Kabanata 4: Disaster

2476 Words
Nasa hallway na ako papunta sa gate nang may makita akong isang kotse na may nakasunod na van sa likod nito. May kalayuan naman ako sa lugar pero tanaw ito sa position ko. Lumapit lang ako ng kaunti upang mas maaninag kung anong meron doon. Alam kong sasakyan lang iyon ng mga mayayaman pero 'di ko lubos maunawan ang sarili kong bakit gusto kong makita kung ano at sino ang nasa loob nito. Napaisip ako kung sino 'yon. Sa tagal ko na dito na dumadalaw sa ampunan ngayon ko lang nakita na may pumunta dito na gano’n kagara ang mga sasakyan. Tapos ang tahimik pa ng buong paligid. Kung sila ang bisita ngayon sana nabanggit sa'kin ni Sister at paghahandaan nila ito. Pero normal lang ang buong ampunan. Nang may bumaba sa sasakyan ang naging reaksyon ko kaagad ay ang magtago kahit hindi ko pa naman alam ang nangyayari. Pakiramdam ko mahuhuli ako. I got paranoid and anxious. May bumaba sa may van at kaagad binuksan ang pintong sasakyan ng naunang kotse. A man wearing a midnight blue long sleeve folded until his elbow came out on that car. Pinakatitigan ko 'yong bumaba pero hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa'kin tapos may dalawang tao pa na malapit sa kanya kaya bahagyang nahaharangan siya. But his body built looks familiar. Hindi ko lang maalala kung saan ko nga ba nakita. Something about them makes me curious. My instinct telling me not to come near them kaya hindi ako lumapit pa. Malamang siya ang isa sa mga tumutulong dito sa bahay-ampunan. I should thank him for that. Nakikinabang ang kapatid ko sa tulong na ibinibigay nila. Pero iba ang aura na binibigay nila lalo na 'yong lalaking naka-midnight blue. Sa kabilang hallway ako dumaan para hindi ko sila makasalubong. Kaya lang mas malayo ito palabas pero wala na akong magagawa dahil dito na ako napadaan. Alangan namang bumalik pa ako. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pangmamaliit sa sarili ko. Napatingin ako sa phone ko upang tignan ang repleksyon ko. Sana makaahon ako sa hirap para makasama ko na ulit ang kapatid ko. “Oh, ginabi ka ata?” salubong na tanong sa'kin ni Aling Dessa. I put my shoulder bag down and seated on the old couch. “Naglaro pa kasi kami ni Kian,” bakas ang pagod sa boses ko. Pagod sa mahabang byahe. Naghain si Aling Dessa ng pagkain sa lamesa. Dalawa na lang kami dito sa bahay dahil ang nag-iisa niyang anak ay hindi na niya alam kung nasaan napadpad. Matagal ng lumayas sa kanila at wala na din siyang balita. Hindi din naman namin napag-uusapan ang tungkol sa bagay na 'yon kaya hindi na lang din ako nagtatanong pa. Pero may parte sa'king naaalala at nami-miss ang lalaking 'yon. Naaalala kong naging crush ko 'yon dati nung una akong dumating dito. Matangkad kahit may pagka-slender ang katawan at mayroon ding magandang ngiti. “Aling Dessa,” nilingon niya ako habang nagsasandok siya ng kanin. “Aalis po pala ako bukas.” kumuha na din ako ng pagkain bago nagpatuloy. “May job interview ako bukas,” masaya kong sabi. Tumango siya at halatang masaya din siya para sa'kin. “Saan naman?” “Call center po,” “O sige. Magpaalam ka bago umalis at mag-text kung gagabihin ka. Iba pa naman ang panahon ngayon,” I just smiled and nodded to her. The next day, I prepared myself for my job interview. Makailang beses kong tinignan ang sarili ko sa salamin upang masiguro na maayos ang itsura. Hinihiling ko na sana matanggap ako. Para sa'kin matagumpay naman ang job interview ko sa isang call center agency sa isang mall. Nasagot ko naman lahat ng tanong at kung papalarin tatawagan ako at magsisimula ng magtraining. Medyo hapon na rin ng makapunta ako sa terminal ng tricycle. Nagkaroon kasi ng traffic dahil sa banggaan kanina. Nagtext na ako kay Aling Dessa para hindi na siya maghintay pa at hindi na rin ako mapagsabihan na hindi na naman ako nagtext. Nang makapasok ang tricycle na sinasakyan ko sa may kanto sa'min. May mga tao na agad na nagtutumpukan na sa labas. Nung una, akala ko sa kabit-bahay lang naman ang may gulo pero halos lahat ng tao nakasilip sa bahay nila Aling Dessa. Kaya nagmamadali akong lumapit doon. May naririnig akong boses ng lalaking sumisigaw. “Gab, nandito ka na!” salubong sa'kin ng kapitbahay namin. “Naku! May mga hindi kilalang taong pumasok d'yan sa inyo. Tapos ngayon si Marlon bumalik at nagwawala!” Nanlaki ang mata ko at kaagad na tumakbo papasok sa loob. Medyo nahirapan pa nga akong makapasok dahil sa dami ng taong nakapalibot. May naririnig na akong kung anong ingay galing sa loob pero mas malakas ang bulungan ng mga taong nakapalibot sa bahay namin. Naiwan ko pang nakabukas ang gate dahil sa pagmamadali ko. “Aling Dessa!” bungad kong sigaw. Dinaluhan ko kaagad si Aling Dessa nang matagpuang nakasandal sa pader at umiiyak habang naghahabol ng hininga. Kumirot ang puso ko dahil ngayon ko lang siyang nakitang ganito. “A-ano pong nangyari?” nag-aalala kong tanong pero hindi makasagot si Aling Dessa dahil sa paghahabol niya ng hininga. I help her to stand up and make her seat on the couch. Marlon, on the other hand, finding something I don’t know. Balisa ang galaw nito habang panay ang bukas at sara sa mga cabinet kahit sa anong makita niya. Lumibot ang paningin ko sa buong sala. It's a total mess. Hinanap ko kaagad 'yong mga lalaking sinasabi nila na nanloob pero wala akong ibang makita bukod sa'min at kay Marlon. Kalat ang mga gamit sa baba at hindi ko alam kung siya ba ang gumawa nito. At 'yong vase na inutang ko pa ng hulugan sa naglalako ay basag na, regalo ko pa naman 'yong kay Aling Dessa at higit sa lahat, kulang pa ako ng isang hulog doon! Napapikit na lang ako at muling binaling ang atensyon sa nangyayari. Tulad ng sabi ng kapitbahay namin, may nanloob dito at ngayon naman si Marlon. Naguguluhan ako sa nangyayari at heto siya... Busy pa rin siya sa ginagawa niya at hindi man lang ata naramdamam ang presensya ko o hindi niya lang pinansin kasi wala siyang pake. Umakyat si Marlon sa taas. Kumuha muna ako ng tubig at inabot iyon kay Aling Dessa. She seems to calm a bit after she drink the water. I sighed. “Teka lang po-“ Aalis na sana ako para umakyat sa taas pero hinawakan ni Aling Dessa ang kamay ko. I smiled. “’Wag po kayong mag-alala. Titignan ko lang po kung anong ginagawa niya,” May pag-aalala pa rin sa mukha niya. “B-baka kung anong gawin niya,” Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na ngumiti. Kabado din naman ako at natatakot sa kung anong maaaring mangyari. Kung nagawa nga ni Marlon ito kay Aling Dessa malamang kaya niya ding gawin sa'kin pero kailangan kong alamin kung anong nangyayari. “Okay lang po ako,” I assured to her. Mabilis akong umakyat sa taas. Naabutan ko si Marlon sa kwarto ko at naghahalungkat. Alam ko na ngayon ang hinahanap niya. My eyes widened as I looked at him holding the passbook of Aling Dessa. I motioned towards him and snatched it in his hand while he's busy looking for something. However, I knew it is all about money he is looking for. Galit niya akong nilingon. He looked so stress with the tiny bags under his eyes. May ilang sugat din siya sa mukha na marahil iyong mga lalaki ang gumawa. He looked so miserable and really looked worst. After how many years, wala kaming balita sa kanya tapos ito ang makikita namin. Napaisip tuloy ako kung siya pa rin ba 'yong Marlon na kilala ko. Para siyang bangkay na umahon sa hukay. Oo, gano’n talaga kasama ang itsura niya. Mahirap siyang makilala pero nagawa ko pa rin. Hindi ko alam kung anong mararamdam ko. Masaya dahil nagkita at nandito siya ulit pero sobrang malungkot at pinaghalong inis kasi hindi ko inaasahan na ganito ang madadatnan ko. Ibang-iba ito sa Marlon na nakilala ko noon. “Ibalik mo sa'kin 'yan!” pagalit niyang sigaw. Itinago ko ang passbook sa likod ko at mabilis na umiling. “Hindi. Pinaghirapan 'to ni Aling Dessa tapos ano? kukunin mo lang?!” sabay inismiran siya. Humakbang siya papalapit kaya umatras ako. Nakaramdam ako ng takot na baka bigla niya akong saktan. “Wala kang alam kaya kung maaari ibigay mo na sa'kin 'yan pati lahat ng pera mo,” he demanded. "Anong tingin mo sa amin mayaman? Wala ka namang pinatago sa amin at wala kaming pera!" "Tangina, alam kong may tinatago kayo rito," “Ano bang nangyayari? Bakit ka nanggugulo?” inis kong tanong, pagbabalewala sa gusto niya. “Kapag hindi niyo ako binigyan ng pera mamamatay tayong lahat!” galit na galit niyang sabi sabay umupo at sinanbunutan ang sarili. He break down. And that isn’t my expectations from him. “M-mama-?” Hindi maituloy ang sasabihin dahil sa pagkagulat. Mamamatay? Kaming lahat? Bakit? Mas lalo akong naguluhan at tila naputulan ako ng hininga. “Babalik ka dito tapos sasabihin mo 'yan?! Anong katarantaduhan ang ginawa mo?” pasigaw kong sabi sa kanya. Para siyang baliw na umiiling. “Hindi ko sinasadya! Papatayin nila kayo pati ako kapag hindi ako nakabayad sa utang ko,” "Dapat ikaw lang ang mamamatay, hindi kami kasali." umiiling kong sabi sa kanya. "Kahit na damay kayo," Wala akong makuhang matinong sagot sa kanya. Pero kita ko ang guilt sa mukha niya kaya lang hindi ko ininda iyon dahil sa kagustuhang malaman ang lahat. Hindi ko alam kung nasa tamang katinunaan pa ba siya. “Gusto mo bang mamatay?” Stupid question! Malamang hindi. “Sino bang may gusto?!” bulalas ko. I narrowed my eyes at him, furiously. “Totoo ba 'yang sinasabi mo o ginagago mo lang kami kasi kailangan mo ng pera?” Tumango lang siya habang mariing nakatingin sa akin. "Totoo 'yon. Hindi ako babalik dito para lang sa pera niya." Napaupo na lang ako sa sahig. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko naman pwedeng pabayaan si Aling Dessa. Mas importante pa rin ang kaligtasan namin. Base sa itsura niya malamang totoo ang sinasabi niya. Napatingin ako sa passbook ni Aling Dessa kahit lito inihagis ko 'yon kay Marlon at mabilis niya namang kinuha. Mas importante ang buhay kaysa sa pera. Idadagdag ko na lang 'yon sa utang ko kay Aling Dessa. Napailing na lang ako. I don’t know if he was telling the truth. Pero may pakiramdam din ako na hindi siya titigil kung hindi ko ibibigay ang gusto niya. “Iyan na lahat ng pera na meron sa bahay na 'to.” wala na akong pera dahil naibili ko na ng regalo kay Kian. “Sapat na siguro 'yan-” “Hindi pa 'to sapat,” bulong niya na ikinagulat ko. “Anong sabi mo?!” “Paunang bayad lang 'to.” he stared at me with his eyes bloodshot. “Malaki ang utang ko,” Sigurado akong malaki na ang pera sa bangko ni Aling Dessa, mahigit siguro sa kalahating milyon dahil ako ang pinag-de-deposit niya sa bangko. Dahil na rin may kalabuan na ang mata niya. Naaawa ako sa kanya pero hindi ako matutuwa sa nangyayari. I already know kung anong pakiramdam na nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko pero wala akong kasalanang ginawa. Ano pa kaya siya? Pero kasalanan din naman 'yan! Dinadamay niya lang kami!!! Nasapo ko ang noo ko. “Magkano ang utang mo?” mahinahon kong tanong kahit na wala naman akong pera na maidadagdag para bayaran ang halaga na sasabihin niya. He swallowed hard and looked like a scared and lost animal. “Fifteen million,” He must be kidding. “F-fifteen million?!” I whispered in disbelief then I cursed silently. “Oo,” I was unable to speak and it keeps my mouth left hanging. “Itinakas ng kaibigan ko ‘yong pera. Tapos tangina nagpakamatay bago mahuli,” inis niyang sabi. “Ngayon ako lahat ang kailangang magbayad. Nadamay ako!” mahinahon niyang sabi. Nag-init ang ulo ko samahan pa na pagod ako. “Tapos idadamay mo din kami?! Bakit hindi mo ipaliwanag sa boss mo 'yong nangyari?! Bakit ka pa nandito? Ginugulo mo lang kami ni Aling Dessa!” Napapikit ako saglit. “Iyon ba mga nanghahabol sa'yo ang dahilan king bakit nandito ka ngayon at pinahamak si Aling Dessa?” Kahit matanda siya sa'kin wala akong pake kasi hindi siya nag-iisip. “Pake mo!” napatalon ako sa sigaw niya. Sinamaan niya ako ng tingin. “Sino ka ba ha? Makaasta ka parang kaano-ano kita. Tandaan mo malaki ang utang ng pamilya mo sa'min,” panunumbat niya. Napatayo ako sa inis. “Oo at alam ko 'yon. At isa pa binabayaran ko na 'yon lahat at may silbi naman ako kay Aling Dessa. Hindi tulad mo. Pabigat ka lang!” mariin kong sabi. “Hindi ako umasa kahit kanino!” mariin niyang sabi. Kumuyom ang kamay niya at halatang galit na galit na siya. Buong akala ko susugurin niya ako at sasaktan pero hindi. “Makapagsalita ka tungkol sa utang ko. Eh, kayo nga ng pamilya mo ang utang sa'min.” panunumbat niya ulit. “Pero mas mabuti ng kay Aling Dessa ako may utang kaysa sa ibang tao,” “Ikaw ang magbabayad ng utang ko,” deklara niya. “Hindi ko babayaran ang utang mo!” paninindigan ko. Humakbang siya papalapit at dinuro ako. “Kilala kayo ng taong pinagkakautangan ko… pati si Kian.” “Anong kinalaman ng kapatid ko dito ha?!” bigla akong kinabahan. Nakaramdam ako ng takot hindi para sa sarili ko kundi sa kapatid ko. "Bakit kailangang mabangit ang kapatid ko rito? Inosente si Kian pati kami ni Aling Dessa. Walang dapat magbayad sa ginawa niyo kundi ikaw!" Pero imbes na sagutin ako hinawakan niya ang braso ko. Sinubukan kong magpumiglas pero mahigpit ang pagkakahawak niya. “Sigurado akong matutuwa 'yon kapag ikaw ang pinangbayad ko,” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakawala ako sa hawak niya at muling umatras. Swallowing, I shook my head. “Hindi ako papayag.” pilit kong sabi kahit nanginginig sa takot. Umiling din siya. “Mamamatay tayong lahat kung gano'n.” "Edi mamatay. Hindi ako papayag na galawin pati ang kapatid ko," "Sa tingin mo magagawa mong protektahan ang kapatid mo mula sa kanila. Hibang ka kung ganoon," "Mas hibang ka kung inaakala mong papayag ako sa gusto mo!" nagpumiglas akong muli pero mahigpit talaga ang hawak niya sa akin. Pilit ko lang hindi iniinda ang sakit ng hawak niya. "Kung ganoon sabay nating panoorin ang mahal natin sa buhay na mamatay,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD