Chapter 13

1450 Words
Araw ng Linggo at kaming lahat ay abala sa pag aayos ng aming mga sarili sa pag punta sa simbahan. Tulad ng nakasanayan namin tuwing Linggo, maaga kaming babangon upang magkaroon ng sapat na oras sa paghahanda. Hindi naman mawawala ang mabigat na almusal na walang palya kung ihain ni Mama sa araw araw. “Oh halina kayo at kumain muna tayo” aya ni Mama habang naka palupot pa ang tuwalya sa kaniyang buhok. “Opo Ma, heto na po.” Sagot ko habang nagsisintas ng aking sapatos. Napag pasyahan ko na mag suot na muna ng pantalon ngayon para hindi naman ako laging naka dress. Tinernuhan ko lamang ng abo na polo shirt etong aking itim na pantalon at puting sapatos naman. Habang si Papa ay naka asul na polo shirt rin naman at saka naka slacks at black shoes, laging pormal kung pumorma. Ganoon rin ka pormal si Mama na naka kulay peach naman na dress na may above the knee ang haba, tinernuhan niya ito ng flat sandals. Matapos ang 30 minutes na pag kain kasama na rin ang aming pagliligpit, oras na para lumisan ng aming bahay upang hindi kami ma late sa morning devotion ni Pastor. Hindi dapat namin palagpasin ang bawat parte ng gawain dahil lahat iyon ay mahalaga upang maisabuhay namin. Hindi naman kami nabigo dahil mukhang napaaga ang pag dating namin sa church, iilang mga kapatiran pa lang ang dinatnan namin doon kabilang na si Pastor ang kaniyang pamilya. “Good morning!” Binati nila kami sa aming pag dating at saka ako nag mano sa kanila gaya na rin ng kagawian sa tuwing nag kikita kami. Ilang sandali pa’y dumadami na rin ang mga nagda datingan na mga kapatiran kaya sinimulan ni ni Pastor ang gawain. “Magandang umaga po sa ating lahat! Handa na po ba tayong makinig at magpuri sa araw na ito?" Malakas na sagot ang tinuran ng madla. Kabilang na ang pamilya ko roon. “Kung gayon tinatawagan ko na po ang ating Pastor upang simulan na ang ating morning devotion.” Siya namang pag akyat ni Pastor sa entablado ng church. At ganoon na nga ang ginawa namin. Mahalagang simulan ng panalangin ang anumang gawain nang sa gayon ay magabayan tayo ng Panginoon at Siya lang ang patuloy na mangunguna sa buong gawain na iyon. Nang matapos ang unang parte ng gawain ay wala nang sinayang pa na oras ang lahat at matagumpay lang ang naging flow ng bawat gawain. Sumunod sa devotion ang maikling pag hahandog ng awitin sa Panginoon bago mag patuloy sa tinatawag na Sunday School. Patuloy na nangaral si Pastor patungkol sa mga aral upang sa bawat pag dalo ng mga kapatiran ay may mga bago kaming matututunan. Matapos noon ay yung favorite part ko ng gawain, ang Praise and Worship. Dito ko kasi nailalabas ang lahat ng emosyon ko pati na rin ang the best na pag pupuri. Talaga namang mabe-bless ka sa presensya na mararanasan mo mula sa Kaniya. Sumunod naman ang muling pangangaral ni Pastor at ang pinaka mahalang parte sa buong gawain, ito ang Preaching. Pumatungkol naman sa pag papatawad ang mensahe ni Pastor ngayong Linggo. Sa bawat mensahe ni Pastor lagi niyang natutumpak ang dala dalahin mo kahit hindi mo naman sinasabi sa kaniya kung ano yung problema mo. Alam naman nating lahat na kapag mababa ang iyong loob ay papaboran ka ng nasa itaas. Ayun ang natutunan ko ngayon, na kahit ilang beses pa magkasala ang kapwa mo sa iyo, sa ilang beses na pag hingi niya na tawad ay ayun rin ang beses na magpapatawad ka. Maaaring may roon sa atin na mahihirapan mag patawad ngunit kailangan mong bababaan ang iyong loob dahil ang nasa itaas na ang bahala sa mga susunod na hakbangin para sayo. Matapos ang ilang oras at ang ilan pang mga parte ng gawain ay uwian na nga, uuwing blessed. Sisiguraduhin talaga na uuwi kang may bitbit na aral mula sa Kaniya. Pag uwi ay chineck ko kaagad ang cellphone ko minsan kasi may mga updates from school sa gc namin eh, ewan ko ba bakit kailangan pa nun eh nag kikita naman kaming lahat sa school pwede naman dun I update diba. Hindi kasi ako nag dadala ng cellphone pag nagchu church kami para walang distraction at focus lang sa gawain. Wala namang update from school pero may update kay Lavinia, nagtatanong kung gusto ko daw ba gumala. Syempre nais ko iyon kaya dali dali ko siyang tinawagan, tinatamad akong mag type eh ewan ko ha kung bakit may time na ganto. “Nukk!! Ano? Napatawag ka pa ah ano gusto mo ba?” bungad ng kaibigan ko wala man lamang hello. Hindi ko nalang pinansin masyado na kong sanay at tanggap ko naman yun sa kaniya . “Oo naman, saan ba tayo?” sagot ko. “Ikaw ba?” balik niyang tanong. “Ano ba naman yan nag aaya ka tapos hindi mo alam kung saan?” pagrereklamo ko na may halong pang aasar. Kung kabisado ko lang itong lugar na ito baka ako pag nag decide eh, kaloka tong kaibigan ko. “To naman, triggered agad. Osya doon tayo sa Gapo madaming galaan doon eh.” Aniya. “Okay sige mag paalam lang ako kila Mama at Papa tapos magbibihis na ko, kita na lang tayo sa plaza.” Sagot ko at saka ko na pinatay. Bumaba muna ako saglit upang mag paalam, pinayagan naman ako at sinabihan na mag iinhat at wag masiyado papagabi dahil delikado sa daan. At saka bumalik sa kwarto upang mag palit ng damit, pinalitan ko lang ng white crop top ang polo shirt ko at saka ipinusod ng mababa ang buhok ko. Konting retouch sa mukha at umalis an rin ako. Dinatnan ko na rin naman si Lavinia sa plaza, naka light brown siya na baggy pants at saka tinernuhan ng fitted black top at white shoes. Astig talaga to kahit kailan eh. Matapos ang halos isang oras na byahe ay nakarating na rin kami sa Gapo. Una naming pinuntahan ay kainan dahil gutom na kami, at para na rin may laman ang aming mga tyan at may energy kaming mag walwal ngayon. Greenwich ang napili naming kainan dahil sa favorite ko ang pizza, si Lavinia naman ay yung Lasagna. Hindi na kami gaanong nag tagal doon para marami kaming oras gawin ang mga gusto naming gawin doon. Isinunod namin ang arcade dahil hindi pwedeng hindi namin papasukin iyon sa loob ng SM, laman ata kami ng arcade na yun sa tuwing matatapos ang mga big exams namin. Halos dalawang oras din siguro ang itinagal namin sa loob ng arcade bago pa man kami sumuko at napag pasiyahan na tumigil na. Nag pahinga kaming konti bago kami bumaba sa ground floor na SM, nasa 3rd floor kasi tong arcade eh. Napag usapan na rin namin kanina habang nasa byahe kami ang pag punta sa boardwalk, sakto 5pm na maganda na ang view doon sa ganitong oras. Pero dumaan muna kami ng 7/11 para bumili ng makakain namin habang nakatambay doon sa boardwalk. Inabot din ng halos 20mins na paglalakad bago namin iyon marating, worth it naman pagod dahil aabutan mo ang napaka gandang view doon. Ang araw na halos palubog na, yung relfection niya na tumatama sa kumikislap na tubig ng dagat ay napaka sarap pagmasdan. Kumuha kami ng iilang mga litrato bago pa man magpahinga sa gilid na dagat. Nagulat naman ako nang may inilalabas na blanket si Lavinia mula sa maliit niyang bag. “Hala uy Lavinia, ikaw ba si doraemon? Hindi ko alam na mahiwaga pala yang bag mo at nag kasya yang blanket na yan?” pamamangha kong tanong habang nagulat naman siya sa naging reaksyon ko. “Ano ka ba, girl scout ata to.” Pagmamayabang niyang sagot. Sabay kaming nag tawanan doon at saka sinimulan nang kainin ang mga pagkain na binili namin habang nag kekwentuhan. Nang hindi namalayan ang oras ay nag pasya na kaming umuwi dahil medyo lumalalim na ang gabi, babyahe pa kami at may pasok pa bukas. Napa sarap kaming masyado sa pag kekwentuhan at hindi na napansin ang oras. Agad naman akong nag text kila Mama kung ano nang lagay namin para hindi naman sila mag alala kung bakit ginabi kami, mag alas nueve na kasi ng gabi baka hindi pa nmain maabutan ang last trip ng bus. Nang marating ang terminal ay sakto namang paalis na ang last trip kaya dali dali namin etong hinabol at nang maka uwi na kami. Halos wala nang nag salita sa amin sa buong byahe dahil doon namin naramdaman ang pagod, panigurado ay nagsak kami sa higaan namin pag kauwi ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD