“Grabe naman yung pagkagulat mo. Hindi ba halata sa akin na nagkaka- boyfriend ako?" reklamo ni Lavinia bitbit ang seryosong itsura nito ngayon. Maya- maya dagdag pa nito, "Matagal na kami, magt-three years na.”
“Bakit hindi mo sinabi kaagad sa’kin? Ba’t hindi ko napansin na may lovelife ka na pala Lavinia? Ba’t parang walang pumupunta sa’yo dito sa school? Ba’t hindi ko napapansin na may ka-text ka o ka-chat?-" hindi pa man ako tapos at sumingit na ang kausap ko.
"Teka nga! Isa- isa lang!" sa turan nito ay saka ako natawa na lang. Dahil dito, mas lumakas pa ang loob kong gatungan ang mga nauna kong tanong.
"Ba’t hindi kita nakitang kinikilig kapag kaharap mo gadget mo Lavinia? Napakarami ko atang nalampasan na pangyayari. Ba’t hindi man lamang ako na-inform? Ba’t walang sumusundo sayo sa paaralan? Ba’t hindi kayo magkasama palagi? Malayo ba kayo sa isa’t isa? Saan mo siya nakilala? Love at first sight ba kayo? Sa online ba kayo nagkakilala?”
Ang buong akala ko, mapipikon ito ngunit kabaligtaran noon ang nangyari. As a response, she just smiled. Para sa akin ang kanyang ngiti sa kanyang labi ay hindi gaanong totoo. Anong nangyari sa kanya? Noon din at napalitan din ang ekspresyon ko ng seryosong titig sa dalaga.
She changed the topic very quickly. “Tara nood nalang tayo ng movie, anong gusto mo?” ang tanong niya sa’kin na para ba’ng hindi niya gustong pag-usapan ang kanyang lovelife, sumang-ayon naman ako.
“Sige, luto muna tayo ng makakain natin para may lalamunin tayo habang tayo’y nanonood ng pelikula.” Agad naman naming niluto ang french fries, at habang ito’y naluluto kami’y nagpapatugtog ng kantang kapareho noong unang beses na magsabay kami sa jeep ni Lavinia.
Si Lavinia ang nagluluto ng french fries at ako naman ang nagluluto ng popcorn. Habang ito’y naluluto, tuloy pa rin sa pagtugtog ang musikang naka-play. Malimit naming sabayan ng dalaga ang malakas na tugtog at inaamin ko namang nae- enjoy ko ng sobra ang company ni Lavinia.
Nanatili kami sa ganong senaryo sa kusina. Para kaming may sariling mundo. Todo sigaw pa nga dahil na rin pareho naming paborito ang kanta na naglalaro ngayon sa speaker. Nariyan pa nga't makailang beses bumisita si Mama sa kusina sa pag aalalang dulot ng pagwawala namin ng kasama ko.
Ngayo’y luto na ang french fries at ang popcorn, kumuha naman kami ng mga chichirya, candies, dragon sid (pumpkin/squash seed) at inumin tulad ng softdrinks, juice at tubig. Ipinatay na namin ang musikang tumutugtog kaagad naman kaming pumili ng panonoorin at saka nanood.
Napili ni Lavinia yung nakakatakot na palabas. Umalma pa nga ako roon pero wala na akong nagawa dahil iyon ang pinilit ni Lavinia na pagsaluhan namin. Hindi naman sa takot ako sa mga ganong uri ng palabas. Talagang naba- bother lang ako sa mga madugo, gulatan at iba pang klaseng thrill na dulot ng ganong genre.
May higit isa't- kalahating oras din bago natapos ang panoorin. Madilim na rin sa labas nang abutan namin ni Lavinia ang terrace. Nariyan at inabutan namin sina Mama at Daddy na nag lalambingan. Buong akala ko pa naman ay nag ga- garden itong dalawa.
"Oh? Nadyan pala kayo?" napatigil ang dalawa na kanina lang ay nagkikilitian pa.
"Ang sweet niyo naman Tito. Saan po ako makakakuha ng boypren tulad niyo?" baling ni Lavinia.
"Ay ikaw talaga iha! Wala munang magbo- boyfriend!" suway ni Mama na siyang agad na dinugtungan ni Lavinia. Ani nito, "Narinig mo ba yon, Nukk? Bawal daw boyfriend!"
Ganon na lang at umani ako ng intrigang tingin mula sa mga magulang ko. Dali- dali kong kinontra ang pasaring nitong si Lavinia na ngayon ay hindi mapigilan ang tawa. Dinig ko mula sa kanila Mama, "Nukk ha?"
"De joke lang, Tita. Behave po yan si Nukk," bawi ng kasama ko. Tila nabunutan naman ng tinik sa dibdib sina Daddy sa huling sinabi ni Lavinia.
Maya- maya pa at nag iba naman ang pinag uusapan buhat ng banggitin ni Mama ang patungkol sa church kinabukasan. Interesado namang tumugon si Lavinia na mas lalong ikinatuwa ni Mama. Ewan ko lang kung seryoso ba siya dahil mukha namang nagpapalakas lang din siya sa nanay ko.
Matapos ang napakahabang pagbobolahan, nangako si Lavinia na sasamang mag- church kinabukasan. Nagulat pa nga ako dahil hindi ko naman akalaing kusang loob talaga itong sasama.
--
Linggo ng umaga, tulad ng nakasanayan ay maaga akong nagising. Even though Lavinia said yesterday that she would accompany us, I considered asking her just to be sure. Maagang- maaga pa lang ay kinalabit ko na agad ang kaibigan ko. Laking tuwa ko pa nang agad siyang sumagot sa aking tawag. Para bang paunang senyales na sasama nga ito gayong hindi ito ang normal na gising niya sa tingin ko.
“Lavinia, mag c-church kami ngayon, gusto mo bang sumama sa amin?” ang pang-aaya ko sa kanya. “Oo no sasama ako. Baka sakalin ako ng mama mo,” ang sagot naman niya. Nagkusot pa ito ng mata.
Kami nama’y naghanda na upang pumunta na sa church habang si mama ay nagluluto ng agahan at si daddy ay nagkakape na habang nagbabasa ng dyaryo sa ibaba, sila’y nakabihis na at kami nalang ang inihintay.
“Lavinia ikaw na ang mauna sa pagligo, pagkatapos mo nalang dun ako maliligo.” Ang sabi ko kay Lavinia. “O sige.” Sagot naman niya. Nang matapos naman kaming dalawa na maghanda kaagad naman kaming pumunta sa ibaba upang kumain.
“O mga iha kain na muna tayo para may mga laman ang tyan natin at para hindi rin tayo kaagad magutom sa church mamaya.” Saad ni Mama.
Nang matapos na kaming kumain ay agad akong nagligpit ng aming pinagkainan at saka ito hinugasan, agad na kaming lumisan sa aming kinaroroonan at pumunta na sa church. At nang makarating na kami sa church kaagad namang bumungad si Pastor at ang kanyang pamilya.
“Good morning!” Binati nila kami sa aming pag dating at saka ako nag mano sa kanila ganon rin ang ginawa ni Lavinia.
“Uy! May kasama ka pa lang kaibigan. Maganda yan para lalo pa nating ma-share ang salita ng Diyos sa ating kapwa,” pormal na sabi ng aming Pastor. Nang lingunin ko si Lavinia ay inasahan ko na sa kanya ang iginawad niyang reaksyon. Marahil, hindi ito sanay sa ganon ka-kaswal na paraan ng pakikipag usap ng Pastor namin.
Mabuti na lang at hindi ganon kalaking ekspresyon ang ibinahagi nito. Tinuon ko naman pabalik ang atensyon sa nakatatanda at kagalang- galang lalaki sa harap namin.
“Opo Pastor, willing po sya na sumama dito sa church.” Saad ko naman
Ilang sandali pa’y dumadami na rin ang mga nagda datingan na mga kapatiran kaya sinimulan ni ni Pastor ang gawain.
“Magandang umaga po sa ating lahat! Handa na po ba tayong makinig at magpuri sa ating Panginoon?!” panimulang bati ng aming Presider sa aming lahat.
“Kung gayon tinatawagan ko na po ang ating Pastor upang simulan na ang ating morning devotion.” Siya namang pag akyat ni Pastor sa entablado ng church.
“Hallelujah! Bago po natin simulan ay maaari muna po ba tayong magsi tayo at manalangin upang mag palinis sa harapan ng ating Panginoong Hesus?” Paanyaya niya.
Ganoon na nga ang ginawa namin. Mahalagang simulan ng panalangin ang anumang gawain nang sa gayon ay ma i-guide tayo ni Lord at Siya lang ang patuloy na mangunguna sa buong gawain na iyon.
Nang matapos ang unang parte ng gawain ay wala nang sinayang pa na oras ang lahat at matagumpay lang ang naging flow ng bawat gawain.
Sumunod sa devotion ang maikling pag hahandog ng awitin sa Panginoon bago mag patuloy sa tinatawag na Sunday School. Patuloy na nangaral si Pastor patungkol sa mga aral ni Lord mula sa Bible upang sa bawat pag dalo ng mga kapatiran ay may mga bago kaming matututunan.
Matapos noon ay yung favorite part ko ng gawain, ang Praise and Worship. Dito ko kasi nailalabas ang lahat ng emosyon ko pati na rin ang the best na pag pupuri kay Lord, talaga namang mabebless ka sa presensya na mararanasan mo mula sa Kaniya.
Sumunod naman ang muling pangangaral ni Pastor at ang pinaka mahalang parte sa buong gawain, ito ang Preaching. Pumatungkol naman sa pag papatawad ang mensahe ni Pastor ngayong Linggo.
Sa bawat mensahe ni Pastor lagi niyang natutumpak ang dala dalahin mo kahit hindi mo naman sinasabi sa kaniya kung ano yung problema mo.
Alam naman nating lahat na kapag mababa ang iyong loob ay papaboran ka ni Lord. Ayun ang natutunan ko ngayon, na kahit ilang beses pa magkasala ang kapwa mo sa iyo, sa ilang beses na pag hingi niya na tawad ay ayun rin ang beses na magpapatawad ka.
Maaaring may roon sa atin na mahihirapan mag patawad ngunit kailangan mong bababaan ang iyong loob dahil si Lord na ang bahala sa mga susunod na hakbangin para sayo.
Matapos ang ilang oras at ang ilan pang mga parte ng gawain ay uwian na nga, uuwing blessed. Sisiguraduhin talaga ni Lord na uuwi kang may bitbit na aral mula sa Kaniya.
At nang matapos na kaming magchurch ay nagdrive kaagad si daddy sa fastfood para doon na kami kumain ng pananghalian.
“Gutom na ba kayo? Punta tayong fastfood, doon na tayo kumain para hindi na magluto mapapagod pa si Mama hehe.” Ang sabi naman ni daddy.
“Sige po daddy.” Saad ko naman.
“O mga nak, anong order ninyo?” ang tanong ni Mama. “1-pc. Chicken with Fries po sakin Ma.” Sagot ko. “Ganoon na rin po ang order ko.” Saad naman ni Lavinia. “O sige, kami na ang oorder ng daddy hanap na kayo ng mauupuan natin.”
Naghanap naman kami ni Lavinia ng aming mauupuan. “Doon kaya tayo Nukk?” Sabay turo ng dalaga na siya namang sinundan ng mga mata ko. Tulad ng nakasanayan, sa dulong bahagi pa rin ang direksyon namin. Baling ko na mema sabi lang, “O sige parang maganda nga ang pwesto diyan.”
Noong pagkaupo namin ay dumating na sila Mama at Daddy, sila’y nakapagprder na at hihintayin nalang namin. Habang hinihintay namin ang aming mga order ay kami’y nagkukwentuhan muna.
“Kumusta ang school? Hindi ba pasaway si Nukk, Lavinia? Ang tanong ni Mama kay Lavinia
“Hindi man po tita, marami nga po kaming mga gawain sa school pero kaya naman po.” Ang sagot naman ni Lavinia. Ilang mga sandali pa at kinuha nila mama at daddy ang aming order at saka kumain.
“Nabusog ba kayo?” ang tanong ni mama sa’min
“Opo.” Ang sabay na sagot namin ni Lavinia
“Tita, Tito maraming salamat po at tinanggap niyo po ako sa inyong tahanan at tinuring na anak. Uuwi na po ako sa bahay ng Lola ko baka po nami-miss na po ako eh,” ang pagpala-alam ni Lavinia sa aking magulang.
“Walang anuman iha, ihahatid ka na namin sa bahay ng iyong Lola,” sagot naman nila mama at daddy.
“Salamat po” ang pagpapasalamat ni Lavinia. Nang makarating na kami sa bahay ng kanyang Lola ay kaagad akong nagmano.
“Hello po Lola, ako po yung kaibigan ni Lavinia. Inihatid na po namin siya, nagbonding lang po muna kami. Paalam po at aalis na rin po kami,” pagpapakilala at pagpapaalam ko sa kanyang Lola.
“ Magandang araw po, kami po ang magulang ni Nukk. Inihatid lang po namin si Lavinia para po safe, paalam po.” Ang sabi at pagpapaalam din ng aking mga magulang.
“O sige, maraming salamat sa paghahatid kay Lavinia.” turan ng nakatatandang babae na katabi na ngayon ni Lavinia
“Bye Lavinia, sa susunod ulit!” huling saad ko sa kaibigan. Narinig ko pa nga itong magpaalam din sa mga magulang koa at mabilis iyong sinuklian ng huling kaway nila Daddy.
“Thank you po tita and tito," nakangiting kaway nito. Hindi ko alam kung kailan sila matatapos. Malamang at sasagot yan uli sila mama.
“O sige, walang anuman sa susunod muli.” Hindi naman ako nagkamali. Sa pagkakataong ito, nagsimula na rin kaming maglakad papunta sa behikulong dala- dala namin. Pagsampa pa lang sa loob ng kotse, noon ko lang napansin ang pagod dahil sa abalang araw namin.
May kulang isang oras ang byahe bago ko natanaw ang direksyon ng lugar namin. Pagkadating naman namin sa aming bahay kaagad naman akong pumasok sa aking silid at nag-umpisa na sa aking assignments na napakadami.
Nang ako’y matapos na nagpasya akong magdrawing muna habang ako’y nagpapatugtog ng musika tulad ng nakagawian. Pampakalma na rin at pampaantok. Ilang saglit pa at ako’y natapos na sa aking dinodrawing. Tinitigan ko muna nang saglit at humiga na ako sa aking kama at saka ako’y nakatulog na.