basta may pambayad ka, sure na welcome kang kumain sa loob ng resto.”
“Sino namang nasa tamang katinuan na pupunta ng resto tapos nakahubo?”
Mas lumakas ang kanila lang ay impit nitong tawa. ““For Pete’s sake, Patring! Can we just go inside and eat peacefully? Please? I’m starving.”
Si Lenus naman ang humawak sa aking kaliwang kamay at iginiya na ako papasok sa resto. Sa pagkakataong ito, di na ako tumanggi.
Umupo kami sa may window. Nakatanaw lamang ako sa labas, pinapanuod ang mga dumaraang tao at sasakyan. Hindi pa ako nakakapasok sa mga ganitong lugar, nakakapanibago. Bigla kong naalala si Nanay at Brie. Gusto ko rin kasi silang dalhin sa mga ganitong lugar at mapakain nang masarap nang hindi nag-aalala sa babayaran namin.
“What do you want to eat?” tanong ni Lenus habang ini-scan ang menu.
Ako naman ay parang tanga na pinalipat-lipat ang menu at hinahanap ang pinakamura sa mga ito. Sa huli ay dahan-dahan ko na lang na isinarado ang menu. ‘Yung pinakamura nilang pagkain dito na para lamang sa isang tao ay pwede na naming ulamin na pamilya nang dalawang araw o higit pa.
Agad namang nabasa ni Lenus ang pangamba at hiya sa aking mukha. Ngumiti ito. “Sky's the limit, Patrice. Libre ko ‘to.”
“P-pwede bang hintayin ko na lang na dumating si Shirley.”
Lumabi si Lenus. “Pwede naman kaso lang gutom na ako. Hindi mo ba ako sasabayan kumain?”
Naawa naman ako sa itsura nito. Mukha talagang gusto na niyang kumain dahil nga di naman siya nakakain nang maayos kanina. Isa pa, parang kabastusan naman na siya na ang manlilibre, hindi ko pa maibigay sa kaniya ang respeto na sabayan siya sa pagkain.
“S-sige, itext ko na lang muna siya na bilisan na niya na pumunta rito.”
“Much better.”
“S-saka kung anong oorderin mo, ganun na lang sa akin. H-hindi ko rin naman alam kung ano masarap sa menu dahil di naman ako madalas sa ganitong kainan.”
“Sure. Ako na lang oorder. Pero, hindi tayo parehas. Para pwede tayong magshare.”
Tumango na lang ako.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang nag-iisip siya. Seryoso siya sa gusto niyang orderin kung kaya’t tutok na tutok siya sa hawak na menu.
“Talaga palang gwapo ang damuhong ‘to.”
“Sabi nga nila.”
Nanlaki ang mga mata ko nang tinitigan ako ni Lenus at unti-unting sumilay ang mga ngiti nito. Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa. Paano ba naman? Sa isip ko lang naman ‘yun eh! Bakit ba kasi lumabas sa bibig ko?
“Uhmm… ano kasi… kuwan….”
He chuckled. “Wag ka na mag-alala. Marami naman nagsasabi niyan. Hindi ka nag-iisa.”
I smirked. “Yabang talaga!”
“I’m not. I just know my good qualities.”
“Inenglish mo lang pero pareho lang din ‘yun.”
“You are really a funny woman,” he said while laughing.
“Ewan sa’yo! Pisti ka!”
Tatawa-tawa pa rin siya habang ako naman ay padabog na sumandal sa inuupuan kong sofa at humalukipkip.
Tinawag na nito ang waiter.
“Tagal naman ni Shirley! Anong petsa na wala pa rin,” ika ko nang masilip ang aking relo. “Sabi niya susunod siya pero ‘di naman nagrereply sa text ko kung nasaan na siya.”
“Niluluto pa naman ang mga pagkain. Don’t worry baka parating na rin ‘yun.”
Tiningnan ko si Lenus. Ngumiti ito at kumindat-kindat pa.
“Tigilan mo nga ‘yan! Di mo ako madadala sa ganiyan!”
“Ano na namang ginawa ko? Bawal ba ngumiti?”
“Oo! Bwisit ka!”
He giggled. “Baka naman nahuhulog ka na sa akin kaya ka nagkakaganiyan.”
“Neknek mo!” Inirapan ko si Lenus sabay tingin na lang sa labas ng resto.