May kung anong aura sa mukha ni Kyle ang biglang nag liwanag. Hindi ko alam kung dahil ba nakumpirma niyang naaalala ko na siya o sa hindi ko mawaring dahilan.
“Oh so ano kain tayo sa labas mamaya? Libre ko?” Pang aalok niya. Medyo natigilan at napa isip naman ako dahil nga unang una hindi okay tong kaibigan kong si Lavinia sa kanya. Pero kase nakaka konsensya naman kung tatanggihan ko mukhang friendly lang naman talaga siya at hindi lang talaga ganun na mag kakilala sila Kyle at Lav.
“Uy ano? May gagawin ka ba?”
“Ahh ah wala naman, oo sige sige.” Sagot ko na halata namang gulat mula sa pagkaka kalabit niya sa akin.
Wala na rin akong nagawa pero baka kasi biglang mang aya si Lavinia mamaya kung saan, pero bahala na.
Nang makabalik na si Lavinia galing sa cr bigla naman nang tumunog ang bell na sensyales na tapos na lunch break at kailangan na naming magsibalik sa kanya kanya naming mga klase.
Maiinip na sana ako kaso saktong painting ang sunod na klase namin. Doon ko na lang ibinuhos ang kung anumang nasa isipan ko noong time na yon.
Mabilis lang rin naman lumipas ang oras, biro mong nakadalawang subject pa kami matapos ang painting na yun.
Natapos ang klase pero maya’t maya kong napapansin ang pagta- try ni Kyle na lumapit pero laging nauudlot. Hindi ko na lamang pinansin baka asyumera lamang ako.
“Nukk okay lang ba na mauna na ako sayo? Tawag kasi ako doon sa tindahan ni Lola, kailangan ko muna tumulong.” Sambit ni Lav habang abala kaming nag aayos ng mga gamit para sa pag uwi.
“Ahh oo sige okay lang, magiingat ka. “ sagot ko.
Pagka talikod ni Lav ah siya namang pag lapit ni Kyle na narinig ata ang usapan naming mag kaibigan.
“Tara na ba?” aniya.
“Naku oo na eto na nga. “ sagot ko habang umiiling pa. Natatawa na lang ako dito kay Kyle dahil sa hindi ko mawari ang nais niya. Pinagbigyan ko na lang at baka saang pilitan pa kami umabot.
Lumarga na kami at natatanaw ko na kung saan balak pumunta ni Kyle, sa field. Mahangin at mapayapa nga naman ang lugar dito idagdag mo pa ang malulusog na d**o na pwedeng pwedeng upuan at tambayan ng mga tao.
Nang makapamili kami ng aming pepwestuhan saka niya inilabas ang mga gamit mula sa malaking bag na bitbit niya kanina pa, hindi ko sure kung saan niya galing yon pero nang isa isa niyang ilabas ang mga ito, blanket, dalawang canvas, mga art materials at syempre ang mga pagkain na hindi dapat mawawala.
Iniladlad niya sa lapag ang kulay abong blanket at saka iniabot sa akin ang isang canvas na sa wari ko nga ay tig isa kami. Ikinalat niya ang mga art materials na siyang aming gagamitin sa pag pinta.
“Tadan! Ayos ba?” wika ni Kyle.
Natawa na lang ako sa reaksyon ni Kyle na iyon, parang bata na nakatapos ng home work at perfect score pa. Tumango ang ngumiti na lamang ako roon.
“Kain muna ba tayo?” tanong niya
“De sige pwede namang kumain habang nagpe- paint, okay lang ba?” suhestiyon ko, para makauwi rin agad baka kasi gabihin pa kami.
“Brainy ka pala talaga ha, oh sige okay na okay! “ sagot niya na puno ng enerhiya.
"Ha? Anong brainy don?" wika ko na agad naman niyang binawian ng matamis na ngiti. Mabilis na bawi niya, "Wala, wala. Wala iyon."
Sa kalagitnaan ng aming pag pe- paint, hindi ko sinasadyang mapatingin sa canvas niya. Sobrang namamangha ako sa natutunghayan ng mga mata ko ngayon. Sa lahat ng pwede naming ipinta, itong mukha ko siguro ngayon ang siyang pinaka mahirap ipinta.
Napaka ganda ng gawa ni Kyle, sobrang biniyayaan siya sa angking galing niya sa pagpipinta. Medyo nahiya naman ako ng kaunti dahil kumpara sa gawa ko ay walang wala talagang ibinatbat ito.
Napansin naman ni Kyle ang dismaya sa mukha ko nang bigla na lamang akong napayuko.
“Anong problema Nukk? “ pag aalalang tanong niya.
“Ah kase nahihiya ako sa gawa ko, sobrang galing mo kase, “ malungkot na tono ng boses na sagot ko sa kaniya.
“Ano ka ba, hindi naman ako ganoon kagalingan no! Tsaka hindi naman lahat nagsisimula sa magaling agad, practice makes progress ika nga.” Pagpapagaan niya sa loob ko. Pero tahimik pa rin ako noon at hindi kumikibo.
“Uy Nukk, okay lang yan. Patingin nga ng gawa mo?”
Dali dali ko naman itong tinakpan pero hindi niya na pinilit pang tignan ulit ito sabay tapik niya sa ulo ko na para bang aso haha.
Maya maya pa ay nakita kong dinukot niya ang cellphone niya mula sa kaniyang bulsa at ang maliit na speaker sa bag niya. Natuwa naman ako na para talaga siyang boy scout sa datingan niya ngayon. Kinalikot niya iyon at narinig ko na lamang ang mahinahon na tugtog mula sa speaker.
Damang dama ko naman ang mga lyrics ng kanta, para bang sinadya ito ni Kyle upang iparamdam ang pag papagaan niya ng loob sakin. Effective naman dahil medyo naging confident na ako sa gawa ko tska I need to be proud of my own art work no.
Matapos ang ilang kanta ay siya ring pagka tapos ng aming mga canvas. Nag pasiya na kaming umuwi dahil gabi na rin.
“Oh eto, amina na ung sa iyo.” Ani Kyle habang inia abot ang sarili niyang gawa sa akin habang ang isang kamay ay naka abang at naghihintay sa pag aabot ko sa kanya ng aking gawa.
“Kailangan ba talaga?” nahihiya kong tanong dahil kanina pa rin niya ako kinukulit na mag papalitan nga kami hindi nga lang ako direktang pumapayag dahil nga nahihiya ako sa gawa ko kumpara sa napaka ganda niyang gawa.
“Oo sige na huwag ka na mahiya tska remembrance na rin ng una nating date. “ sabay kindat niya. Yabang talaga.
“Oo na at nang maka uwi na. “ sumuko na lang rin ako dahil wala naman ako magagawa na mukhang mapilit talaga siya hindi rin naman ako mananalo.
Sinamahan niya ako hanggang sa sakayan pauwi sa amin at tuluyan nang nagpaalam sa isa’t isa. Mabilis lang rin naman akong nakauwi sa amin.
Pagpasok sa bahay ay dinatnan ko na sila Mama at Papa sa hapag kainan at saka ako inayang kumain. As usual matapos kumain ay nagligpit at naghugas ng mga pinag kainan bago umakyat sa kwarto. Wala akong sinayang na oras agad na akong naglinis ng katawan at saka binato ang sarili sa kama doon ko pa lang naramdaman ang pagod sa buong mag hapon hanggang sa nakatulog na rin.
Mabilis lang rin naman lumipas ang mga araw at hindi ko namalayan na Sabado na pala. Araw ng paggo grocery ni Mama kaya naisipan kong samahan na siya.
Kabisado ko na rin naman na ang mga pinamimili ni Mama tulad lang rin noong andun pa kami sa dati naming tinitirhan kaya mabilis ko na lang siya matulungan.
Nang papunta na kami sa cashier ay nasalubong namin si Stef, nag mano siya kay Mama.
“God bless you nak, oh nasaan ang Mama mo? Mag isa ka lang ba nag grocery?” tanong ni Mama sa kaniya.
“Ah hindi po Tita, kasama ko po si Mama may binalikan lang po siya at may nakalimutan daw po hehe” sagot niya.
“Ay oo nga pala! Ako rin, teka nak ko paki hawakan nga muna ito ay may nalimutan rin ako.” Ani mama sabay ang pagtalikod niya.
Nagtawanan na lang kami ni Stef doon at nagkwentuhan muna kami habang hinhintay ang aming mga Mama. Hindi rin naman gaanong nag tagal at nakabalik na sila, sabay pa sila siguro ay nagkita na sila roon sa pag hahanap ng mga nalimutan nila.
Bago umuwi ay naisipan naman ni Mama na dumaan muna sa Jollibee para mag take out na lang ng hapunan namin dahil hindi na rin daw siya makakapag luto kaya pumayag na lang ako.
Hindi rin naman kami nag tagal sa pag oorder at dumiretso na rin kami sa pag uwi ng bahay.
Napag pasiyahan namin na mamaya na iayos ang mga pinamili at kumain muna dahil sakto ang pag dating namin ay siya rin namang pag uwi ni Papa para diretso na ring makapag pahinga pag katapos mag asikaso.
Inabot rin kami ng dalawang oras bago pa man matapos at nag paalam na sa isat isa sa pag tulog.