Episode 6

1315 Words
“Bes, bakit di mo naman sinabing muy gwapito din pala ang fwend ni Max? Kailangan ko atang itali ang panty ko’t baka malaglag,” bulong ni Shirley sa akin. Kilig na kilig ang babaita. Hinatak ako saglit nito at sinabi pa kay Lenus na mag CR daw muna kami. Pero heto kami’t nasa malapit nga sa CR pero sinisilip lang naman namin ang lalaking dinumog na ng mga mamimili. Alanganing alanganin ang kagwapuhan nito’t porma sa masangsang na amoy na umiikot sa wet market. Nakatingin kami kay Lenus na walang kaarte arteng naglilinis ng isda. Akala ko ay nagbibiro lamang ito nang sinuhestiyon nitong tutulungan ako sa palengke para mapapayag akong manuod ng movie kagabi. Napaawang ang bibig ko kanina at hindi agad nakagalaw nang binati ako ng good morning. Kung freshness lang ang pag-uusapan, wala na atang tatalo rito. Ang bango-bango nito sa kaswal na gray tshirt na suot na tinernuhan ng blue khaki shorts. Mas mukhang nasa beach ito at hindi nasa market. “Hoy, bes, di ka na nakasagot diyan,” untag ni Shirley sa akin na bahagya pa akong siniko. “Ano, uhm, iihi ka pa ba? Balikan na natin si Lenus dun at napakarami ng namimili. ‘Yan lang pala sasabihin mo, dinala mo pa ako rito.” Hinawakan nito ang braso ko at pinatigil ako. “Sige na kasi at magkwento ka na. Suitor mo ba ‘yang si Lenus? Aba girl! Tiba tiba ka na diyan! Sagutin mo na agad at magtetrenta ka na ‘uy!” Mahina ko itong kinutusan. “Gaga! Hindi ko manliligaw ‘yan. Naipangako lang sa akin kahapon na tutulungan niya ako rito kapalit ng panunuod ng movie kagabi.” Nanlaki ang mata nito na nangingising tumitig sa akin. “O, ano na naman ‘yang pinag-iisip mo? Walang gusto sa akin ‘yang tao. At kahit gusto ako niyan, hindi ko sasagutin ‘yan. Mauubos ang dugo ko sa pagiging babaero niyan!” “Weeh!” Natawa ako. “Oo nga! Lika na! Maya na ako magkwento at kawawa na ‘yung tao roon!” Itinuro ko si Lenus na nagsisimula nang mataranta sa dami nang nagtatanong dito. Maging ang mga kapwa ko tindera na lagi akong tinatarayan ay parang tuwang tuwa pa na kahit walang mga lumalapit sa mga ito ay okay lang. Parang artista si Lenus na pinagtitinginan. “Sinabi mo ‘yan ah! Ikwento mo lahat. Saka kung may iba pang gwapo, sabihin mo kay Max, ipakilala naman sa akin!” “Ang landi talaga nito!” tatawa tawa ko na lang na biro rito habang nagpapatangay ako sa paghatak nito sa kamay ko. “Ako na diyan, Lenus. Umupo ka na lang at magsukli sa amin ni Shirley.” Hinawakan ko ang braso nito at pilit na pinapaupo sa isang monoblock chair. “Kaya ko naman maglinis ng isda,” pigil nito sa akin. Para itong isang malaking bato na nahirapan akong buhatin. “Oo na. Kaya mo na. Pero kami na diyan at ‘di mo naman trabaho ‘yan. O! Ingatan mo ‘yang belt bag ko ah. Baka maisahan ka ng mga magnanakaw. Hindi mo naman siguro itatakbo ‘yan?” biro ko rito. He flashed his perfect teeth na nagpangiti na rin sa akin. Nakita ko pa si Shirley na akala mo’y naiihi at ang katawa’y nangingisay ngisay. Pinanlakihan ko ito ng mata. “Pogi eh!” she mouthed. “Wala ka bang pasok sa hospital ngayon?” usisa ko kay Lenus nang medyo humupa ang mga namimili sa amin. “Baka nakakaabala na ako sa’yo ah.” “No. It’s fine. Wala naman akong clinic schedule today so I am totally free. Atsaka ako naman ang nagvolunteer sa sarili ko na tutulungan kita, remember? So, here I am!” “Akala ko naman ay biro mo lang ‘yun. Sa totoo lang, may sense naman din kasi ang sinabi mo. Saka nag-enjoy naman din ako sa panunuod ng movie. Tama ka, minsan ko lang magawa ‘yung ganoon.” Nahinto saglit ang aming kwentuhan nang may bumili ng one-fourth na hipon. “Hanggang anong oras kayo nagtitinda?” Pinaglipat-lipat pa ni Lenus ang tingin sa aming dalawa ni Shirley. “Hanggang maubos, pogi,” sagot ni Shirley. “Shirley, right?” “Yesh! Parang ang ganda-ganda ng name ko ‘pag binigkas mo. Shirrllleeeey! O! Da vuh?” nagpapacute na sagot ni Shirley. “Why not? Maganda ka naman talaga ah,” sagot naman ni Lenus. “O! Pak! Saan ka diyan teh?” Hinawi pa ni Shirley ang buhok nito patalikod. “Lenus, pagpasensiyahan mo na ‘tong kaibigan ko’t ganiyan lang talaga ‘yan magsalita, may kaartehan.” “No need to apologize. Nakakatuwa nga siya eh.” “Papi Lenus! I like you na!” Nakipag-apir pa si Shirley kay Lenus. Sinipat rin ni Shirley ang mga isda ko at ngumisi. “Mukang maganda na naman kitaan natin ngayong araw. Maaga tayong makakauwi. Swerte pala sa negosyo ‘tong si Papi Lenus ih! Pati itong mga manok ko ay malapit na ring maubos.” Nginitian ko si Lenus. Ito naman ay kumindat. Pagtalikod ko ay di ko napigilang mapangiti. * “Sabi sa’yo, bes, mabilis mauubos ang mga tinda natin e! Isipin mong pati mga taong hindi naman bumibili ng isda’t manok sa atin dati e, parang magnet na kusang lumalapit sa atin. Iba talaga charm ni Papi Lenus!” “Naku, bes! Tigilan mo na kakapuri diyan kay Lenus at baka lumaki ulo niyan,” saway ko rito. “Ikaw lang naman walang bilib sa akin e,” pasaring ni Lenus. Nagmake face ako kay Lenus. Pangisi-ngisi si Shirley na tumingin sa akin habang binabanlawan namin ang mga palangganang pinaglagyan namin ng mga isda. “Baka naman pwedeng manlibre ka ulit diyan, bes!” udyok pa nito. “Bibili pa ako ng gamot ni Brie, eh. Baka pwedeng sa ibang araw na lang?” “Saan niyo gustong magmerienda?” Lenus asked. “Ayyy naku! Wag mo akong hinahamon ngayong nagugutom ako’t baka mag-aya ako sa mga eat all you can!” sakay ni Shirley. “Sige. Ako na taya!” “Sure ka?! Wala nang bawian!” panghahamon pa ni Shirley kay Lenus. “Yes! Kahit saan.” “Ayy! s**t!” biglang bigkas ni Shirley sabay hawak sa bibig nito. “Teka! Teka lang, bes! Anong oras na ba?” Sinipat ko ang aking relo. “Three…” “s**t! Mauna na ako, bes! Nakalimutan kong due date ko kay Aling Marie! Baka totohanin nun na ihagis na sa daan ang mga damit ko ‘pag di pa ako nakabayad sa bahay,” nagmamadaling bigkas ni Shirley. Inihagis na lang nito sa isang bangko ang suot na apron at kinuha na ang maliit nitong bag. “Hindi na tayo kakain sa labas?” tanong ni Lenus. “Kakain pa rin! Mauna na kayo’t susunod na lang ako. Itext niyo na lang sa akin kung saan ko kayo pupuntahan. Babush!” Mabilis pa sa alas kuwatrong nawala sa paningin namin si Shirley. “Tulungan na kita diyan?” alok ni Lenus na tumayo na sa pagkakaupo nito. “H-hindi! A-ako na lang at nahihiya na ako sa’yo. Pwede ring mauna ka na umuwi. Wag mo na pansinin ang sinabi ni Shirley at makakaintindi naman ‘yun kung sakaling hindi mo ituloy ang panlilibre sa amin. S-salamat nga pala sa pagtulong mo sa amin.” Ipinagpatuloy ko na ang pagliligpit pero nahinto ako nang makita kong umupo muli si Lenus sa bangko. Nilingon ko na ito. “I’ll wait for you. And we will eat somewhere nice. Gutom na rin ako e.” Tinantiya ko kung anong sasabihin dito. Naalala ko ‘yung inoffer ko sa kaniyang paksiw kanina. Konti lang ang kinain nito. Marahil ay sadyang gutom nga talaga. “S-Sige. Saglit na lang naman ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD