Pinapakiramdaman ko habang nasa byahe ako kung saan ako dadalhin ngunit hindi ko na masundan dahil malayo na ata ang tinatahak namin at may katagalan na din kami sa byahe. “Pasok,” Nakapiring ang mata ko buong byahe kaya inaalalayan ako ng lalaking sumundo sa'kin. Hawak niya ako sa braso at pilit akong pinapalakad. May mga naririnig akong bulungan sa paligid pero masyado silang maingat na parang ayaw nilang iparinig sa'kin o sadyang malayo sila. Kaya naman mas lumakas ang bawat pintig ng puso ko. Nandito na ako ngayon at kung ano mang susunod na mangyayari sa'kin na sa Boss nila ang kasagutan. Wala na akong takas pa dito kahit subukan ko pa. May narinig akong bumukas ang pinto at bigla na lang akong tinulak ng lalaking kasama ko. Hindi naman gaanong malakas ang pagkakatulak niya kaya

