Kabanata 8: Cage

2129 Words

Pagkatapos ng araw na 'yon hindi na siya ulit pa nagpakita. Ilang araw na din ang lumipas hanggang sa tuluyang hindi ko na namalayan kung anong araw na ngayon. Maayos naman ako dito. Walang problema dahil kompleto ako sa lahat, sa pagkain at damit pero wala 'yong sarili kong gamit. Hindi niya pa binabalik sa'kin. Kahit maayos ang lagay ko dito, hindi pa rin magbabago ang isip ko na ayoko sa lugar na 'to. Hindi ko rin maiwasang hindi isipin ang kalagayan nila Aling Dessa. Walang ideya si Aling Dessa kung nasaan ako at kung anong kalagayan ko. Hindi ko siya nasabihan kung nasaan ako bago nila kunin ang gamit ko. Siguro dumalaw siya sa ampunan para alamin kung nagawa ko ba na kunin si Kian. At kung malaman niya man na hindi ko nagawa at ilang araw na akong nawawala malamang mag-aalala ‘yon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD