“Busog ka na ba, Patring?” Sa’yo ‘tong milktea na ‘to, your favorite.” Itinaas ni Max ang isang kulay berdeng milktea.
“Max, p-pwede bang iuwi ko na lang ‘yan? Kailangan ko na kasing umalis. Hinihintay na ako ni Brie.”
Hinatak ako ni Max at inakbayan. Ginulo niya ang buhok ko katulad nang lagi niyang ginagawa. Napabuntong-hininga na napatingin ako kay Lindsay na siyang umaasinta ngayon, naglalaro sila ng dartboard.
Inayos ko ang buhok ko nang inalis na ni Max ang kamay niya sa aking mga balikat. Chine-cheer nito si Lindsay. Lumayo ito nang kaunti sa akin.
Hindi ko maiwasang titigan si Max habang masayang nakamasid kay Lindsay. He is ecstatic.
“Enjoying the view?”
Napalingon ako sa aking kanan dahil sa lalaking boses. Boses ng walang iba kundi ni Lenus. Lumagok ito sa kopitang hawak. Nakasandal ito ngayon sa counter ng minibar habang ako ay nakaupo sa stool bar na pinakamalapit dito.
“Ha?”
Suminghal ito na may halo pang mahinang tawa. Pinasok ang isang kamay sa kaliwang pocket ng suot nitong pantalon.
“Never mind.” Tumikhim muna ito bago nagpatuloy. “Inumin mo na ‘yang hawak mo at masasayang lang.” Inginuso nito ang milktea na nalimutan ko nang hawak ko pa rin.
Nahihiya akong sumipsip sa inumin at pilit na binalewala ang lalaking nasa tabi ko. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtext kay Nanay at sa nangungulit na si Shirley. Nasabi ko kasing andito si Max at ibang pinsan ni Lindsay. Nagtatanong kung ilan daw ba ang gwapito. Kung kamukha raw kasi ni Lindsay ay sureball na may itsura.
“I won! Yessss!”
Naagaw ang atensiyon ko ni Lindsay nang sumigaw ito. Kinarga pa ito ni Max na parehong tuwang-tuwa sa panalo ni Lindsay. Ngayon ay nag-iisip na si Lindsay ng parusa sa kaibigan nitong natalo. Napatingin tuloy ako sa hawak kong milktea dahil order ito ng huling nanalo.
“Go and bring us cochinillo in thirty minutes or else, ikikiss mo ‘yung security guard sa baba ng 20 seconds.”
“Pero saan naman ako bibili ng cochinillo? Ten o’clock na kaya, girl!”
“Well.. the clock is ticking so hurry up!”
Nakita ko pang mapaglarong itinulak ni Lindsay ang kaibigan nito sa direksiyon ng pintuan.
Lumapit na sa amin sila Lindsay at Max na parehong tatawa-tawa.
“Max, Lindsay, nakakahiya man pero… c-can we go now?” I courageously asked again.
Nang magpaalam kasi ako kay Max thirty minutes ago ay sinabi nitong sila na lang ni Lindsay ang maghahatid sa akin kanina. Ngunit sa takbo ng laro ngayon ay mukhang nag-eenjoy pa ang mga ito dahil nagpustahan pa.
“Saglit na lang. Minsan lang naman,” sagot ni Max.
“Magtatricycle na lang ako. Hindi mo naman ako kailangan ihatid e. Okay lang naman ‘yun e,” pangungulit ko rito.
“Sige na. Promise! Last na talaga ‘to.” Itinaas pa ni Max ang kanang kamay upang iseal ang pangako nito.
“Yep! And it’s our time to play,” singit ni Lenus.
Si Max naman ay dinampot ang mga red feathered dart.
“Ha? Paano kung matalo ka, Max? Gagawin mo pa ang consequence. Eh baka naman, matagalan pa tayo. G-gusto ko na umuwi.”
Nangingiti namang tumitig sa akin si Max. Ginulo na naman ang aking buhok. “Patring, wala ka bang tiwala sa akin?”
Nakagat ko ang ibabang labi ko. “M-meron siyempre.”
And then I saw Max’ sheepish smile. Nagkaintindihan na kami sa ganoong tingin. Sa pag-aalala ko kina Nanay, nalimot ko saglit na nagcha-champion nga pala si Max sa mga dart competition sa school namin.
Umupo na kami ni Lindsay sa dalawa sa apat na stool bar sa harap ng minibar kung saan kami nakapwesto ni Lenus kanina.
Umabot din ng sampung minutong tahimik lamang kaming nanunuod, kapwa kinakabahan kung sino ang mananalo.
“Do you know that those two always end up competing with each other?” ika ni Lindsay, pambasag sa nakakabinging katahimikan sa pagitan naming dalawa.
“S-si Max at Lenus?”
“Hmm,” Humalukipkip ito at umayos muna ng upo. “Pareho kasi sila ng taste. From their clothing, to food choices, interests and many other things. Even academically, ‘di sila nagkakalayo. Sa girls naman, they both love morenas. Parang ikaw…”
Napalunok ako sa tinatakbo ng aming usapan.
Ito naman ay dalawang ulit na sumimsim sa kopitang hawak. Sa pagsimsim nito ay parang humuhugot ito ng lakas ng loob bago magpatuloy sa sasabihin.
“Alam kong magbestfriend kayo ni Max. Alam ko rin na first love ka niya…”
Kung may labanan ng dami ng pawis sa loob ng sampung segundo ay sure na panalo na ako. Isa pa, feeling ko ay nasira ang aircon sa hotel room dahil biglang uminit.
“Please be honest with me, Patrice? Do you have feelings for Max too?”
Para akong pangangapusan ng hininga sa direktang katanungan ni Lindsay. “S-si Max? H-he is just a friend. Wala kang dapat ipag-alala.”
Tumitig lang si Lindsay sa akin. Tinitimbang siguro ang sinseridad ng mga tinuran nito.
“Lindsay! Patring! Nanalo ako!”
Muntik na akong mapatalon nang marinig kong sumigaw si Max. Nagdiriwang na tumakbo ito palapit sa amin ni Lindsay. Sabay niya kaming inakbayan. Nakapuwesto kami sa magkabilang tagiliran niya.
“Ano sa tingin niyo magandang ipagawa kay Lenus?” excited na tanong ni Max habang hinihigit pa kami ni Lindsay palapit sa kaniya.
“Ako ang natalo pero bakit mas mukhang talo ang mga mukha niyo?” komento ni Lenus na lumapit na rin sa kinaroroonan namin
“Oo nga! Anong nangyari sa inyong dalawa?” Max asked with arched eyebrows.
Tinanggal na nito ang pagkakaakbay sa akin at si Lindsay na lang ang pinagtuunan nang pansin. Iniharap nito ang babae at mahinang pinisil ang ilong nito. “Love, may problema ba?”
Pilit na ngumiti si Lindsay. “Wala naman. Just a simple heart to heart girl talk. Right, Patrice?”
Tumango ako nang sumilip sa akin si Lindsay. “P-parang ganun na nga.”
“Sure?” paninigurado ni Max, still observing Lindsay’s face.
“Yesss!” malakas na sagot ni Lindsay.
Inilapit ni Max ang mukha sa kasintahan at sinimulan na itong halikan.
Inilihis ko ang tingin ko sa dalawa. Aminado akong may nararamdamang kirot sa dibdib.
“Heyyy! Gumagabi na, guys. Ano na ang consequence ko?” untag ni Lenus na nangingisi pa, pinagpapalit-palit ang tingin sa akin at sa magkasintahan.
“S-sorry, pre. Just got carried away,” ika ni Max na mukha namang hindi pinagsisisihan ang ginawa.
“Get a room then,” Lenus answered.
Nagkatinginan ang magkasintahan at nagbulungan. Nang mag-apir ang dalawa ay alam na naming nakabuo na sila ng plano para sa consequence ni Lenus.
*
Nasa may entrada ng hotel sila Lenus at Max habang hinihintay nilang dumating ang valet. Kami naman ni Patrice ay lumayo sa dalawa ng ilang metro dahil mukhang seryoso ang usap nila.
“Patrice?”
“Hmm?”
“S-sorry sa tanong ko kanina. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinanong pa kita tungkol kay Max.”
“Okay lang naman. Normal namang itanong ‘yan sa magbestfriend na babae at lalaki. Baka wedding jitters din ‘yan.”
“Baka nga… Uhm, nag-enjoy ka naman siguro sa party?”
Napangiti ako. “Oo naman. Masaya kayo kasama.”
“Gusto talaga namin ni Max na isabay ka kaso may emergency call galing sa isa sa pasyente ni Max. We need to go to the hospital first. Alam mo na, baka matagalan. Si Kuya Lenus na lang maghahatid sa’yo.”
Nang may pumaradang sasakyan ay sumakay na roon si Lenus. Si Max naman ay lumakad palapit sa amin.
Yumakap ako sa magkasintahan. May mga sinasabi pa si Max sa akin nang makarinig kami ng dalawang magkasunod na busina.
“Max, Lindsay, sensiya na ah. Una na ako. S-salamat ulit sa imbitasyon.” Mabilis kong paalam sa magkasintahan.
Nilakihan ko na ang hakbang ko nang bumusina ulit si Lenus. Kumaway pa ako ulit sa magkasintahan bago tuluyang sumakay sa passenger seat.
“H-hindi pa ba tayo aalis?” tanong ko rito nang hindi pa nito pinaandar agad ang sasakyan samantalang kung makabusina ito ay animo’y may emergency.
“Fasten your seatbelt. Marunong ka naman siguro maglagay niyan?” pabalang nitong sagot sa akin.
Huminga ako nang malalim habang padaskol din na kinuha ang seatbelt at sinecure. “Okay na po ba, kamahalan? Pwede na po ba tayo umalis?” inis ko na ring sagot dito.
Hindi ako nito sinagot. Sa halip ay tahimik lamang na nagmaneho.
“May problema na naman ba tayo?” tanong ko na rito nang hindi na ako nakapagpigil. Hindi ko kasi maintindihan na mainit na naman ang ulo nito.
"Bestfriend mo lang ba talaga si Max?”
Napalingon ako rito. Seryoso ang mukha nito, na parang galit. Saglit akong nakaramdam ng takot sa kaniyang awra. Naalala ko lang na ibinilin ako ni Max sa lalaking ito kung kaya’t naibsan kahit papano ang takot ko. Alam ko sa puso ko na hindi ako ipapahamak ng matalik kong kaibigan.
"Cat got your tongue, miss?"