Lumipas na ang ilang linggo mula noong huling away namin ni Elise. Ang totoo, hindi ko na iniisip ang mga bagay na ikinaselos ko noon. Sa wakas, natigil na ang aking paghihinala, at masaya kami ulit sa isa’t isa. Para bang bumalik ang dating saya ng relasyon namin, lalo na't nakikita ko ang effort ni Elise na hindi ako muling pagdudahan. Isang araw, habang nag-aaral kami para sa exams, napagtripan ko si Elise. Nakita ko kasi na sobrang seryoso siya sa pagbabasa ng notes niya—mas seryoso pa kaysa sa akin. Naisip ko, paano kaya kung lokohin ko siya? Alam kong magiging cute ang reaksyon niya. Kinuha ko ang isang piraso ng papel at nilamutak ito, tapos dahan-dahan kong binato papunta sa kanya. "Uy, Ally!" napatalon si Elise, nagulat pero ngumingiti pa rin. Alam kong iniisip niya na ako na na

