At lumipas ang ilang mga linggo at napakarami naming ginagawa sa paaralan.
Para ba namang sinumpa ang nakalipas na ilang mga linggo dahil sa dami ng tambak na mga gawain sa paaralan at sabay-sabay pa ang mga deadline ng ilang mga subject. Minsan napapatitig nalang ako out of nowhere, hindi ko alam kung bakit, ngunit napakalalim ng aking mga iniisip.
Kinabukasan...
Nang ako’y makabangon mula sa akung alarm, agad hataw naman si mama sa pagtawag sakin.
“Nukk! Bumangon ka na, baka ika’y malate sa iyong paaralan.”
“Heto na po Ma pababa na.” ang sagot ko naman sa aking mama na akala mo ay tanghali kaagad.
At nang aking pagkababa ay sumalubong si mama na nagluluto na ng agahan at si daddy na nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape. Mayamaya pa nang matapos na kaming magagahan kaagad naman akong inaya ni daddy para ihatid sa plaza.
“Nukk, tara na baka ika’y malate pa.”
“Sige po daddy, magliligpit lang pa ako ng pinagkainan.” Ang sagot ko sakanya.
Tapos na akong magligpit ng aming mga pinagkainan at nagpaalam na kay mama para lumisan.
“Ma, alis na po kami ni daddy. Bye, love you!” ang pagpapaalam ko sakanya.
“O sige, ingat kayong dalawa ha. Love you both.” Ang sagot niya sa akin.
Mga ilang saglit pa at naihatid na ako ni daddy sa plaza.
“Ingat ka Nukk ha. Bye aalis na si daddy.” Ang sambit sakin ni daddy habang kinakaway niya ang kanyang kamay.
“Sige po, bye!” ang sagot ko naman.
Habang ako’y naghihintay ng masasakyan, ikinuha ko muna ang aking gadget at saka isinuot ang aking earphones at nagpatugtog ng kanta sa cellphone ko at hinayaan ang sino mang singer na kumanta sa magkabilang panig ng tenga ko.
Maya- maya pa't napansin ko ang pagdami ng mga studyante ngunit hindi rin nagtatagal ay agad silang nababawasan buhat ng mga namamasadang tricycle drivers na nagsasakay sa kanila. Hindi nagtagal, nakapagpara na ako ng aking masasakyan. Sa kaparehong sandali, tuloy- tuloy parin ang pagtugtog ng musika na inenjoy ko naman.
Naging mabilis ang byahe namin gayong walang gaanong pamumuo ng traffic sa paligid. Nang nakarating na ako sa unibersidad, ibinulsa ko agad ang earphones ko para na rin sa paghahanda sa klase namin.
Pagkapasok ko palang ng silid ay agad bumungad sa aking harapan si Kyle.
“Magandang umaga aking binibini. Napakaganda ng araw ngayon, pero mas maganda ka.” Ang wika niya na may pa smirk pang nalalaman. Sa tingin ko ay naka move on na rin ito sa pangyayari kahapon. Labis ko namang ikinatuwa iyon dahil hindi na dapat pa pinapalaki ang maliit na gusot na iyon.
Sa sinabi ni Kyle, ewan ko ba't tila may kumiliti sa akin sa sandaling iyon. Kinikiligako ngunit hindi ko ito pinapakita.
Agad ko namang narinig si Lavinia na hindi ko agad napansin ang presensya. Sa tingin ko naman, mas gumaan na ang naunang tensyon sa pagitan ng dalawa. Malayo sa tahimik at malamig na tinginan ng mga ito. Isa pa, hindi na rin ata masama ang gising ng dalaga gayong nagawa na nitong ngumiti sa akin hindi katulad kahapon na bigla na lang itong nawal.
“Ang korni mo naman, bahala ka diyan,” baling ng dalaga at saka ako'y hinablot papunta sa aming inuupuan. Hindi ko alam na sabay lang pala kaming nakapasok sa paaralan. Kung hindi niya pa sinabi wala talaga akong ideya. Minsan naiisip kong potential ninja tong batang to.
Nang mapadpad sa pwesto, muli kong naalala ang mga pasang nakita ko kahapon sa braso niya. Ganon na lang at hinigit ko ang kamay niya upang i- check muli ang mga iyon. Hanggang ngayon kasi duda pa rin ako sa rason nito.
Pag angat ko ng suot nitong jacket, bumungad sa akin ang mas dark na kulay ng mga pasa niya. Dahilan upang mas lalong umusbong ang pag aalala ko. Ani ko, "Sigurado ka walang nangyaring masama sayo? Parang di naman normal to?"
"Normal yan sa mata ko," saad ni Lavinia at saka mabilis na binawi ang kamay niya. Kung gano kabilis niyang inalis ang kamay niya, ganon din kabilis nawala sa mood ang dalaga. Magsasalita pa sana ako nang bigla namang dumating ang guro namin. Nagsiayos naman ang mga kaklase gayon din naman ako.
“Magandang araw aking mga estudyante. Ngayon, inaasahan ko kayong makinig sa lesson natin ngayon dahil maaaring lumitaw ito sa inyong mga test na aking ibibigay.
Habang naglelesson si Sir ay lagi namang nagpapasimple itong Kyle. Lagi siyang tumititig sa akin at kapag naman napapansin ko ito ay tumitingin naman siya palayo. ‘Di ko talaga maintindihan ‘tong Kyle na’to. Ilang beses pa itong naulit. Hanggang sa napansin ito ni Sir ngunit hindi naman niya binanggit. Makalipas ang ilang mga oras ay natapos din ang klase ni Sir
“Okay class tapos na ang lesson natin for today.” Ang pagwawakas ng klase ni Sir.
“Kyle, bawas-bawasan mo nga ang pagtitig kay Nukk sa susunod habang ako’y nagkaklase, at baka siya’y matunaw sa iyong ginagawang pagtitig.” Ang dagdag niya habang nakatingin kay Kyle.
Agad naman akong nagulat sa sinabi ni Sir dahil ang akala ko ay hindi niya ito babanggitin, pero akala ko lang pala.
“Yieeeeeeeee!!!”
“ayieeee!”
“sanaol!!”
“keleg eke!!”
Ilan lamang sa maririnig na paghihiyawan ng buong klase. Bigla naman akong nahiya at namula ng kaunti, ewan ko kung bakit haha, kaagad naman tumitig si Kyle saakin napatingin naman ako ehehe shwempwe.
“Class, tigil na sa kilig at hintayin na nating magring ang bell para kayo’y makakain na.” ang pag-aawat ni Sir sa buong klase.
"Okay po Sir!" sagot ng karamihan.
Tulad ng sinabi ay naghintay na lang nga kami ng senyales ng labasan. Nang marinig iyon, humirit pa nga si Sir ng huling anunsyo nito dahilan upang ma- delay kami sandali sa pagpunta sa canteen. Nagmamadaling turan ng nakatatanda, "Huwag niyo kalimutan no, malapit na idaos yung Art Workshop. Marami kayo matututunan doon. This Saturday na iyon. Yun lang namanm class dismiss!"
Kaagad naman kaming lumabas ni Lavinia para maagang makapunta sa canteen at makaorder ng maaga.
“Hoy Nukk, anong order mo? Ako na magorder.” Ang tanong sakin ni Lavinia.
“Sama nalang ako Lavinia.”
“O sige tara.”
Ilang sandali pa at nakapag order na kami. “Hayy, salamat naman makakakain na.” ang wika ni Lavinia habang kami ay naglalakad papunta sa lamesa’t upuan at dala-dala ang aming mga pagkaing inorder.
“Ou nga gutom na ako.” Ang sagot ko naman sa kanya.
Habang kami’y kumakain ni Lavinia mayroon siyang biglang nabanggit.
“Nukk, nakita kita kanina ba’t ka mo raw kinikilig ka nung binanggit ni Sir na bawasbawasan ang pagtitig sayo ni Kyle, huh?” ang kanyang tanong sakin. Tila nasa mood ang dalaga para makipag asaran. Hindi ko na nagawa pang ibalik ang usapan patungkol sa mga pasa niya gayong tila ayaw niya namang magsabi tungkol doon.
“U-umm ewan? Ang sagot ko kay Lavinia, totoo naman ewan ko ba ba’t natutuwa ako and at the same time kinikilig kay Kyle.
Mga ilang minuto ang lumipas at tapos na kaming kumain ni Lavinia ng pananghalian. Bigla namang sumulpot si Kyle out of nowhere like always, at laging bumabanat, ako naman ‘tong namumula palagi sa kanyang mga sinasabi.
Makalipas ang ilang minuto at pinagpatuloy na rin ang ilang mga lessons ngayong araw para sa ibang mga subject.
Dumating na ang uwian. Kami ni Lavinia ay laging magkasama sa pag-uwi.
“Tara Nukk bili muna tayong tusok-tusok sa labas ng school.” Ang pangaaya niya sa akin.
“Sige sarap nun.” Ang pagsang ayon ko.
“ Manong, 10 pesos nga pong fishball,10 pesos pong kikiam,10 pesos pong hotdog saka po 5 pesos pong palamig. Eto po bayad” ang sabi ni Lavinia sa nagtitinda.
“O sige, ikaw iha, ano naman sayo?” ang tanong niya sakin.
“10 pesos pong kwekwek, 10 pesos pong kikiam, 10 pesos pong squidball saka po 5 pesos na palamig.” Ang sagot ko.
“Hintayin niyo nalang maluto ang mga pinamili niyo ah mga iha” ang sabi niya samin ni Lavinia.
“Sige po.” Ang sagot namin.
Makalipas ang ilang minuto at naluto na rin ang aming mga pinamili.
“Salamat po Manong.” Ang wika naming dalawa ni Lavinia.
Sabay naman kaming umuwi ni Lavinia habang kinakain namin ang aming pinamiling tusoktusok. Dumeretso naman kami sa aking bahay at doon muna nanatili. At mga ilang oras ay umuwi na rin si Lavinia sa kanila.
--
Makalipas ang ilang araw at sabado na, magi-stay si Lavinia sa bahay namin para mag-overnight. Nang makarating siya sa bahay namin agad naman niyang binati mga magulang ko “Hello po tita and tito.” , wika niya at sabay sa pagmano sa kanilang dalawa
“O hello iha, halika pasok ka.” Wika ni mama na nasa sala nagku-kwentuhan kasama ni daddy.
Kaagad namang pumasok si Lavinia at inaya ko siya sa aking silid at nagkwentuhan kami.
“Kumusta naman kayo ni Kyle, Nukk?” kaswal na tanong niya sa’kin. “Kailan mo siya sasagutin?” dagdag pa niya.
“Ha? Anong pinagsasasabi mo Lavinia? Hindi naman siya nanliligaw.” Ang sagot ko sa kanya
“Aysus, kunwari ka pa. Kilig na kilig ka nga sa mga kakornihan ni Kyle. Sa pagbibigay pa lang niya ng mga free snacks, mga bulaklak na napupulot na ibinibigay niya sa’yo araw-araw, Halatang- halata na namumula at kinikilig ka,” saad niya. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o naiinis?
“Natutuwa lang kasi ako sa mga paganon-ganon ni Kyle, kahit na hindi ko siya pinapayagang manligaw sa’kin, saka isa pa wala naman akong maalalang may sinabi si Kyle na mangliligaw siya sa’kin,” sagot ko naman.
“Kahit anong gawin mo Nukk , magiging magkasintahan pa rin kayo,” sabi niya sa’kin. Napalingon naman ako rito at ilang segundo lang ang pagitang nang magsalita itong muli. “Ganyan na ganyan kami non. Kasi kahit ako kinikilig rin sa mga pangungulit ng jowa ko nung nasa parehong stage tayo,” dagdag pa niya.
“Hala! May jowa ka na pala Lavinia? Gulat ako kala ko wala?”