Chapter 11

1560 Words
Nagising na lamang ako sa aking cellphone na nag aalarm na sa gilid ng aking kama. Oras na naman para bumangon dahil nga nag aaral akong mabuti. Matapos ang ilang minutong pag tunganga at pag bawi mula sa aking pagka gising ay napag pasyahan ko na bumangon na upang mag ayos at baka ako ay mahuli pa sa klase at masaraduhan na naman ng gate. Nang makapag ayos ay bumaba na ako sa kusina at nadatnan ko roon sila Mama at Papa na nasa kainan na. Si Papa ay abalang nag babasa ng dyaryo habang nag kakape tulad ng karaniwan niyang ginagawa sa araw araw, habang si Mama naman ay abala rin sa pag hahanda ng almusal. “Oh nak gising ka na pala, halika na at kumain na bago ka pumasok at nang may laman yang tyan mo,” ani Mama nang mapansin na ako roon. Sumunod na ako agad at nagmadali na sa pag kain at nang matapos ay nag paalam na ako kila Mama at Papa para makaalis na. “Mag iingat ka nak, hindi na kita maihahatid ha. Kabisado mo naman na talaga siguro ang daan papunta roon.” Pag aalalang wika ni Papa. “Opo, wag na po kayo mag alala kaya ko na po.” Sagot ko. Tumango lamang sila sa sinabi ko at saka ko na tinungo ang daan palabas ng bahay. Nang malapit na ako sa sakayan papuntang school natanaw ko naman agad si Lavinia na nag aabang na rin kaya sabay na kami sa pag pasok. --- Hindi ganon katagal ang byahe namin papasok. Tahimik din ang buong byahe kanina. Nagtataka akong nag lakad sa hallway papunta sa room namin dahil halos pinagtitinginan ako ng mga kapwa ko estudyante. Nagulat na lang ako nang malaman ko ang dahilan. May isang katamtaman na laki ng kahon na nakabalot sa kulay pink na giftwrapper sa ibabaw ng desk ko, pag lapit ko roon ay may litratong naka ibabaw sa kahon na iyon sa gilid ng laso. At ang mukha na nasa litrato ay walang iba kundi kay Kyle. Kuryosong lumapit si Lavinia, kaya naman nang makita niya ito ay tumawa siya ng malakas. Ang pag tawang iyon ni Lavinia ay siya namang pag pasok ni Kyle sa room kaya mas lumakas ang tawa nito. “H-hoy ano naman tong pakulo mo na to ha? Hahaha m-mokong!” komento ni Lavinia sa pagitan ng malakas niyang tawa. “At talagang may pa picture ka pa ha? GGSS lang boy?” dagdag pa nito kasabay ang paghagalpak ng tawa. Hindi ko naman alam kung anong ire- react dito dahil naguguluhan ako sa kung anong balakin nitong si Kyle. Pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko ito kaya dali- dali ko na lang itong ipinasok sa bag ko para matapos na rin ang topic tungkol dito. Pinakalma ko naman na rin si Lavinia dahil baka datnan pa kami ng prof namin lalo pa at mag ooras na para sa una naming klase. Madali namang lumipas ang oras at hindi namin namalayan na lunch break na pala. Nang papunta sa canteen ay napansin namin ang Kyle na tumatakbo papunta sa direksyon namin ni Lavinia. “Oh ano kakain na ba tayo? Anong kakainin natin?” ani Kyle na tila close na close siya samin ni Lav. “Kyle tigilan mo nga kami! Mas mapayapa buhay namin kung wala ka.” Pag tataray na sagot ni Lav at halata mo naman ang pagka inis niya rito sa binata. “Bakit? Hindi naman ikaw ang sasamahan ko ah?” Sagot niya sabay tingin sa akin. Nailang naman ako sa tingin niya na iyon kaya yumuko na lamang ako. Sasagot pa sana si Lav pero pinigilan ko na siga at saka sinenyasan na hayaan na lamang siya. Kumakain na kami ngayon dito sa napiling table ni Kyle na hindi naman na masama dahil medyo tahimik ang pwesto rito. Si Lav maya’t maya ang gustong pangongontra sa lahat ng sinasabi ni Kyle pero pinipigilan ko lamang siya para iwas away na lang. Nagulat naman ako nang biglang kinuha ni Kyle ang plato ko at saka sinimulang himayin ang ulam na napili ko, hipon. Paborito ko kasi yun lalo na sa lutong oyster sauce at luya. “Anong ginagawa mo Kyle?” tanong ko kahit nakikita ko naman kung anong ginagawa niya, pero kase plato ko yon wala ba siyang kanya? “Ano pa ba? Pinag hihimay kita para hindi ka na mahirapan sa pag kain nito,” sagot ni Kyle. “Naku! Hindi na amina yan kaya ko namang himayin yan. Sanay ako diyan,” nahihiyang sabi ko. “No, I insist.” Pangungulit ng binata. Napatitig na lang din ako sa ginagawa niya na seryosong- seryoso pa at buong atensyon sa ginagawa. “You insist... mukhang hindi mo naman kayang hinayin yan eh, tignan mo nga putol- putol na ang mga hipon kawawa naman sila. Hindi ko na mae- enjoy yan kung ganyan na sila kaliit.” Pang aasar ko. Kase totoo naman mukhang hirap na hirap siya sa pag babalat, bakit ba kase pinapahirapan niya ang sarili niya. “Hala sorry, paano ba dapat?” aniya na halata sa mukha niya ang pag aalala dahil napaniwala ko siya sa sinabi ko. “Hahaha biro lang, amina kasi yan ang kukit mo rin kasi eh gusto mo pang pinapahirapan sarili mo.” Tugon ko. Hindi naman na siya sumagot at hinayaan niya nang kunin ko pabalik ang plato ko. At si Lav naman sa katabing upuan ko ay tahimik lang at pairap irap sa lalaking kaharap ko. Alam at ramdam ko na kung bakit ganito ang kinikilos ng kaibigan ko na to. Hindi niya gusto si Kyle pero hinayaan ko na lang muna siya dahil halata mong wala talaga siya sa mood at pag dating talaga rito kay Kyle eh nag iiba ang aura niya. Ganoon kasi talaga siya, sa maiksing panahon na nakilala ko si Lav kapag ayaw niya ang tao ay ipapakita talaga niya ito hindi siya ung tipo na makikipag plastikan pa, ayun naman rin ang nagustuhan ko sa kaniya. Maya maya pa ay nagpaalam siya na mag ccr muna dahil daw sumakit ang tiyan niya. “Ha? Bakit? Okay ka lang ba? Gusto mo samahan na kita?” pag aalalang tanong ko. “Hindi na kaya ko na to, yung mokong na lang diyan ang samahan mo.” Sabay irap kay Kyle bago siya tumalikod upang pumunta sa palikuran. Alam kong para kay Kyle ang pag aattitude niya na iyon. Nag aalala man ako para sa kaibigan ko, nahihiya rin naman ako na iwanan tong si Kyle. Isa pa sabi naman ni Lav kaya niya na, kilala ko siya pag sinabi niyang kaya niya ay kaya nga niya. Kaya naiwan kaming dalawa rito ni Kyle. “Pag pasensyahan mo na yung kaibigan ko ah, ano ba kasing nangyari at inis na inis siya sayo?” ani ko sa kaniya. “Hindi ko rin alam eh, baka sa sobrang ka gwapuhan ko eh nakakainis na pala para sa kniya hahaha.” Mahangin na sabi niya. Ngumiti lamang ako ng pilit roon at nahalata niyang hindi ko nagustuhan ang sagot niyang iyon. Medyo naiintindihan ko na ngayon ang kaibigan kong si Lav kung bakit nga siya inis sa bintang ito. “But kidding aside, uhm... about dun sa binigay kong gift sa iyo.” Pag iiba niya ng usapan. “Oo nga, bakit ba may pag ganun ka pa? Nkakahiya tuloy sa buong klase pinagtitingan at pinag uusapan nila ako.” Komento ko. Hindi siya sumasagot, bagkus ay tinitigan niya lamang ako na para bang may gusto siyang sabihin. Nailang naman ako roon kaya napayuko na lang ako ulit. Napansin naman niya ang pagka ilang ko kaya naman sandaling tumahimik ang atmosphere sa pagitan namin. Awkward na katahimikan. “Wala ka bang naaalala? I mean bukod sa katabi mo ko sa unang klase. Wala kang natatandaan?” tanong ni Kyle na siyang nakapag basag ng katahimikan. “Ha? What do you mean?” pagtatakang tanong ko. Bigla naman akong nag alala at kinabahan sa tanong niya. Baka kakilala ko talaga siya at nakakahiya namang hindi ko siya matandaan. “Nagkita na kasi yata tayo noon sa isang art work shop noong summer. Natatandaan kita. Kailan ko lang din napagtanto. Hindi mo na lang siguro ako matandaan," aniya. Napaisip naman ako ng malalim doon pero wala nga talaga ako matandaan. “Ako pa nga yung nang hiram sayo noon ng brush. Tapos ganito pa itsura ko noon.” Pangungumbinsi niya sabay pinakita ang litrato niya mula sa cellphone niya. Ginunita ko pa ang mga alaalala noong bakasyon. Sa pagkakatanda ko ay may pinuntahan nga akong art workshop dahil sa pagungumbinsi na rin ni Papa. Hindi kasi ako tandain ng mga itsura ng tao kaya ganoon na lang kung pano ko nahirapan sa pag iisip sa sinasabi nitong kasama ko. "Come on, magkatabi tayo noon," aniya muli. Sandali pa, tila may nagliwanag na bumbilya sa itaas ng ulo ko. “Ahhh ikaw ba yun? ...Yung mayabang na lalaki na panay ang kausap sakin?” at naalala ko na nga, ganun nga siya mukha kasi talaga siyang mahangin noon. Nag mature na lang ang itsura niya ngayon pero mayabang pa rin. “Grabe ka naman, pero tanda mo na nga?” paninigurado niya. “Oo, naaalala ko na,” maikling sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD