Tila panandalian akong nabingi dahil sa sinabi ni Marlon. “Bakit hindi na lang ikaw?!” madiin kong sabi, bahagyang tumaas ang boses ko. Naiinis ako kung bakit kailangan niya pa kaming idamay sa gulong pinasok niya. Pati ang kapatid kong walang kahit anong muwang sa mga nangyayari ay damay din. Sana hindi na lang siya bumalik kung ganito lang rin naman ang idudulot niya tahimik naming buhay. “Bakit ka pa bumalik?” I bitterly said. Parehas kaming pilit na kumalma. Ilang segundo din kaming natahimik at hindi niya kaagad sinagot ang tanong ko. “Ayoko ko kayong idamay dito.” Hindi ako makapaniwalang natawa habang tinitimbang ang naging sagot niya. “Ayaw mo kaming idamay pero bakit nandito ka? Anong ginagawa mo dito Marlon? Tsaka 'yong sinabi mo kanina?” Malaya na ako sa pagkakahawak

