Napakaganda ng aking gising ngayon dahil nabawi ko ang pagod mula kahapong naglibot kami ni Lavinia.Pagkabangon ko ay naligo kaagad ako, sinuot ko ang aking uniporme at saka bumaba.
“Good morning Mama at Daddy!” Ang bati ko sa kanila.
“Good morning iha.” “Good morning Nukk.” Bati din nila pabalik sa akin.
“Kain ka na Nukk, para may laman ‘yang tyan mo sa eskuwela saka na rin para ‘di ka kaagad magutom.” Ang pagaaya ni mama sa akin.
Kaagad naman akong umupo at inaya na rin silang kumain.Nang matapos na kaming kumain ay niligpit ko na ang aming pinagkainan at saka ito hinugasan.
“O Nukk umalis na kayo ng daddy mo para di na kayo malate sa trabaho at sa school. Ingat kayo, love you both.”
“Opo Ma, love you too.”
“Tara na Nukk at baka malate pa tayo.”
“Opo daddy.”
Sumakay na kami ni daddy sa behikulo at muling kumaway para magpaalam kay mama. Ilang saglit pa at naihatid na ako ni daddy sa plaza.
“ Magiingat ka Nukk. Bye, magtatrabaho na ako.”
“Sige po daddy. Bye, ingat po sa byahe.”
Mayamaya pa at nakapag-abang na ako ng aking masasakyan. Makalipas ang ilang minuto at nakarating na ako sa unibersidad na aking pinapasukan. Pero bakit parang wala si Lavinia? Kase sabay lang kaming pumapasok sa eskuwela, baka naman nalate lang siya.
At nang papasok ako sa silid ay bumungad ang mga tili ng aking mga kaklase.
“Ayyyyyy” “yieeeeeeee” tarayyyy may pa ganon pang nalalaman!” “ayieeeee” “sanaollll” ang pinagsamasama nilang mga sigaw at tili.
Nang titignan ko kung ano ang nangyayari kung bakit sila nagkakagulo, nagtitilian, nagsisigawan at naghihiyawan, habang lumalapit ako lalong lumakas ang kanilang mga tili,
“AYIIIEEEEE” “SANAOLLLL” “MAY PA GANON PA” “TARAYYY” “YIIIEEEEE”
Pagkakita ko sa aking desk ay isang bouquet ng bulaklak at art canvass. Nagtataka naman ako kung kanino ba galing ang mga ‘to.
Nagulat nalang ako at biglang may nanghaharana sa harapan at meron pang tumutugtog ng gitara at kumakanta, aysus syempre harana nga diba? Napansin ko na kaibigan pala sila ni Kyle.
Nagsimula ang unang strum noong pamilyar na kanta sa gitara. Sinundan pa iyon ng malamig na boses ni Kyle at aaminin ko naman na marunong ang lalaking itong kumanta. May apat na linya ng liriko ang nagpatuloy at hindi maiaalis sa nakakarami ang mas mapalakas ang tili sa paligid namin.
Napakunot naman ako ng aking noo, ang corny ba’t ganon? ...Pero ayos, may pa ganon pa. Gusto ko mang pahintuin na si Kyle eh' sa tingin ko naman ay magmumukha lang akong kontrabida dahil nakikita namang nag eenjoy ang lahat sa mumunting palabas ng binata.
Nahinto naman sila sa paghaharana dahil dumating na ang adviser namin.
“Good morning class. Aba ba’t naman may nanghaharana dito sa classroom? Hoy Kyle!” ang sabi ni Sir at sabay nyang sinapito si Kyle.
“Ano naman ‘yang pinaggagagawa mo? Dapat mag-aral kang mabuti.”
Napakamot nalang si Kyle sa kanyang ulo, ngumiti at napatingin sakin. Bigla namang tumawa ang aking mga kaklase.
“Magsibalikan na nga kayo sa inyong mga upuan. May paharaharana pa kayong nalalaman ha?” Wika ni Sir.
Bumalik naman kaming lahat sa aming mga pwesto. Bigla namang lumalapit si Kyle sakin.
“Paano ba ‘yan? Absent si Lavinia, tabi tayo ha?” Sabi nya sakin.
Tumango naman ako.
Bakit naman kaya hindi pumasok si Lavinia ngayon? Ang saya pa lang naman namin kahapon. Hindi ko maalis sa aking isip kung bakit hindi kaya siya pumasok. Ano kayang nangyari sa babaeng ‘yon? Bigla bigla na lang nawawala.
“Uyy! Okay ka lang? Lalim ata ng iniisip mo?” ang tanong sakin ni Kyle.
“Ay wala lang. Hindi kasi pumasok si Lavinia, dati magkasabay pa lang kaming pumapasok sa gate. Baka pumasok din ‘yun mamaya,” ang sagot ko.
“Ba’t mo naman siya iniisip? Dapat ako lang.” ang sabi niya na may pa-smile smile pang nalalaman. Enebe keleg eker... joke! Napakunot nanaman ako ng aking noo, ano ba ‘yan dapat hindi ka kinikilig Nukk.
“Class simula na tayo ha? May sasabihin muna ako. ‘Wag na muna kayong papasok sa relasyon ha? Enjoy life muna ang babata niyo pa eh. Dapat kapag may trabaho kayo, kaya nyo nang buhayin sarili nyo, may ipon kayo, ayun pwede na, pero kung kaya nyong ihandle ‘yang lovelife na ‘yan, o sige go! Basta ‘pag kayo na-heartbroken ‘wag kayong iiyak.” Ang bilin samin ni Sir.
Nakikinig lahat ng klase except for Kyle of course.
“SOPAS ka ba?” ang tanong ni Kyle saakin. Mukhang may babanat dito, aysus baka naman corny ulit ‘to, sasagot na lang nga ako.
“Bakit?”
“Kase tuwing kasama kita my heart is beating SOPAS, boom kilig one bilyon dollars thousand milyon pesos.”
At ayon na nga bumanat nga. Aysus ‘wag kang tatawa o kikiligin self... ang corny okay? Bigla naman syang tumatawa na parang kinikilig at hindi, hindi po ako, si Kyle po, opo. Kinikilig po sya sa kanyang sariling banat.
Hinayaan ko na lang iyon at patuloy sa pagkinig sa klase ni Sir.
“Class ito na, start na talaga tayo. Ang klase natin for today is—” tinuloy na ni Sir ang kanyang klase ngayon.
“ Safeguard ka ba?” ang tanong ulit sakin ni Kyle, babanat ulit ‘tong butiking in love na in love sakin...
“Bakit?” ang sagot ko naman syempre. Sana lang ay hindi nahahalata ng katabi ko ang epekto ng mga banat niya sa akin.
“Germs kase ako... 99.9 percent patay na patay sayo.” Ang banat nya. Noon din ay napabuntong hininga na lang ako. He really wants to try that hard huh? Smile ka na lang Nukk kahit corny no?
Hinayaan ko na lang siya ulit. Wala naman sa isip ko ang mga ganong bagay dahil ang nasa isip ko ay si Lavinia at kung bakit hindi sya pumasok ngayon.
Ipinagpatuloy ni Sir ang kanyang klase hanggang sa umabot na sa Lunch break,
“Ring, ring, ring!!” Ang pag ring ng bell. Yey! Tanghalian na, gutom na ang mga bulati ko.
Pumunta na ako kaagad sa canteen. Hindi naman gaanong mahaba ang pila kaya nakapag-order ako kaagad.
Umupo na ako sa isa sa mga upuan sa canteen at saka kumain na hanggang sa masatisfied ang mga alaga kong bulati, joke.
Habang ako’y kumakain ay pumunta naman sa akin si Kyle bitbit ang kanyang pagkain.
“Sabay tayo kumain ha?” sabi nya sakin. Ano pa nga bang magagawa ko? Nauna na siyang umupo at sa tingin ko rin ay maghapon akong guguluhin nito. Sakto at wala si Lavinia para kontrahin ang bawat kilos niya. Asan na ba kasi yon? Tanghali na. Wala ba talaga siyang balak pumasok?
"Nakaupo na ko. Wag ka na kokontra ah," dinig kong muli sa lalaki.
“Sige lang, umupo ka dyan “ sagot ko naman syempre kailangan mabait pa rin ako kahit corny sya.
“Langit na ba ‘to?” malamang hindi, gusto mo dalhin kita ‘don? biro ko sa sarili pero pinigilan kong sabihin sa kanya iyon. Maya maya ay sumagot na rin ako. “O bakit naman?” ani ko.
“Mukha ka kasing anghel, yieee, kiligin ka please.” Sa sinabi niyang iyon ay nakuha ko na lang ngumiti ng pilit at saka mag iwas ng tingin sa kanya. Paano na ‘yan Kyle? Hindi ako kinilig nacornyhan lang. Nang mabalik ang atensyon ay ngumiti nalang ako ulit at saka nagpatuloy sa aking pagkain.
“May isa pa ako wait, kiligin ka naman this time, english ‘to. Are you the Sun?” o ayan may isa pa daw, kanina anghel ako ngayon naman araw ang gulo ne’to.
“Why?” kung english ang tanong dapat english din ang sagot, I’m not kidding that’s true. O pakk taray, ‘di po ako nagmumura.
“ ‘Cause you’re so beautiful it’s blinding me, ahh!.” Ang dagdag nya, o pakk medyo kilig si self. Maumay ka beh hanggang uwian.
Natapos na kaming kumain, nag ring narin ang bell. Habang naglalakad naman kami papunta sa aming room, may hawak- hawak naman syang maliit na bulaklak na nakita nya around school.
“For you, my angel,” ang sabi nya habang ibinibigay ang bulaklak na pinitas nya.
“Oh? thank you,” kaswal na sagot ko.
Pumasok na kami ng aming silid at umupo sa aming pwesto. Dumating naman si Sir.
“Good afternoon my students, do you guys enjoy your meal this afternoon?” ang pag greet nya samin.
“Good afternoon, yes Sir we do enjoy it,”
“Okay, shall we continue our lesson for today?”
“Yes Sir!” wika ng buong klase.
Ipinagpatuloy na ni Sir ang lesson ngayon. Nahuli ko namang nakatitig sakin si Kyle.
“O ba’t ka nakatitig?” tanong ko sa kanya.
“You’re so cute it’s distracting.”
“Hintayin mo‘ko sa labas ng school mamaya ha? Pagkatapos ng klase.” Dagdag pa nya. Ano naman kayang pakulo ang gagawin ne’to.
I ignored him. Nabaling muli ang pag-isip ko kay Lavinia. Ano na kayang nangyari doon? Nasa kalagitnaan na ang araw at hindi pa rin nagpaparamdam yung babaeng yun. May problema na kaya?
--
Nagpatuloy pa rin ang klase. Hanggang sa mag-uwian na.
“Okay class, that’s it for today. See you again tomorrow. Good bye!” ang pagpapaalam ni Sir ngayong araw.
“Good bye Sir!” ang sagot naming lahat nagsiuwian na
Hindi talaga pumasok si Lavinia ngayon kaya naman ay nag-abang na ako ng aking masasakyan pauwi.
Mga ilang saglit pa ay naihatid na ako ng manong driver sa aming tahanan.
Pagpasok ko ng aming tahanan ay nakita ko si Mama na naghahanda ng meryenda at si Daddy naman na nanonood ng telebisyon.
“Hello po Ma, mano po. Hello Dad, mano po.” Ang pagbati ko sa kanila at ang pagmano.
“Hello iha.” Ang sabay nilang pagkasabi.
“Kamusta sa school?” Ang tanong ni Daddy sakin.
“Okay lang naman po,” ang sagot ko.
“Meryenda ka muna nak. O sya nga pala, hindi ba pupunta si Lavinia ngayon? Gusto ko ‘yong batang ‘yon nakakatuwa sya.”
“Thank you po, absent po sya ngayon sa school eh Ma hindi po sya makakapunta dito.” Ang sagot ko.
Bigla na naman tuloy akong nag-alala sa kanya kaya naisipan ko naman syang i-chat. Parang buong araw ay umikot ang buhay ko sa paghahanap sa paramdam ng batang yon. Bukod sa pangungulit ni Kyle ay iyon lang ang naalala kong nangyari sa maghapon.
“Hello Lavinia. Ba’t hindi ka pumasok ngayon? Nag-aalala ako sayo, okay ka lang ba?” Ito ang mga salitang tinipa ko sa cellphone bago isinend sa kaibigan. Sana lang ay mapansin niya agad dahil kailangan ko para sa peace of mind ko na rin.
Habang naghihintay ay umakyat muna ako sa kwarto para magpalit at ilagay ang mga gamit ko sa tamang lagayan. Nang makapag bihis ay muli akong bumaba para saluhan na rin sina mama. Wala pa ring response after kong kumain ng meryenda na iniluto ni Mama. Hinayaan ko muna saglit at baka may ginagawa sya kaya tinungo ko na lang ang sala at saka binuksan ang telebisyon para sa isang panoorin. Ito na lang muna ang pagkakaabalahan ko.