Episode 5.2

1552 Words
“Oo. Magbestfriend na kami bata pa lang kami. Never naging magkajowa o lumagpas sa pagiging magbestfriend kung ayun ang gusto mo klaruhin.” Muli ay tumahimik na naman siya. Tumingin na lamang ako sa labas at ipinagwalang bahala ang ikinikilos ng lalaki. Daig pa ata ako na buwan buwan may regla. Napakamoody! “Iliko mo na diyan sa shortcut,” maya ay instruct ko rito. “Didiretso tayo.” “Hey! Ibalik mo na dun!” Nilingon ko ang kanto na unti-unting lumalayo sa aking paningin. “Bakit ba dineretso mo pa?” “Gusto ko lang dito dumaan. May daan naman dito ‘di ba?” maaskad nitong sagot. “Oo nga! Pero mas mabilis sana ako makakauwi kung iniliko mo na roon kanina!” Sumilip ito sa side mirror bago ibinalik ang paningin sa harapan. “Malayo na. Hassle kung magmaniobra ako rito.” Malalim ang naging paghinga ko sabay ng pagtirik ng mata upang kalmahin ang sarili ko. “Okay, fine! May magagawa ba ako, e, ikaw nagdadrive?” Nakita ko ang pagngisi nito kaya minabuti ko na lang na ituon muli ang aking paningin sa labas ng sasakyan. Humalukipkip pa ako at umismid sa inis sa bwisit na mokong. “Mag CR lang ako,” maya ay paalam ni Lenus nang ipinarada nito ang sasakyan sa tabi ng isang kilalang restaurant. Marahan akong tumango at sinundan na lang ito ng tingin. Pagbaba nito ay napansin kong sa likurang bahagi siya ng building dumaan. Napatingin ako sa aking relo. Ilang minuto na lang ay mag aalas onse y medya na. Binalik ko ang aking tingin sa loob ng resto. Wala naman ng customer. Nakalagay na rin ang close sign pero bukas pa naman ang ilaw. Mayamaya pa ay may lumabas na crew at lumapit sa passenger side. “Ma’am, baka po pwede niyo mapuntahan si Sir? N-nadulas po siya sa banyo. H-hindi po makatayo e.” “Ha? T-Teka saglit lang. B-bakit naman nadulas?!” magkahalong pag-aalala at pagkairita ang sabay kong nadama nang patakbo ko nang tinungo ang resto. “Sang banda ang banyo? Ayyy putik!” sigaw ko nang biglang namatay ang ilaw. “Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you.” Nakangiting lumalapit sa akin si Lenus habang hawak nito sa isang kamay ang isang strawberry shortcake at sa isang kamay ay mga lobo at maliit na regalo. “Happy birthday, Patrice.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi nito. Naguluhan ako noong una. Nawala sa isip ko na kaarawan ko nga pala. “Thank you. D-di ko alam ang sasabihin ko. It’s just….Uhm…” Gusto ko sana sabihing natouch ako pero hindi siya lumabas sa bibig ko. Nakaka-speechless! “Sorry sa pagsusungit ko kanina. Kinailangan ko lang gawin para hindi ka na magtanong-tanong pa at mabulilyaso ‘tong surprise. Max told me to get you this cake dahil daw balak sana nila ni Lindsay na bigyan ka paghatid nila sa’yo pero may mga kailangan lang silang gawin.” Kinunot ko ang ilong ko. “Hindi niyo naman na kailangan gawin ‘to. Simpleng bati lang ay sapat na. Pero, t-thank you talaga.” “Come on! Make your birthday wish at baka lumagpas na sa oras ng birthday mo. Hindi ‘yun matutupad,” pagbibiro ni Lenus. “Kita mo ‘to. Okay na sana e.” Nagkatinginan kami at nagkatawanan. Ipinikit ko ang aking mga mata at hiniling ang palagian ko ng kahilingan tuwing aking kaarawan sa loob ng limang taon, na makita ko ulit si Ate. Miss na miss ko na siya. Pagdilat ko ng aking mga mata ay mabilis kong hinipan ang kandila. Hinawakan ni Lenus ang isang kamay ko. “Come, I’ll show you something.” Hinatak niya ako patungong likuran ng resto. Bumungad sa akin ang isang private pool sa gitna ng garden. May isang island sa gilid ng pool na may nakaset up na table at may katabing dalawang wooden beach chair. Pinaupo ako ni Lenus sa isang upuan. Sinerve naman sa amin ng crew ang tig-isang hiwa ng cake. Nakaharap kami sa isang landscape na waterfall. Tanaw na tanaw namin ang ganda ng kalangitan. Nang tumunog ang cellphone ni Lenus ay sinagot nito iyon. Sa pakikipag-usap nito ay nahinuha kong babae ang nasa kabilang linya. “Hinahanap ka na ata ng girlfriend mo,” wala sa loob kong nasambit nang ibinaba na nito ang cellphone. Napatingin ito sa akin. “Fishing for information if I have a girlfriend?” “Feelingero yarn? Nagtataka lang kasi ako dahil parang tuwing nakikita kita, ibang babae ang kasama mo. Hindi ko mawari kung sino sa kanila ang totoo mong girlfriend o fling fling mo lang?” Nagulat na lang ako nang bumunghalit ito ng tawa. “Anong nakakatawa sa sinabi ko?” “Hindi mo pa pala talaga gustong malaman kung may girlfriend ako sa lagay na ‘yan ah.” Itinirik ko na lang ang aking mata. “Eh, sa nakakagulo naman talaga na pabago-bago ka ng kasama. Seryoso, ikaw ba ‘di naguguluhan?” He chuckled. “You’re so funny, pretty kitty.” “Pretty kitty ka diyan!” “Okay, pretty kitty. To lessen your confusion, I don’t have a girlfriend, just dates.” “Playboy!” Lenus leaned towards me and pinched my nose. “Aray! ‘Tong playboy na ‘to!” Lenus chuckled again. “Ihatid mo na nga ako.” “Just relax. Alam kong gabi na pero sabi na rin ni Max kanina, you seldom make time for yourself. Hindi ka pa naman siguro inaantok?” * Hindi ko alam kung paano magpapasalamat kay Lenus. Ayon rito, kaibigan nito ang may-ari ng resto. Ganito pala kasaya magoutdoor cinema. Paano ba naman? Isang malaking puting tela ang hinatak ng crew na ginawang screen para sa aming pinapanuod na movie. Nasa ilalim iyon ng napakalagong puno na may mga nakasabit na Christmas lights. “Seriously, you haven’t watched this movie? Titanic?” di makapaniwalang tanong ni Lenus sa akin. Na para bang may napakalaki akong kasalanan na nagawa. “But why?” muli ay tanong nito kahit hindi ko pa sinasagot ang una niyang tanong. “Eh kasi po, busy sa buhay. Sa mga gawaing bahay, trabaho, tapos nag-aaral pa ako nun. Saan ko naman isisingit ang panunuod ng movie, eh, kulang na kulang na nga ako sa tulog.” “Anong natapos mo, kung gayon?” “Third year in Psychology.” “Hmm.. Sayang naman. Isang taon na lang pala. Ayaw mo na bumalik sa college?” Sinulyapan ko siya saglit. “Alam mo, ang daldal mo! Pwede bang tapusin na muna natin ang movie?” “Oww… Sorry..” Nang hindi na ito nagsalita ay binalingan ko ito. Akala ko ay nanunuod ito ng movie pero nakatitig lang pala ito sa akin. “B-bakit ganiyan ka makatingin?” “Bakit? Masama ba?” “Oo! Manood ka na nga lang kasi. Malapit na rin naman matapos ata.” “Mas interesting para sa akin na panuorin ka kesa sa movie. I have seen it a couple of times already. Kabisado ko na nga ang story niyan.” “Eh bakit ‘yan pa ang pinili mong panuorin? Sana ‘yung di mo pa napapanuod para naman hindi sayang sa oras mo.” “I am not wasting my time. I am actually having a nice time… with you... pretty kitty.” Nawala na ang atensiyon ko sa pinapanuod ko kaya muli ko siyang binalingan. “Hey! I said stop staring!” Inirapan ko ito dahil sa totoo lang naaasiwa na ako sa paraan ng pagtitig niya. Na parang ang ganda-ganda ko. Binato ko na siya ng isang throw pillow. Sinapo naman nito ang throw pillow at umayos na ng upo habang pilyong ngumingisi. “I am just appreciating the view.” “Appreciating the view ka diyan. Hoy! Hindi mo ako madadala sa mga pasweet sweet nothings mo. Wag ako!” He laughed. Hindi ko napigilang mapangiti na rin sa tawa niya. Nang matapos ang movie ay pinagkasya na lang namin ang mga sarili namin sa panunuod sa kalangitan. “Balita ko may anak ka na rin daw?” muli ay tanong ni Lenus. “Di ka rin tsismoso noh?” “Hmm.. hindi naman talaga. Naikwento lang sa akin ni Max dati.” Tiningnan ko ito na nakaside eye na nakatikom ang bibig. “Yes. Five years old. Babae.” “Hmm… How about the father?” Naitaas ko ang aking kanang kilay sa kaswal na pagtatanong nito. “Close tayo?” He giggled. Hindi ko na mabilang ilang beses na siyang natawa sa mga tanong ko. Di ko tuloy masabi kung natutuwa siya sa akin o sadyang pinagtatawanan niya ako. “Ang harsh ha! Kanina naman sinagot ko mga tanong mo sa akin about girls. Ikaw pwede magtanong, ako hindi?” “Sabagay. Hmm.. wala na.” “W-what do you mean wala na?” “Just leave it like that. Wala na,” I shrugged. “Uwi na tayo. Ihatid mo na ako.” Ginalang naman ni Lenus ang aking katahimikan na lubos kong ipinagpasalamat. Iniabot pa nga nito ang kamay upang tulungan akong tumayo. “Thank you… sobra…” “You’re always welcome, pretty kitty.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD