Sifting, mixing and blending. Iyon lang ang paulit-ulit na sinasambit ni Didi sa isip habang solo siyang nagbi-bake sa loob ng kusina ng sarado na niyang bakeshop. Lampas alas-onse na ng gabi at kanina pa sarado ang bakeshop niya. Mag-isa na lang siyang naroon dahil kanina pa nagsiuwi ang mga staff niya. Alam niyang dapat ay natutulog at nagpapahinga na siya sa mga oras na iyon. Masama sa isang nagbubuntis ang nagpupuyat. Pero sadyang hindi niya mapilit ang sarili na na matulog at magpahinga na. Kanina nang isara niya ang bakeshop kasabay ng mga staff niya ay saglit lang siyang nagtagal sa bahay niya. Hindi siya mapalagay at alam niya na nag tanging paraan para kumalma ang dibdib niya ay kung magbi-bake siya. Baking and eating has always been therapeautical for her. Pero na

