MY GIRLFRIEND

1688 Words
                                                                                           “My god, nakita mo ba ang hitsura ni Lio ngayon? Ang gwapo niya lalo, ‘no?”          “Oo nga. Pwede ko na siyang akitin since sabi ni Edda, break na raw siya roon sa girlfriend niyang baker ba ‘yun?” sang-ayon ng pangalawang babae.          “Iyon ay kung pansinin ka pa niya matapos niyang makita ang kagandahan ko,” halakhak ng naunang babae na nagsalita.          “Imposible. Nakita mo ba kung gaano kajubis yung ex niya? Mga chubby ang type niya kaya wala kang pag-asa. Unless magpa-inject ka ng kilo-kilong taba!” mas malakas ang halakhak na sabi naman ng pangalawang babae.          “Baka kamo nagsawa na siya sa baboy at gusto na niya ng tao this time. Iyong hindi ginagawang past time ang paglamon!” gatong pa ng unang babae.          Sa narinig ay para siyang biglang nanlumo. Nawalan ng lakas ang braso niya na hilahin pabukas ang pinto. Will Lio really be interested in dating other women again now that they were through? And worse, will he really be interested in dating a much slimmer woman? Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang maging sila ni Lio ay naramdaman muli niya ang pamilyar na panliliit at kawalan ng tiwala sa sarili.          “Oh, hi, Lio!” halos sabay na sambit ng dalawang babae.          Biglang napadiretso ng tayo si Didi. Nanlalaki ang mga matang iginala niya ang tingin sa loob ng bathroom. Naghahanap ng pwedeng lusutan o madaanan nang hindi niya kakailanganing harapin ang tatlong taong nakatayo sa mismong tapat ng pintong kinatatayuan niya. Kung magkakasya lang siguro siya sa toilet bowl ay ipa-flush na niya ang sarili roon. Nang sa gayon ay hindi na niya kailangang buksan pa ang pinto, lumabas ng bathroom at patay-malisyang salubungin ang tingin ng dalawang babaeng hindi lang siya ininsulto, pinag-aagawan pa si Lio. But what’s even worse is that Lio himself was standing there too.          “Hey, have you seen my girlfriend?” kaswal na kaswal ang tonong sagot naman ni Lio.          Nahigit ni Didi ang hininga. May bagong girlfriend na si Lio?! Kailan pa? Sino? Bakit?! Parang gusto na niyang iumpog ang ulo sa marmol na vanity sink nang magka-amnesia siya at malimutan ang narinig na sinabi ni Lio.          “Girlfriend?!” gilalas ang tonong ulit ng unang babae.          “Yeah, my girlfriend Didi. She said she was going to the bathroom.”          Biglang lumuwang ang paghinga ni Didi. But at the same time, napangiwi siya at nakadama ng awa para sa dalawang babaeng nasa labas. Naulinigan na kasi niya ang pamilyar na sarkastikong tono sa boses ni Lio na ginagamit lang ng binata kapag kausap ang mga taong hindi nito gusto. He obviously heard the two women disparagingly talking about her. And Lio being the man that he is, decided to play her hero again by pretending once more about their non-existent relationship. Para ibangon ang pride niyang niyurakan ng dalawang babae at para na rin ipaalam sa mga babae na hindi available ang binata para sa kahit na sinuman sa dalawa. Ang hindi lang niya alam ay kung paanong nalaman ni Lio na nasa loob siya ng bathroom at posibleng naririnig ang pagtitsismisan ng dalawang babae.          “Oh, ah, h-hindi namin siya nakita,” mababa ang tonong sagot ng pangalawang babae.          “She’s probably still inside,” ani Lio na maya-maya ay kumatok sa pinto ng bathroom. “Hon? Are you still there?”          Napaigtad sa gulat si Didi dahil parang sa mismong tapat ng tainga niya nagsalita si Lio. Sa lakas ng boses ng binata, parang walang dahon ng pinto na naghihiwalay sa kanila. Mariing pinaglapat muna niya ang mga labi, sinulyapan ang sariling repleksyon sa salamin nang isang beses pa, bumunot ng malalim na paghinga saka siya sumagot sa binata.          “Oo, sandali lang,” sagot niya. Bumilang muna siya ng limang segundo bago niya binuksan ang pinto at nakangiting pinasadahan lang ng tingin ang dalawang babae na maang na napamata lang sa kanya. Namumula ang mga mukha ng dalawa. Halatang napahiya at nagi-guilty ang mga babae dahil nabatid na ng mga ito na naririnig niya mula sa loob ng bathroom ang pag-uusap ng mga ito tungkol sa kanya kanina.          “Tsk, tsk, tsk, hindi ko alam kung bakit nagri-retouch ka pa ng make-up mo. I already told you a million times, you look beautiful with or without it. No need to improve perfection,” iiling-iling na nakangiting komento ni Lio. Agad siyang inakbayan ng binata at iginiya palayo roon.          Nang makalayo na sila at hindi na maririnig ng dalawang babae ang pag-uusap nila ay saka lang niya inusisa si Lio kung paano nito nalaman na naroon siya sa loob ng bathroom.          “Nakita kitang dumating. Lalapitan na sana kita pero nahalata kong gusto mo akong iwasan kaya naisip ko na hayaan na lang kitang ituloy ang pag-iwas sa akin kaysa makipaghabulan sa iyo sa buong bahay nina Alex.”          Tinaasan niya ng mga kilay ang binata. “Pero sinundan mo pa rin ako sa bathroom. So obviously, you changed your mind.”          “Yeah. And it’s a good thing I did too. Kung hindi malamang bukas ka na lumabas mula sa bathroom na iyon.”          “Malamang nga,” sang-ayon niya na naramdaman ang pag-iinit ng mukha sa naalalang mga salitang binitawan ng dalawang babaeng iyon.          Tila nahalata naman ni Lio ang pag-iba ng mood niya dahil hinila siya nito papasok sa maliit na storage room sa dulo ng kitchen nina Alex. Lalagyan ng mga cleaning appliances, carpentry tools, cleaning products at bathroom supplies ang maliit na storage room. Doon din itinatago nina Alex ang ilang mga kagamitan nito na bibihira nitong gamitin pati na ng mga kagamitan na hindi na gumagana pero ayaw pang ipatapon ni Edda. Maliit na espasyo na lang ang maaaring lakaran sa loob ng silid dahil sa dami ng mga gamit at produktong naroon. Sapat lang para magkaroon ng kalahating metrong pagitan sa kanila ni Lio matapos isara ng binata ang pinto.          “Forget what they said, Didi. Hindi sila importanteng mga tao sa buhay mo kaya hindi ka dapat magpa-apekto sa opinyon nila. You know, I think you’re the most beautiful woman in here,” seryoso ang anyo at boses na sabi ni Lio sa kanya habang matamang nakatitig sa mga mata niya.          Tipid na napangiti siya. “Well, ako lang naman talaga ang babaeng nasa loob ng kwartong ito kaya---“          “Don’t do that to yourself, honey. Don’t put yourself down. I hate it when you do that. You’re beautiful. You’re sexy. And those women knew it too kaya gumagawa sila ng paraan para pababain ang self-esteem mo. Iyon lang ang natitirang paraan sa kanila para mapagaan ang loob nila.”          “Ni hindi naman nila alam na naroon ako sa loob ng bathroom, Lio. Hindi nila sinasadyang marinig ko na pinag-uusapan nila ako nang ganoon.”          Lio scoffed and shook his head. “You’re still so naive, honey. Of course, they knew you were inside that bathroom. Kasunod mo lang sila. Nakita ka nilang pumasok doon at sinadya talaga nila na abangan kung kailan malapit ka nang lumabas bago nila nilakasan ang mga boses nila para marinig mo na ikaw ang pinag-uusapan nila. Napahiya lang sila dahil hindi nila inakala na naroon lang din ako at narinig ko rin ang pag-uusap nila.”          “Oh!” bulalas niya. Ni hindi niya kilala ang dalawang babaeng iyon. Bakit siya pagdidiskatahan ng dalawa gayong wala naman silang kaugnayan sa isa’t isa? Wala siyang atraso sa mga ito pero napakadali para sa dalawa na insultuhin siya at sadyain pang iparinig iyon sa kanya.          May target ba siya sa noo na nagsasabing isa siyang walang imik at hindi lumalabang biktima na pwedeng i-bully ng kahit na sino? Kahit pa ng mga taong ni hindi niya kilala? O sadya lang talagang mainit ang mga mata ng ibang tao sa mga tulad niyang plus sized women? Isa bang malaking kasalanan ang pagiging mataba at matangkad na babae para husgahan siya at pilit batuhin ng masasakit na salita ng ibang tao?          “People are just assholes, honey. It’s not because of you, it’s always, always because of them and their issues in their own lives. Maliliit kasi ang mga utak nila at nakababagot ang mga buhay nila kaya ayaw nilang nakakakita ng ibang tao na masaya at kayang maging mabuti sa iba tulad mo,” sabi ni Lio na ikinulong sa pagitan ng mga palad ang mukha niya. Magaang na kinintalan nito ng halik ang noo niya saka masuyong hinawi palayo sa pisngi niya ang ilang hibla ng buhok niya na dumikit roon. Then his eyes darkened with that familiar look of desire as he longingly stared at her lips. Pero bago pa tuluyang bumaba ang ulo nito palapit sa ulo niya ay maagap na inilapat na niya ang dalawang palad sa dibdib nito at bahagyang itinulak ito palayo.          “Ano’ng ginagawa mo, Lio? Alam kong sinabi mong girlfriend mo pa rin ako pero sa harap lang ng pamilya ko at ng dalawang babaeng iyon. Break na tayo, remember? Kaya hindi mo ako pwedeng halikan kung kailan mo gusto,” mariing sabi niya na hindi matiyak kung ang binata pa rin ba ang pinipilit niyang umintindi sa totoong sitwasyon nila o ang sarili na niya.          Bumuka ang mga labi ni Lio. Nahigit naman ni Didi ang hininga niya sa pag-aabang ng sasabihin ng binata. Magpoprotesta ba si Lio at sasabihing madaling solusyunan ang sinabi niya? Sasabihin na ba ng binata na magbalikan na sila para nang sa gayon, sa isang iglap ay mabubura na ang lahat ng mga kumokontrang pahayag niya? Pero hindi iyon ang ginawa ni Lio. Sa halip ay marahang tumango at humingi ng paumanhin si Lio sa kanya. Saka nagpaalam at nagpatiuna sa paglabas mula sa loob ng storage room.          Hindi naman maggawa ni Didi na sumunod agad sa binata. Dahil kinailangan pa muna niyang patuyuin ang mga pisnging nabasa ng mga luhang kusang dumaloy mula sa mga mata niya pagtalikod ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD