“So what? You’re pregnant. Ano’ng inaasahan mong mangyayari ngayon? Pananagutan ka ba ng nakabuntis sa iyo?” pabalewalang tanong ng ina ni Didi matapos niyang aminin dito ang kalagayan niya. Hindi alam ni Didi kung bakit niya naisip na isangguni sa ina ang dilemma na kinakaharap niya. Siguro naisip lang niya na baka kapag nalaman ng ina niya na magiging isa na rin siyang ina ay magpapakita na ito sa wakas ng pag-aalala para sa kanya. She should’ve known she was just wasting her time. Marahang tumango siya. “Lio wants to marry me. He proposed marriage because he wants the baby to have his name.” “Mabuti. Ayokong magka-apo ng bastardo. Sige, ihanda na ninyo ang kasal ninyo. Buti na lang at hindi natuloy ang kasal ng ate mo kung hindi ay magiging sukob k

