FAIRYTALE

1151 Words
                                                                                      Hindi kailanman nagustuhan ni Didi ang fairytale na Cinderella. Kahit noong bata pa siya, iyon ang librong ayaw na ayaw niyang binabasa. Siguro dahil iyon sa malaking pagkakahawig ng kwento ni Cinderella sa totoong kwento ng buhay niya.          Kung si Cinderella ay mayroong wicked stepmother at dalawang wicked stepsisters, siya naman ay mayroong ina, half-brother at half-sister na masasabing very wicked kadalasan ang trato sa kanya. Noong bata pa nga siya hindi niya maunawaan kung paano siya naging bahagi ng pamilya nila gayong ibang-iba ang hitsura niya sa ina at mga kapatid niya. But then again, she only has to look at her father’s side and she sees where she got most of her features.          Siya ang binansagang ugly duckling sa pamilya nilang puro swans. Sa malas, wala na siyang pag-asa pang maging beautiful swan pagdating ng araw. Dahil ang height niyang five-eight ay hindi na maaring bawasan pa. At kahit ano’ng klase ng pagda-diet ang gawin niya, hindi nagtatagal ang mababang timbang niya. Partly because of her genes and mostly because as a baker and pastry chef and owner of Sweet Ices Bakeshop, lagi siyang napapaligiran ng masasarap na baked products niya.          Mukha tuloy siyang higante sa tuwing katabi niya ang maliit, slim at parang manyika sa gandang Ate Greta niya. Mas bata siya ng apat na taon kaysa sa kapatid pero kadalasan ay siya ang napagkakamalang ate sa kanilang dalawa.          She grew up having a lot of insecurities because of her height and her figure. Hindi pa nakatulong na maging sariling ina niya ay hindi itinatago ang malaking dismaya nito sa hitsura at pigura niya mula pa noong bata siya.          She grew up hearing her mom grieve over her looks and her figure. Ayon pa sa ina niya, kung hindi nga lang raw gising ang ina niya at normal ang delivery sa kanya, iisipin ng ina niya na napalitan siya sa ospital noong manganak ito. At kapag naririnig naman niya ang mga panlalait ng sariling ina sa hitsura niya, sa pagkain siya humahanap ng kakampi. Kaya the more na pinupuna at ipinapahiya siya ng ina hindi lang sa harap ng mga kapatid at kaibigan niya kung hindi maging sa harap ng ibang taong ni hindi nila kilala, the more na naghahanap siya ng pampalubag-loob sa anyo ng pagkaing parang wala nang bukas.          At tulad ng karaniwan nang nangyayari sa tuwing pumapasyal siya rito sa bahay na kinalakihan niya, awtomatikong pinuna na naman ng ina niya ang hitsura niya. Pagpasok na pagpasok pa lang niya ng living room ay sinalubong na siya ng nayayamot na tingin ng inang huminto sa magiliw nitong pakikipag-usap sa mga kapatid niyang sina Kuya Hans at Ate Greta. Nakaupo sa mahabang sofa ang tatlo at nagtatawanan nang ianunsyo ng bagong maid ng ina niya na dumating na siya.          “Hi!” tipid ang ngiting bati ni Didi sa pamilya niya na parang iisang tao lang na bumaling sa direksyon niya ang mga ulo ng tatlo. Gustuhin man niya na ibeso-beso ang ina at mga kapatid tulad ng karaniwang batian ng tatlo sa isa’t isa, hindi niya iyon ginawa. Dahil malayo pa siya ay kitang-kita na niya ang disgusto sa anyo ng tatlo habang hinahagod ng tingin ang kabuuan niya. They were all looking at her like she was wearing old and dirty plastic bags as her dress and rotting fruit peelings for her shoes.          “Didi! Ano ba iyang hitsura mo?! Hindi ka man lang nag-ayos! Gusto mo bang ipahiya ang Ate Greta mo sa pamilya nina Brandon?! Alam mong darating ang buong pamilya nila ngayon at makikita ka!” pagtatalak sa kanya ng inang si Audra Felipe-del Rosario-Felipe.          Yeah, Felipe-del Rosario-Felipe ang apelyido ng ina niya. Tatlong beses kasi itong ikinasal. At iyong dalawang beses ay sa iisang lalaki lang. Si Dr. Phil Felipe ang unang asawa ng ina niya at siyang ama nina Kuya Hans at Ate Greta. Nag-divorce ang ina niya at ang Filipino-American nitong unang asawa noong isang taong gulang pa lang ang kambal na mga kapatid niya. Two years old ang ate at kuya niya nang makilala ng ina niya ang kanyang tunay na amang si Ross del Rosario. Pinakasalan ng kanyang ina ang kanyang ama at ipinanganak siya ng kanyang ina nang mag-apat na taong gulang ang mga kapatid niya. Pero nang mag-limang taon siya ay nagkita at nagkamabutihan ulit ang ina niya at ang ama ng mga kapatid niya. Kaya hiniwalayan ng kanyang ina ang kanyang ama para makisama ulit kay Dr. Felipe.          But since her father was not an American citizen like Dr. Felipe, hindi divorce kung hindi annulment ang kinailangan para mapawalang bisa ang kasal ng kanyang ina sa kanyang ama. Annulment na hindi gustong ibigay ng kanyang ama sa kanyang ina hanggat hindi pumapayag ang kanyang ina na sa poder ng ama niya siya mapupunta. And for some unexplainable reason only her mother understands, lalo pa at hindi naman kailanman itinago ng ina niya na wala itong ka-amor-amor sa kanya at mas pinapaboran nito ang ate at kuya niya kaysa sa kanya, tumutol ang ina niya na ipaubaya siya sa ama niya.          Kaya naman umabot pa ng pitong taon bago na-annul nang tuluyan  ang kasal ng ama at ng ina niya. Twelve years old na siya nang sa wakas ay pumayag na ang kanyang ina na sa poder ng kanyang ama na siya tuluyang pumisan. Pero tuwing bakasyon o kaya ay may mahahalagang okasyon, ni-required ng kanyang ina na bumisita siya sa poder nito at asawa nito.          Sa loob ng buong pitong taong nagmamatigas ang ina niya tungkol sa custody at annulment ng kasal nito sa ama niya ay para siyang bolang pinagpapasa-pasahan ng mga magulang. Siya ang naging lubid sa tug-of-war ng mga ito tungkol sa legal na estado ng kasal ng mga ito.          At dahil kahit hindi pa kasal ulit ay nagsasama na sa iisang bubong sina Dr. Felipe at ang ina niya bilang mag-asawa, lumaki rin siyang kinikilala nang amain si Dr. Felipe. Pero hindi siya kailanman pinayagan ng lalaki na tawagin niya ito sa ibang pangalan maliban sa Dr. Felipe. Kahit man lang Uncle ay ayaw nitong patawag.           Habang ang kanyang ama naman ay nakahanap rin ng bagong makakasama at mamahalin sa katauhan ni Tita Jeng. Dating yaya niya si Tita Jeng. Ang babae ang nag-aalaga sa kanya noon kapag abala sa farm nila sa Camiguin ang ama niya. Mas gusto nga sana ni Tita Jeng na tawagin niya ito ng Mama Jeng nang maikasal na ito at ang ama niya noong thirteen years old siya. At dahil sa umpisa pa lang ay parang anak naman na talaga ang turing sa kanya ng madrasta niya, ginusto rin niyang tawagin nga itong Mama Jeng. Pero nang marinig siya ng kanyang ina na tinatawag na Mama Jeng si Tita Jeng ay nagwala sa galit ang ina niya. Nasampal pa siya nito sa bibig at ikinulong sa bathroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD