Episode 4

2821 Words
"Happy birthday ulit, bes!" bulong sa akin ni Shirley habang naglalakad kami pauwi. "S-salamat," balik-bati ko sa kaniya sa mahinang salita. Napahinto ito at humarap sa akin. "Bakit malungkot ata ang beshy ko? Gusto mo bang tumambling pa ako rito?" Mahina akong tumawa. Naalala ko kasi ang mga emoji na sikat na sikat ngayon sa sss. "Hindi naman sa hindi masaya, bes. Masama nang very slight lang ang pakiramdam ko dahil naulanan ako kagabi sa pagtitinda." Hinipo ni Shirley ang noo ko. "Wala akong lagnat, bes," nangingiti kong hinawakan ang kamay niya. Na-touch ako nang sobra sa nakikita kong concern sa mukha niya. Inilingkis niya ang braso niya sa akin. "Nagpapahinga ka pa ba? Wag mong sabihing tutuloy ka pa ngayon para mag-manicure?" Kinuha niya ang mga kamay ko. "Nagpapamanicure ka pero ni minsan hindi man lang nakulayan ang mga daliri mo." "Maglilinis lang naman ako ng isda, kukulayan ko pa ang mga daliri ko. Sayang lang ang pera ‘pag ganun ‘di ba?" Yumuko ito at sinilip ang mga daliri ko sa paa. "Wag mong sabihing pati paa mo pinanlilinis mo at ni hindi mo man lang pinapa-nail polish 'yan?" I giggled. "Bakit ba lahat napapansin mo? Puwede bang 'wag mo na idamay ang mga nananahimik kong kuko sa paa?" Umingos si Shirley. "So, hindi na talaga ako makakaasa kahit pa-Jollibee man lang ng beshy ko sa birthday niya?" patuloy na biro nito. "Sige na nga!" Ginulo ko ang buhok ni Shirley. "Pero saglit lang ah. Para naman makalaro ko pa si Brielle bago ako umattend sa bridal shower ni Lindsay." "Pupunta ka ba talaga roon? Sa hotel 'yun 'di ba?" nag-aalalang tanong ni Shirley. "Baka naman mga sosyal ang aattend doon, may damit ka na ba?" Pasimple akong nangiti. "Oo. Ibinili ako ni Max." Napaingos si Shirley. "Alam mo," Itinaas pa nito ang hintuturo. "yang si Max, paasa 'yan e! Ikakasal na siya't lahat, may mga paganiyan pa." "Hindi naman," pagtatanggol ko kay Max. "Si Lindsay daw mismo ang nag-utos sa kaniya. Siyempre, ako ang maid of honor, kaya ipapakilala raw niya ako sa mga friends niya." Huminga nang malalim si Shirley. "Basta, ingat ka ah. Wag ka pakampante. Hindi pa rin talaga ako sigurado diyan sa Lindsay na 'yan. Parang may tinatagong ugali." "Alam mo, ikaw, puro ka hinala! Ambait-bait nga nun sa akin e." "Nagpapaalala lang po." "Oo na! Sige na. Maglalaro muna kami ni Brielle," sabay hampas sa kamay niya na nakapulupot pa rin sa akin. * Pagdating ko sa bahay ay nakita kong magkayakap na nakahiga sa kama ang mag-lola. Nilapitan ko si Brielle at si Nanay. Pareho ko silang hinalikan sa kanilang mga noo. Kapwa naman kumibot ang mga ito ngunit hindi naman tuluyang nagising. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay pati na rin sa may labas. Wala si Tatay. Baka nasa ibang bahay naman pero katulad pa rin ng dati, nakikipag-inuman. Nakita ko ang mga awards na nakasabit sa may dingding namin. May iilan sa akin, nasasali naman ako sa top 10 noon. Pero ang pinakamarami ay 'yung kay ate. Valedictorian ‘yun e. Talagang matalino. Ako nga sunog na sunog na ang kilay sa pag-aaral nun, sabit lang ako sa top 10. Konting kibot, laglag at wala na akong medalya. Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko kay ate. Mas maganda, mas matalino, mas mabait, mas higit sa akin sa halos lahat ng bagay. Akala ko nung makatapos na siya, ako naman ang mag-aaral. Pinangako niya 'yun sa akin e. Hindi madamot si Ate. Ngunit dahil sa isang pangyayari, nawala lahat. 'Yun ang dahilan kung bakit galit sa akin si Tatay. 'Yun ang dahilan nang unang atake sa puso ni Nanay. 'Yun ang dahilan kung bakit nagkasira kaming magkapatid. Na ipinangako kong pagbabayaran ko habambuhay. Dahan-dahang iminulat ni Nanay ang kaniyang mga mata. Ngumiti ito sa akin. "Andiyan ka na pala, Patring," bulong pa niya. Nang umingit si Brielle ay kinuha ko na ito kay Nanay at kinarga ko na. Humilig naman si Brielle sa akin. Katulad ng dati, hinang-hina na naman. "Opo, 'Nay. Sige po, pahinga na lang kayo. Ako na po ang bahala kay Brielle." Humikab ito. "Napagod ako, anak. Pahinga lang ako para may lakas akong bantayan si Brie maya." Umupo ako sa tabi ni Nanay. Hinaplos ko ang pisngi niya. "Hindi na lang ako dadalo–" "Hindi– hindi— hindi.. Dumalo ka mam'ya. Okay lang ako rito, anak. Basta sa pagdating mo, ikaw ang bantay kay Brielle." Tipid akong ngumiti. "S-salamat, 'Nay." Kinuha ni Nanay ang isang kamay ko at ipinagitna sa kaniyang mga kamay. "Walang anuman. Matulog na ako, hmm?" Tumayo ako ulit nang umingit si Brielle. Inilabas ko muna pansamantala. Naiinitan ata sa loob ng bahay. Umupo kami sa upuang kahoy na nasa labas. Nagising na ito nang tuluyan. "Andito na si Nana, Brielle." Tumingin lamang ito sa akin at ngumiti. "Kelan kaya magsasalita ang pretty girl ko na 'yan? I love you, anak…" Nagsumiksik ito sa aking mga bisig. Basta ayos lang kayo ni Nanay, Brie. Okay na ako… Mahal na mahal ko kayo… * Pagdating sa hotel and resort ay dumiretso ako kaagad sa main CR sa may lobby. Katabi iyon ng mga restaurant na pagmamay-ari rin ng hotel. Doon ko na naisipang magbihis dahil masyadong maganda ang damit para lamang isuot ko kaagad kanina. Nangamba kasi ako na madumihan ko at masira ang damit sa pagsakay ko sa tricycle. Ayaw kong masayang ang effort ni Lindsay. Saka masyado ring revealing ang damit na halos kalahati ng likod ko ay kita. Sleeveless pa na hindi ko naman nakasanayang suotin. Asiwang-asiwa ako sa paglalakad dahil hinahatak ko ang damit na hanggang kalahati lamang ng hips ko. Na kapag maunti lamang ata ako ng yuko ay makikitaan ako. "Aray ko! Ano ba 'yun?!" Napasubsob ako. Muntik ko nang mahalikan ang sahig dahil sa pagkakabunggo sa akin nang kung sino man. Nakabusangot akong agad na tumayo. Handa nang mambulyaw. "I'm sorry, miss." Hindi ako agad nakahuma dahil para akong namalikmata sa nakita ko. Paano ko naman siya makakalimutan? Siya lang naman ang lalaking muntik nang makasagasa sa akin kagabi. Pero bago ang ginawa nito ngayon, marunong pala itong mag-sorry? "Are you okay, miss? Did I hurt you?" muli niyang tanong na ikinakisap-kisap ng aking mga mata. Ngayon ko lang napagmasdan na maganda pala ang kaniyang mga berdeng mata. "H-hindi naman ako nasaktan. Pero sana sa susunod, tumingin ka naman sa daraanan mo." Napangiwi ito kasabay nang may mapanuring tingin na parang sinisino ako. “Oh! Patrice, right? Are you….ohhh?” Mukhang may gusto pa sana itong itanong sa akin ngunit may lumapit ng babae rito. Lumingkis agad sa braso nito at hinila na ang lalaki. May mapang-unawang tumango ito sa akin bago umalis. Napaingos ako kaagad pagkatalikod nila. Ibang babae na naman ang kasama nito. At sa pagkakahawak niyon ay malayong kamag-anak nito ang babae. Another girl. What a playboy! Inayos ko na lang ulit ang sarili ko at pinagpagan ang aking damit. Dumiretso na ako sa room na inarkilahan nila Max at Lindsay. "Patrice, bakit ngayon ka lang?" ika ni Lindsay na sinalubong pa ako. Ipinakilala niya ako sa mga kaibigan niya. Mukha naman silang mababait pero mukha ring mga alta-sosyedad. Sa pag-uusap pa lang nila ay hindi na ako makasabay. Mukhang karamihan sa kanila ay mga health related ang trabaho, ang iba naman ay masyadong slang ang pagsasalita ng Ingles. Hindi ko tuloy maiwasang makarami ng iniinom na alak dahil wala naman akong ginawa kundi makinig lang sa kwentuhan nila. Nakikitawa nang kaunti kapag may naririnig akong jokes pero most of the time, tahimik lang ako sa isang tabi. Nagugutom na ako pero nakakahiya namang itanong kay Lindsay kung meron bang kanin. Parang sayang-saya na kasi sila sa tinatawag nilang mga pika-pika. Mayamaya ay nagpalaro sila at nakakatuwa naman na isinasali nila ako. "Are you having fun, Patrice?" mapungay na nakangiti sa akin si Lindsay. Mukhang may tama na rin siya base sa mga galaw nito. "O-oo naman." "You should be!" ika pa nito sabay akbay sa akin. Napangiti na lang ako kay Lindsay. Gumagaan ang loob ko sa kaalamang mabait na tao si Lindsay. Isa pa, alam kong mahal na mahal niya si Max. "Are you ready for our surprise gift?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Lindsay. "Don't tell me–" Mga pilyang ngiti ang nagsisulputan sa mga labi ng sampung babaeng kasama namin sa loob ng kwarto. "Bring the gift here!" sigaw ng isa sa mga bridesmaid at mula sa gilid ng kwarto ay bumukas ang isang pintuan. Dala-dala ng mga hotel staff ang isang napakalaking box. Ibinaba nila ang box sa may gitna ng mga nakapaligid na upuan. May pumailanlang na nakakaakit na kanta. Kasabay iyon nang biglaang pagkamatay ng ilaw. Napalitan iyon ng malamlam na ilaw. Nagulat ako nang nagsigawan ang mga babae na akala mo ay may kapana-panabik na laman ang box na gustong gusto nilang makita. "You should open it now, Lindsay!" "Okay, okay! Wag masyadong excited!" Tatawa-tawa namang tumalima si Lindsay na agad na tumayo at hinila ang red ribbon. Hindi na niya kailangan pang buksan dahil kusa iyong bumuka at lumantad ang isang lalaking naka-topless. Natural na napakurap-kurap ang aking mga mata dahil sa ganda ng katawan ng lalaki na naka-mask. Ngayon lang ako nakakita ng lalaking may six pack. Totoo pala 'yun! Kasi ang mga abs na madalas kong makita ay dalawa hanggang apat lamang. Iyon ay dahil na rin sa ibang kargador na nakikita kong nakahubad-baro sa palengke. Nagsimula na itong umindayog na ikinatili naman ng mga babaeng kasama ko. Sinira na ng dancer ang box at lumapit sa mga babae. Nawala na ang tilian at napalitan na nang mga pagsinghap dahil sa galing ng lalaking gumiling. Ang mas nakakaakit pa sa lalaki ay ang ngisi nito na alam mong maloko pero parang gusto mo namang magpaloko. Ayy! Ewan ko na talaga! Isa-isa nitong nilapitan ang mga babae na game namang nakisayaw dito. Hindi ko gusto ang mga ganito. Hindi ko nga alam kung bakit parang tuwang-tuwa sila. Kinuha ko ang cellphone ko at lumayo saglit. Pumunta ako sa isang gilid at tinakpan ang isang tenga ko. Dinial ko ang cellphone number ni Nanay ngunit mukhang tulog na nga siguro dahil hindi nito sinagot. Eksaktong kabababa ko ng cellphone nang lumapit sa akin si Lindsay at inakbayan ako. "Mr. Dancer, hindi ka makakaalis kung hindi mo mapapasaya ang kaibigan kong ito," tudyo nito na pinalakpakan naman ng iba pa. "Naku, naku! O-okay naman ako. O-okay ka na, Kuya." Nag thumbs up pa ako habang may pilit na ngiti. Ngunit ayon na nga, nagsimula nang gumiling si Mr. Dancer palapit sa akin. Napalunok na lamang ako sa aking laway habang pinagmamasdan siyang lumalapit sa akin. Hindi ko na nga namalayang wala na sa tabi ko si Lindsay. Nang makalapit na ito sa akin ay halos hindi ako nakagalaw. Para akong naestatwa lalo na nang idinikit pa nito ang malagkit nitong katawan sa akin. Hindi ko masabi kung ano ang nasa katawan nito. Para siyang hindi pawis. Body oils ata tawag nila dun. Oo, ‘yun nga ata ‘yun. Ngunit ang panlalaking amoy nito ang pumuno pa lalo sa aking sistema. "Sway with me," utos nito. "Ha?" He chuckled. "Pretty Kitty, just follow my body." Hinapit niya ako sa aking bewang at isinabay niya nga ako sa pag-alon alon ng kaniyang katawan. Nagpapalakpakan ang mga babaeng kasama ko. Maging si Lindsay ay nakangiti habang nakikipagsayaw ako sa lalaki. Mas idiniin pa ng lalaki ang katawan niya sa akin at kung anu-anong steps na ang ginawa namin. Sinabayan ko lang naman siya dahil 'yun ang instruction niya. “You have long eyelashes but still it can't cover your beautiful round eyes. Gusto ko rin ang iyong bibig, manipis lang pero mapula.” “H-hey… Ano bang ginagawa mo?” may diin ang pabulong kong wika. "You are a fast learner, pretty kitty. I would love to get to know you better in the future. But sad to say, you are off-limits." Nakita ko na tumikwas ang gilid ng labi nito. Parang amuse na amuse talaga sa akin. Hindi ko alam bakit biglang nag-init ang aking katawan lalo na sa pagkakadaiti ng aming mga balat. Pagkatapos ay binitiwan na niya ako at yumuko sa aming lahat. Parang tapos na ata ang performance niya. "Good job, bro!" Napalingon kami lahat nang mula sa gilid na pinto kung saan idinaan ang box kanina ay pumasok si Max at ilan pang lalaki. "Max!!" sigaw ni Lindsay at tumakbo na payakap kay Max. "What are you doing here?" "Bawal ba?" "But this is a bridal shower!" maktol nito kunwari pero hindi naman umaalis sa pagkakayakap kay Max. "Napagtripan lang. Saka kailangan naming suportahan si Lenus dahil siya ang naatasang sumayaw para sa inyo." Nanlalaki ang mata ni Lindsay na lumingon sa lalaking sumayaw. "Kuya Lenus! Is that you?! Oh my gosh!" Hindi ko na masyadong maintindihan ang mga nangyayari dahil pagkalingon ko ay nakita ko ang dahan-dahang pagtatanggal ng lalaki ng mask. Na titig na titig sa akin bago bumaling kay Lindsay. "Lenus, bro, come here! I know we never got a chance to formally introduce you both to each other but this is my best friend, Patrice. She will be your partner in my wedding," pagpapakilala ni Max sa lalaki. "He is my cousin, Patrice," dugtong pa ni Lindsay bago humarap sa lalaki. "Kuya, off limits 'tong si Patrice ah! Malalagot ka talaga kay Max!" saway nito sa lalaki. He gave his cutest smile bago nito inilahad ang kamay niya sa akin. "Nice to meet you again, Patrice. Sana napatawad mo na ako sa mini-accident na naganap." Wala naman akong nagawa kundi ang iabot ang kamay ko sa kaniya. "Nice to meet you too. Okay na ‘yun. S-sorry rin sa nagawa ko." He chuckled while strengthening his grip on my hand, as if telling me, we are okay. Hinatak ko na ang kamay ko dahil wala naman ata siyang balak na bitiwan iyon. Bumalik na ako sa sofa dahil nauna na rin naman doon ang mga ikakasal. Umupo ako sa may bandang dulo para sana mabilis na lang ako makaalis mamya. Balak kong itext na lang si Max. “Do you mind if I sit here?” Itinuro ni Lenus ang napakaliit na espasyo sa pinakagilid ko. “Huh?” Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang paligid. Nagsimula na ulit mag-inuman. Nakihalubilo na rin sa amin ang mga kalalakihan na karamihan ay pinsan ni Lindsay. Suma total wala na ngang mauupuan si Lenus kundi sa gilid niya. “Patrice?” untag nito sa akin. “Ah… s-sure..” Umisod ako nang kaunti para makaupo si Lenus. In a swift motion, umupo si Lenus na halos dikit na dikit na sa akin. Gusto ko pa sanang umisod dahil naiilang ako pero para lang akong nakasakay sa jeep na punong-puno na. Wala na talagang espasyo. Hindi ko man gustong maasiwa ay di ko mapigilan. Iba ang presensiya ng lalaki, overpowering. Napasinghap ako nang humawak siya sa aking tuhod habang nakikipagbiruan kina Max na naging dahilan nang pagbaling niya sa akin. “Are you okay?” pabulong niyang wika habang nakataas ang dalawang kilay. “Y-yes…” ika ko na lang. Alangan namang mag-inarte ako samantalang parang wala lang sa kaniya. Ngayon ay hindi na lang ito nakakapit sa tuhod ko. Dumantay na talaga ito habang patuloy na nakikipagkwentuhan sa mga pinsan nito. "Ikaw talaga, Kuya! Who's this Marga?" Umingos pa si Lindsay dito. Kumindat lang si Lenus kay Lindsay habang tatawa-tawa. "Saglit lang ako. I'll be back." Ngumisi ito at tumayo na. May isinenyas ito kay Max na tumango naman. "Haayy naku! Ako na lang talaga ang susuko sa pagiging babaero ng pinsan ko na 'yan," parang inis na natatawang komento ni Lindsay nang makalayo na si Lenus. "Hayaan mo na lang. Magsasawa rin 'yan," si Max na hinapit si Lindsay at hinalikan sa pisngi. "Sana nga. Buti nga kamo at sa dami ng naging babae niyan, wala pa ni isang nabuntis. Laking pasasalamat ko talaga!" muling turan ni Lindsay. Hinabol ko ng tingin ang lalaking lumabas ng silid. Sa hindi ko malamang dahilan, parang may panghihinayang at lungkot akong nadama habang pinagmamasdan ko siyang umalis. Bumaling si Lindsay sa akin. "Alam mo, Patrice, kung hindi lang palikero si Kuya Lenus, baka inireto na kita sa kaniya. Mahilig sa morena 'yun e. Nakita ko nga kanina na mukhang attracted sa'yo. Pero kahit na isa sa paborito kong pinsan 'yun, never ko siya papayagang maging boyfriend ng mga kaibigan ko. Never! So don't you dare fall for him. Ako na nagsasabi sa'yo, masasaktan ka lang." Napatawa na lang ako. As if naman gugustuhin ko rin makipag-boyfriend sa katulad niya. Masyado na akong maraming problema para idagdag pa siya sa buhay ko. Hindi lang naman siya. Kahit sinong lalaki. Hindi na ako naghahanap. Wala na akong balak na umibig. Sapat na sa akin si Brielle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD