I'M HERE

3433 Words
                                                                                               Didi instantly fell in love with the beach resort she saw on the website that Ate Greta showed to her last week. Isa ang Coral Bay Beach and Dive Resort sa final three wedding venues na pinagpipilian nina Ate Greta at Brandon. Kaya nang hilingin ni Ate Greta sa kanya na siya na ang pumunta sa naturang beach resort para mag-ocular inspection kung maganda ba na doon idaos ang kasal nina Ate Greta at Brandon, ni isang pagtutol ay hindi siya nakadama. Kahit pa ba nasa Coron, Palawan ang naturang beach resort.          Rekomendado rin kasi iyon ng nakatatandang kapatid ni Edda na si Ate Aivy. Nakapunta na raw doon si Ate Aivy kasama ang noon ay boyfriend pa lang nito pero ngayon ay asawa nang si Kuya Zach. At puring-puri ni Ate Aivy ang lugar. Bagay na napatunayan niyang totoo nga nang sa wakas ay marating niya ang beach resort.          Isa na siguro ang Coral Bay Beach and Dive Resort sa Coron, Palawan sa pinakamagandang lugar na nakita niya. Mayroong nineteen guest rooms at cottages ang resort. At lahat ng guest rooms at cottages ay nakatayo sa napakaganda, pinong-pino at puting-puti na sand beach. Pinoprotektahan ng bay mula sa malalakas na alon ang bawat cottages kaya hindi nakakatakot kahit pa ilang metro lang ang layo ng mga iyon mula sa gilid ng beach.          Pero kung nalaman lang niya na hindi pala siya mag-isang pupunta sa naturang beach resort na iyon, malamang tumanggi siyang sundin ang utos ng kapatid na pumunta siya roon. Pagdating na kasi niya sa Busuanga Airport ay saka lang siya tinawagan ni Ate Greta upang sabihin sa kanya na naroon din pala sa beach resort si Lio. At base sa tono ni Ate Greta, wala rin itong ideya sa bagay na iyon bago ang araw na iyon. Dinig niya pa ang pangangastigo ng ate niya kay Brandon na oviously ay siyang nagsabi kay Lio na pumunta rin dito.          Samantalang ayon sa tasks na naka-assign kay Lio, dapat ay ang mga susuotin ng ibang groomsmen ang dapat inaasikaso ni Lio.          Nauna raw dumating kagabi sa Coral Bay si Lio. At malinaw na alam ng binata ang nakatakdang pagdating niya roon ngayong tanghali. Dahil pagpasok na pagpasok pa lang niya sa ipina-reserved na Bay View Beach Cottage ni Ate Greta para sa kanya ay nag-text agad si Lio sa kanya. Tinatanong siya ng binata kung ano ang pangalan ng cottage niya. Naroon daw ang lalaki sa restaurant ng resort. Pupuntahan daw siya ng binata para sabay na silang mag-lunch bago nila iinspekyon ang lugar at kunan ng mga litratong ipapakita nila kina Ate Greta at Brandon pagbalik nila sa Manila sa makalawa.          Iginala ni Didi ang tingin sa loob ng cottage niya. Ang kama niyon ay dalawang single beds na pinagdikit kaya malaki at yari sa kawayan. May kulambo na nakasabit sa itaas ng kama. May isang electric fan at bedside table na yari din sa kawayan. Sa harapan ng cottage ay mayroong maliit na balcony at doon ay may mga yari sa kawayang silya rin doon na maaari mong upuan para tanawin ang dagat.          Karamihan sa mga rooms at cottages sa resort ay walang aircon pero meron din namang rooms na may aircon. Sa malas ang kinuha ni Ate Greta para sa kanya ay iyong wala dahil iyon ang pinakamura. Kaya hindi siya sigurado kung makakatulog siya mamayang gabi kapag mainit. Hiling lang niya ay malamig sa isla dahil ayon sa staff, mula six ng umaga hanggang six ng gabi ay walang kuryente sa resort. Pero hindi siya sigurado kung istrikto bang nasusunod ang oras na iyon. Kaya baka pati ang electric fan niya mamaya ay hindi rin niya maggamit.          Pinag-iisipan pa ni Didi kung sasagutin ang text message ni Lio nang biglang may kumatok sa pinto. Hindi niya na kailangang hulaan pa kung sino ang nasa labas. Mukhang hindi na nahintay pa ng lalaki na sagutin niya ang text message nito at inalam na lang mula sa ate niya o kay Brandon kung aling cottage ang inookupa niya.          Binuksan niya ang pinto at tulad ng inaasahan niya, si Lio ang nakita niya roon. He was wearing a white sleeveless shirt, olive green cargo shorts and brown looped toe-strap flip flops. Natatakpan din ng dark sunglasses ang mga mata nito pero nang pagbuksan niya ito ng pinto ay agad nitong hinubad iyon. He looked like someone you’d see on an ad on a magazine promoting an exclusive beach resort somewhere in California. He was built like a sun god and had the gorgeous face of a a modern Adonis who was out lazily enjoying the sun, sand and beach.          “How was your flight? Susunduin sana kita sa Busuanga kanina pero hindi ako nakahabol sa bangka. Hindi nag-alarm ang phone ko. I got here late last night at hindi ako agad nakatulog kaya kagigising ko lang ngayon,” ang bungad ni Lio sa kanya.          “Anong ginagawa mo rito, Lio?” sa halip sagutin ang tanong nito ay balik-tanong rin niya rito.          Umarko ang mga kilay ni Lio. Pagkuwan ay napapalatak ang binata.          “Have you forgotten? Part ng duties nating dalawa bilang best man at maid of honor ang tulungan sina Brandon at Greta sa preparasyon sa kasal nila. I’m here for the same reason that you’re here. Iti-check ko kung pasok ba sa gusto nila ang lugar na ito bilang wedding venue.”          “Alam ko. Pero hindi naman na siguro kailangan pang dalawa tayong narito. May kanya-kanyang gawain tayo na in-assign nina Ate Greta sa atin, remember?”          “Yeah. But Brandon told me I should be here too so I’m here!”          Magsasalita sana ulit si Didi pero naudlot iyon nang muli ay makaramdam siya ng pagkahilo. Naduduwal rin siya. Mukhang hindi pa tapos ang parusa ng halos apat na oras na biyahe niya patungo rito sa beach resort. Mula pa kanina sa van na sumundo sa kanya sa airport patungo sa pantalan ay hindi na maganda ang pakiramdam niya.  Isang oras din ang biyahe nila sa van hanggang sa pantalan kung saan sumakay naman siya ng bangka na isang oras din ang biyahe patungo na mismo rito sa kinaroroonan ng beach resort. Dalawang beses siyang nagsuka sa loob ng isang oras na maalong boat ride niya kanina patungo rito sa Popototan Island na kinaroroonan ng Coral Bay Beach and Dive Resort.          Bagay na pinatatakahan niya dahil hindi naman siya dati inaatake ng seasickness. Hindi rin siya mahiluhin kahit gaano pa kahaba ang biyahe sa sasakyan by land.          “Didi, bakit?” nag-aalalang tanong ni Lio na tuluyan nang pumasok sa cottage niya nang makita siya nitong patakbong nagtungo sa bathroom para sumuka.          Pero wala naman siyang maisuka. Malamang dahil halos lahat na ng kinain niya kanina nang mag-almusal siya sa NAIA ay naisuka na niya sa dagat.          “May sakit ka ba? Namumutla ka,” ani Lio na sinalat ang noo at leeg niya. “Hindi ka naman mainit. Wala kang lagnat. Ano’ng nararamdaman mo?”          “Nahihilo ako. Siguro sa gutom. Nagsuka rin kasi ako kanina sa bangka. Masyado kasing maalon pagtawid namin,” sabi niya na parang latang-lata ang buong katawan. Maagap na inalalayan siya ni Lio para maupo sa gilid ng kama.          Sa narinig na dahilan mula sa kanya ay parang nakahinga ng maluwag si Lio. Nabawasan ang pag-aalala sa mukha nito.          “Good. I mean of course it’s not good that you feel bad. Pero mabuti nang gutom lang pala ang dahilan kaya ka nagkakaganyan kaysa iyong may sakit ka talaga. Wait here, I’ll go to the restaurant and get you something to eat.”          “Hindi na, Lio. Pupunta na lang ako sa restaurant at doon kakain.”          “Kaya mo ba?”          “Oo naman. Basta pagkain, walang makakapigil sa akin,” pinilit niyang ngumiti at magbiro kahit sa totoo lang ay para pa ring hinahalukay ang sikmura niya.          But then she didn’t really have to worry about walking to the restaurant alone. Dahil hindi pumayag si Lio na hindi siya samahan roon. Magkasalo silang nag-lunch sa inorder nilang Greek salad, crab soup, grilled prawns, sizzling spicy squid, seafood pansit, grilled tuna steak at plain rice. Lio drank beer with his lunch while she just drank water and buko juice. At habang kumakain sila ay panay ang pagbibiro at pagkukwento ni Lio tungkol sa kung ano-anong paksa. It was like they never broke up at all. Dahil tila wala sa isip nila ang ginagawang awtomatikong pag-aasikaso sa isa’t isa habang kumakain sila. Bagay na karaniwan nilang ginagawa noong magnobyo pa sila.          Sinusubuan niya si Lio ng mga piraso ng seafood mula sa plato niya na alam niyang magugustuhan nito. Ganoon din naman ang ginagawa ng binata para sa kanya. Sinusubuan siya ng mga piraso ng pagkaing alam nito na paborito niya. At kapag wala nang laman ang baso niya ay kusa nitong sinasalinan ng tubig iyon.          It warmed her heart and at the same time, saddened her. Kung sa kilos at pagtrato sa kanya ni Lio ang pagbabasehan, madaling paniwalaa na mahal siya ng binata. Kaya bakit hindi nito kayang mahalin siya ng totoo? Bakit kailangan nitong talikuran ang mga panahong masaya nilang pinagsaluhan?          “Didi? Ayos ka lang ba?” tanong ni Lio nang mapansin ang pagkunot ng noo niya.          “Oo. Busog na ako. Kunin na natin ang bill.”          “Okay.”          Binuksan niya ang dala niyang handbag para ilabas ang wallet niya. Pero nagulat siya sa bahagyang paangil na tono ni Lio.          “Ano’ng ginagawa mo?!”          “Um, paying for our meal?”          “Kailan pa kita pinagbayad ng kinain natin, Didi?”          “Pero hindi na---“          “I don’t care. You never pay for our meal. That’s my job.”          “Lio, hindi na tayo. Oo, magkaibigan pa rin nga tayo pero hindi mo na ako girlfriend at nakaka-asiwa na ikaw pa rin ang magbabayad ng lunch ko.”          “It doesn’t matter whatever name you want to call our relationship. I will always pay for your meal when we eat out together,” ang hindi patatalong pahayag ni Lio. At nasa anyo ng binata na kahit na anong sabihin niya ay hindi ito papayag na maghati sila sa bill.          Kaya sa huli ay pumayag na siya para maka-alis na sila roon bago pa sila kunan ng picture ng ibang kostumers na pinagtitinginan na sila. Ayaw naman niyang maging bida sa viral video na malamang i-upload ng sinumang walang maggawa sa buhay na magvi-video sa kanila.          Sa unang kinse minutos ng pag-iikot nila sa resort at pagkuha ng mga pictures na ipapakita kina Ate Greta at Brandon ay wala silang imikan ni Lio. Pareho silang abala sa kanya-kanyang iniisip. Hanggang sa huli ay si Lio na rin ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.          “I know you’re not dating Johnny,” ang lumabas mula sa bibig nito.          Maang na napatingin siya sa lalaki. hindi siya makapaniwala sa lahat ng maari nitong sabihin ay ang issue na namang iyon tungkol sa kanya at kay Johnny ang binuksan nito.          Hindi siya sumagot sa binata. Sa halip ay muli lang niyang kinunan ng litrato ang dagat.          “Didi---I’m sorry. For all those stupid things I said two months ago. I---I missed you so damn much. Can you forget whatever I said that night and take me back again?” diretsahan nang sabi ni Lio.          “Nagpunta ako dito sa Palawan hindi dahil sinabi ni Brandon kundi dahil iyon ang gusto kong gawin. Gusto ko kasing makasama ka ulit. Matagal ko nang pinagsisisihan na tinapos ko ang relasyon natin. Every day and every night I spend away from you feels like I’m in hell. Please, give me another chance?” pagpapatuloy pa ni Lio.          Pakiramdam ni Didi ay nalulunod siya. Sa sobrang kaligayahan. At sa sobrang kalungkutan. Gusto niyang umoo sa binata. Gustong-gusto niyang yakapin ito nang mahigpit at siilin ng halik ang mga labi nitong dalawang buwan na niyang pinangugulilahan. Pero hindi niya maggawa. Dahil may isang bagay pang hindi sinasambit si Lio. And without those three beautiful and at the same time, painful words, how can she trust him again with her heart?          “Why did you suddenly decide to end us two months ago, Lio? And I want the truth now. Not those pretty lies you said so you won’t hurt me,” aniya sa lalaki habang nakatitig ng diretso sa mga mata nito.          “I left because I was scared, Didi. I was scared of falling in love with you. Because I didn’t know if I can be strong enough to love you the same way that you love me.”          “At ngayon, ano, Lio? Kaya mo na akong mahalin tulad ng pagmamahal ko sa iyo? Kapag nagkabalikan ba tayo ay pag-aaralan mo nang mahalin din ako o patuloy lang ulit tayong maglalaro at paniniwalain ang mga sarili natin sa isang pekeng relasyon?” hamon niya sa lalaki. Piping umaasam na sasagot ng positibo si Lio.          Bumuka ang bibig ng binata. Nahigit niya ang hininga sa pag-aabang sa sasabihin nito. Pero tila napahiyang agad ring itinikom ni Lio ang bibig. Binalot ng panghihinayang, sakit at dismaya ang puso ni Didi. Until now, it seems like Lio was still not strong enough to face his feelings for her.          “Tingin ko kaya mo lang gustong makipagbalikan ngayon ay dahil natakot ka na may ibang dumampot sa laruang iniwan at pinagsawaan mo na. Tama si Johnny. Ang pagselosin ka ang pinakamabilis na paraanpara mapilitan kang kumilos at makipagbalikan sa akin. Pero hindi ko matatanggap ang dahilan mo, Lio. Hindi ako laruan na pwede mong basta na lang balikan para hindi maagaw ng ibang bata,” umiiling na malungkot na sabi niya.          “Hindi iyan totoo, Didi. Nadala lang ako ng galit at selos ko kaya kung ano-ano ang nasabi ko nang sabihin sa akin ni Johnny na idini-date ka niya. Hindi ko kasi inaasahan na makikipag-date ka agad pagkatapos nating maghiwalay,” mababa ang tonong pagpapatuloy ng binata. Pagkuwan pagak na natawa ito.          “I was acting like a jealous lover when I had no right to do it anymore. I’m sorry. But in my mind, you were still mine. It’s a f****d up idea but that’s how it felt to me. At siguro nga, dapat ko ring pasalamatan si Johnnu. Dahil kung hindi siya gumawa ng ganoong palabas, malamang natagalan pa bago ko na-realize na ayokong may ibang lalaking hahawak sa kamay mo o magpapangiti sa iyo. Gusto ako lang ang gagawa niyon, Didi.”          “And yet, that still doesn’t mean you love me, Lio. That just means you see me as yours, your lover, your friend but not someone you trust with your heart,” aniya.          Bahaw na natawa si Lio. “How can I trust you with my heart when I’m not even sure if I still have one, Didi? Isn’t it enough to know na hinding-hindi kita lolokohin, ipagpapalit sa iba, sasaktan o iiwan? Ikaw ang nag-iisang babaeng gusto kong makasama sa loob ng mahabang-mahabang panahon. Wala nang iba pa,” mariing saad nito.          Hindi niya sinagot ang lalaki. namayani ang mahabang katahimikan sa pagitan nila habang kapwa nila tinatanaw ang asul na dagat na sinisinagan ng tirik na tirik na araw.          Maya-maya pa ay napabuntung-hininga siya at nilingon si Lio. Nakatanaw pa rin sa dagat ang binata. Pero nang maramdaman nito na nakalingon siya sa direksyon nito ay ipinaling rin nito sa gawi niya ang ulo. Bakas sa mga mata ni Lio ang pagdurusa at pangungulila. Mga emosyong alam niyang nakasalamin din sa mga mata niya.          “Just out of curiosity, sino’ng nagsabi sa iyo na hindi kami nagdi-date ni Johnny?” tanong niya kay Lio.          “Si Ivy. Imposible raw na nililigawan ka ni Johnny kasi si Ginji ang gusto ni Johnny. Kaya malamang raw sinasadya lang ni Johnny na asarin ako kaya sinabi sa akin ng gagong iyon na gusto niyang ligawan ka,” ani Lio.          Nagulat sa sinabi ni Lio na napakunot-noo siya. “Si Johnny at Ginji?” sambit niya. Kung sila ni Lio ay opposite poles sa pagkakaiba ng ugali at mga hilig, sina Johnny at Ginji naman ay mistulang magkaibang planeta sa laki ng diperensya sa isa’t isa. Kaya hindi niya lubos-maisip ang dalawa bilang magkapareha. But then again, ilang beses na nga niyang napapansin si Johnny na hindi maialis ang tingin mula kay Ginji sa tuwing magkakasama silang lumalabas bilang grupo. Kaya marahil hindi nga imposible ang sinasabi ni Lio.          “Oo. At aaminin ko, natuwa ako sa impormasyong iyon. Dahil hindi pa ako handang marinig na may nagugustuhan ka nang iba. Ipokrito ako, alam ko. Ang kapal ng mukha kong hilingin ito pero, Didi, please bear with me? Don’t go out on a date with any other man yet?” tiim-bagang na hiling ng binata.  May pagsamo sa mga mata nito. Mayroon ding galit na patungkol sa sarili nito.          “Hindi kita maintindihan, Lio. Ayaw mo na sa akin pero ayaw mo ring sumaya ako sa piling ng iba? May naggawa ba akong kasalanan at gusto mo akong parusahan?” puno ng kapaitang tugon naman niya sa binata.          Akmang tatalikuran na niya ang binata pero humakbang sa daraanan niya si Lio at inilahad ang mga braso, hinaharangan siya.          “This is all my fault. I know that. I got so damned confused that night you told me about our upcoming second anniversary. Dahil bago kita nakilala, ni hindi umaabot ng isang buwan ang mga relasyon ko. Nataranta ako. Nalito. Pakiramdam ko may sumasakal sa akin. Natakot rin ako sa posibleng ibig sabihin niyon. That’s why I broke up with you. And I regretted every day and every night I spent without you since that damned thing happened,” matapat na saad ni Lio na hayag pa rin sa anyo ang labis na pagsisisi at pagkatuliro.          “I want you back in my life, Didi. I don’t know how to make that happen without promising you lies. But I really want you back. Something’s wrong with my heart, I don’t know how to fix it. Ayokong saktan at paasahin ka sa posibilidad na mamahalinkita balang araw gayong hindi ako sigurado kung kaya ko ngang gawin iyon kaya mas pinili kong makipaghiwalay na lang sa iyo. Pero miserable ako sa bawat araw na wala ka, Didi. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko,” may bahid ng frustration at desperasyon na ani Lio.          Umangat ang isang kamay nito at masuyong hinaplos ang kaliwang pisngi niya. Sumapo sa likod ng leeg niya ang parehong kamay nitong iyon at bahagyang iniangat ang ulo niya upang masalubong ng mga labi niya ang pababang mga labi nito. Saglit na nagtama ang mga mata nila bago nito tuluyang tinuldukan ang mahigit dalawang buwang pangungulila niya sa halik at yakap nito.          His kiss tasted the same way but now it has the added flavor of longing and desperation. It tasted like passion with a mix of deep craving and confusion. At ang puso niyang uhaw at labis na nananabik ay parang tigang na lupang muling naambunan ng mapagpalang ulan.          They probably would’ve kept on kissing each other until the sun set if they didn’t need to part their lips and breathe in air. Ni hangin ay hindi makakaraan sa sobrang higpit ng pagkakayakap nila sa isa’t isa. Ang dalawang braso niya ay nakapulupot sa leeg ni Lio habang ang dalawang braso naman ng binata ay nakayakap sa likod niya.          “Lio?” sambit niya sa pangalan ng binata. May langkap na kaba, alinlangan at pag-ibig na hindi nabawasan ni isang kurot ang boses niya. She wanted him back in her life. At kung nangangahulugan man iyon na kakailanganin niyang magtiyaga at maghintay hanggang sa tuluyan nang matutunan ni Lio na ang mga aksyon at salita nito ay sapat nang patunay na mahal siya nito, gagawin niya iyon. He may not believe it yet but she thinks he already loves her. Because only a man in love can kiss and hug her that way.          “These past two months without you in my life had been nothing but misery, honey. Please, will you take me back?” samo ng lalaki.          Sunod-sunod na tango naman ang naging tugon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD