Chapter 15

1847 Words
Lumipas ang mga oras at nakuha ko ng nakapag hapunan, nakapaglinis ng katawan at makatapos ng dalawang assignment mula sa dalawang minor subject namin. Kasalukuyan akong nakaupo sa study table ko, hawak- hawak ang cellphone sa hindi ko rin malaman na dahilan. May ilang saglit pa ng mapagpasyahan kong tunguhin na ang higaan at nang makapag pahinga na. Sakto namang may lumabas na mensahe mula sa notification bar at nang makita ko kung sino ang nagpadala ng mensahe, hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Gabing- gabi na hindi pa rin natitigil ang kakornihan nito jusko? Pinag isipan ko pa kung re-replyan ko si Kyle dahil kung oo, malakas ang kutob kong hindi na to titigil sa pagcha- chat lalo na't nabigyan ng inisyal na pansin. Di nagtagal at rumehistro na ang larawan nito sa screen ng cellphone ko. Senyales na tumatawag ito. Wala naman sigurong masama kung sasagutin ko hindi ba? Isa pa, natutuwa rin naman ako sa kanya. "Uy hello? Ayy... puro tenga yata ang nakikita ko Nukk?" panimula ng binata. Natigilan naman ako sa aksyon nang ma- marealize na hindi lang pala simpleng call ang nasagot ko. Ganon na lang at agad kong nilayo ang cellphone sa tenga ko. Noon din nakita ko ang mukha ng lalaki na kuntodo ngiti sa sandaling ito. "Ikaw ah, nilalapit mo ko sa utak mo. Di mo ko maalis sa isip mo no?" banat ng lalaki at hindi ko naman napigilang ngumiwi rito. Totoo na to, nauumay na ako. Nariyan pa't narinig ko ang lalaki sa maikling tawa nito. "Anong meron napatawag ka? Matutulog na sana ako eh'," ani ko. Totoo naman na patulog na talaga ako no. "Ahh? Naistorbo ba kita? Sige na, sige na. Matulog ka na," bawi niya. "Ehh?" "Akala ko kasi nagpupuyat ka. Now I know bakit healthy looking ang skin mo. Disiplinado pala ang tulog," dagdag ng binata. Natawa naman ako ron. Nagawa niya pang magpasok ng ganon ka- random na bagay ano? "Ganon? Pati skin ko ino- observe mo na rin ah, Kyle? Matatakot na ba ko neto?" bawi ko. "Uy hindi ah. Huwag, baliw! Huwag ka matakot sa akin. Ako lang to," tugon naman niya. So may 'baliw' basis na rin tayo ngayon. Nagiging kumportable ah? Nagtagal ng isang oras ang pag uusap namin. Hindi na nakakapagtaka kung medyo late akong nagising kinabukasan. Mabuti na lang at hindi uminit ang ulo ni Mama. Ang kaso nga lang, naiwan ako ni Papa dahil nauna na itong bumyahe dahil kailangang maagang pumasok nito para sa mga naiwan niyang trabaho mula kahapon. Habang naglalakad papasok ng gate ng paaralan, halos mahulog ko ang bitbit na tote bag nang maramdaman ang biglang pag akbay ng kung sino mang lalaki ang nasa tabi ko ngayon. Agad kong nilingon iyon at hindi ko naman inaasahang si Kyle pala iyon. Para talagang kabute. Kung saan saan na lang sumusulpot. "Good Morning Ms. Healthy-looking skin! Wala kang kasabay? Nasaan si Lavinia?" maagang panimula ng binata. Saka ko naman naalala ang pagliban ni Lavinia kahapon. Siguro naman papasok na iyon ngayon no? "Hindi ko siya nakasabay. Wala akong ideya bakit eh," matamang wika ko sabay marahan na inalis ang kamay ng binata sa ibabaw ng balikat ko. Mabigat kasi at saka ang init- init. Hindi rin ako kumportable roon lalo pa't marami ring mga studyante ang kasabay naming naglalakad. Baka mamaya eh' nakaka istorbo kami sa daan ng mga kapwa namin estudyante. "Ah-uhm sorry... ahhh akin na yung bag mo, tulungan na kita diyan," wika niya. Hindi pa man ako pumapayag at nakuha na nga nito ang tangan- tangan kong bag. Masyado na tong nagpapabibo at hindi na ako ganong natutuwa. Nahihiya naman akong magsabi dahil baka sabihin ng iba napaka arte ko naman para lang sa ganoong bagay. Ilang sandali pa, hindi ko inaasahang susulpot ang pamilyar na wangis ng babae sa harapan namin. Mabilis niyang nasungkit pabalik ang bag ko mula kay Kyle. Hindi rin ito nagpahuli at nagpabaon ng iilang mga salita. Aniya, "You're making her uncomfortable. Hindi mo ba napapansin, Kyle?" Maya- maya pa at nakita ko na lang na inaabot ni Lavinia ang bag ko pabalik sa akin. Seryoso ang mukha nito at kung ako ang pinagsabihan niya ng naunang sinabi, matatakot ako sa presensya at tono ng pananalita nito. "G-ganon ba? I-I'm sorry," pagpapakumbaba ni Kyle. Madalang ang ganitong pagkakataon. Yung tipong hindi gumaganti pabalik si Kyle sa mga banat ni Lavinia. Sa wari ko, na- threaten din ito sa postura at pananalita ng dalaga. Humarap din sa akin si Kyle at saka bumulong ng mahinang sorry. Tumango lang ako at saka na lamang nginitian ang binata. Muli rin naming narinig si Lavinia na magsalita. Baling ng dalaga, "Oo, halata naman nanliligaw ka. But please be mindful. Yan ang problema sa inyong mga lalaki. Parang ngayon lang kayo nakakita ng babae. Insesitive kayo madalas." Ganon na lang at naramdaman ko ang pag hatak ni Lavinia sa braso ko. Hindi naman mabilis na mabilis ang lakad pero dama ko yung paghila nito sa akin habang naglalakad. Napansin ko rin ang pamumuo ng bilang ng mga tao sa huling lugar na kinalalagyan namin kanina. Siguro eh' mga nakikiusyoso sa nangyari sa pagitan nila Lavinia kanina. Habang tinatangay ng dalaga, sandali akong napatitig sa kamay nitong pinang hahatak sa akin. Nanlaki ang mga mat ko buhat ng mapansin ang tila malalaking pasa sa iilang mga parte kamay niya. Sandali pa't inilibot ko na rin ang tingin ko sa iba pang bahagi ng katawan ng dalaga. Ganon na lang at nagkaroon ako ng lakas na pahintuin kami pareho sa paglalakad. "Ano yang mga pasa na yan?" ani ko sabay turo sa kulay berde at asul na parte ng braso niya. Tinapunan niya lang ako ng malamig na titig. Akmang lalakad na sana siya pero buti na lang at napigilan ko. "Absent ka pa lang kahapon tapos babalik ka na puro ganyan? May nangyari ba?" dagdag ko ngunit naging dahilan lamang iyon para magrolyo ng mata si Lavinia. Sa unang pagkakataon ay sinagot niya ako. Sa sandaling ito ay tumawa siya ng nakakaloko sa pag asa sigurong mapapakalma ang nag aalala nitong kausap. Aniya, "Nag practice akong mag motor kasama si Dad. Wala lang tong mga to. Ano? Papasok na tayo?" Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi niya pero wala na rin akong nagawa ng muli nitong ilapit ang kamay sa braso ko para hilahin papasok ng silid. Tahimik na lang akong sumunod sa kaibigan dahil sa tingin ko naman ay wala rin akong makukuhang tugon dito. Nang makarating sa pintuan ng aming silid, nagtaka naman ako dahil agad na dumiretso si Lavinia sa dulong bahagi ng kwarto. Akala ko pa naman ay pu- pwesto siya sa tabi ko tulad ng nakasanayan. Noon ko na lang din naisip na baka hindi niya lang trip ang makipag socialize kaya hinayaan ko na lamang siya sa gusto niya. Dumiretso ako sa upuan ko. Hindi rin nagtagal at inokyupa ang katabing upuan ko ng kilalang lalaki. Pag lapag pa lang ng gamit ni Kyle, napansin ko rin ang distansyang iginawad nito sa akin. Maamo rin ang mukha nito at di ko napagilang ma- guilty sa sinapit nito kanina. Tulad ng madalas na ganap sa paaralan, ilang discussion, activities at kung anu- ano pa ang pinasimulaanan sa unang bahagi ng araw namin. Pagpatak ng tanghalian, minabuti kong magtungo ng canteen mag isa gayong hindi ko na napansin pa ulit si Lavinia. Iniiwasan naman ako ni Kyle kaya wala talaga akong choice kung hindi buhayin ang sarili ko sa araw na ito. Habang kumakain mag isa, bigla namang lumapit sa akin sina Stef, Ed at pati na rin yung isa pa naming kaklase. Sa tinagal- tagal ko na rito, hirap pa rin ako sa pagkakakilanlan ng mga kaklase ko. Sandali pa't bumati 'yong tatlo sa iisang koro sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan ko. Napatingala na lang ako sabay bawi ng tipid na ngiti. "Tumahimik ata buhay mo? Nawala yung dalawa?" ani noong babae. Sinundan naman agad ni Edward yung unang banat ng kasama niya. Ani ng lalaki, "Balita ko nag away sila kaninang umaga ah? Bakit daw?" "Totoo ba yung sabi- sabi? Binastos ka raw ni Kyle? Minanyak ka? Lason talaga ang mga lalaki eh!" pagrereklamo ni Stef. May kung ano sa sandaling iyon na siyang nagpawala ng gana sa pagkain ko. Wala akong ideya kung saan nanggaling ang ganong balita pero hindi tama na sabihin nila iyon lalo pa't wala namang katotohanan. Alam kong biktima ako pero hindi naman tama ang umiikot na balita patungkol kay Kyle. Kahit papano, natutuwa naman ako sa lalaking iyon at batid kong hindi niya intensyon ang mailang ako kaninang umaga. Sinubukan kong ikalma sandali ang sarili ko bago hinarap ang tatlong chismosa na ito. Ngayon, alam ko na kung bakit pinapaiwas ako ni Lavinia sa kanila Edward. Salamat sa kanila at mas nadagdagan ang tiwala ko sa nag iisang kaibigan ko sa classroom. Bawi ko sa kanila, "Walang katotohanan na minanyak ako ni Kyle. Kung ano man yung ganap kanina, hindi ko naman na siguro kailangang i-explain pa iyon. Sana sa susunod, iwasan natin yung mga ganito. Nakakasira tayo ng image ng ibang tao samantalang wala naman tayong alam sa totoong nagyari." Sa abot ng makakaya ko, sinubukan ko talagang sabihin ang mga salitang iyon sa pinaka maayos at pinaka kalmadong paraan. Baka mamaya, ako naman ang mabalita sa kung saang sulok ng paaralang ito patungkol sa pag a-address ko sa mga maling kwento ng mga kapwa namin estudyante. Ganon na lang at humingi ng tawad ang tatlo bago isa- isang nag alisan. Mabuti naman at nang matapos ko na rin ang tanghalian ko. Pinagpatuloy ko na ang pagsubo sa pagkain ko pero maya- maya lang, nakarinig ako ng tinig ng isang lalaking pamilyar sa akin. Si Kyle. "Hindi mo na dapat ginawa yon. Tama naman sila. Deserve ko naman yon dahil sa ginawa ko sa iyo kanina," malungkot na turan nito. Napaangat ako ng kilay sa tono nito. Sad boy yarn? "Seryoso ka ba?" maikling wika ko. Muli na naman tuloy akong natigilan sa pagkain. "Oo. Ang insensitive ko kasi. Diba nga sabi ni Lavinia insensitive ako? Sorry ha, hindi ko napansin. Ganito kasi talaga ako. Happy happy lang. Di ka kasi nag sasalita kaya akala ko okay lang sa iyo," balik ng binata. Nakakaawa pa ang tono ng pananalita niya kaya lalo naman akong na- guilty. Idagda mo pang naalala ko ang nangyari kaninang pang ko- call out ni Lavinia sa kanya. Sa kabilang banda, tila naintindihan ko naman ang punto ni Kyle. May mali rin ako dahil kung nagpasabi agad ako na hindi ako kumportable, maiiwasan ang nangyari kanina at hindi sana siya mapapagsasabihan ni Lavinia. Idagdag mo pang kumalat sa buong school ang maling akusasyon laban sa kanya. "Para makabawi, may gagawin ka ba mamaya? Libre kita, tara?" Nagdalawang isip pa ako sa alok nito ngunit naisip ko rin naman na wala naman akong gagawin after school kaya pumayag na rin ako. May ilang sandali pa kaming nagpatuloy sa malimit na kwentuhan hanngang sa napagpasyahan naming pumasok na sa susunod naming klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD